Chapter 1
This book takes place in the year 2015.
*****
"Ayoko nga!" sigaw ko kay Ate Chella sa telepono. "Ano bang klaseng libro 'yon ate, at talagang ako pa ang pinabibili mo?" naiinis ko pang hirit sa kaniya. Kasalukuyan akong nagsusuot ng rubber shoes dahil balak kong pumunta sa World Food Exposition sa Megamall, at ito namang si ate ay nakikisabay pa.
"Isa! Bilhan mo muna ako, tsaka ko babayaran pag-uwi mo. Pupunta ka naman sa mall eh, bilhin mo na 'yong Fifty Shades of Grey."
"Bakit hindi ikaw ang bumili? Ayoko!"
"Kung wala akong pasok, hindi naman kita uutusan! Minsan lang akong makiusap sa 'yo."
Napabuntong-hininga ako sa pang-gi-guilt-trip niya sa akin. Biglang nag-flashback sa akin ang mga pagkakataong ako ang nakikiusap sa kaniya. Hays, mukhang wala na akong choice. Pambihira.
"Basta babayaran mo ako, ha?" paninigurado ko.
Malakas naman siyang tumawa. "Oo! Anong akala mo sa akin? Hindi nagbabayad ng utang? Huwag mo akong igaya sa 'yo."
Ako naman ang natawa nang maalala ko ang mga utang ko sa kaniyang pera na hindi ko binayaran. Well, the perks of being a bunso.
"Sige na, bilhan mo na ako. Baka maubusan pa ako. Marami pa namang nagkakandarapa sa librong 'yon."
"Fine!" Binabaan ko na siya ng tawag tsaka ako nagmadaling lumabas pagkakuha ko ng bag ko.
I looked at my wristwatch, and it was 9:45 in the morning. Fifteen minutes na lang ay magbubukas na ang mall. I really need to make it on time, kahit pa 11 o'clock pa ang start ng Food Exposition, para first-hand kong makita 'yong fresh international cuisines and their chefs. And I'm sure, maraming pupunta kaya mas maganda talagang agahan ko na. Mamaya ko na lang bibilhin 'yong book ni Ate Chella. Mas mahalaga ang pupuntahan ko for my course—Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management.
Malakas ang tibok ng puso ko nang makarating ako sa event. Kumikislap ang mga mata ko nang makita ang maraming cuisines na nakalatag sa tables. Ang ganda pa ng plating! Hindi na ako makapaghintay na malapitan ang mga iyon isa-isa!
At hindi naman ako naghintay nang matagal. Actually, kung gusto mo talaga ang hinihintay mo, hindi mo iindahin ang bawat segundo. Hindi ka maiinip. Pagdating talaga sa cuisines, pumipintig nang mabilis ang puso ko. Naiisip ko palang na balang araw ay magiging chef ako at magkakaroon ng sariling restaurant, nagiging emotional na ako.
"Good morning, everyone! Thank you for coming here today!"
Dahil sa mahabang pag-iinarte, hindi ko namalayang magsisimula na pala. Kaya naman nang buksan na ang hall para sa aming mga food enthusiasts, hinanda na namin ang aming mga sarili. I prepared my phone storage for this also, so sisiguraduhin kong makukuhanan ko ng litrato lahat.
May mga kaunti pang remarks at talagang atentibo akong nakinig. Pinakilala pa ang mga chefs, pero dahil excited na ako, nakipag-unahan na ako para makita nang malapitan lahat ng plated dishes.
Tang ina. Kung sinuswerte ka nga naman. Nakakapaglaway lahat ng pagkaing nakahanda. Kumikislap ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang iba't ibang dishes na nakalatag sa tables. Hindi ko ito kinakaya! Lahat ng bad words na nakatago sa kalooban ko, gusto kong ilabas.
"Charlee Maine, is that you?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin at hindi ko inaasahan ang mga makikita ko—ang mga kaklase ko noong high school, sila Yura, Vana, at Pia.
"Long time, no see! Totoo bang lumipat ka na ng school? Sa South Middleton ka na? Bongga, ha?" sarastong litanya sa akin ni Yura.
Nagngitngit ang mga ngipin ko. Agang-aga. Binabadtrip ako ng mga ito. Bakit ba sila nandito? I doubt na mahilig din sila sa food exhibitions dahil mukha naman silang nangso-social climb lang. Sayang ang space para sa mga katulad nila.
"In fairness naman sa 'yo, new look ka na. Bakit? Dahil new school na? Akala mo ba matatago mo ang nakaraan mo sa kanila? I doubt you'll have friends."
Napabuga ako, bago ko sila nilapitan para angasan. Akala ba nila masisindak nila ako kesyo mag-isa lang ako?
"Una sa lahat, hindi ito ang lugar para magsimula kayo ng gulo. Wala na ba talaga kayong pinipiling lugar, Yura? Naka-graduate na tayo ng high school, oh. Dadalhin niyo pa ba sa college ang ganiyang mga ugali? Pangalawa, isa kayo sa dahilan bakit lumipat ako ng university. Hindi ko na kaya ang toxic niyong ugali. Pangatlo, hindi ko kailangan ng kaibigan, kasi kung katulad niyo rin naman ang magiging kaibigan ko, mabuti pang mag-isa na lang ako. Kaya pwede ba, lubayan niyo ko?"
Tinalikuran ko na sila, pero ang sunod nilang salita ang nagpatigil sa paglakad ko. "Ganiyan mo ba tratuhin ang mga kaibigan mo noon, Charlee Maine Ramirez? Sabagay, 'yang ganiyan mong pag-uugali ang dahilan kung bakit lumayo kami sa 'yo. Sigurado akong wala kang magiging kaibigan sa South Middleton University. Kawawa ka naman. Mamamatay kang mag-isa."
They rolled their eyes on me, at dahil sa mga sinabi nila sa akin, tuluyan nang nawala ang mood ko sa event. Kahit anong pilit kong pagaanin ang loob ko sa pamamagitan ng mga pagkaing nakahain sa harap ko, hindi ko na ito ma-appreciate.
I heaved a sigh before I decided to leave that exhibition. Mabigat ang loob ko at kahit ang pagkain na siyang pakay ko rin kaya ako pumunta sa mall ay nawalan na rin ako ng gana.
Pumasok na lang ako sa National Book Store para bilhin ang pinasusuyo sa akin ni Ate Chella.
"Miss, alam niyo po ba kung nasaan 'yong librong Fifty Shades of Grey?" tanong ko sa saleslady. Nakita kong ngumiti siya at medyo namula ang pisngi. Napakunot ang noo ko.
"Nasa restricted section po 'yon sa may bandang sulok, sa pagkakaalam ko isa na lang po ang natitira. Nandoon po." Tinuro niya sa akin ang sulok kung saan nandoon ang restricted section na sinasabi niya. Nagpasalamat ako at naglakad papunta sa tinuro niya. Nakita ko na ang librong pinabibili ni ate. Kinuha ko ito.
"Gotcha!" Nagulat ako nang may isang kamay na dumikit sa librong hawak ko na. Nagkatinginan pa kaming dalawa. Agad na tumaas ang kilay ko nang hindi niya iyon bitiwan.
"T-t-teka, ako ang nauna sa librong 'to!" Hinila ko 'yong libro mula sa kamay niya, pero katulad ko ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa libro.
"Sorry miss, ako ang nauna. Bumili ka na lang sa ibang bookstore."
Umawang ang bibig ko. "What?! Hindi pwede! Ako ang nauna, kaya ako ang dapat bumili niyan! Ikaw ang bumili sa ibang booktsore!" sighal ko sa kaniya. Hindi ako magpapatalo sa kan'ya kasi mayayari ako ni Ate Chella kapag hindi ko nabili ang librong ito. At isa pa, ayoko nang pumunta pa sa ibang book store. Narito na nga ako sa Mega Mall, pupunta pa ako sa iba. Kung isa na lang ang stock dito, hindi ko alam kung meron pa sa MOA. At kung pupunta ako roon, bakit ko naman gagawin 'yon? Napakalayo!
"I don't wanna. Bitiwan mo na ang libro at ako na ang bibili nito."
"Hindi ka man lang maging gentleman at ipaubaya ang librong 'yan sa babae! Napakasama naman ng ugali mo! Hindi ka naman gwapo kung makaasta ka!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. Mainit na nga ang ulo ko dahil sa nangyari kanina, pati ba naman siya ay dadagdagan pa. Sisirain ba talaga ng mga tao ang araw ko ngayon? I was supposed to have fun!
Hindi ko pa rin inalis ang kamay ko sa librong hawak ko. Nagulat ako nang tinulak niya ako. Napasandal ako sa bookshelf. Tang ina. Tinulak niya ako?!
Tiningnan niya ako sa mata, pero mas lalo akong kinabahan nang tumingin siya sa mga labi ko. Putang ina talaga. Anong binabalak niya?
"Bakit ba lagi n'yong dinadamay ang mukha namin sa ugali naming mga lalaki? Gano'n talaga, miss. Kapag gwapo, pwede mong gawin ang lahat ng bagay."
Naningkit ang mga mata ko. "Sinong may sabi sa 'yong pwede mong gawin ang lahat, ha?!"
Ngumisi siya at patuloy na sumusulyap sa mga labi ko. My god, manyakis ba ang isang ito? "Hindi mo ba talaga ibibigay sa akin ang libro?"
"Hindi talaga! Dahil ako ang nauna! Alam mo kasi? Kailangan ko talagang bilhin ang librong ito! It's a matter between life and death!"
"Oh, really? Kahit na gawin ko 'to?"
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Did he fucking kiss me?! What the hell?!
Dahil sa pagkabigla, tuluyan ko nang nabitiwan ang libro.
"That's me being a gentleman." He winked at me with a triumphant smile on his lips.
Fuck that man. Who gave him the right to kiss me?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top