Chapter 6
JESSY
"No." seryosong sabi ni mommy dahilan para ngumuso ako.
"But mom..."
"Listen to your mom, Jess. Hindi ka magtratransfer sa school nayon and that's final." ani daddy at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "It's too dangerous for you."
"I'm not a baby anymore, dad. I'm already 18! I can take care of myself." hindi ko na maiwasan ang magtaas ng boses dahil sa inis.
"Don't make us repeat ourselves, Jess." maotoridad na sabi ni mommy. Napaiwas na lamang ako ng tingin. Lagi naman siyang nananalo eh, i shouldn't have tried.
Umiling iling na lamang ako at iniwan sila mommy sa hapag kainan. Tumungo ako sa kwarto ko, padabog na isinara ang pintuan at binuksan ang aking laptop.
'Southgreen University'
Iyon ang paaralan na pinapasukan ni Luna. Mula ng makita ko ang comment ng kaibigan niya doon sa article na binabasa ko ay mas lalo akong naging interesado sa kaso ni Rex Villanueva.
Nalaman ko din na hindi lamang ang pagkamatay ni Luna ang unang beses na nangyari iyon sa Southgreen. Madami ng mga estudyanteng babae sa paaralan na iyon ang nawala ngayong taon lamang at lahat sila ay pinatay sa madugo at nakakakilabot na paraan.
At para bang walang alam ang gobyerno at mga awtoridad sa mga nangyayari. O wala nga ba talaga?
But one thing i know is for sure. Isa lamang ang gumagawa ng lahat ng ito, at iyon ay si Rex Villanueva. He is back.
Gustuhin ko mang magtransfer sa Southgreen para makakuha ng ebidensya ngunit hindi ako pinayagan. Maybe they're right. It's too dangerous for me.
It wasn't really part of my business, was it?
Isinara ko na lamang ang laptop ko at ibinagsak ang aking katawan sa higaan at hinayaan na lamang ang pagod at antok na lamunin ako. Maybe it's better to not get involve in this mess, right?
REX
"L-luna's family w-won't accept t-the m-money." utal utal na sabi ng dean dahilan para mabitawan ko ang kamay ng pakialamerong security guard na pinatay ko kanina.
"What?" galit kong sabi at tumingin dito sa walang kwentang dean ng Southgreen, ang paaralang pinapasukan ko at ng pokpok at haliparot na Luna.
Akala ko ay hindi na ako mahihirapang takpan ang pagkamatay ni Luna at Jason dahil nasa Japan naman ang mga magulang ni Jason at wala naman itong mga pakialam sa anak na lalaki at maganda ito dahil mga magulang nalang ni Luna ang aking kukumbinsihin. Ngunit matigas ang ulo ng mga ito.
Binigyan ko na nga sila ng pabor at pinatay ang kanilang anak para wala na silang aalagaan at para hindi na sila mapagod, binigyan ko pa nga sila ng pera. Ano? Pa-vip lang? Special? Choosy ka ghorl?
Napasinghap nalang ako. If only i could just kill and eat them just like how i did to their daughter but that would be too easy, right? At tsaka, pangit ang lasa ng mga matatanda lalo na ang mga lalaki. Wala din silang thrill. Boring.
Ngayon ko lang narealize kung gaano kapangit ang lasa ng utak ni papa.
"You better figure out what to do by the end of the month." seryosong sabi ko habang pinupunasan ang kutsilyo na ginamit ko pangpatay doon sa security guard. Tumingin ako doon sa dean, na ngayon ay nanginginig na sa kaba at tagaktak na ang pawis. "You knew what'll happen if you don't."
Kinuha ko ang baril ko at binaril iyong picture ng anak niya sa likod niya. "Head shot."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top