Chapter 1
REX a year ago
"Bobo ka kasi, hanggang top ten lang ang kaya mo."
"Wala ka ng ginawang tama!"
"Bakit kasi hindi ka nalang namatay? Pabigat ka lang eh."
Kailanman ay hindi ako naging sapat para saking mga magulang. Isa lamang akong pabigat at problema para sakanila, at isang dumi sa mga perpekto nilang buhay.
Hindi nila ako tinuturing na anak, hindi nila ako nirerespeto bilang tao. Buong buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang gawin kung ano ang magpapasaya sakanila, kung ano ang makakapagpaproud sakanila.
At dahil nga mabait ako at mahal ko sila, tatapusin ko na ang paghihirap nila ng dahil sakin. Hindi na nila kailangan pang magtrabaho, hindi na din nila ako kailangang alagaan pa. Dahil sa impyerno, hindi na nila ako obligasyon once na nakapunta na sila doon.
At ako. Ako mismo ang maghahatid sakanila papunta doon.
"R-rex, maawa ka s-samin. Rex, p-please" patuloy parin sa paghikbi si mama at pagmamakaawa sa harap ko, siguro hindi padin niya alam na para sakanya, sakanila, ang ginagawa kong to.
Nilingon ko si papa na ngayo'y nakatali sa upuan at may tape sa bibig, nagpupumilit na tumakas. Hindi ko nalang pinansin si mama at naglakad patungo kay papa. Inalis ko iyong tape sa bibig niya, gusto kong marinig ang mga sigaw at pagmamakaawa nila sakin sa una't huling pagkakataon.
Pagkaalis na pagkaalis ko noong tape sa bibig ni papa ay tiningnan niya ako ng masama. "Demonyo ka! Mamatay ka ng hayop ka!" sigaw nito dahilan para mapangisi ako. As expected.
At dahil ayoko ng patagalin ang paghihirap nila ay ipinukpok ko na sa ulo ni papa iyong martilyo dahilan para mapasigaw ito dahil sa sakit. Dumaloy din ang dugo mula dito dahilan para mas lalo akong mabuhayan.
"Rome!" sigaw ni mama sa pangalan ni papa at sinubukan niya pang lumapit samin kaso nakakadena siya sa may sahig. Wala nalang siyang ibang nagawa kung hindi ang umiyak at panuorin kung pano ko binubuksan ang kalayaan para sakanila.
Sa ikalawang pagpukpok ko sa ulo niya ay nawalan na siya ng malay. Hindi parin tumitigil sa pagsigaw at pagiyak si mama, habang sinusubukang makalapit samin. Bahagya pang nabutas ng kaunti ang ulo ni papa dahilan para lumitaw ang kaunting bahagi ng utak niya.
Napakasarap tingnan ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo niya at ang unti unting paglitaw ng utak niya. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. I never felt so excited in my whole life. I want more...
Pinukpok ko pa ng pinukpok ang ulo ni papa ng martilyo, habang si mama naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang magingay. Hindi ko na siya pinansin pa at kumuha ng maliit na piraso mula sa mga durog na durog na utak ni papa.
Walang pagaalinlangan ko itong sinubo. Napangiti ako sa lasa, kakaiba. Masarap. Kumuha ulit ako at kinain ito, tsaka ako nagpakabusog sa utak ni papa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top