KBNT 9
YOUR PROMISE
written by azhblack
KABANATA 9
K
orean alcohol
Nang makauwi na kaming lahat sa bahay dumeretso si Shaira sa kwarto niya. Kakaiba ang kilos ng babae na to ngayon.
Ngayon kaming lahat ay nasa dining table na pang 16 na tao pinasadya namin to, pero syempre maliban kay Shaira na nasa kwarto nya.
"Now can you explain what just happened earlier?" nakangusong usal ko.
Dapat umiiyak ako ngayon kasi broken ako, pero parang wala lang sa akin, wala akong pakialam, aaminin ko nasaktan ako, pero hindi yun ganon kalala.
"Matagal na naming napapansin na iba ang kinikilos ng lalaki na yon Sharmaine. Bago ka pa umalis napansin na namin yon. At the first day na umalis ka naalala mong nag text si Shaira sayo gamit ang phone ni Lhonriz?" tumango ako. "Nakita namin ang lalaki na yon sa mall, may kasamang babae." nakayukong paliwanag ni Jeminah na tinanguan nila Lhonriz, Julia, Camille, Jelly, Samantha, at MJ.
"And then the next day, ako at si Frances naman ang mag kasama nakita rin namin sya na may kasamang babae, pero hindi yung babae na kasama nya sa condo." si Arianne, na tinanguan ni Frances.
"Ganon din ang nakita namin ni Julia. Pero yung babae na kasama yon din yung babae nung una ko silang nakita, nung nag text si Shaira sayo." si Lhonriz, tinanguan ni Julia.
"Pero bago pa umalis si Sharmaine may babae na sya." napatingin kami sa bukana ng kusina, nakita namin si Shaira na nakatayong nakikinig doon. "Bago pa umalis si Sharmaine nakikita ko ng may kasama si Khevin, halos linggo linggo iba iba ang kasama nya. Last two months nakipag dinner ako sa anak ni Mr. Suares nakita ko si Khevin don na may kasama din, may ka date din. Nang matapos sila, nag paalam ako kay Mr. Suares na kailangan ko ng umalis dahil may kailangan akong asikasuhin. Pero sinundan ko si Khevin non, and then I find out na sa isang MOTEL sila papunta. Papunta palang ng motel alam na ang gagawin. Pero hindi ako nag sabi, wala akong sinabihan ng nakita ko. Dahil alam ko na hindi maniniwala sa akin si Sharmaine. Bakit? kasi bulag na bulag sya sa pag mamahal sa lalaki na yon. Sasayangin ko lang ang laway ko kakapaliwanag." mahabang kwento nya.
Ako? eto tulala. So matagal na pala, wala man lang nag sabi sa akin. Wala man lang. Pero natamaan ako sa sinabi ni Shaira.
'Pero hindi ako nag sabi, wala akong sinabihan ng nakita ko. Dahil alam ko na hindi maniniwala sa akin si Sharmaine. Bakit? kasi bulag na bulag sya sa pag mamahal sa lalaki na yon. Sasayangin ko lang ang laway ko kakapaliwanag.'
Bulag na bulag ba talaga ako sa pag mamahal ko kay Khevin?
Hindi ko alam pero biglaan nalang nag unahang tumulo ang mga luha mula sa mata ko. Bakit ngayon pa? Kung kailan matagal na ang pag sasama namin.
Ngayong nandito ang tropa pakiramdam ko gustong gusto kong umiyak. Eto nanaman ako ehhh!!!
Biglang tumayo si Frances na nasa tabi ko at lumipat ng pwesto, sya namang pag upo ni Shaira doon.
"Go cry. Umiyak ka hanggang sa mawala ang sakit. Andito lang kami para sayo couz." sabi nya tapos yinakap ako.
Dahilan para lalo akong umiiyak, she call me couz. I think she finally forgive me.
Nang gabi na yon napuno ng pag hagulgol ko ang buong kusina, at dahil sa akin naglabas ng maiinom ang mga loko. It's korean alcohol. Soju. Tsss, may pumunta nanaman sa kanila sa Korea di man ako sinama.
Hanggang sa matapos ang gabi, nakatulog ako ng umiiyak, kaming lahat sa salas natulog, walang natulog sa kwarto.
Ang gabing iyak ako ng iyak dahil sa sakit pero sobrang saya dahil sa kanila, nabawasan ang mga iniisip ko.
--------
AZHBLACK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top