KBNT 23
YOUR PROMISE
written by: azhblack
KABANATA 23
Bantayan mo muna
"
Ano bang gagawin mo sa Arisbar?" biglaang tanong ni Shaira habang nasa byahe kami.
"Aris called me, he said that Ginan is there, so yeah." sagot ko.
"Pero bakit ikaw ang tinawagan nya?" tanong ni Jeminah.
"Dunno.."
"Bakit nag aalala ka?" nakangising tanong ni Shene, kitang kita ko ang mukha.
"Dunno." nagkibit balikat ako.
"Nagkita kayo ni Khevin kanina?" tanong ni Jeminah.
"Hmm." tumango ako.
"Anong nangyari? Bakit nagkita kayo?" si Shene.
"Closure daw, para magkalinawan."
"Anong mga sanabi niya?" si Jeminah.
"Maniwala daw ako sa kaniya na mahal niya ako, na minahal niya ako."
"Naniwala ka naman?" si Shene.
"Oo, naramdaman ko naman yung pagmamahal niya noon." I sighed.
"Minahal mo ba siya?" si Jeminah.
"Oo, hindi ko naman siguro iiyakan kung hindi ko mahal diba?" inirapan ko siya.
"Mahal mo ba siya?" si Shene.
"Hindi na." malapad akong ngumiti.
"Mahal mo ba si Ginan?" tanong ni Shaira.
"Oo, sobra." mabilis na sagot ko, may malapad pa akong ngiti sa aking mga labi ng sabihin ko ang dalawang katagang iyon.
Tinutukso na nila ako ng ma-realized ko ang sinabi ko. Fuck.
"Mahal mo pala huh?" pang iinis nila.
"Sobrang mahal nga daw eh." bumungisngis pa si Jeminah.
"H-hindi!! Ano ba! Biglaan lang yung tanong mo!" reklamo ko, habang nakaduro kay Jeminah.
"Owss?"paninigurado ni Shene at Jeminah
"Pero agad mong nasagot ng di ka nag-aalinlangan." nakangisi si Shaira.
"Kasi nga biglaan yung tanong mo!" sigaaw ko sa kaniya.
"Kahit na." tapos humarap siya sa akin nang may napaka laking ngisi sa mukha. "Wag kang mag alala the feeling is Mutual, matagal ka ng mahal ni Ginan." sabi niya at inalis na ulit ang tingin sa akin.
The feeling is Mutual? Mahal ko siya tas mahal niya ako? Walang halong biro? Inamin niya lang sa akin na gusto niya ako. Wala siyang sinabing mahal niya ako.
Ayaw kong umasa, baka masaktan lang ulit ko. Ayaw ko pang sumugal ulit. Hindi ko pa kaya.
Hanggang sa makarating kami sa bar wala ni isa ang nag salita pa sa amin. Tahimik na kaming apat sa naging buong buong byahe.
Halos padilim na rin kaya medyo marami ng tao sa bar, pero hindi kami sa entrance dumaan, agad na nag iba ng daan sila Shaira kaya sumunod ako sa kanila. Sa likod kami dumaan may pinto doon naka sulat "for VIP only."
Maybe VIP na talaga si sila dito, kaibigan at ni Shaira ang ex ni Akirah.
"Aristotleeeee!!" sigaw ni Shaira ng makapasok na kami.
"Hmm?" biglang may lumabas na gwapong lalaki... Hindi kaputian pero bumawi naman sa mukha at katawan. Kung hindi lang ako na aatrack kay Ginan baka sa kanya nalang..
"Heto na yung pinahanap mong hayup ka. Loko umuwi pa ako ng Pampanga para dyan!" tapos may inabot syang envelope sa lalake, si Jeminah at Shene naman ay dumiretso sa isang bar island na nasa loob ng silis at nag umpisa ng magsalin ng alak sa baso.
"Nice, maraming thank you. Marami ka namang utang sa akin kaya ayos lang yan." nakangising aniya kay Shai bago humarap sa akin. "Who's this?"
"Sharmaine, asawa yan ni Ginan. Pinapapunta mo daw dito." pag papakilala sakin ni Shene at nilagok ang isang kupitang alak.
"Oww. Hi I'm Aristotle Cao." pag papakilala nya. "Ikaw pala yung babaeng kanina pa sinasabi ni Ginan." humalakhak pa siya. "Paki puntahan sya doon sa loob ng kwarto na yon." tapos tinuro yung kwarto na nasa kaliwang bahagi.
"Hmm. Bat ako pala yung tinawagan mo?" tanong ko kay Aris.
"Actually tinawagan ko na si Jeanne, busy daw sya may kalaro sya sa ibang bar. Sinabi nya na ikaw na tawagan. And isa pa kanina ka pa sinasabi nong lalake na yon." then he chuckled.
"Go Sharmaine. Puntahan mo na ang lalaking tinitibok ng puso mo!" tapos tinulak ako ni Shaira.
Pagpasok ko sa tinuro sa akin ng pinto ni Aris agad kong nakita si Ginan na naka yuko sa table, na para bang lasing na lasing. Lalapit na sana ako ng bigla syang nag angat ng tingin tapos may tinitignan na pictures.
"Bakit ba sharmaine? Bakit ba hindi mo pa iwan yang si Khevin!? Andito naman ako! Ako yung lalaking nag mamahal sayo kahit na may mahal ka ng iba! Sharmaine naman ehhh!! Ang duga mo! Ikaw na nag sabi na ako lang ang lalaking mamahalin mo! Ako lang ang lalaking papakasalan mo! Kaya naghintay ako! Tapos biglang boom! May iba ka ng mahal! Ang unfair!!! Yung lalaking mahal mo niloko ka na pero mahal mo pa rin! Tangina!!!!" tapos humagulgol sya.
'Sharmaine naman ehhh!! Ang duga mo! Ikaw na nag sabi na ako lang ang lalaking mamahalin mo! Ako lang ang lalaking papakasalan mo! '
'Sharmaine naman ehhh!! Ang duga mo! Ikaw na nag sabi na ako lang ang lalaking mamahalin mo! Ako lang ang lalaking papakasalan mo! '
Sa lahat ng sinabi nya ito lang ang tumatak sa isip ko. Ito lang ang naintindihan ko.
And then parang may pinikulang nag play sa isip ko.
'Sharmaine pangako mo yan huh?' sabi ng batang lalaki sa akin.
'Hayss! Ang kulit kulit mo! Oo nga, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Ikaw lang ang lalaking mag hihintay sa akin sa harap ng altar.' naka ngiting ani ng babae sa lalake.
'Pinky swear?'
'Yes Ginan. Pinky Swear.' tapos nag yakapan sila.
'Kahit na magkalayo tayo ako lang huh?'
'Hmm. Ikaw lang Ginan.... Ikaw lang.'
Tapos biglang nawala. Natapos na ang palabas.
Kaya ba ganon nalang agad kalapit ang loob ko kay Ginan? Kasi noon pa lang kilala ko na sya? Noon pa lang nangako na ako sa kanya?
Owmaygashhh...
The next thing I know tumutulo na ang luha ko. Bago pa ako masaktan sa ginawa ni Khevin may nauna na palang nasaktan. Nasasaktan ng dahil sa akin.
Tumutulo ang luha ko habang palapit kay Ginan. Na ngayon tulog na.
"I'm so sorry Ginan, kung agad ko lang naalala hindi ka na sana nasasaktan ng dahil sa akin. I'm so sorry Ginan." tapos sunod sunod na ang luhang tumulo sa mata ko.
Wala akong pakialam kung may makakita man sa ngayon gusto kong makasama si Ginan. Nang biglang bumukas ang pinto, wala akong narinig na yabag ng paa kaya agad akong napalingon. Shaira is there.
"What happened?" tanong nya.
"S-shai!" tapos tinakbo ko ang layo ng pagitan namin. "S-shaira! Sobrang sakittt!!!"
"W-what happened?"
"Shai, noon pa man mahal na ako ni Ginan, bata palang mahal na nya ako! Couz! Ginan is my first love! Couz nangako ako sa kanya na sya lang! Na sya lang yung lalaking mamahalin ko.. Ang lalaking.... Ang lalaking papakasalan ko..." tapos humagulgol ako...
"Shhh.. Couzz... Ok lang yan. Ginan still loves you what ever happens... For now just bring him home." sabi nya tapos may binigay na susi kotse. "Here is the car key of Ginan, Aris will help you bring him to the car but you will be sending him to his home. Sa Caring Village yung village na hawak ni Julia." sabi nya.
And then the next thing I know nag hihintay na ako sa loob ng kotse habang busy si Aris na sinasakay sya sa kotse.
"Ok na ang lahat doon Sharmaine. For now ihahatid mo lang sya pero kung ok lang bantayan mo muna sya." tapos tinapik ako sa balikat....
--------
AZHBLACK
And again shout out ulit kay Sharmaine. Wag ka ng mag pakabaliw kay Ginan, dito ka lang sa story mahal non. Love you couzz!!!❤ Haha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top