KBNT 21

YOUR PROMISE
written by: azhblack


KABANATA 21
Chase him

KINABUKASAN maaga akong pumasok sa opisina ko. Matapos ang naging paguusap namin ni Jeanne ay umalis din siya dahil naputol ang paglalaro niya.

Hinatid na rin ako agad ni Ginan pabalik sa condo ko nang matapos ang naging usapan namin.

"Miss, a guy named Ginan wants to talk to you." biglang ani ng secretary ko.

"Papasukin mo siya."

Nakapagusap naman na kaming dalawa kagabi. He said sorry at nagkaayos naman kaming dalawa.

"Hey." aniya pagpasok sa office ko.

"Hi!" masayang ani ko, naglakad ako papalapit sa kaniya. "Kumusta tulog mo?" tanong ko, ipinalupot ko sa leeg niya ang dalawang braso ko.

"It's good, ikaw lang naman ang laging laman ng panaginip ko." he lean and kissed my lips.

"Chansing ka ah." ani ko nang maghiwalay ang mga labi namin.

"Gusto mo naman." he winked "Date tayo?" he asked from no where.

Gago! Anong date? bakit magd-date? Is he freaking courting me? Itatanong ko ba kung nililigawan na niya ako? Anong isasagot ko? Kingina hindi ko alam!

"Hey, that's a harmless question, why can't you answer me?" he chuckled.

"H-hindi... A-ano.... shit.... Hindi pwede ngayon..."

Fuck! Nauutal utal ako! Kingina naman, gusto ko naman siyang maka date. Kaso nahihiya ako.

"So... Kailan pwede?" he asked and smiled.

"Uhmm..." umakto akong nagiisip. "Maybe Sunday?"

"Sunday then." he said and kissed me again.

Friday pa lang naman ngayon. Makakapag beauty rest pa ako bukas. Dapat maganda ako sa date namin.

Mabilis na dumaan ang Saturday, nakapag paayos na ako ng buhok ko. Pinatrim ko iyon ng slight. Nagpa extension din ako ng pilikmata at nail extension.

Sunday came, alas diyes ang usapan namin. Susunduin niya ako dito sa apartment.

Light make up lang ang iniligay ko sa mukha ko. Yung buhok ko na braided. Coptop na longsleeve color maroon na may white line naman ang sa top then black pants na high waist plus white shoes.

Nang maayos na ang sarili ko sunod ko ng inayos ang gamit ko. Mag dadala ako ng maliit na bag na shoulder para lang paglagyan ng wallet cellphone and konting pag retouch.

Nang ok na lahat bumaba na ako para hintayin na lang si Ginan sa labas ng bahay. Pero mukhang malas kasi halos silang lahat ay nasa sala. Linggo ngayon, wala silang mga ganap sa buhay kundi ang tumambay sa bahay.

Chichikahan muna nyan nila ako, sasabunin nyan nila ako kung saan ang lakad ko.

"At saan ka naman pupuntang babae ka?" tanong ni Mary Joy ng makita akong pababa.

"Mukhang may date." nakangisi si Samantha.

"Hmm. I smell something fishiiii!" si Arianne.

"Don't tell me na nakipag balikan ka sa lalake na yon." si Frances

"No fuck way. Kami na nag sasabi sayo Sharmaine, hindi na namin sya matatanggap." pag babanta ni Arianne.

"Alam namin na hindi ka masyadong umiyak noong nag hiwalay kayo. Pero ayaw namin sa kanya." si Jeminah.

"I don't think na kay Khevin sya makikipag date." si Jelly.

Parang tanga ang mga ito, kilala naman na nila si Ginan. Ilang beses ng nagpunya si Ginan dito. Buti pa si Jelly nakahalata.

"What do you mean Jel?" tanong ni Julia.

"Di nyo ba napansin, pag si Khevin kadate nya naka pouch lang sya, tapos nakadress sya ang close shoes. Pero ngayon look at her outfit." usal nya.

"Nasaan yung dalawa?" tanong ko nang mapansin kong wala si Shai at Camille

"Shaira on duty, as usual. Si Camille may date." sagot ni Julia.

"Pero wag mong iniiba ang topic." naka ngising ani ni Frances.

"Luh? What do you mean?" maang maangan ko. Kingina bakit ba kasi napansin pa ni Frances.

"Sino ba kasi ang date mo?" tanong ni Arianne.

Sakti namang may bumusina, that means Ginan is here. Excited na excited na akong makita siyang muli.

"I need to go girls!" sabi  ko tapos tumakbo na palabas ng bahay.

Nang maka labas ako ng gate ng apartment ibang kotse ang nandon. Kotse na kilalang-kilala ko. But why? Why he's here?

"Bakit nandito ka?" tanong ko ng makababa sya sa driver seat.

"Hindi ako nandito para makipag away. I'm here to talk to you. Yung maayos. I want closure." usal ni Khevin.

May galos siya sa braso, may pasa siya sa mukha. May maliit na sugat sa gilid kaniyang labi.

"What the freaking hell happened to you?" I asked.

"Napaaway lang.." he gave me a small smile. "Pwede ba tayong magusap?"

Tumango ako "Sige, pero sa malapit na cafe nalang." saad ko.

Tumango si Khevin at binuksan ang passenger sit.

Nang makarating sila sa cafe agad na bumaba si Khevin at pinag buksan sya ng pinto. Tulad ng madalas nyang gawin noon. Nang makapasok kami sa cafe umorder siya tulad ng dati na naming nakagawian.

Ito na ulit ang unang pagkakataon na maguusap kami. Dalawang linggo na ang lumipas mula ng mangyari ang sa parking lot. Mukhang hindi pa hilom ang bugbog na ginawa ni Jeanne sa kaniya. Kung yon pa ang mga bugbog na iyon.

"So how are you?" tanong ni Khevin.

"I'm fine. Actually nakakamove on na ako." diretsong ani ko, nakatingin pa ako sa mga mata niya ng sabihin ko ang mga katagang iyon.

"Maganda kung ganon. I just want to say sorry. Sorry sa ginawa ko three months ago and two weeks ago. I loved you Sharmaine pero hindi ko alam kung bakit nag hanap ako ng iba noon." naka yukong aniya.

"If you love me hindi ka na mag hahanap ng iba. I think nawala na ang pag mamahal mo sa akin noon." saad ko.

"Maybe. Pero maniwala ka na minahal kita noon, minahal kita ng sobra noon."

"Yeah I know you've loved me. Alam ko yon dahil pinaramdam mo sa akin yon. Halos araw araw noong tayo pa." saad ko. "Ngayon iparamdam mo na ang pagmamahal na yon sa babaeng mamahalin mo. Sa babaeng para sayo. At sana wag mo nang uulitin ang ginawa mo." sabi ko tapos hinawakan ang kamay nya.

"Sharmaine..."

"Khevin, may dahilan ang mga nangyari sa atin. Siguro kaya tayo nag hiwalay dahil may darating. May iba pang mag mamahal sa atin. Ang makakasama natin hanggang sa mamatay tayo." saad ko. "And for now. I'll forgive you Khevs." naka ngiting usal ko.

"Thank you Sharmaine." nakangiti pa ring usal nya tapos tumayo at lumapit sa akin, biglaan nya akong yinakap.

Sa sobrang gulat ko hindi ako maka galaw.

"Thank you Sharmaine... I'll never forget you." saad nya tapos humiwalay ng yakap. "Can we still be friends?" tanong nya tapos iniabot ang kamay nya

"Of course." naka ngiting usal ko.

Nagkausap pa kami nang maubos na coffee na inorder namin lumabas na kami. And then I see Ginan, nasa hood ng kotse na naka titig sa amin.

Kingina! Nakalimutan kong may date kami! Kingina Sharmaine napakabobo mo!

"I think I knew it. Is he your new?" tanong ni Khevs.

Hindi ko alam bakit ako tumango.

"Go. Chase him." tapos tinulak niya ako. At binigay ang susi ng kotse niya sa akin.

--------
AZHBLACK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top