KBNT 2

YOUR PROMISE
written by azhblack

KABANATA 2
Punuan lahat

It's been three weeks since pumunta ako dito sa Baler-dapat talaga ay dalawang lingo lang, but I still need to stay for a week ulit dahil nag-karoon ng problema. Ang bilis na dumaan ng mga araw, in those past days maraming nangyari sa siyudad na magandang pangyayari pero wala ako.

Like ang pag-uwi ng magpinsan.

Yes, after two years umuwi na yung dalawa, and they will stay here for good.

Ngayon pupunta ako na ako kung saan man ako dapat naroon. Uuwi na ako sa siyudad, kahit na fresh ah simoy ng hangin dito sa Baler name-miss ko pa din sa siyudad.

And isa pa anniversary namin ni Khevin ngayon, pero ni isang great wala pa akong natanggap mula sa kanya.

Umaasa ako na may surprise siya sa akin.

These past few days, past week halos hindi kami nag kakausap. No texts, no calls. Sana hindi na maulit ang nangyari noon, baka kung ano ano nanamang magawa ko sa aking sarili.

Before ako dumiretso sa bahay namin ng tropa -yeah may sarilig bahay na kami ng tropa, sama sama kami sa iisang bahay even tho may mga sari-sarili kaming condo. Anim ang kwarto ang bahay kaya dalawa sa isang kwarto, noong wala ang magpinsan bakante ang isang kwarto.

Sa naka-raang araw swerte ni Camille kasi siya yung kasama ko sa kwarto, wala ako so solo nya yun.

Papunta na ako ngayon sa Mall, yes nasa SM North na ako ngayon. Bibili lang ako ng pwedeng iregalo kay Khevin, hindi ko kasi napaghandaan ang regalo ko dahil busy sa Baler.

Nang nasa loob na ako ng mall nag ring yung cellphone ko kay kinuha ko at sinagot yon kahit na hindi ko pa kilala kung sino ang tumatawag.

"Hello."

'Mainneeeee!!!' sa tili palang ng boses alam na alam kong si Camille to.

"Napatawag ka?" tanong ko.

'Tanong ko lang, diba anniversary nyo ni Khevin ngayon?'

tumaas ang kilay ko dahil sa tanong na iyon. "Yeah. Why?"

'Uuwi ka dito?' tanong niya pa.

Mula nang umalis ako three weeks ago ganito na ang mga to, laging tumatawag o di kaya'y nagt-text at laging tinatanong si Khevin.

"Yeah, actually nasa mall ako ngayon naghahanap ng magandang regalo." sagot ko habang abala pa din sa pagtingin nang kung ano ang pwedeng bilhin.

'Maine...'

"Oh?"

'Anong sabi?... Ano sinabi mo na?... shit di ko masabi bumibili daw sya ng pang regalo... hays, pauwiin mo muna dito... ok ok..' iba iba ang boses nang mga taong nasa kabilang linya. But I know ang mga marupok lang ang nag-uusap usap.

Feeling ko talaga may surprise sa akin si Khevin, I'm kinda excited but I'm nervous at the same time. Ano bang nangyayari.

"Hoy Camille!" sigaw ko, dahil may kausap talaga siya sa kabila.

'Maine, pwedeng wag ka muna daw bumili ng regalo for Khevin?' boses ni Julia yon.

"Ha, Bakit?" literal na gulat na tanong ko.

'Ju--' naputol yung sasabihin ni Julia. 'Maine, please umuwi ka muna rito.' hindi ako pwedeng magkamali, si Shaira iyon, her voice is normal but I can scene the authority.

"O-ok." utal utal na ani ko.

'We will wait you Maine.' and she hung up.

Halos kak-papapasok ko lang sa mall hays.

Wala rin naman akong nagawa, si Shaira yon eh. Pinaka matured mag-isip sa amin lahat, well we are all mature pero si Shaira talaga ang feeling pina-matanda.

Kahit na kapapasok ko lang sa mall lumabas pa rin ako. Agad akong naghanap ng taxi, pero halos lahat ng taxing dumadaan may sakay, jusko ano ba kasing nasa isip nang mga iyon.

A minute later may taxi na dumaan sa harap ko at walang laman, it is a good chance walang ibang nag aabang bukod sa akin. Akmang sasakay ako nang may kasabay akong humawak sa door handle ng taxi.

Napatingin ako sa kung sino man yon, isa siyang naglalakad na itlog.

"Mister nauna ako sayo." mataray na sabi ko sa lalaki.

"Please ms. Emergency lang." nag-mamakawang ani ng binata.

This guy is kinda familiar, but I forgot where did I met him, or did I already met him.

"Mister, nauna ako sayo sa taxi na to, kaya mag hintay ka nalang ng iba."

"Please miss." tapos humarap sya sa driver. "I'll add 1k sa may AB's hospital po. "

"Aba, walang ganyanan, first come first serve mister!" sigaw ko.

"Please miss emergency lang talaga, na aksidente kasi yung ate ko, nasa AB's Hospital siya ngayon. "

Kung kanina nya pa sana sinabi yon edi hindi na kami nagkaroon pa mg diskusyon dito. Mabait naman akong tao eh.

"Fine." I say then umatras ako.

Pasalamat ng pasalamat ang lalaki, hanggang sa maka-alis ang taxi. Wala akong magagawa kundi mag hinatay ulit ng taxi na sobrang tagal.

Habang naghihintay ako may tumawag ulit. Tulad kanina sinagot ko yung tawag ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

'Woi Shaemaine Natividad nasaan ka na!?" sigaw ni Fraces, buti nalang hindi iyon masiyadong malapit sa tenga ko..

"Nag hihintay pa rin ng taxi." sagot ko.

'What the hell Maine? Nasaan ba ang kotse mo? Bakit nag aabang ka ng taxi?"

"Kayo ang nag sabi sa akin na sumabay sa company bus, tapos ngayon itatanong mo kung na saan ang kotse ko, are you freaking insane Frances? "

"Ay sorry naman."  tumawa pa ang gaga. "ehh bakit ba ang tagal mong makapag-abang ng masasakyan? Pwede ka naman magbook ng cab diba? "

"Sasakay na sana ako ng taxi kanina ng may lalaking loko-lokong umagaw nung taxi ko, busett. And punuan ang lahat ng cab ngayon." sabi ko.

'Duhh, lagot ka na nyan kay Shaira. " tumawa pa ang loko. "Sige na. Bye!' She said before she hung up.

Ano bang meron sa mga to. Parang baliw na ewan.

Gusto ko ng kape, so I texted them.

To: *barkada*
Punta muna ako sa Starbucks.

Then hit send.

--------
AZHBLACK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top