KBNT 17
YOUR PROMISE
written by: azhblack
KABANATA 17
Soft palm
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Nasa harap kami ng bonfire, kasama si Jesi, Sam, Jeanne at Ginan.
"What a beautiful coincidence." pambabasag ni Jeanne sa katahimikan naming lahat.
Umungot si Ginan sa gilid "Hindi coincidence yan tol," napatingin ako sa nakangisi niyang mukha. "Sinusundan lang talaga ako ni Sharmaine." kumindat pa sa akin ang loko.
"Ang kapal nga naman nang pagmumukha mo eh no?" hindi makapaniwalang usal ko.
"Kung hindi mo ako sinusundan anong ginagawa mo ngayon dito?"
"Hindi ba pwedeng gusto ko lang iwanan ang gulo sa lungsod kaya ako napadpad dito?" sininghalan ko siya.
Hindi na niya ako sinagot pang muli. Si Sam at Jesi nag uusap sa gilid habang si Jeanne naman sumisingit sa dalawa. Si Ginan naman ay tahimik lang na pinapanood ang apoy.
Ngayon ko lang napansin na may bangas siya sa gilid ng labi niya. Hindi naman iyon kalakihan. Hindi rin iyon nakabawas sa kagwapuhan niya.
"Stop staring, baka mahulog ka at umiyak dahil lang hindi kita nasalo." biglang aniya.
Agad akong nag iwas ng tingin, mabuti nalang at ako lang ang nakarinig sa mga sinabi niya.
As if naman na mahuhulog ako sa gawa niyang asungot. Mas madali ngang mahulog sa kakambal niya kaysa kaniya.
"Napano yung labi ng kapatid mo?" dinig kong tanong ni Jesi kay Jeanne.
"Napaaway kahapon. Nalaman niya kasi na muntik ng mapahamak yung babaeng mahal niya dahil sa isang lalaki kaya ayon sinugod yung lalaki. Kaso ayaw tumigil ni Ginan sa pagsuntok eh halata namang hinang hina na yung lalaki. Kaya para mapatigil siya sinuntok siya nung isa naming kasama." tumatawang pagkukwento ni Jeanne. Napatingin ako kay Jeanne, nakatingin rin ito sa akin. "He was so rigid yesterday, like he's-- no... He was ready to kill the guy." nakatingin sa mga mata ko si Jeanne habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Ano bang ginawa nung lalaki sa babaeng mahal ni Ginan?" tanong ni Sam. Mukha naging close na ni Sam itong si Jeanne.
Matagal bago sumagot si Jeanne, pero bigo lang naman sila sa sagot "Secret." iyon lang ang sinagot niya.
Sumimangot si Jesi "Luh, ang daya naman."
"It's not my story to tell." aniya.
"Eh kamusta yung babaeng mahal niya?" curious na bulalas ko.
"She's on paradise." si Ginan ang sumagot bago nag walkout.
"Anong ibig sabihin nung moody mong kapatid?" tanong ni Jesi.
"Ahh, kasi yung babaeng mahal niya on vacation ngayon. Baka yung paradise lang yung term na ginamit niya imbis na vacation." ngumi-ngiwing sagot ni Jeanne.
Makikisama sana ako sa usapan nilang tatlo ng biglang magring ang cellphone na nasa bulsa ng shorts ko. Agad ko iyong sinagot ng hindi man lang tinitignan ang caller name.
"Hello?"
"Maineeeee!" ang matinis na boses ni Shene ang narinig ko.
Tumayo ako at medyo lumayo sa bonfire na ginawa namin para hindi ako makaabala sa usapan ng tatlo.
"Napatawag ka?" kunot noong tanong ko.
"Itatanong lang namin kung safe ba kayong nakarating ni Sam sa Baler. Di kasi magrereply si Sam-- Babe sino yang kausap mo?" biglang sumingit ang boses ni Mary Joy pinalaki niya ang boses niya kaya nagmukha tuloy lalaki. "Kingina mo Mary Joy, magtigil ka nga si Sharmaine kausap ko-- ampota, akala ko naman may babe ka nang bago." disappointed ang boses ni Mary Joy.
"Babe" pangiinis ko. "Tinawagan mo ako para mangumusta tapos ngayon may iba kang kausap? Hindi mo ba kayang ibigay ang buong atensyon mo sa akin, babe."
Kung sakali mang may nakakakita sa akin paniguradong iisipin nilang baliw ako sa laki ng ngisi ko.
"Kingina mo Sharmaine." matigan na aniya.
Tumawa ako, "Don't yah worry babe, we're ok. Safe kaming nakarating ng Baler." ngumisi ako.
"Pakyu." aniya at biglaang naputol ang linya.
Babalik na sana ako sa bonfire ng may biglang humila sa akin papunta sa madilim na bahagi ng resort.
"Sino yung kausap mo?" matigas na tanong ng humila sa akin. Hindi naman na ako pwedeng magisip pa kung sino ito.
"Kaibigan ko lang."
"Kaibigan pero may pa-babe babe ka? Ano yon friends with benefits kayo?" sarkastikong tanong niya.
"Oh eh ano bang pakialam mo kung friends with benefits kami? May mangyayari ba sayo?" prankang ani ko.
Kung makialam ang asungot na to. Dagdagan ko kaya bangas ng mukha neto. Pota.
"Ganya ka ba kalandi? Kagagaling mo lang sa break up may bago ka na agad? Ang bilis mo naman magpalit ng lalaki. Para kang nagpapalit lang ng damit." pagkasabi niya sa mga katagang iyon umalis na siya.
He left me in shocked!
Ngunit nagkakamali siya ng kinakalaban, agad ko siyang hinabol. Hinawaka ko ang braso niya at hinarap sa akin. Mabilis na dumapo ang palad ko sa makapal niyang mukha.
"That is for calling me malandi!" sinampal ko pa siya ulit "At iyan ay para sa pang iinsulto mo sa akin!" pagkatapos kong sabihin yon agad ko siyang iwan.
"BAKIT LUKOT YANG MUKHA MO?" tumatawang ani Samantha, humagalpak naman ang tawa ni Jesi, habang may sinisilip silip si Jeanne sa likod ko.
Nang makita kong ngumisi siya matic nang lumingon ang ulo ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang malambot na labi ni Ginan sa labi ko.
Mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin at lumapat na naman ang palad ko sa makapal niyang pagmumukha.
"Bakit mo ako hinali--" hindi pa man natatapos ang mga sasabihin ko ay hinawakan niya ang dalawang pulasuhan ko at lumapit ang labi niya sa labi ko.
Naramdaman kong unti unti itong gumalaw, tila ba may sariling isip ang labi ko at hinalikan siya pabalik. Nalalasing ako sa mg halik niya.
Pareho na kaming naghahabol ng hininga ng putulin niya ang halikan naming dalawa.
"That's is for slapping my handsome face." aniya sabay bitas sa pulsuha ko.
Akmang sasampalin ko ulit siya pero napigilan na niya ako.
"The next time that your soft palm touches my handsome face you will not only receive a french kiss. More than just a french kiss and I'll asure you that you'll love what will I do to you the next time you slap me."
--------
AZHBLACK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top