KBNT 16
YOUR PROMISE
written by: azhblack
KABANATA 16
Isang asungot
"Kumusta ang maghapon mo kahapon?" naka-ngising tanong sa akin ni Camille.
Nasa kusina kaming lahat ngayon kumakain ng agahan.
Napangiwi ako nang maalala ko lahat ng nangyari kahapon. Una minolestiya ako ni Khevin. Ikalawa nakilala ko ang kambal na Dizon. Ikatlo ang paghatid sa akin ng asungot na Ginan, ang pagsabi niya na 'pampalipas oras lang ako.' Ika-apat ang biglang pag-uwi ni baklang Mark. At ang ikahuli ay ang pagt-text sa akin ni Khevin.
"Hoy!" narinig kong sigaw ng kung sino man sa kanila.
"Wala na tol, nabuang na kaibigan natin."
"Tignan mo kanina naka-simangot tapos biglang ngumiti, tapos sumimangot ulit tas ngumiti. Buang na talaga." boses iyon ni Lhonriz.
Hindi ko sila pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagkain ko. Pupunta ako sa Baler ngayon, may kailangan akong asikasuhin doon.
"Ay wow, snober." dinig kong ungot ni Frances.
"Ano-ano kaya ang nangyari sa kaniya kahapon?" si Julia iyon.
"Baka nadiligan na." matinis na boses iyon ni Arianne.
"Feeling ko nadiligan na nga yan." si Akirah iyon.
"Manahimik nga kayo." seryosong ani ko, tuloy pa rin ako sa pagkain.
"Hindi kami mananahimik habang hindi ka nagk-kuwento." ani Lhonriz.
"Ode mag-ingay kayo ng mag-ingay." ani ko at tinuloy ko pa rin ang pagkain ko.
Ayaw kong magkwento. Baka kung ano ano ang gawin nila.
"Kwento na Maine." boses iyon ni Camille.
"Ayaw."
"Sige na, parang di kaibigan eh."
Bakit ba naging kaibigan ko ang mga makukulit na babaitang ito?
Wala akong nagawa kundi ang magkwento. Mula una hanggang sa pumunta si Mark dito. Pero hindi ko sinama ang sinabi ni Ginan na pampalipas oras ako at ang pagt-text niya sa akin. OA ang mga kaibigan ko.
"Shit ka Sharmaine!"
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Kingina mo, Khevin."
"Sharmaine naman."
Kaniya kaniya ang ungot nila matapos kong ikwento ang mga nangyari. Natahimik kami ng biglaang tumayo si Camille, Arianne at Shaira. Walang paa-paalam na linisan nilang tatlo ang kusina.
"Saan punta ng mga yon?" tanong ko.
"May aasikasuhin lang." si Jeminah ang sumagot, tumayo rin ito, "Kayo na bahala magligpit, may ililigpit pa ako." makahulugang aniya at nilisan din ang kusina.
"Ano pala nangyari kay Khevin after that?" tanong ni Samantha.
Nagkibit balikat ako, "Ewan ko, basta may kumuha sa kaniya sa parking noon tapos hindi ko na alam ang nangyari."
"Shutek ka, akala ko pa naman nadiligan ka na." nanghihinayang na ani Frances.
Hindi ko na sila pinansin pa, pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko nang makarating na ako sa Baler.
"HELLO MA!" sagot ko sa cellphon.
[Hello nak, nasa daan ka na ba patungo sa Baler?]
"Gumagayak palang po." pinagpatuloy ko ang pagtiklop ng damit na dadalhin ko. Baka magtagal ako ng mga ilang araw doon.
[I see, ingat ka sa byahe ah.]
"May problema ba ma?"
[Wala, may favor lang sana ako. Pero next time nalang siguro yon.]
"Ano ba iyon ma?" ani ko ay sinara na ang maleta na dadalhin ko.
[Kilala mo si chong Kito diba?]
Para akong tanga na tumango dito, para namang nakikita nita. "Oo ma, yung caretaker ng Ditumabo mother falls. Why?"
[Baka kasi matagalan pa yung pagbalik din naman sa Baler, kung pwede lang ikaw nalang yung kumuha nung ibibigay niya.]
"Ano ba yon?"
[Basta, kukuhanin mo ba?]
As if I have a choice na tanggihan siya. "Sure, tutal sa San Luis naman yung pupuntahan ko doon."
[Aryt. Thank you baby. I'll hung up na.]
Naputol na ang linya ng tawagan namin.
Ang totoo ay wala naman akong aasikasuhin talaga sa Baler ngayon. I just want to unwind. Sobrang dami ang nangyari kahapon.
"AALIS KA?" tanong ni Jelly mg makita akong pababa, dala dala ko ang maleta. Tinanguan ko lang siya "Saan ka pupunta?"
"Baler."
"Ano meron?"
"Wala, gusto ko lang lumangoy--" nagulat ako ng bigla akong batukan ni Samantha.
"Lalangoy ka nalang sa Baler pa? Adik ka, ang daming pwedeng languyan dito, Sharmaine. Doon sa Pasig river pwedeng pwede." aniya na nakasimangot pa.
"Gusto mong sumama?" tanong ko, alam kong gusto niya lang sumama kaya kunwari sigang galit.
"Pwede?"
"Sige, bilisan mo."
"Yown!" aniya at mabilis na umakyat sa taas para kumuha rin ng damit.
"Ikaw?" tumingin ako kay Jelly "sama ka?"
Umiling siya, "Pass, may aasikasuhin ako dito, si Sam at ikaw lang ang hindi busy sa ating lahat ngayon." aniya at mabilis na lumabas sa bahay.
Napansin kong kaming tatlo nalang pala ang nandito. Mukhang abalang abala talaga sila sa mga buhay nila.
"SAAN BA TAYO sa Baler?" kanina pa yan tanong ni Samantha mula ng mag umpisa akong mag maneho paalis ng bahay. Hindi na natigil ang ulol sa pagtatanong kung saan kami sa Baler.
Ayaw ko naman ng sagutin dahil paniguradong sunod sunod na ang tanong niya.
"Bakit ba kasi hindi mo nalang kausapin yung ex mong si Sherwin ng hindi ako ang kinukulit mo ngayon."
"I rather shut my mouth than talk with that freaking Sherwin." she said and thanks God tumahimik na siya.
Naging smooth ang byahe namin. Halos anim na oras din ang binyahe namin. Kung hindi lang talaga dahil sa pantog nitong si Sam baka limang oras lang eh. Alas kwatro ngunit hindi pa rin kami nakakarating sa Dithas's resort. Halos sampung minuto na lang na byahe makakarating na kami doon. Kailangan nalang namin dumaan sa nakakatakot na bukuhan.
"Wala bang lumilipad na kalahating katawan dito kapag gabi?" biglang tanong ni Sam nang makita ang dadaanan naming daan papunta sa Ditha's.
Natawa ako "Wala pang nakita, pero yung kalahating katawan, nakita na." ngumisi ako.
"Lah." halata ang takot sa boses niya. "Gago, s-seryoso k-ka?" utal-utal na aniya.
"Gaga, malamang joke lang." tumawa ako ng malakas at nagpatuloy sa pagd-drive.
"SHARMAINE!!" sigaw ni Jesi ng makababa ako sa kotse.
"Jesi!"
"Owemji! It's been a while!" masaya siyang nagtatalon papalapit sa akin. "Kumusta ang buhay? Kumusta kayo ni Khevin--"
"Jesi!!" dinig naming sigaw ni Samantha.
"Samantha!" mabilis na umalis sa pagyakap sa akin si Jesi at pinuntahan si Samantha.
"OY, pasensiya na hindi talaga pwede ang dalawang villa. Nauna kasi silang mag pa book kahapon."
"Nako, ok lang dalawa naman yung kwarto ng villa diba?"
Tumango si Jesi "Oo, dalawa din yung CR."
"Jessica--" sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko. "Ay, may kausap ka pala--- S-Sharmaine?" gulat na ani Ginan ng makita ako.
Kung gulat ang gago paano pa ako?
"Why the hell are you here?" pasigaw na tanong ko.
"Magkakilala pa rin kayo--"
"Jessica!" tinakpan ni Ginan ang bibig ni Jessica.
"Kilala ko siya, isang asingot yan eh." dinuro duro ko si Ginan bago umalis doon.
--------
AZHBLACK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top