KBNT 15
YOUR PROMISE
written by: azhblack
KABANATA 15
Text from unknown number
Pakiramdam ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong si Ginan ang humila sa akin. Pakiramdam ko may mga paru-parong naglalaro sa loob ng tiyan ko.
The last time that I've experience this is the time that me and Khevin was so happy together and so inlove with each other. But this time I'm with another man.
Pero pano? bakit?
Am I inlove with Ginan?
Nooo!
Aaminin ko I like him but I don't love him! Duhh kanina ko lang siya nakilala, kanina ko lang siya naka usap ng maayos. At isa pa ang pangit ng una naming pagkikita.
Kaya malabong mangyari na love at first sight ako sa kanya. Sobrang labo, tulad ng future na pinangarap ko kasama si Khevin.
"Staring is so rude, miss Natividad." biglang aniya, ni hindi naman niya ako nilingon.
"Luh? paano mo nasabing nakatitig ako sayo? Ang kapal ng mukha mo ah." pagak na saad ko, makapal naman talaga mukha niya.
"Kanina ko pa nararamdaman na nakatitig ka sa akin." usal nya. "And I do think that you're molesting me in your head." tapos tumingin siya sa akin na may malaking ngisi sa mukha.
What? I'm molesting him in my head? What the fudge!?
"What the fuck are you saying, mr. Dizon?" iritang usal ko.
"Miss Natividad, ok lang na pag nasahan mo ako, pero please, huwag naman yung bulgaran, nakakailang." saad niya at nag tuloy tuloy sa pag mamaneho.
Ang kapal ng mukha ng lalaki na ito. Wala ng kakapal sa pagmumukha niya!
"Ang kapal nga naman ng pagmumukha mo ah. At bakit naman kita pag nanasahan? Hindi naman kita type no!" sigaw ko sa kaniya.
Nakatingin ko sa kaniya ng sinabi ko ang mga katagang iyon. Then suddenly the sparks on his eyes fade away. Now it's blank.
"Hindi din naman kita type, patas lang tayo." aniya, nag-iba ang boses niya. Tila ba wala itong ganang mabuhay, eto ang Ginan na kausap ko sa meeting kanina.
Parang tinusok ng libo libong karayom ang puso ko ng sabihin niyang hindi niya rin ako type. Kingina, bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Binalot ng katahimikan ang buong byahe sana namin. Wala ni isa man sa amin ang gustong magsalita.
Kaso lang binasag ng asungot ang katahimikan.
"I-is your b-boyfriend named M-mark?"
"Ha?"
"I'm asking you. I-is your boyfriend's name is Mark."
"No. Mark is a good friend of mine." naka-ngiwing ani ko. Hindi kami talo ng bakla na yon.
"Guy friend, I see." saad niya sa mahinahon na pagsasalita. "By the why you still didn't message or call the one who called you earlier?" tanong niya.
"H-huh?"
"The one who called you at the mall, n-nag I-i love y-you ka pa nga s-sakaniya." utal utal na aniya.
Ang tinutukoy niya ba ay si Mark?
Wait...
Si Mark nga pala!
Potek! Buti nalang at ipinaalala nitong mokong na ito si Mark kundi baka ano nang gawin sa akin non.
Kinuha ko agad ang phone sa bag ko at pag bukas na pagbukas ko non.
18 missed call from BM
56 new message from BM
Halaaaaa, bakit ba kasi naka silent ang tangang cellphone na ito.
Calling BM...
[Hoy babaita ka! Saan ka nag su-suot sa mall? Halos inikot ko na ang mall no hindi kita makita.] boses niya palang alam ko ng inis na inis siya.
"Sorry na. Pauwi na ako sa apartment, doon ka nalang pumunta, nakalimutan kong sabihin sayo. May maghahatid na sa akin eh."
[Arghh! I hate you bakla ka! Paasa ka! Nagsayang ako ng gas! Bayaran mo tong gas ko!] sigaw niya mula sa kabilang linya.
"S-sige... Punta ka nalang sa a-apartment. D-doon nalang tayo magkita."
[Fine punta na ako sa apartment nyo!] and then the line end.
"Is that the one called you?" tanong nang nasa kaliwa ko.
"Yah it's Mark my friend. Isa sa mga lalaki ni Shaira. Pero hindi sya lalaki. Bakla siya." natatawang ani ko. Di ko ba alam sa trip ng babaitang yon. Mahuhulog nalang sa mga bakla pa.
"Wooahh. Shaira is inlove with a gay?" manghang usal nya.
"It's not like that. I don't think if Shaira's inlove with Mark. If I can remember Shaira is still inlove with Kennedy." kibit balikat na usal ko.
"Ohh. We're here." biglang aniya.
Bakit biglang napakabilis naman ng oras? Napakalayo ng mall na iyon sa apartment namin.
Nanghihinayang ako na kailangan na naming maghiwalay ng landas ni Ginan. Bakit naman ganito pakshet.
"Thanks, Ginan." nakangiting ani ko at kinuha ang mga gamit na nasa back seat. Ayokong pang bumaba sa kotse niya. Gusto ko pa siyang makasama.
Ngunit ang loko sumama pa sa akin papasok sa bahay, tinulungan niya pa ako sa pagbaba ng gamit. Nang makapasok kami sa bahay wala sila. Mukhang abala sa sari-sarili nilang kumpaniya.
"I think wala ang mga kaibigan mo." ani Ginan.
Tumango ako "Halos busy sila eh. Lalo na sila Arianne, Jem, Frances, Camille and Shaira are on their duty kaya lagi silang wala dito. Ewan ko lang sa iba non. Baka busy lang sa pakikipaglampungan sa mga jowa nila." nakangiwing ani ko.
"Hmm.. Kaya mo na bang mag-isa dito?"
"Oo, sanay naman akong mag-isa dito sa bahay. Ako lang ang hindi gaanong abala sa aming lahat eh."
"Ohh." may ibinulong pa ito pero hindi ko na siya naintindihan. "Alis na ako. May aasikasuhin pa ako eh."
"Sige, salamat sa paghatid--- Bakit mo nga pala ako inihatid?" ngayon lang nagsink in sa akin na hinatid niya ako!
Shet na malagkit! Sobrang aliw ko ba kanina kaya ngayon ko lang na-realize ang mga nangyari.
"Wala kasi akong magawa kaya naisipan ko ng ihatid ka. Pampalipas oras lang." ngumiti siya sa akin bago tuluyang umalis.
Pampalipas oras?
Kingina niya pala eh.
Padabog akong pumasok sa loob ng bahay. Kingina mo Ginan Dizon. Napakalaki mong paasa!
Dumiretso ako sa kusina para uminom mg malamig na malamig na tubig. Naginit ang ulo ko dahil sa sinabi ng asungot na si Ginan.
Umiinom ako ng tubig habang hawak ang cellphone, nagm-message ako sa gc namin para maihanda nila ang pera naibabayad nila sa akin.
Kasalukuyan akong nagt-type ng biglang may nag pop up sa taas.
Text from unknown number.
From: Unknown
-- Hey Sharmaine Miss
you. Ginan to. :))
--------
AZHBLACK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top