KBNT 13

YOUR PROMISE
written by: azhblack

KABANATA 13
Hindi na kami pipirma

Nagsinungaling ako kay Jeanne. Pinipilit niya na ihatid ako pauwi pero ang sabi ko ay hihintayin ko nalang ang mga kaibigan ko na sunduin ako.

Noong una ay ayaw niyang umalis sa tabi ko pero umalis din siya ng bigla siyang tawagan ng kambal niya.

Pagka-alis niya rin ay may dalawang lalaki na kumuha sa walang malay na katawan ni Khevin. Hindi sila mga mukhang guard pero nagpakita sila ng id kaya hinayaan ko na. Dadalhin pa daw nila da hospital si Khevin.

Napatingin ako sa wrist watch ko, halos sampong minuto na akong late sa meeting ko.

Gusto kong sabihan ang tropa ko tungkol sa nangyari ilang minuto lang ang nakakalipas. Pero pinigilan ko ang sarili ko na sabiha  sila dahil paniguradong masisira ang schedule ko sa araw na ito.

Mabilis akong pumasok sa loob ng mall at naghanap ng pinakamalapit na restroom.

Napatingin ako sa malaking salamin sa harapan ko. Gulong gulo ang make up ko. Gulong gulo ang buhol ko at lukot lukot ang damit ko.

Kingina naman.

Mabilis kong inumpisahan ang pag-aayos ko sa sarili ko. Mula sa make-up, sa buhok, at sa damit.

Nang matapos ako sa pag aayos ng sarili ko tinignan ko ang oras. Halos kalahating oras na akong late sa meeting!

Mabilis pa sa alas kwatro na naglakad ako papunta sa Aristocrat restaurant. Habang naglalakad ay pinapanalangin ko na sana naghintay ang kambal na anak ni Sr. Dizon. Na sana ay hindi sila umalis.

Nang makarating ako sa harapan ng restaurant agad na may lumapit sa akin na crew.

"Good Afternoon, madam. Do you have reception madam?" nakangiting tanong niya.

"Yeah, I'm Sharmaine Natividad, I have lunch meeting with the twin Dizon." malumanay na saad ko.

"Oww. Here's the way madam, kanina pa naghihintay ang kambal sayo." tapos sinamahan niya akong makarating sa table na pina-reserve nila.

"We're here madam." saad ng crew.

"Mr. Dizon." tawag pansin ng crew sa dalawa.

"Ye--" hindi na nakasagot si Mr. Dizon sa crew ng makita ako. "Your here." magkasalubong ang kilay na ani nang kung sino man sakanilang dalawa.

Magkamukhang magkamukha ang dalawa. Mula sa buhok, sa mukha, kahit ang kanilang damit.

"W-wait. Kayo ang ka-lunch meeting ko?" gulat na tanong ko.

"I-ikaw si Sharmaine Natividad!?" gulat na tanong nung isa.

"Akala ko bang uuwi ka?" tanong nang isa. Sigurado ako na si Jeanne iyon.

"Maiwan ko na po kayo." sabi ng crew.

"What a coincidence."
"Bakit andito ka?"
usal na sabay nilang dalawa.

"Have a sit Ms. Natividad." nakangiting ani ng isa sa kanila.

Kahit na nagsalita na si Jeanne ay nalilito parin ako sa kanilang dalawa!!!!

"Who you? and who you?" tanong ko sa kanila, itinuro ko pa silang dalawa.

"Oww. Mukhang hindi mo pa kami gaanong kilala." natatawang usal nang kung sino man sila. "I'm Jeanne Dizon." tapos inilahad niya ang kamay nya. "It is nice to finally meet you but..." biglaang sumeryoso ang boses niya. "Bakit tumuloy ka sa meeting? Bakit hindi ka nalang nagsabi. Maiintindihan naman namin."

Aabutin ko sana ang kamay ni Jeanne para makipag shake hands pero tinulak yon ni Ginan.

"I'm Ginan Dizon." usal niya tapos iniabot ang kamay niya.

Kaya inabot ko din yon at nakipag shake hands.

"Sharmaine Natividad. Nice to meet you." nakangiting usal ko.

"Your late. 35 minutes late." seryosong usal ni Ginan ng magbitaw ang mga kamay naming dalawa...

Gone the flirty Ginan, what the hell?

"Alam ko kung bakit siya late, bal. Ako nang mag-e-explain. Pero mamaya nalang sa bahay, baka kung anong gawin mo eh." nakangising ani ni Jeanne, tumingin ito sa akin. "Sana hindi ka na tumuloy." seryoso si Jeanne.

"Ayos lang naman kasi ako. Hindi naman malala yung nangyari." ngumiti ako.

"Adik ka."

"Well, andito na ako. Wala ka nang magagawa." ngumiti ako ng napakatamis sa kaniya.

"Tss." ungot nung asungot.

Ngayon alam ko na ang pinagkaiba nilang dalawa. Si Jeanne palabirong tao, si Ginan seryosong tao. Hindi sila pareho mg kulay ng mata. Medyo dark ang kay Jeanne, light naman ang kay Ginan. Pero parehong gwapo. Mas gwapo nga lang si Ginan sa paningin ko.

Hindi na ako nag paligoy ligoy pa, agad kong itinopic ang pag iinvest nila sa company namin ng tropa. Ayokong humaba pa ang usapan. Gusto ko ng umuwi at magpahinga.

Syempre si Jeanne ang tinanong ko, medyo na-a-awkward ako kay Ginan, hindi ko alam kung bakit.

Pero ang loko-lokong Jeanne pinasa lahat kay Ginan kaya wala akong nagawa kundi kay Ginan na mag tanong.

"Mag-iinvest kami in one condition." seryosong ng asungot na si Ginan.

"Kung madaling kondisyon why not? Anong kondisyon mo?" kinakabahan pero malumanay na tanong ko. Sana wag mahirap!!

"Wag kang lumapit kay Jeanne." seryosong aniya ni hindi pa ito makatingin sa akin.

Nanlaki ang mata ko "What?"

Napatingin ako kay Jeanne na naka-ngisi pero tuloy pa rin ito sa pag subo ng pagkain. Wala siyang pakialam sa aming dalawa ni Ginan.

"Bakit naman ganiyan ang kondisyon mo?" magkasalubong ang kilay na tanong ko.

Ngumisi siya sa akin "Because I say so."

"H-ha?"

"Huwag mo na pansinin yang kondisyon ng kapatid ko. Pipirmahan namin yan." ani ni Jeanne na nasa pagkain parin ang atensyon.

Tulad ng sinabi ni Jeanne hindi ko na pinansin ang kondisyon na hinihingi ni Ginan.

Isa rin pala sa napansin ko ay ang pagiging matakaw ni Jeanne habang si Ginan di masyado.

Maraming kaming napag usapan. Nalaman ko na mas tanda si Jeanne kaysa kay Ginan ng limang minuto. Tapos single silang pareho, pero etong si Ginan may gusto di lang maka-amin na totorpe daw.

Nang matapos ang lahat ibinigay ko ang mga papeles na ipapapirma ko.

Nang ang huling pahina na ang pipirmahan nila. Natigilan silang dalawa.

"Hindi namin pipirmahan itong kay Shaira." saad ni Ginan.

"B-bakit?" kinakabahang tanong ko.

Hindi pwedeng hindi mapirmahan yung kay Shaira, maraming mawawala.

"Halos every three months kasi ang investment namin sa company niya, kaya hindi na kami pipirma." si Jeanne.

Babaitang yon talagaaa!

Nakangiti nalang akong tumango. Humanda talaga sya sa akin mamayang pag uwi ko!!!

Nang matapos ang lahat nag paalam na akong aalis dahil may kaylangan akong asikasuhin. Gusto pa ni Jeanne na ihatid ako pero sabi ko huwag na.

--------
AZHBLACK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top