Buhay ng Gangsta
Pumasok ng Gangsta sa edad kong 14 yrs. old
Tinanggap ko 30 seconds masaker, mata'y blind fold
Halos sumabog ang shoulder tiklop ko parang folder
Hindi naman soldier pero ang war is not over
Aking burn ay forever na sa magkabilang daliri
Mga tusok ng karayom wag ka nang mananatili
Alam kong mali pero buhay ko dito naging makulay
Bala ang alay para saming mga kaaway
Ang mawalay sa minamahal ako'y nakahanda na
Ma-tsempohan kalaban ang edad ihihinto na
Pero teka muna ito ba'y katotohanan
Mabigyan ng katanungan ano bang pinaglalaban
Nang dahil ba sa gang ang buhay mo'y sasakripisyo
Kahit alam mong hahantong makulong anung nitso
Ang piligro at banta sa buhay namin ay likas
Bawat luhang papatak bala ang katumbas
[Chorus:]
Gusto mo ba na sumama saming mundo na madrama
At may halong lungkot at saya at may kaba
Bala ang pantubos sa sala ng iba
Ang kaligtasan sa isa't-isa'y iwasan
Yan ang buhay ng Gangsta
Yan ang buhay ng Gangsta
Buhay ng Gangsta
[Second Verse:]
Lagi na lang umiinit ang aking ulo
Oh para bang gustong pasukin ang lahat ng gulo
Ang pulo lumalabas pag pumutok na ang baril
Ang pagiging G sa kalsada yan ang aking papel
Ako ay laging gigil kaya't minsan napapasabak
Sa away ng iba kaya't heto't napapahamak
Pero pag hinahamak umiiral na ang poot
Kundi suntok mo'y tutumba na lang sa isang putok
Heto na ba ang sagot para masabi lang na G
Hindi ko 'to pinilit pero bakit nagsisisi
Ang tulad ko pano kung kunin mo na ako
Sino na lang titingin sa mga maiiwan ko
Kaya't nag-susumamo pakinggan aking dalangin
Ang tamang daan ay ituro mo sa akin
Ng akin pang makita pag-bukang liwayway
Darating din ang oras kamay ko nang kumakaway
[CHorus:]
Gusto mo ba na sumama saming mundo na madrama
At may halong lungkot at saya at may kaba
Bala ang pantubos sa sala ng iba
Ang kaligtasan sa isa't-isa'y iwasan
Yan ang buhay ng Gangsta
Yan ang buhay ng Gangsta
Buhay ng Gangsta
[Third Verse:]
Mula ng 1998 buhay ko dito na ginugol
Dose anyos ang laro sa mga Lespu magpahabol
Naging kakaiba ang pananaw sa kaidaran
Pinangarap na lahat ng GAng ay mapang-ibabawan
Habang di na alintana ang mga tao'y lumipas
Tumandang walang tinapos tila nag sayang ng oras
May mga tropang nangulungan at ibang di na lumutang
May mga nag-buwis ng buhay at naging pambayad utang
Ngunit tinuloy ko parin ang laban hanggang makilala
Ang pangalang OG Sacrade parang Mayor ng Manila
Hinawakan ang corquera, permanent at ugbo
Tunay na Ninong ng Velasquez at Roxas sa Tondo
Nakipagsabayan sa mga hamon humantong man sa patayan
At walang tigil na putukan ang ganti pag nalagasan
Ngunit isang katanungan ang nag-lalaro sa isip ko
Ito ba ang buhay na dapat manahin ng panganay ko
[Chorus:]
Gusto mo ba na sumama saming mundo na madrama
At may halong lungkot at saya at may kaba
Bala ang pantubos sa sala ng iba
Ang kaligtasan sa isa't-isa'y iwasan
Yan ang buhay ng Gangsta
Yan ang buhay ng Gangsta
Buhay ng Gangsta
Gusto mo ba na sumama saming mundo na madrama
At may halong lungkot at saya at may kaba
Bala ang pantubos sa sala ng iba
Ang kaligtasan sa isa't-isa'y iwasan
Yan ang buhay ng Gangsta
Yan ang buhay ng Gangsta
Buhay ng Gangsta
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top