SAKSI ANG BUWAN AT MGA BUTUIN
Alam ng mga bituin ang kahulugan ng tunay na pagmamahal
Ngunit sa mata ng ibang tao ay sadya itong malaking hangal
Ang ugat ng aming mga puso ay di kailanman nagsisinungaling
Kahit itanong niyo pa sa buwan at bituin na nagniningning
Kakayanin ko, kakayanin ng aking sinta, kakayanin naming dalawa
Walang makakapagpahinto sa ritmo ng aming puso na puno ng pag-asa
Mali man sa inyong mga isipan ang aming pag-iibigan
Hindi namin kailanman isusuko ang paglalakbay namin patungo sa walang hanggan
Kaya ito ang inyong tatandaan , na wala kayong karapatan
Upang kami inyong husgahan at hadlangan sa tunay naming nararamdaman
Saksi ang mga bituin at buwan na wala kaming kasalanan
At papatunayan ang aming pag-ibig hanggang sa kamatayan at maging sa hukayan.
Your Northern star,
Polaris Estrella
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top