Your Eyes Tell
Buong buhay ko, wala akong ibang inisip kundi ang mga puwedeng sabihin sa 'kin ng mga tao lalo na patungkol sa mga mata ko.
I have a heterochromia eyes.
And it's my biggest insecurity in life.
Madalas, iniisip ko kung ano nga bang pakiramdam na magkaroon ng purong itim na mga mata? At magmukhang "normal" na tao base sa standard nila ng magaganda.
Pero wala akong ibang nakuhang sagot maliban sa pangungutya, panghuhusgang tingin at pangtataboy.
Minsan ko nang naranasan na ayawan ng pamilya dahil na rin sa takot nilang mag-iba ang tingin sa kanila ng mga tao.
Nawalan ako ng pagkakataon na makahanap ng totoong kaibigan sa dati kong eskuwelahan at puro panglalait lang ang natatanggap ko.
Pero natutunan kong tingnan ang ibang anggulo ng mundo at doon ko nakita ang totoong lugar ko.
At ito ay sa sarili ko.
"Far far away, in the land called Asteria, there is a town called Misfit in which the people who lives there do not meet the standard of beauty regarding size, color, and kind. However, they are all expected to blend in with everyone else."
Nagsimula na kaming pumasok nina Christelle, Summer, Helldric at Audrey sa gitna ng stage—kami ang tinatawag na misfit tulad sa totoong buhay.
Noong araw na nagbirthday ako at nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Airi patungkol sa mga nangyari noon ay ang magandang balita ni Christelle na nagkaayos na sila ni Summer at pumayag na ito sa gagawin naming musical play.
Alam kong hindi madaling magpatawad. Lalo na kung ganoon kalalim ang dahilan ng pinag-aawayan. Pero alam kong pareho na rin silang gumagaling sa mga sariling sugat nila ngayon.
Habang si Audrey naman ay nakausap rin si Summer, hindi ko alam sa kung ano ang pinag-usapan nila pero nakikita kong ayos na sila ngayon at natututo na rin si Audrey na makisama sa iba kaya unti-unti nang nawawala ang takot sa kaniya ng mga tao sa South Ville.
Nagsimula na kaming umacting at ipinapakita rin doon kung ano ang mga pinagdaanan namin noon habang kinakanta ang nabuo naming kanta na pinamagatang The Star Who Doesn't Shine habang dinadama ang ginagawa.
Hindi ko makakalimutan ang araw na pumayag din ang mga kaklase kong gawin ang musical play na 'to.
"Classmates, I have an announcement."
Nasa harapan si Summer kasama si Audrey, naging malapit na rin sila ngayon at sa hindi ko malamang dahilan.
"We're having a musical play for our foundation week."
Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga kaklase namin sa sinabi ni Summer. Habang kinakabahan naman si Christelle na siyang nasa tabi ko.
"Musical play? Hindi ba masiyadong magastos yun para sa mga materyales?"
"Mapapagod lang kayo diyan."
"Tama, tama."
"Sabay-sabay naman tayong gagawa ng mga props. Isa pa, hindi niyo ba gustong mag-effort man lang para sa section natin?" ani Audrey.
Nagsimula na silang mag-ingay at magreklamo dahil nga masiyado raw nakakapagod 'pag magmu-musical pa.
Nagkaroon ng iba't ibang suggestions kaya napatayo na ako sa kinauupuan ko at hinarap sila.
"Let's do the musical play. Let's do it together. Just try it."
Natahimik ang buong klase ng araw na 'yon hanggang sa isa-isa na silang nag-volunteer para sa mga parte nila.
"The whole land of Asteria dislikes and disapproved the town of Misfit because for them, the people who lives in that town only brings bad luck to the whole land. They thought of the town people as the black sheep in Asteria."
Ang mga kaklase namin ang nagsilbing mga naninirahan sa land ng Asteria. The land of Asteria symbolizes the town of Peterborough in Queenstown. Lahat ay binase ko sa mga napagdaanan ko noon pati na rin ang mga pinagdaanan nina Summer sa syudad na 'to.
Inakto namin ang mga bagay na nangyayari sa amin kapag nilalait kami o iniiwasan ng mga tao. Hindi ko na nga magawang pansinin pa ang mga nanonood dahil mas nag-focus ang tingin ko sa play.
Ibinuhos ko lahat ng mga nararamdaman ko noon sa paggawa ng play na 'to. At nakikita ko rin kung paano nage-effort ang mga kaklase ko para mangyari ang lahat ng ito.
"Until one day, a lady from the Misfit town goes to the land hall and sing a song . . ." wika ng narrator na siya ring kaklase namin.
Muling nag-set up sa stage ng mga props na gagamitin namin kung saan ngayon naman ay nasa gitna ako.
Ito na ang panghuling performance namin.
"If certain pieces are deemed to be misfits, where would they belong?"
Nagsimulang tumugtog ang background music namin at nagsimula ko nang kinanta ang Scars To Your Beautiful ni Alessia Cara.
Lumapit sa akin ang iba pang town people ng Misfit na sina Helldric, Audrey, Summer, at Christelle at unti-unti nila akong tanggalin ang suot kong pinagpatong-patong na mga damit pati na rin ang suot kong make up.
Iba't ibang palakpakan at sigawan ang mga naririnig namin sa bawat pagtanggal ng accessories sa aking katawan at mas lalo akong naenganyo na kumanta at buong loob na hinayaan silang panoorin kami nagpe-perform.
Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi ang katotohanang buong puso ko nang tanggap ang sarili ko. Hindi ko na magawang isipin ang mga sasabihin ng ibang tao na nasa lugar na 'to kundi ang sarili ko lamang pati ang performance na ginagawa ko.
Mas lalong lumakas ang sigawan lalo na noong tinanggal nila ang eye patch sa mata ko—ito ang unang beses na ginawa ko muling tanggalin ang eye patch sa mata ko sa buong stay ko rito sa Queenstown.
At wala akong ibang masasabi kundi nakita ko na ang hinahanap kong lugar.
Ang sarili ko.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top