Chapter 5

Magiging hipokrito ako kung sasabihin kong hindi ako natakot sa ginawa ko kay Airi.

Anak siya ng principal.

Malamang din na kapag sinabi nilang ako ang nanguna at hindi si Airi ay kaagad siyang paniniwalaan. Dahil ano nga bang laban ng isang Keres Morrigan kay Airi Mendeval? Wala.

Dumiretso ako kaagad sa rooftop dahil wala naman akong ibang pupuntahang lugar maliban dito. Agad akong napaupo sa semento dahil sa panginginig ng tuhod ko. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanila sa ginawa ko ngayon. Mabuti na nga lang kahit hindi ipinagbabawal ang lugar na ito ay wala masiyadong pumupunta rito.

Na agad ko ring pinagsisihan.

"Wag kang lalapit!" sigaw ng babaeng tantya ko ay kasing edaran ko lang.

Nasa kabilang banda siya ng rooftop . . . balak niyang tumalon.

Kahit kinakabahan ay sinubukan ko pa ring humakbang upang makalapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo diyan? Mahuhulog ka diyan!"

Oo, ilang beses na ring sumagi sa isip kong tapusin na lang lahat. At ilang segundo rin matapos kong gawin ang bagay na 'yon kay Airi ay muling sumagi sa isip ko na tapusin na ang lahat.

Pero hindi ko magawa dahil iniisip ko ang pamilya ko. Lalo na ang Ate Karina dahil baka maisip niyang sisihin ang sarili niya kapag tinuloy ko 'to. Masiyado na siyang nahirapan, hindi ko na kaya pang dagdagan ang paghihirap niya.

"'Yon naman ang plano, e! Kaya nga ako nandito. Kaya umalis ka na. Wag mo na akong tangkaing tulungan pa!" sigaw niya sa akin.

Ngunit hindi ako nakinig. Kung hindi niya iniisip ang aftermath sa gagawin niya, ako oo. Hindi siya puwedeng sumuko na lang basta.

"At may gana ka pang mamilosopo?" sambit ko. "Anong problema mo? Bakit ka tatalon?"

Natigilan lang ako nang magsimula na siyang pumalahaw ng iyak.

"Uy, anong nangyari?" tanong ko ulit.

"Nalaman nila . . . sinabi ni Papa na wag na raw akong uuwi dahil wala siyang anak na adik," hikbi niya.

Kumunot ang noo ko, naguguluhan. Anong ibig niyang sabihin doon?

Tiningnan niya ako sa mga mata at sa mga sandaling iyon, wala akong ibang makita kundi ang repleksyon ko sa mga mata niya. Ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata, ang pula ng kanyang ilong, ang magulo niyang buhok...nakikita ko ang sarili ko.

"Kilala mo si Airi Mendeval, hindi ba?"

Napalunok ako. "Bakit? Anong . . . anong meron sa kanya?"

Tumalikod siya sa akin kaya naalerto ako. Mabilis akong lumapit sa kanya nang bigla siyang humarap sa akin kaya muli akong napaatras sa kinatatayuan ko. Malakas ang tibok ng puso ko dahil kahit third floor lang naman ang rooftop ay hindi malabong puwede siyang mapahamak dito.

"Siya ang may gawa ng lahat ng ito. Nang dahil sa kaniya galit sa akin ang mga magulang ko. Hindi ko naman ginusto, e. She and her friends drugged me! I wasn't aware and . . . and . . ."

Nanginginig ang kamay kong kumuyom. Tumiim ang bagang ko sa mga naririnig. Airi . . . hindi ko akalaing darating siya sa puntong ito.

". . . I was raped because of her."

Natutop ang bibig ko. Walang kahit na anong salitang lumabas sa labi ko na para bang naubusan na ako ng salitang maaaring idugtong.

Pinagmasdan ko lamang siyang lumuha sa harapan ko. At tanging panginginig lang ng katawan ang nangyayari sa akin.

"No one believed me. Why? Cause she's the daughter of the Principal. Sino bang baliw ang maniniwalang gagawin iyon ng mga Mendeval? Lalo na ni Airi Mendeval? No one. But she did it! She really did it!" iyak niya.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi dahil wala akong masabi kundi dahil ang hirap rin pala. Na sa araw-araw kong pamumuhay, hindi puwedeng walang isang taong hindi makararanas ng pinagdaraanan ko.

"Ipinaliwanag mo . . . sana sa magulang mo . . ."

Mapait siyang ngumiti. "I did. But just like them, my parents didn't believe me. Inisip nilang malandi lang talaga ako at kasalanan ko dahil nagsusuot ako ng maiiksing damit which I didn't do. Naka-uniform ako ng mga panahong 'yon . . . naka-uniform pero . . ."

Kailan ba ako magkakaroon ng pahinga?
O mas magandang sabihin, kailan sila matatauhan sa pinaggagawa nila sa amin?

"Hindi mo kailangan—"

"Kailangan ko," putol niya sa akin. "Kailangan kong gawin ito kasi kung hindi? Hindi ko magagawang matahimik. Hindi matatapos ang paghihirap ko."

Tumulo ang luha ko habang pinakikinggan ang mahihinang daing niya. Kahit kabado sa puwedeng maging reaksyon niya ay mabilis akong lumapit sa kanya at hinila siya upang mayakap.

"Matapang ka. Sobrang hanga ako sa katapangan mo and I'm sorry . . . kasi wala akong magawa. Katulad mo, ganoon din ang ginagawa nila sa akin . . . ni Airi sa akin. I'm glad you made it here," I whispered.

Lumakas ang bawat hagulgol niya at iyon ang tanging ingay kasabay ng hangin ang namamayani sa buong rooftop. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg at doon ibinuhos ang lahat.

Ramdam ko pa ang pananakit at parang hinahalo ang tiyan ko dahil sa paninipa nina Airi kahapon kasabay nang pag-alala kong wala nga rin pala akong kain kagabi.

"Ikaw ang pinakamatapang sa ating dalawa, Keres."

Napahiwalay ako sa kanya at malawak ang ngiti na ibinigay niya sa akin. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Maraming salamat sa paglalaan mo ng kamay pero . . . hanggang dito na lang ako."

Maagap akong umiling. Walang salitang namutawi. Ngunit tanging ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.

"Ayoko nang mahirapan pa."

"Wag!" sigaw ko nang tuluyan na siyang bumitiw at nagpadala sa hangin. "Wag!"

Napaluhod ako sa semento at tila tinakasan ng kaluluwa ko.

"Nandito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap!"

"Gustong-gusto mo talagang nakikipaglaro sa akin, ha, Keres?"

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang katawan ng babae na nakahilata sa ground floor.

"Akala mo ba matapang ka na sa ginawa mo kanina?"

Napahiga ako nang hilahin ako ng isa sa kanila at muling tinanggap ang mga sipa nilang puno ng galit na marahil ay dahil sa galit sa ginawa ko kanina.

Pero wala doon ang utak ko.

Hindi ko maintindihan . . . ano pang nakaligtaan ng mga mata ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top