Chapter 28

Gusto raw ako ni Helldric.

Hindi ko alam kung paano nangyari ang bagay na 'yon dahil hindi naman na kami masiyadong malapit ngayon, hindi tulad noon.

"Paano nangyari yun, e hindi naman na kami close ngayon?"

Bukod sa isa siyang kabote na bigla-bigla na lang sumusulpot—wala akong ibang tingin sa kaniya kundi kaibigan.

"Simula freshmen. Hindi mo ba alam?"

Napailing ako. Wala naman siyang sinasabi sa 'kin o nabanggit kahit ngayong nagkita na kami ulit. At hindi sa interesado ako—wala rin naman akong panahon sa ganiyan dahil gusto kong unahin muna ang sarili ko.

"Well, I guess, he's still a torpe," komento ni Ate Karina.

Siguro nga. Pero kung totoo man, hindi ko pa rin magagawang tanggapin dahil alam kong may mas deserving pang babae para sa kaniya.

Yung walang insecurities sa katawan, yung walang complications sa buhay. Dahil hangga't hindi ko pa buong minamahal ang sarili ko—alam kong hindi ko magagawang unahin ang nararamdaman ko.

Gaya nga ng palagi nilang sinasabi, self love muna.

"Ano bang meron, Ate? Bakit bigla na lang akong pinapauwi ni Daddy?"

Hindi naman sa wala akong balak pero masiyado lang talagang maaga para umuwi na.

"Namiss ka lang namin."

Napangiti na lang ako at isinandal ang sarili sa bandang bintana. Hindi na ulit ako nagsalita.

Hindi rin kasi talaga ako sanay na nagkakaroon kami ng ganitong klaseng usapan lalo na sa mga nangyari noon.

Pagdating namin sa bahay ay doon ko lang naramdaman ang magaan na pakiramdam. Na kahit parang ayoko nang tumuloy na umuwi kanina—nakita ko lang ang gate namin ay nakahinga ako nang maluwag.

Bumukas ang gate ng mansion namin at agad sumaludo sa 'min ang guard na nagbukas no'n.

Ngayon ko lang din napansin na dumami na ang mga bodyguard namin than the usual. Siguro perks of being a governor ang proteksyon nito.

"Nandito na tayo."

May nagbukas para sa 'min ng gate at hindi ko mapigilan ang ma-conscious dahil sa mga panibagong mukha na nakikita ko.

One thing na napansin ko ay kahit na anong distant sa 'kin ni Ate noon lalo na ang pagkawala ng atensyon sa 'min ng mga magulang namin dahil sa trabaho ay ang comfort na nararamdaman ko habang nakatingin ngayon sa mansion.

Siguro dahil iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa sarili bahay ka na—dito mo pa rin nahahanap yung lugar mo. Hindi sa sala, sa kusina, sa harap ng tv kundi sa pamilya mo at sa kuwarto mo.

"Keres, handa ka na ba?" tanong sa 'kin ni Ate.

Huminga ako nang malalim at napatango. "Opo."

Nagulantang ako nang bumukas ang double doors kahit hindi ko pa binubuksan at may sumigaw sa loob nito ng "HAPPY BIRTHDAY, KERES!"

Napatakip ako sa bibig at nilingon ang mga kapatid kong ngayon ay yinakap na rin ako.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko sa harapan ng bahay namin at wala akong ibang maramdaman o mas magandang sabihing hindi ko mabuo sa salita dahil biglaang naghalo-halo lahat ng emosyon ko.

"Keres, anak!"

"Keres, we missed you!"

Naiiyak ako na natatawa lalo na nang lumapit sa 'kin ang mga magulang ko at yumakap na rin sa amin.

"Anong masasabi mo?"

Napailing lang ako. "Wala . . . I'm out of words."

Masiyado akong masaya na parang sasabog na ang dibdib ko dahil wala akong mahanap na salita. Ni hindi ko naisip na birthday ko pala ngayon.

Nakalimutan ko na rin ang tungkol doon. Naalala ko kasi noong dalawang beses akong nagbirthday at may pasok—pinakain ako nina Airi ng pagkain na tinapon nila sa sahig at walang alam ang mga magulang ko patungkol doon.

Simula noon, kinalimutan ko nang nagkakabirthday pa pala ako.

Pero ngayon . . .

"You're a big girl na anak," sambit ni Mommy at hinaplos ang buhok ko.

"Wala po akong ideya na may paganito pala . . ."

Nagtawanan sila at mas lalong humigpit ang yakap sa akin bago humiwalay.

Hinawakan ni Ate Karina ang dalawang kamay ko at ngumiti sa 'kin.

"Keres, I want to say sorry to all my fault. I'm sorry, bunso. Hindi ko alam na nahihirapan ka na rin pala. Sorry dahil hindi ko man lang natupad yung mga pangako ko na poprotektahan kita. Pero hayaan mo ngayon, babawi ako sa 'yo. Palagi't-lagi, Keres."

Umiling ako sa kaniya. Nagsisimula na naman akong maluha. "I'm sorry rin, Ate . . ."

Muli niya akong yinakap kaya mas lalo akong naluha.

Matagal ko nang pinapangarap 'to. Ang dumating sa puntong maramdaman kong tanggap niya ako.

Hinila naman ako ni Daddy para mayakap nilang dalawa ni Mommy.

Tahimik lang silang dalawa hanggang sa nanginginig ang boses ni Daddy na nagsalita.

"We're very sorry, anak. Hindi namin napansin na nasasaktan ka na pala namin. Your mother and I are both preoccupied by the pressure that was brought by our job that we had to put aside your feelings in order to make it on top. But now, we had come to realize that there is no more than important other than you—our daughter and our family."

Hinaplos ko lamang ang likod nilang dalawa lalo na nang magsimula nang humagulgol si Mommy sa balikat ko.

Sa loob-loob ko ay nagpapasalamat ako dahil agad na nabawi yung mga pakiramdam na naramdaman ko kanina sa bus. Biglang nawala yung takot ko habang pinakikinggan ang mga salitang sinasabi nila ngayon sa 'kin.

I feel safe and to top of it, today is my birthday.

Wala akong ine-expect na kahit ano mula sa kanila pero may binigay sila at buong puso ko silang tinatanggap ngayon.

Nagpunas ako ng luha at nakaramdam nang kaunting bigat sa dibdib dahil nahawakan ko ang eye patch ko sa isang mata.

Pero natigilan ako nang magbigay daan ang pamilya ko sa isang taong pinaka ayaw ko sanang makita. Masasabi kong malaki ang pinagbago niya—malaki ang pinayat niya, malaki ang eyebags sa ilalim ng mga mata. Pero isa lang ang mas nangibabaw . . . ang luhang pumapatak ngayon sa pisngi niya.

"Airi . . ."

"Keres . . ."

Hindi agad ako nakabawi lalo na nang ngumiti siya.

Bakit siya ngumingiti sa 'kin? Anong meron?

"Happy birthday, Keres . . ."

Pinakiramdaman ko ang dibdib ko pero wala akong ibang maramdaman. It felt normal.

Hindi tulad ng takot na naramdaman ko kanina sa mga taong mapanghusga kung tumingin sa 'kin sa loob ng bus.

"Thank you," saad ko.

Naramdaman kong may umakbay sa akin at nakitang si Kuya Kiro 'yon.

"Sa tingin ko, dapat mag-usap na kayo. She insisted seeing you to be able to talk to you, bunso."

Natinag ako sa utak ko. Hindi ito ang inaasahan kong muli naming pagkikita.

Pero sa huli ay napalunok na lang ako at napatango.

"Sige."

Ano naman kayang pag-uusapan namin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top