Chapter 27

"Anong kailangan mo?"

Nilipad ng hangin ang buhok ko ngayong nasa harap ko si Summer.

Malapit na ang araw ng foundation week at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na kausapin siya. Wala namang masiyadong klase kaya busy rin ang lahat sa preparasyon para sa darating na linggo.

"Naisip ko kung ayos lang bang musical play na lang ang gawin natin para sa magiging event ng section natin next week?"

Desidido na ako sa plano ko. Kailangan ko lang din siyang makausap para mapag-isipan niya yung idea. Afterall, siya ang president ng classroom namin which is hindi ko in-expect.

Tumaas ang kilay niya. "Masiyadong magastos sa props ang musical play, hindi mo ba alam? Saka sa tingin mo ba magpa-participate sila sa gusto mong mangyari?"

Bumuntonghininga ako. Alam ko naman na mahihirapan akong kausapin siya patungkol dito pero hindi ko alam na magiging ganito kahirap.

"Then, may naisip na kayong gawin? Wala pa naman, 'di ba? Ayaw niyo ba ng bago naman? Kung props lang ang pag-uusapan, tingin mo, hindi natin magagawan ng paraan 'yan?"

Natawa siya. Halatang sarkastiko. Wag niyang sabihin sa 'kin na pati ang ganitong idea, e gagamitan niya ng katapangan niya?

"Alam mo, una palang, hindi na kita gusto eh. Masiyado kang pakialamera. Ako yung president ng classroom natin. Ako ang magdedesisyon ng kailangan nating gawin—"

"Bakit ayaw mo sa 'kin? Kasi naalala mo yung sarili mo? Kung paano ka ayawan ngayon ng mga estudyante sa eskuwelahang 'to dahil sa kasalanang hindi mo naman ginawa pero sinasalo mo?" putol ko sa kaniya.

Napakurap ang mga mata niya at lumunok. "Ano bang alam mo?"

"Wala naman akong planong sabihin sa 'yo ng ganito yung opinyon ko, e. Pero ikaw yung nagtutulak sa 'kin. Summer, hindi lahat ng bagay ay patungkol sa kung anumang pinagdaraanan mo ngayon. Kung galit ka, magalit ka—ilabas mo. Hindi yung ibubunton mo sa ibang tao yung galit mo dahil lang sa nafu-frustrate ka. Nagsasalita ako ngayon bilang kaklase mo na may gustong i-ambag para sa classroom natin—wag mong gamitin sa 'kin yung "pakialamera" card na minsan mo nang ginamit dahil hindi kita kinakausap ngayon para doon," wika ko.

Tinagilid niya ang ulo niya at tinulak ako. "Hindi ka ba masiyadong sumosobra na? Wala ka namang alam tungkol sa 'kin kaya baka puwede ka nang tumahimik? Ano bang pakialam mo kung binubunton ko sa iba yung galit ko? Bakit? Ikaw ba ang nakakaranas?"

Siguro nga kung may nakaligtaan akong pansinin sa isang tao—ito na 'yon. Ang mga dahilan kung bakit mas pinipili nating lumabas na masama sa ibang tao kaysa ang damdamin ang sakit na nararamdaman natin mula na gawa ng ibang tao.

"Hindi nga ako. Pero hindi mo ba napapansin na sa ginagawa mo ngayon—nagmumukha kang kaawa-awa? Tingnan mo yung sarili mo sa salamin. Tingnan mo rin kung gaano ka nasasaktan na kahit pinaparusahan mo yung bestfriend mo sa bagay na hindi naman niya kasalanan, e sinasaktan mo pa rin. Pagtapos no'n, saka mo na lang ako balikan kapag totoong tapang na ang pinakikita mo sa 'kin ngayon."

Hindi na siya nakapagsalita at tinitigan lang ako sa mga mata. Siguro nga, masiyado lang akong na-overwhelmed noon. Masiyadong nasaktan dahil kahit totoong maraming may ayaw sa akin sa mundong ito dahil sa mga mata ko—ako lang din naman ang totoong nagpapahirap sa sarili ko.

Ako ang totoong nagpaparusa sa sarili ko.

Nilagpasan ko siya at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng rooftop.

"Mukhang natatauhan ka na, Keres."

Bumaling ako ng tingin sa gilid at natagpuang nakangiti sa akin si Helldric.

Bakit parang ang hilig niyang sumulpot-sulpot?

"Kabote ka ba?"

Natawa lang siya at inakbayan ako saka kami sabay na bumaba sa floor na 'yon.

"Alam kong hinding-hindi natin kailanman maja-justify ang mga ginagawa ng mga katulad nilang nananakit dahil lang sa nasaktan sila pero sa huli, kailangan pa rin nilang patawarin ang mga sarili nila para malaman nila kung saan sila nagkamali," biglang sabi niya.

Ngumiti lang ako at tumango-tango. Hindi ko kailanman inakala na muli kaming magkikita ni Helldric at sa ganito pang sirkumtansya.

At alam kong mahirap pa rin para sa akin na tanggapin ang kung anumang kinahihitnan ko ngayon pati na rin ang pagkabulag ng isang mata ko.

Pero sa huli, ako pa rin dapat ang tumanggap sa sarili ko dahil walang ibang gagawa nun kundi ako.

"Libre mo 'ko sa canteen."

***

Humikab ako habang patuloy pa rin na nagtitipa para sa ginagawa kong story sa musical play.

Hindi ko pa naman napapayag si Summer patungkol dito at kahit pa noong nagkita kami sa classroom ay tinitigan niya lang ako pero wala siyang ibang sinabi.

Napabuntonghininga na lang ako habang tinititigan ang storyang nasimulan ko na.

Billions of people govern a vast puzzle: the so-called society. Each is a different color, kind, and size. Nonetheless, all are expected to blend in with everyone else.

But if certain pieces are deemed to be misfits, where would they belong?

Napahilamos ako ng mukha habang iniisip kung paano nila mare-realize ang mga bagay na para sa kanila kung hindi sila gagawa ng paraan para ma-realize ang bagay na 'yon.

Alam kong masiyado akong naging bias sa sarili ko dahil hindi ko rin naman makuhang isipin na kung tatanggapin ko pala ang sarili ko—may tatanggap rin sa 'king iba dahil masiyado akong nalunod sa isiping pare-parehas lang silang lahat.

Tumunog ang telepono ko kaya napatingin ako sa nag-text.

Dad: Wala kang klase bukas, hindi ba? Come home tomorrow.

Isa pa 'tong iniisip ko. Nabalitaan ko kasing nanalo si Daddy bilang gobernador ng bayan namin at simula no'n ay hindi pa nila ako binibisita gaya ng napag-usapan. Masiyado akong naging okyupado sa mga bagay-bagay kaya hindi ko pa siya nagagawang batiin.

Baka nga kung umalis ako ng hindi pa maayos ang lahat sa 'min ay mawalan din ako ng ganang batiin siya.

Pero naiintindihan ko naman dahil mabigat na responsibilidad na ang pasan-pasan niya ngayon at paniguradong busy rin ang mga kapatid ko sa pag-aasikaso sa kaliwa't-kanang gawain niya.

Nag-reply lang ako ng "okay" at buong gabi na inisip kung ano bang pag-uusapan namin pag-uwi ko.

Bakit parang mas dumami ang iniisip ko ngayong unti-unti nang naayos ang mga bagay na dapat maayos?

***

Kinabukasan, maaga akong gumising para maghanda sa pagbalik sa Peterborough.

Hindi ganito kaaga ang inaasahan kong panahon na uuwi ako. May parte pa rin kasi sa 'king hindi pa handang harapin sila.

Nandoon na ako sa parteng unti-unti ko nang natatanggap ang sarili ko pero hanggang doon pa lang ako.

"A-aalis ka?"

Nilingon ko si Christelle na kakapasok lang ng kuwarto namin. Hindi kami masiyadong nakakapag-usap kapag nandito kami sa dorm dahil palagi siyang pagod kapag umuuwi rito. Habang ako naman, hindi rin ako sanay na makipag-usap talaga dahil walang gumagawa no'n sa akin noon.

"Oo. Uuwi ako sa 'min. Pero babalik naman ako bukas," wika ko.

Tumango lang siya. Doon ko lang napansin na may hawak siyang cup noodles. Yan lang ba kakainin niya?

"Gusto akong . . . kausapin ni Summer," aniya.

Napansin ko kay Christelle, parang hindi na siya natitinag ngayon sa tuwing binabanggit ang pangalan ni Summer. Nababawas na rin yung pagkakautal niya pero nandoon pa rin.

Hindi ko pa naitatanong kung paano umabot sa punto na naging ganiyan ang boses niya pero kita ko naman sa mga mata niyang tanggap niya ang sarili niya.

"Talaga? Balitaan mo 'ko, ha?"

Dapat kinakabahan na ako ngayon pero matapos kong malaman ang tungkol sa nakaraan nilang magkaibigan—natuto na akong tanggapin ang mga bagay at kilatising mabuti ang point of view ng isang tao.

Sa tingin ko rin naman, matapos na hindi makapagsalita pabalik sa 'kin ni Summer kahapon ay isa na 'to sa hakbang niya para makapag-usap sila ni Christelle. They both need it.

"O-oo, mag-iingat ka . . . ha?"

Ngumiti lang ako sa kaniya at tinapik ang balikat niya. Sa loob-loob ko ay pinagdarasal ko na sana maging maayos nga ang magiging usapan nila ni Summer.

"Basta, kahit anumang maging desisyon niyo ni Summeer, ang mahalaga maging maayos kayo," pahabol ko pa.

Matapos kong malaman ang tungkol sa kung anong klase siyang tao noon, alam ko namang may natitira pang ganoon sa parte niya.

Dalawang oras ang byahe papuntang Peterborough kaya nag-jeep ako papuntang terminal at doon na mismo sumakay.

Wala namang masiyadong binanggit si Daddy patungkol sa mga detalye kung bakit gusto niya akong pauuwiin pero nasabi niyang hanggang bukas ako dapat na mag-stay doon. Naisip kong ayos na rin.

Nami-miss ko na rin naman ang pamilya ko. Hindi pa kami nagkakaroon ng pag-uusap na maayos talaga lalo na sa nangyari matapos ang school-incident namin ni Airi.

Pero siguro isa na ito sa mga pagkakataong 'yon. Marami rin akong gustong sabihin at ikuwento sa kanila.

Mag-iisang buwan pa lang ako sa Queenstown ay marami na akong natutunan kahit pa halos paikot-ikot lang ako.

Nang makarating sa terminal ay mabilis akong sumakay ng bus.

Wala pang masiyadong tao kaya naupo agad ako sa harapan.

"Ano 'yang nasa mata niya? Eye patch?"

"Ang weird."

"Wala siya sa anime pero nagfe-feeling anime character siya sa suot niya ngayon."

Napalunok ako. Grupo ng mga estudyante rin ang umakyat ng bus at pinuna ako ngayon lang.

Hindi ko mapigilang hindi kabahan lalo na nang mapatingin din sa akin ang ibang pasahero. Meron pang akmang tatabi sana sa 'kin pero nang makita ako ay nalukot ang mukha niya.

Hindi na ako sanay na nakakatanggap ng ganito matapos ng ilang linggo kong pananatili sa South Ville.

May ilang napapatingin sa akin doon. Hindi naman nawawala yung mga malisosyo at mapanghusgang mga mata, e. Pero hindi nila isinasatinig 'yon.

Siguro isa na rin sa natutunan ko ay iba ang nagagawa ng salita sa buhay ng isang tao. Dahil isang maling impormasyon at kuwento lang ay agad kang mapapaniwala at manghuhusga na hindi man lang tinatanong yung taong na-involve sa kuwentong 'yon kung totoo ba.

Maraming relasyon na hindi lang tungkol sa romantice romance ang nasisira dahil sa mga salita o kuwento. Pati sa pagkakaibigan—isa na rin doon ang nangyari kay Summer at heto ngayon siya, dala-dala ang mundo dahil sa mga kuwentong hindi naman talaga niya ginawa pero sa mata ng ibang taong naniniwala ay siya ang sumira ng sarili niyang buhay.

Sa huli, walang kahit sinong tumabi sa 'kin dulot na rin ng mga estudyanteng pumuna ng suot kong "eye patch". Ayos lang din naman sa 'kin pero hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong sobrang babaw?

Alam mo yung tipong hindi mo naman kailangan pansinin ang isang bagay, pero gusto mo pa ring punahin kahit na walang laman na yung mga rason mo?

Buong byahe ay panay ang pasulyap-sulyap sa akin ang mga estudyanteng babae na sumakay ng bus. Nakita kong umirap pa sila nang mapatingin ako sa kanila.

Yung klase ng tingin na ibinibigay nila ay yung tingin na parang sinasabing "Bakit ka nandito?" at yung tingin na lagi kong nakukuha mula kay Airi kapag sinasabihan akong halimaw.

Kailan ba mawawala ang bulok na mindset na ganiyan?

Makalipas ang dalawang oras ay nagsimula nang tumambol ang puso ko sa kaba. Kitang-kita sa harap ko ang malaking signage na nakarating na kami sa Peterborough.

Nang makarating sa terminal ay mabilis akong tumayo para bumaba nang maramdaman kong may tumulak sa 'kin.

Narinig ko ang tawanan habang nakasalampak ako sa aisle ng bus.

Kumuyom ang kamao ko at muling nanumbalik ang takot na nararamdaman ko kung paano ako pinagtawanan at kinutya noon.

Ganitong-ganito rin 'yon. Yung tawanan . . . yung kakaibang tingin . . . lahat 'yon biglang bumalik sa isipan ko.

"Tumayo ka na diyan!"

"Ay, lampa!"

"Pinatatagal mo lang yung pagbaba, teh! Tayo na diyan!"

Muli akong napalunok dahil sa kaba. Kung meron mang lugar na talagang bangungot ang kahulugan para sa 'kin—ang Peterborough na 'yon.

Tama pa bang umuwi ako?

Mabilis akong tumayo at nagpagpag ng sarili. Hindi pa man ako nakakalakad ay tinulak na ako sa likod kung hindi lang ako napahawak sa handle.

Sinilip ko sila sa likod ko at nakitang mukha nang sasabog sa tawa. Samantalang, iritado naman yung iba.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Sayang!"

Dinig kong bulungan nila. Gusto ko nang maiyak. Oo, natatanggap ko naman na ang sarili ko pero bakit kailangan ko pa ring makatanggap ng ganitong treatment mula sa iba?

Naluluha na 'ko pero pinigilan ko lang kaya nang tuluyan na akong makababa ng bus na 'yon ay hindi ko mapigilang hindi mapabuntonghininga.

Hindi na siguro matatanggal ang takot ko para sa mga ganoong tao.

Ngayon ko lang din napagtanto na ang hilig itaboy ng mga taong "normal" ang mga taong sa tingin nila ay halimaw para sa kanila pero hindi man lang nila maisip na habang ginagawa nila 'yon ay nagiging "halimaw" na rin sila gaya ng mga turing nila sa taong "nakakatakot" para sa kanila.

Hanggang kailan ba magiging baluktot ang pag-iisip ng mga taong katulad nila?

"Keres!"

Gumaan ang pakiramdam ko nang makita si Kuya Kiro kasama si Ate Karina nang makalabas ako ng terminal.

"Kuya . . . Ate . . ."

Napatingin ako kay Ate Karina at bakas sa mukha niya ang tuwa na nandito ako ngayon at nakatayo sa harapan niya.

Siguro kung noon ito nangyari ay hinding-hindi niya gugustuhing makita pa akong tumapak ng Peterborough.

"We missed you, sis," aniya.

Lumapit siya sa 'kin at dinamba nila akong dalawa ng yakap. Napansin ko rin ang mga taong dumadaan sa harapan namin—napapatingin sa kanila. Doon ko lang na-realize na oo nga pala, governor na si Daddy ng lalawigan na 'to.

"Bakit niyo pa po ako sinundo?" tanong ko sa kanila at ibinigay kay Kuya Kiro ang bag na dala ko nang kinuha niya ito sa 'kin.

Inakbayan ako ni Kuya habang nasa kabilang gilid ko naman si Ate.

"Bakit hindi? Gusto naming kami yung una mong makikita pag-uwi mo eh," sabi ni Kuya.

"Dapat ako lang talaga yung susundo sa 'yo kasi late si Kuya nagising," segunda ni Ate.

Nagsimula na silang magbangayan kaya natutuwa ako.

Hindi ko akalain na darating yung araw na gugustuhin ni Ate Karina na makita ako at sunduin kapag uuwi ako gaya ng ginawa niya ngayon.

Napatingin ako sa mga matang pakiramdam ko ay kanina pa nakatingin sa 'kin at nahuli ang tingin ng mga estudyante kanina. Nakilala siguro nila ang mga kapatid ko. Mukha silang mga disappointed.

Agad akong humiwalay na ikinagulat ng mga kapatid kong nagtatawanan lang kanina.

"Oh, bakit?"

"May problema ba?"

Napailing ako at yumuko. Tinakpan ko rin ng buhok ang mukha ko para lang hindi nila makita.

"Tara na po . . . uwi na tayo," nauutal kong wika.

Hindi na talaga siguro puwedeng hindi matanggal ang takot ko sa mga tao rito.

Nagkatinginan pa silang dalawa bago sumunod sa 'kin nang pumasok ako sa kotse na dala nila.

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko ang mabilis na pagtibok nito.

"Keres, namumutla ka. May nangyari ba?"

"Kuhanin mo yung plastic sa compartment ko, Karina. Ibigay mo sa kapatid mo."

Mabilis na kumilos si Ate sa sinabi ni Kuya habang wala akong maramdaman kundi ang mabibilis na paghinga ko.

Hindi ko kailanman naranasan na atakihin ng ganito maliban na lang sa na-trigger sa mga alaala ko kanina.

Agad na inabot ni Ate Karina sa akin ang plastic dahil katabi niya si Kuya Kiro sa harapan.

Kinuha ko naman 'yon at agad na itinapat sa bibig ko.

"Kuya, tigil muna. Sa likod na lang ako uupo," ani Ate Karina.

Hindi ko napansin kung kailan natigil ang kotse pero naramdaman ko na lang ang paghimas ni Ate Karina sa likod ko.

Minsan lang akong makaramdam ng saya pero bakit kailangang bawiin kaagad 'yon?

"Inhale, exhale, Keres . . ."

Ginawa ko ang inutos niya. Namamanhid na rin ang katawan ko.

"Keres, binu-bully ka pa rin ba sa school ninyo?"

"What, Kuya? Sabi ni Helldric, wala na raw gumagalaw sa kaniya sa South Ville."

Napapikit na lamang ako nang maramdaman ang pag-relax ng utak ko.

"Dapat lang dahil masusuntok ko siya kung pababayaan niya si Keres."

Kahit gusto ko pa sanang matulog para makapagpahinga nang marinig ang sinabi ni Kuya Kiro.

"Si Helldric ba kamo, Kuya? What's with him?"

Nagkatinginan pa silang dalawa ni Ate Karina na parang nagkakaintindihan sa mga tinginan nila bago ako binalingan.

"He likes you, Keres."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top