Chapter 26
"M-musical theatre?"
Napatango ako sa sinabi ni Christelle. Nakatambay kami ngayon sa Liberty Garden at sinabi sa kaniya ang plano ko para sa darating na foundation week.
Tumikhim siya. "T-tungkol saan naman yung ipi-play natin?"
"Tungkol sa mga misfits. Yung mga taong hindi matanggap ng lipunan dahil lang sa nakikita nilang iba yung inaakala nilang normal na tao sa mga kagaya natin."
Huminga ako nang malalim. Isang linggo pa lang ako sa Queenstown, pero napakarami ko ng realization. Magmula sa mga kuwentong naririnig ko patungkol sa iba't ibang buhay ng tao na hindi ko man lang magawang mapagtuonan ng pansin noon. Ngayon ay malinaw na sa pananaw at utak ko.
"M-maganda ang ideya mo . . . kailan mo balak sabihin kay Summer?" tanong niya pa.
Pinag-iisipan ko na ang tungkol doon. Pero sa totoo lang, umaarangkada na naman ang pagiging idealistic ko. Naisip ko na bakit hindi si Christelle ang gumanap na president, e malinaw namang matalino siya? 'Di ba? Tulad sa mga librong nababasa natin.
Kaya gusto ko na lang ding batukan ang sarili ko sa pag-iisip ng ganoong bagay.
"Hahanap ako ng chempo. Pero tanong ko lang—bakit si Summer ang president satin? Bakit hindi ikaw?"
Natawa naman siya. "B-bakit hindi siya? Matalino . . . si Summer . . ."
"Wala naman akong sinabing hindi. Pero parang bago lang para sa 'kin. Usually kasi, 'di ba? Madalas na president ng mga classroom yung mga tulad mo—nerdy, palaaral, tahimik," pag-amin ko naman sa iniisip ko.
Nakakapagtaka lang. Hindi naman sa walang kakayahan si Summer sa ganoong bagay. Pero para sa tulad niyang bully na siyang dapat na sumusuway
sa mga ganoong klaseng tao, e siya pa 'tong promotor ng ideya ng bullying.
"K-kung hindi mo napapansin . . . Summer is an outcast too . . ."
Kumunot ang noo ko. Si Summer? Paanong—?
"N-noong nagbotohan sa president, maingay pa ang pangalan ni Summer tungkol sa pagkamatay ng estudyanteng kung saan siya ang pinagbibintangan . . . they made fun of her . . . pressured her," aniya.
"Hindi ko maintindihan. Sa paanong paraan ba yung sinasabi nilang nakadisgrasya nga siya?"
Naalala ko na naman din kasi si Elysha pati na rin ang mga paratang ng mga taong hindi alam ang totoong dahilan ng pagkamatay niya.
"D-dahil sa mga pananalita ni Audrey . . . sa kaniya," mahinahong aniya. "A-alam mo kung gaano kasakit ang salita ng ibang tao lalo na kung wala kang laban, hindi ba?"
Napayuko ako ng ulo dahil may punto siya. Kung may isang bagay man na dapat tayong iwasan sa mundong 'to ay ang kung paano tayo tumingin sa aksyon at pagkatao ng ibang tao. Dahil kasunod nito ay ang panghuhusga at sa panghuhusgang 'yon, hindi natin naiiwasan na hindi nakakapaglaglag ng mga salitang hindi naman natin mapipigilang bitiwan.
"Sino ba yung taong tinutukoy mo? At saka, paano nadamay si Summer do'n kung umpisa palang naman hindi na sila close?"
Bumuntonghininga siya. "It was Autum . . . Summer's twin."
Natikom ang bibig ko at hindi na nadugtungan pa ang salita.
"I-iniisip ko kung may magagawa man ako . . . ano naman? Pero alam ko ring wala . . . kaya hinahayaan ko na lang si Summer sa gusto niyang gawin sa 'kin. Masiyado na ring malaki ang naging sakripisyo niya para sa 'kin . . ."
***
Late night, bumaba ako ng kuwarto para bumili ng pancit canton na nasa cup sa loob lang din ng dorm building.
Walang ibang nasa isip ko kundi ang mga kinuwento sa akin ni Christelle. Hindi ako makapaniwala na may kakambal pala si Summer at siya pa ang napagbintangang nakapatay sa sarili niyang kakambal.
I wonder kung gaano kasakit 'yon? Hindi lang kasi niya ito basta kapatid—kakambal niya pa. At siya rin ang pinagbibintangang nakapahamak rito.
Ramdam ko naman eh. Unang titig ko palang sa mga mata ni Summer noong nakita ko siya sa cafeteria ay wala akong ibang naiisip kundi ang mga mata ni Airi kung paano niya ako titigan noon.
Pinaghalong galit, pighati, at sakit—hindi para sa aming pinagtutulungan nila kundi para sa mga sarili nila.
Pansin ko ring wala namang ibang pinupuntirya si Summer kundi ako lang o si Christelle. Siguro hindi naman talaga siya ganoon o kung ganoon nga talaga ay pakiramdam ko dahil masiyado siyang nahugot ng mga taong nakapaligid sa kaniya rito sa Queenstown.
Muling pumasok si Airi sa isipan ko. Simula noong insidenteng nangyari sa pagitan namin—hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong muli siyang makaharap.
Hindi naman sa gusto ko . . . pero may gusto lang akong itanong sa kaniya.
Pero sa huli, napapabuntonghininga na lang ako sa frustration dahil hindi ko masunod-sunod ang dapat na plano ko.
"S-saan ka galing?" bungad ni Christelle pagkapasok ko. Nag-aaral siya dahil nakabukas pa ang lampshade sa study table niya at nakakalat ang mga gamit niya tulad ng ballpen at notebook.
Tinaas ko lang sa kaniya ang cup ng pancit canton at lumapit sa kama ko at naupo do'n.
Nagsimula na akong kumain para naman maibsan ang gutom ko sa buong araw na pag-iisip. Sa totoo lang, gusto kong batukan ang sarili ko sa pagiging pakialamera sa ibang relasyon pero pagdating sa sarili ko—nagiging duwag na naman ako.
Inaamin kong hindi ko na talaga kayang tingnan ulit ang isang mata ko sa harap ng salamin. Siguro nakaligtas na rin ako sa thought na hindi masiyadong pakialamera yung mga tao sa South Ville maliban na lang kung talagang seryoso ang pinag-uusapan. Iiwas sila pero hindi puwedeng hindi nakaantabay.
"Keres?" tawag ni Christelle sa atensyon ko.
"Hm?"
"A-anong plano mo? Balak mo bang ayain si Summer sa balak mo . . .? Para sa foundation week?" nag-aalinlangan niyang tanong.
"I'll go for it. Sisimulan ko na ring isulat yung magiging plotline ng musical play."
Ngayon ay sigurado na akong gusto kong gawin ito. Hindi lang para sa iba kundi pati na rin sa sarili ko. I want to push this idea—I want to take risk because I have something that I need to learn throughout this journey.
Sana lang . . . sana lang talaga ay matupad.
"Pero may isa pa akong problema," dugtong ko.
Natigilan si Christelle pagkasabi ko ng problemang isa pa sa mga kailangan kong ayusin bago ito masimulan lahat.
"A-ano yun?" usisa niya naman.
"Kailangan kong makausap si Audrey dahil may gusto pa akong patunayan sa sarili ko at sa mundo," sabi ko.
Dahil naisip ko ring gusto kong magkaroon ng malaking impact sa buhay ng ibang tao. At hindi lang ang kuwento ko ang siyang ibabahagi ko kundi pati na rin ang kuwento ng ibang tao.
At gusto ko silang kasama kahit pa alam kong mahihirapan akong pag-isahin sa grupo sina Summer, Christelle at Audrey dahil sa mga nakaraan nilang alaala.
Gusto kong mapatunayan sa mundo at sa mismong sarili ko na hindi ko kailangan ng ibang tao para matanggap ko ang sarili ko.
At pati na rin kina Audrey at Summer na siyang naging biktima sa sarili nilang bitag. Gusto kong tanggalin nila ng sabay ang maskara nila sa harap ng maraming tao sa darating na araw na 'yon.
Dito ko rin patutunayan na hindi man ako patok sa panlasa ng ibang tao o masakabay man lang sa trend nila—ayos lang. Dahil ang isa na lang ang gusto kong mangyari sa buhay ko ngayon . . .
. . . ang gawing standard ang sarili ko sa maruming lipunan na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top