Chapter 25

Hindi lang isang kuwento ang narinig ko ngayong araw. At alam kong hindi lang isa ang maririnig ko.

Nilingon ko si Christelle na mahimbing nang natutulog habang nakaharap pa rin ako sa laptop ko.

Hanggang ngayon ay walang ibang nasa isip ko kundi ang mga naging opinyon nina Helldric at Audrey tungkol sa perception nila ng totoong paraan kung paano "mabuhay".

Hindi rin nakaligtas sa utak ko ang mga salita ni Airi at Elisha na siyang pinanghawakan ko.

Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong nagtitipa sa Word 2016 ko.

Billions of people govern a vast puzzle: the so-called society. Each is a different color, kind, and size. Nonetheless, all are expected to blend in with everyone else.

But if certain pieces are deemed to be misfits, where would they belong?

Summer, Helldric, Audrey and Christelle . . . alam kong may tamang lugar pa na para sa atin.

***

"Bakla! Bakla! Bakla!"

"Tama na! Hindi nga sabi ako bakla, e!"

"Anong hindi? E nahuli ka nga naming kumekembot, e! Hindi ba bakla lang ang gumagawa no'n?"

Buo na ang loob ko ngayong umaga na hindi sila kumbinsihin na sumali sa club na gagawin ko. Pero isa lang ang aim ko: ang makasama sila sa big project na ipo-propose ko sa klase namin bilang isa sa mga event na gaganapin sa darating na foundation week.

"Nakakahiya ka para sa aming mga lalake! Siguro namboboso ka rin, 'no?"

Natigilan lang ako sa paglalakad papunta sa department namin nang makita ang grupo ng kalalakihan na tantya ko ay mga second year lang.

May isang tumulak sa kanila sa kapwa nila estudyante dahilan para mapaupo yung isa sa semento.

Kumunot ang noo ko nang magsimula nang umiyak yung lalakeng tinulak nila.

"Hindi nga sabi ako bakla! Hindi nga sabi!"

Napabuga ako ng hangin lalo na nang makilala yung estudyanteng tinulak nila—siya yung nagtangkang magpakamatay sa rooftop noong nakaraan.

"Hoy, hoy, ano 'yan?"

Gulat silang napalingon sa akin at nakakunot pa ang mga noo.

"Sino ka?" maangas na tanong ng isa sa kanila.

"Ako si Mei Misaki, bakit?" sabi ko naman habang tinutukoy ang isang character sa isang anime na napanood ko na. Parehas lang din kasi kami ni Mei Misaki na nagsusuot ng eye patch.

Humagalpak sila ng tawa kahit hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko.

"Mei Misaki raw? Galunggong misaki puwede pa," sabi ng isa sa kanila.

Napakrus ako ng braso sa inasal ng mga 'to. Mukhang mga totoy pa. Hindi ko tuloy maiwasang maalala yung mga taong gumaganito rin sa akin noong nasa edad pa nila ako.

"Tumahimik ka, boi. Bakit niyo siya inaaway? Mga 'di ba kayo pinalaki nang maayos ng mga magulang ninyo?"

Tinulak ako sa balikat ng lider nila—iyong tumulak sa lalake. "Bakit hindi mo na lang asikasuhin yung sarili mo? Hindi yung nakikisali ka pa sa amin. Papansin ka?"

Ngumiti ako sa kaniya. "Hindi. Mas mukha pang papansin sa ating dalawa. Gusto mo bang mapansin din ng Principal itong ginagawa ninyo sa kaklase niyo?"

"Huh? Bakit mo kami isusumbong e away namin 'to?"

"Dahil gusto ko. Isa pa, hindi tama 'yang ginagawa ninyo sa kaklase ninyo. Kapag may nangyaring masama sa kaniya dahil sa ginagawa ninyo, sa tingin niyo, sinong sisisihin?"

Nagkatinginan silang tatlo.

"'Di ba kayo?" ako na rin ang sumagot. "Gusto niyo ba 'yon? Yung tipong dadalawin niya kayo ng alas tres ng umaga at hindi na kayo makakatulog dahil sa ginawa niyo sa kaniya?"

Mabilis silang umiling.

"Maayos naman pala kayong kausap eh. At saka, para lang sabihin ko sa inyo. May ground for expulsion 'yang ginagawa niyo. Hindi tamang mangbully kayo ng kapwa niyo dahil lang sa trip niyong i-bully siya," wika ko pa.

"E ayaw niyang amining bakla siya eh. Natatakot kami sa kaniya na baka bobosohan niya kami," sagot ng isa sa kanila.

"Hindi naman kasi ako bakla! At wala akong pakialam sa inyo para pansinin pa kayo."

Bumuga ako ng hangin. "Paano niyo ba nasabing bakla siya? At hindi naman tama na basta na lang kayong nambibintang na hindi naman pala niya ginagawa."

"Nakita kasi namin siyang kumekembot eh."

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. "Porque ba kumekembot bakla na? Hindi. Bata pa kayo at sa paglaki pa ninyo, marami pa kayong matututunan. At isa na ito doon. Hindi niyo puwedeng sabihing bakla ang isang ito ng ganoon lang lalo na kung wala naman kayong proweba. Isa pa, bakit? Babae lang ba ang puwedeng kumembot? Pantay-pantay tayo ah? Kung nakakayang gawin ng mga babae ang gawain ng mga lalake ay kaya rin ng mga lalake. Saka anong tawag niyo sa mga lalakeng dancer? Bakla rin ba?"

Sabay-sabay silang umiling.

"Oh, e anong dapat niyong gawin?"

Napakamot sila ng ulo. "Magsorry?"

Tumaas ang kilay ko. "Bakit parang hindi pa kayo sigurado? Ayaw niyo?"

Yumuko ang mga ulo nila bago humarap doon sa lalakeng kanina lang ay inaaway nila. "Pasensiya na."

"Sorry."

"Hindi ko sinasadya."

Hindi naman nagtagal ay tumango lang din ang lalake at nginitian sila. "Wala 'yon."

Napabuntonghininga na lang ako habang tinitingnan silang magkapatawaran.

Kung may mga tao kayang nagawa ang bagay na ito sa amin noon—aabot kaya sa ganitong punto?

"Ate, salamat po. Aalis na kami."

"Teka, ano munang pangalan mo?"

"Jeurbe po. Jeurbe Rodriguez. Sa susunod na lang po ulit."

Tumango lang ako sa kaniya at kumaway. Pinanood ko lang silang maghiwalay ng landas hanggang sa maiwan ako sa kinatatayuan ko.

Kung puwede pa lang maagapan, bakit walang gumawa no'n?

"See? The world is still a warm place."

Napalingon ako sa biglang sumulpot at natagpuan si Helldric na nakapamulsa sa gilid ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. "Nagmature ka na, Keres. Nakita ko ang ginawa mo kanina."

Napangiti lang din ako habang pinapagmasdan pa rin ang daang tinahak ng mga second year student na 'yon kanina.

Bakit kung makapagsalita ako parang college graduate na? Hay!

"You just really have to accept yourself and the people who surround you in order to have a peaceful life," wika ko.

"But not to the point of justifying them just to prove a point," aniya.

Napatango-tango ako. Isang linggo pa lang ako sa eskuwelahang ito pero masiyado na akong maraming natututunan na hindi ko nagawa noon.

"And to in order to completely move forward, you have to accept what's in there and what is not."

"Hmm. Masiyadong napalalim mga iniisip mo ah. May plano ka na ba para sa bubuuin mong club?"

Humarap ako sa kaniya. "Yes. Pero imbes na bumuo ng club, naisip kong gawin na lang itong gusto kong gawin sa mismong foundation week. Sa tingin mo kaya puwede?"

Kumunot ang noo niya. "Ano ba 'yon?"

"A musical theatre."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top