Chapter 23

Nandito ako ulit sa cafeteria. Tulad noong nakaraan ay pinili ni Christelle na hindi sumama sa akin kaya sa dulong upuan malapit sa pinto ng cafeteria ulit ako pumwesto—kung saan kitang-kita ko ang lahat.

"Girls, tara rito."

Napatigil ako sa paghahalo ng spaghetti na in-order ko nang marinig ang boses ni Summer.

Hindi ako nagpatalo sa kabang nararamdaman ko ngayong alam ko na kung paano siya kakalabitin upang bumigay.

Tumunog ang upuan sa katapat ko at napalunok nang makitang umupo doon si Summer. Nasa magkabilang gilid niya ang dalawang alipores niya.

"Hi, transferee," bati ni Summer.

Kahit ayaw ko pa sanang magkaroon ng gulo ay kailangan kong harapin ang isa sa mga kinatatakutan ko—ang harapin ang mga gaya niya nang hindi kumukurap.

"Anong kailangan mo?"

Humilig si Summer sa lamesa at napatingin sa pagkaing nasa tray ko.

"I see that you're having a feast over a spaghetti," aniya.

Nagsimula nang maglakad sa magkabilang gilid ko ang dalawang alipores niya kaya nakaramdam na ako ng kaba.

I've been through this since middle school . . . I know that I'll get through this.

"Gusto mo bang turuan ka namin ng tamang pagkain niyan?" tanong ng babaeng may hawak ng tray kahapon.

"Alex, kita mo na ngang marunong siya, di ba? Wala ka bang manners?" ani isang babaeng nasa kaliwang bahagi ko.

"Girls, girls. Hindi kasi ganiyan. Nakalimutan mo na ba yung tamang way, Eilou?"

Humigpit ang hawak ko sa tinidor lalo na nang tumayo si Summer at hinawakan ang tray sa harapan ko at walang pasabing binuhos sa uniporme kong binili kahapon ang spaghetti.

Napaatras ako nang tayo at napuno nang halakhakan ang buong cafeteria dahil sa kanilang tatlo.

"Oh, saan ka pupunta? Hindi pa tapos. Dapat iinom ka pa ng tubig pag nabusog ka, di ba?"

Hindi ako nakapalag nang hawakan ako ng dalawang alipores niya sa dalawang braso.

Biglang pumasok ang imahe nina Aya at Irene sa isipan ko nang ginawa rin nila sa akin ito noon.

Splash!

Hindi maubo-ubo ako nang isaboy ng Alex na tinatawag nila ang tubig sa mukha ko.

"'Yan! Tama 'yan! Ngayon, alam mo na kung sinong kinakalaban mo?" tanong sa akin ni Summer.

Wala na akong luha na mailuluha pa. Kaya walang emosyon akong tumingin sa nakangising nakahalukipkip na si Summer.

"Ganiyan ka ba talaga?" mabigat ang boses na tanong ko.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Natigilan din ang dalawang alipores niya sa pagtawa at nabitiwan ang braso ko.

Tumaas ang kilay niya. "Ano?"

Matagal ko nang gustong itanong ito kay Airi noon. Pero sa takot na baka hindi lang sampal at sipa ang matanggap ko mula sa kaniya ay hindi ko na sinubukan pa.

Siguro nga lahat ng salita pati na rin ang galaw na gusto nating sabihin sa isang tao na hindi natin nagawa noon ay may tamang taong paglalagyan ngayon.

"Duwag? Duwag ka. Hanggang kailan mo balak ipagpatuloy ang ganiyang pag uugali?"

Nakita kong umusok ang ilong niya at napapikit na lang ako nang mag angat siya ng kamay.

Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa ring palad na tumama sa pisngi ko.

Kaya nang magmulat ako ay napaawang ang labi ko.

"Helldric," nanginginig sa takot na sambit ni Summer.

Napatingin ako sa lalaking tinawag niyang Helldric at hindi ko malaman kung bakit parang pamilyar ang mukha niya sa akin.

Parang nakita ko na noon pero hindi ko alam kung saan.

"Enough."

Isang salita lang niya ay agad na napasunod sina Summer. Nasalo kasi ni Helldric yung kamay pala ni Summer na isasampal niya sana sa akin.

Agad na nalipat ang tingin sa akin ng lalaki at sinenyasan akong sundan siya.

Nangunot ang noo ko. "Bakit?"

"Sumunod ka na lang. Akala ko ba gusto mo akong makausap?" malalim na boses niyang sabi.

Sinamaan ako ng tingin nina Summer kaya kahit pa nagtataka ay sumunod na lang din ako.

Kailangan ko rin magpalit. Mabuti na lang at may dala ako parating extra.

Naka ugalian ko nang gawin 'yon dahil parati akong naghahanda para sa pinaka worse na puwedeng gawin sa akin nina Airi.

It turns out, dito pa ako sa South Ville makakaranas na masabuyan ng kung ano.

Tahimik lang akong sumunod sa Helldric na tinatawag nila habang pilit na hindi pansinin ang mga matang nakasunod sa amin.

Nakasalubong pa namin si Christelle at nagulat ako sa pag-thumbs up niya sa akin.

Seriously?

Hindi ba siya nakakaramdam na nakakatakot itong lalaking sinusundan ko ngayon?

Natigil lang ako sa paglalakad nang tumigil si Helldric sa isang walang laman na classroom.

"Uh, anong meron? Bakit mo 'ko pinasunod sa 'yo?"

Pumamulsa siya at umupo sa isang arm chair sa kuwartong 'yon.

"Simula nang makalipat ako sa eskuwelahang 'to, naniniwala akong wala ng pag-asa yung mga taong katulad ni Summer. Pero hindi totoong plataporma ko na hayaan ang mga estudyante na ma-bully ng ganoon. Hindi mo ba nabasa sa school handbook 'yon?"

Tinagilid ko ang ulo ko, frustrated sa sinasabi niya. "O-okay? Wala naman akong sinabing ginawa mo nga 'yon."

Nagkrus siya ng braso. "Pero naniwala ka noong sinabi 'yon ni Christelle sa 'yo. Kaya nga bumuo ka ng recreational club for Misfits, hindi ba?"

Biglang pumasok sa isipan ko ang ideya na kakausapin ko nga pala siya patungkol dito.

"Well . . . oo. Pero hindi ko naman gagawin 'yon dahil lang sa binu-bully yung mga taong sasali doon. Ginawa ko 'yon dahil gusto kong ma-realize nila na may lugar pa sila sa mundong 'to. At magandang tanggapin ang sarili nila na hindi tumatanggap ng validation sa kahit sino," paliwanag ko.

Actually, matagal ko ng pangarap na magkaroon ng ganitong club. O kahit man lang simpleng samahan ng mga taong nahahanap ang same interest sa isa't isa na hindi na kailangan pang isingit ang sarili sa iba. O sumabay man lang sa trend dahil lang trend iyon.

"The recreation of the world for you is too ideal."

"People like me loves idealistic things."

"And that's your objective?" aniya. "To make your comrades believe of things that didn't actually exist?"

Ano raw?

"Anong ibig mong sabihin?"

Bumuga siya ng hangin. "Bakit kailangan niyo pa bumuo ng club when you can simply help people believe on theirselves? Like what you're implying."

"Dahil may mga tao pang walang lakas na gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin. Natatakot pa sa sasabihin ng mundo tungkol sa kanila."

"Or you mean to say, you're the one who do not have any confidence to accept yourself?"

Kumunot ang noo ko. "Anong pinagsasabi mo?"

"Long time no see, Keres Esmeray."

Umawang ang labi ko. "Sino ka?"

Natawa siya. "Nakalimutan mo na ako kaagad? Pero para maalala mo, si Helldric Santillan 'to. Yung taong dati mong tinulungan na maniwala sa sarili pero hindi mo man lang magawa yun sa sarili mo—hanggang ngayon."

Helldric . . . Helldric Santillan—Helldric Amadeus—

Pinagmasdan ko siyang nanlalaki ang mga mata. "Big fat Helldric?! I mean, Helldric? As in, Helldric Amadeus?"

Ngumiti siya kaya hindi ako makapaniwalang pinagmasdan siya sa harapan ko.

Paanong . . .?

"Nakakaalala ka pa rin pala."

"Bakit . . . ? I mean, ano nang nangyari sa 'yo?" nagtatakang tanong ko.

Kilala siya noon sa Peterborough bilang Big Fat Helldric dahil nga mataba siya noon. Nerdy. Kagaya ko, walang ibang tumutulong sa kaniya sa tuwing pinagtitripan siya ng mga seniors pati na rin ng grupo ni Airi noong freshmen year namin.

Siguro, isa na rin sa dahilan kung bakit maliban sa mga mata kong nilait-lait nila ay ang pangingialam ko noon para lang protektahan siya ay naging dahilan para tratuhin ako nina Airi ng ganoon kalala.

Nga lang, nagulat na lang ako isang araw na nag-transfer na raw si Helldric sa ibang eskuwelahan. Hindi ko naman alam na dito pala sa Queenstown.

"Sabihin na lang natin na hindi ako nakuntento sa mga payo mo noon kaya masiyado akong naging greedy. Nagbago ako—hindi para sa sarili ko kundi para sa ibang tao. Kagaya mo noon, mahilig ako mangialam sa mga taong tinatrato kung paano ako tratuhin ngayon. Nagmamatapang kahit ang totoo, takot at duwag talaga. Kaya para matigil na lahat nang panglalait sa akin—nagbago ako—ayon sa kung anong gusto nila."

Ang laki nga talaga ng pinagbago niya. Kahit naman noong freshmen kami, para sa akin, may itsura na si Helldric. Pero hindi ko akalaing ganito siya kaguwapo sa itsura niyang fit na fit ngayon.

"Pagtapos ay tumakbo ako bilang presidente ng eskuwelahang 'to sa paniniwalang may mababago at magagawa para sa mga taong binu-bully at madadala sa mga salita ko dahil nga heto na ako. Pero wala. Dahil naisip kong parang insulto 'yon sa mga taong binu-bully kagaya ko na ang lakas ng loob ko para umasta ng ganito ngayon kung ako rin naman—napasunod sa mga gusto nila noon."

Hindi ko talaga akalaing darating pa yung araw na magkikita kami ngayon. Tho, hindi naman din kami close ni Helldric noon. Sinama-samahan ko lang siya tuwing mag-isa siyang kumain sa cafeteria at lahat ng bagay na puwede kong masabi sa kaniya ay sinabi ko. Kahit pa hindi ko rin naman magawa sa sarili ko ngayon.

"Alam ko ang nangyayari sa 'yo sa Peterborough," seryosong wika niya. "Minsan na akong bumalik doon para sana makausap ka at nakita kong mas lumala ang pagtrato sa 'yo nina Airi. Pero hindi ko magawang lapitan ka dahil naisip kong hindi mo rin naman ako maaalala. Napagsisihan ko lang 'yon noong nabalitaan kong . . . binulag ni Airi ang isang mata mo."

Wala sa sariling napahawak ako sa mata kong may eye patch.

Inaamin kong simula nang mabulag ang isang mata ko ay hindi ko na kayang tingnan ang sarili kong mga mata nang buo na hindi nakararamdam ng pandidiri. May maliit na sugat kasi sa loob. At iyon sana ang ooperahan sa isang buwan.

Pero parang hindi ko kaya.

Kaya ngayong nakaharap ko ulit si Helldric at napagtagpi tagpi ko ang mga gusto kong gawin—hindi ko maiwasang hindi matawa sa sarili ko.

Ano ba talagang gusto kong mangyari?

"Simula no'ng nakita kong wala pa ring nagbabago kay Airi at sa mga senior na minsan nang sumira sa buhay ko—naniwala akong wala ng pag-asa yung mga tulad nila. Kaya nang bumalik ako rito sa South Ville, hindi ko alam kung paano ko pipigilan yung mga taong walang ibang alam kundi manakit ng damdamin ng iba at manakit ng pisikal. Naniwala akong wala ng makakapagbago sa eskuwelahang ito.

Iyon din ang paniniwala ko. Hanggang sa makilala ko ang mga taong tulad nina Summer, Christelle at Audrey pati na rin ngayong nakita ko na ulit si Helldric.

"Hanggang sa nabalitaan ko sa Ate Karina mo na lilipat ka na rito sa syudad. Sinabi ko agad sa kaniyang dito ka na lang ilipat sa South Ville."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "May komunikasyon kayo ni Ate Karina?"

Kilala kasi ni Helldric si Ate Karina. Bago pa man siya ma-bully ng mga tao sa Peterborough ng dahil sa akin—tinuturing ko ng kaibigan ko si Helldric kahit hindi ako sigurado kung ganoon din ba ang trato niya.

Parati kaming nagkikita sa may likod ng building at doon kami kumakain tatlo. Kumbaga saling pusa sa relasyon naming magkapatid si Helldric noon.

Pero hindi ko alam na may komunikasyon pa sila matapos umalis ni Helldric sa Peterborough.

"Minsan lang. Kapag naaalala ko siyang kamustahin o di naman kaya kapag may ikukuwento siyang tungkol sa 'yo."

Mas lalo akong nagtaka. Dalawang taon kaming hindi nagpansinan ni Ate Karina dahil na rin sa sinapit niya. At hinayaan ko siyang sisihin ako dahil iniisip kong kasalanan ko rin naman.

"Ano namang kinukuwento niya sa 'yo? At bakit naman niya gagawin 'yon? Dalawang taon—"

"—na kayong hindi nagpapansinan? Alam ko ang tungkol doon. Nasabi niya 'yon sa akin. At alam mo kung anong sinabi niya?"

"Ano?" tanong ko.

"Galit siya sa 'yo. Naiirita. Pero mas magalit siya sa sarili niya dahil sinisisi ka niya sa bagay na hindi mo naman ginawa. Galit siya kasi hinayaan mong sisihin mo yung sarili mo sa nangyari sa kaniya. Pero naisip niya ring mas malaki ang kasalanan mo sa sarili mo, Keres."

Wala naman akong ginagawa sa sarili ko kaya anong ibig niyang sabihin do'n?

"Masiyado mong pinaparusahan yung sarili mo. Alam kong binu-bully ka rin dahil sa mga mata mo, Keres. At alam ko ring gandang-ganda ka sa mata mo noon. Pero simula no'ng nangyari sa Ate mo, inisip mo na ring malas ang mata mo. Kasalanan ng mata mo. At parati mong tinatanong sa sarili mo kung bakit sa inyong magpamilya—ikaw lang ang may naiibang maa?"

Napalunok ako nang marinig ang sinabi niya. Paano niya nalaman ang lahat ng 'yon? Wala akong ibang taong—

"Palagi kang sinisilip ng Ate mo tuwing gabi. Lalo na kapag naririnig niyang umiiyak kang mag-isa dahil umuuwi kang lugmok na lugmok na siguradong dahil rin sa ginagawa sa 'yo nina Airi. Tanong ko lang, Keres. Ni minsan ba naging confident ka sa pagkakaroon ng ganiyang mga mata?"

Hindi naman ako nakapagsalita. Bakit biglang napunta sa ganito ang usapan?

"Naalala mo dati? Kapag binu-bully ako ng grupo nina Airi, parati mong sinasabi sa akin na kapag tanggap ko ang sarili ko—walang kahit na sino ang makakatibag sa akin? Naalala mo noon, walang araw na hindi mo pinapaalala sa aking kahit ano pa man ako, hindi naman nakadepende sa tao yun kung dapat bang tanggapin nila ako o hindi. Lahat ng iyon in-apply mo man lang ba sa sarili mo?"

Napailing ako. "Hindi."

Dumating sa puntong nagpatong-patong na lahat ng problema ko mula kina Airi hanggang sa pamilya ko. Simula noong trahedya ni Ate, hindi ko maitatanggi na walang araw na hindi ko kinuwestyon ang sarili ko kung bakit ako lang ang may ganitong mga mata.

Minsan ko na rin sinubukang bulagin ang sarili ko para lang kapag haharap ako ng salamin o sa ibang tao—hindi ko na makikita kung anong reaksyon nila.

Pero useless rin dahil maririnig ko naman ang sasabihin nila tungkol sa akin.

It was a torture for me. Lalo na ang katotohanang akala ko tanggap ko na ang sarili ko.

Pero hindi pala.

"Gusto ko yung ideya mo na bumuo ng club, Keres. Pero gusto kong pag-isipan mo muna ang tungkol sa situwasyon mo," saad niya. "But you were busy protecting others when you can't even protect yourself."

Napayuko na lang ako.

"Kung may pagtanggap man na gusto mong maranasan pati na rin yung mga taong nasa paligid niyo na pilit kayong ibinababa, dapat manggaling muna yun sa mga sarili niyo—gaya nang sinabi mo noon. Dahil walang ibang tatanggap sa 'yo nang buo kundi ang sarili mo lang."

Iyon lang ang sinabi niya bago ako iniwanan sa silid na 'yon.

Paano ko gagawin 'yon?

Paano ko sisimulan?

Napabuntonghininga na lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top