Chapter 22

Tumambay kami ni Christelle sa may Liberty Garden.

Doon ko pinag iisipan lahat ng mga maaari kong puwedeng gawin para sa club na 'to.

"N-nakausap mo na ba si Helldric patungkol dito? B-baka hindi ka niya payagan?"

Napaisip naman ako. Hindi ko naman kailangan ng club room para rito pero dahil may mga naiisip akong activities para sa club. Siguro kailangan ko nga ng permission ni Helldric para masimulan ito.

Kailangan ko rin siyang mapapayag.

"Kakausapin ko kapag nakahanap ako ng chempo."

"P-pero alam mo? S-sobrang cool ni Audrey kanina. K-kaso sa sobrang nasira ang reputasyon niya sa school na 'to. W-wala nang naniniwala pa sa kaniyang kaya niyang gumawa nang mabuti," pagkukuwento niya.

Naisip ko rin 'yon. Nagulat pa nga ako kung bakit nasa rooftop si Audrey kanina. Gusto kong magpasalamat pero hindi ko rin alam kung para saan naman.

Pero nagtataka rin ako kung bakit maraming may ayaw sa kaniya bukod sa nakakatakot nga ang aura. Mas dama ko pa yung kilabot sa kaniya kaysa kay Airi.

Airi . . . naalala ko na naman. Ano na kayang nangyari sa kaniya?

"Ano bang kuwento ni Audrey? Ba't parang maraming umiiwas sa kaniya?"

Bumuga siya ng hangin. "S-si Audrey ang dahilan kung bakit nagkaganiyan si Summer. T-takot si Summer kay Audrey noon dahil si Audrey yung nangbubully sa akin noon. S-siguro sa sobrang pressure na rin kay Summer, kaya siya nagkaganiyan ngayon."

Dating bully si Audrey? Kaya ba ganoon na lang ang takot ni Summer sa kaniya no'ng nagkita sila sa cafeteria?

"M-may isang trahedya noon na napagbintangan si Summer na nakapatay pero ang totoo si Audrey talaga ang dahilan kung bakit namatay yung estudyante dahil sa pangbubully ni Audrey sa kaniya."

Somehow, hindi ko mapigilang hindi mag-reflect sa lahat ng ikinukuwento niya pati na rin sa mga nangyayari ngayon dito dahil lahat iyon napagdaanan ko na.

Minsan na rin akong napagbintangan na nakadisgrasya kahit pa ang totoo, wala naman akong kinalaman sa taong 'yon. Pero walang naniwala sa akin dahil alam kong hindi nila matatanggap kapag nalaman nila na ang taong pinaniniwalaan nilang "mabuti" ang siyang dahilan kung bakit nawala ang estudyanteng 'yon.

At nagkaroon sila ng pagkakataon noong sinubukan kong ipaglaban ang sarili ko.

Naging resulta 'yon para mapatalsik ako sa mala impyernong eskuwelahang iyon gaya ng gusto ng mga taong nandoon.

Pero heto ngayon, na-realize na hindi lang pala ako ang nakakaranas nito.

"Anong nangyari kay Audrey at Summer, kung ganoon?" usisa ko pa.

"N-napressure si Summer. P-pinatawag ang mga magulang nila nang mag-open ng school discipline committee. P-pero walang sumulpot na magulang ni Audrey at tanging si Summer lang. D-dahil nga rin strikto ang magulang ni Audrey at may koneksyon ang pamilya niya sa eskuwelahang ito—nakaligtas siya. I-inisip ng mga tao sa eskuwelahang ito hindi pa rin magbabago ang iniisip nila tungkol kay Summer. P-para sa kanila, siya pa rin ang nakadisgrasya sa estudyanteng 'yon. S-simula din no'n ay pinanindigan niya ang imahe niya masama siya. D-dahil iyon na ang nakita ng mga tao sa kaniya."

Napatulala na lang ako sa kawalan. Alam kong wala pa ring excuse ang mga aksyon ni Summer kahit pa sabihin mong napilitan lang siyang maging gano'n dahil iyon na ang tingin sa kaniya nang nakararami.

Pero sa isang banda, unti-unti na 'kong naliliwanagan.

Ano rin kayang dahilan ni Airi kung bakit siya nagkaganoon?

"M-masakit para sa akin na nagkaganoon siya." Napatingin ulit ako sa kaniya. "M-minsan, iniisip ko na baka kasalanan ko kasi nga kapag inaapi ako, nagpapaapi ako. H-hindi niya ako magawang protektahan dahil natatakot siyang baka siya naman ang pagtulungan. P-pakiramdam ko, galit siya sa akin dahil hindi ko magawang ipaglaban man lang ang sarili ko. S-sa isiping ganoon nga, hinayaan ko siyang gawin sa akin ang lahat ng ito. B-baka lang kumalma siya. B-baka lang matauhan siya. K-kahit hindi ako sigurado kung kasalanan ko nga—pinagbayaran ko naman sa pamamagitan ng pagpapaapi sa kaniya."

Hindi na 'ko umimik pa simula no'n. Walang ibang nasa isip ko kundi ang mga taong naging involved din sa buhay ko noon bago pa man mangyari ang lahat ng ito. Pati na rin ang mga gusto kong gawin para sa mga taong nakakaranas ng mga naranasan ko noon.

Kung may lugar man akong mabubuo para sa kanila, sa paanong paraan ko masisimulan 'yon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top