Chapter 20

Hindi ko alam kung bakit natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap ng blank document ng Word 2016 ko. Simula nang marinig mula kay Elisha ang mga patungkol sa situwasyon naming misfits ay naniniwala akong malaki ang mundo at maaaring may lugar pa rin kami kung saan tanggap kami ng lahat na hindi namin kakailanganin pang ipilit ang sarili namin sa ibang tao.

Sinilip ko ang sarili ko sa maliit na salamin sa gilid ng laptop ko. Tanging lamp shade lamang ang nagbibigay ilaw sa akin at kita kong buhay na buhay ang pula at asul kong mga mata. Hinaplos ko ang mata kong tinusok ni Honoka ng ballpoint pen kaninang umaga. Hindi naman na 'yon masiyadong namumula ngunit ramdam ko pa rin ang hapdi nito.

Bumuga ako ng hangin habang iniisip na masiyadong naging mahaba ang araw na ito para sa akin. First day na first day of school pero iba't ibang klase na agad ng tao ang nakilala ko. Ngunit dalawa lang ang na-classified ko sa bawat taong nakilala ko.

Ang tanggap ang sarili nila at ang taong hindi tanggap ang sarili nila.

Nasabi sa akin ni Christelle na wala masiyadong club ang eskuwelahang ito dahil hindi naman masiyadong mahilig ang mga estudyante rito sa mga gano’n. Hindi yata na-research ng mga magulang ko nang maayos ang tungkol sa eskuwelahang ito pero puro tapunan daw ito ng mga delinquent. Pero dahil sa sinabi niya at sa sinabi ni Elisha rin sa akin kaninang umaga, naisip kong bigyan na rin ng spotlight ang boring kong buhay.

". . . we still have places that we can go and we can feel that we belong."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago napagpasyahang i-exit muna ang Word 2016 ko at dumiretso sa Google. Mabilis kong itinipa ang mga tungkol sa ibang terminology ng journey, word na may 'free will' ang ibig sabihin, at iba pang patungkol sa mga cases na katulad sa akin.

Naisip kong desidido ako sa balak kong pagtatayo ng club kaya kailangan ay magpursige ako.

Hindi lang ito para sa akin kundi para na rin sa mga tulad kong paulit-ulit pinararamdam sa kanilang wala kaming lugar sa mundong 'to.

Lumabas ang salitang Bohemian, Voyage at Eccentric.

Alam kong hindi lang ito tungkol sa pagtanggap ko sa aking sarili. Kung desidido akong tulungan ng ibang tao, alam kong kailangan ko ring tulungan ang ibang tao sa abot nang makakaya ko.

Huminga ako nang malalim at pinatunog ang mga daliri ko. "Okay, let's do this."

Kinuha ko ang journal notebook ko na hindi ko pa nagagamit at binuksan iyon sa harapan ng laptop ko. Nagsimula na akong magsulat ng mga objectives at kakailanganin para mabuo ang Misfits Club.

***

Mahahaba ang bawat hakbang ko papunta sa classroom namin habang mahigpit ang hawak sa aking journal notebook. Napag-isipan kong ngayong umaga ko na kakausapin si Helldric—ang presidente ng Student Council—bilang siya ang tagapamuno ng eskuwelahang ito. Naisip kong piliin ang mga taong isasali sa club na ito dahil na rin sa private school ito kaya palagay ko naman ay may class pa rin ang mga tao rito.

Nang makapasok ako sa classroom ay wala akong naabutang maski anong anino ni Christelle, siya ang may alam sa mga pasikot-sikot dito. Naisip ko ring baka nasa Student Council Room siya bilang treasurer raw siya rito kaya napag-isipan kong doon na lang din dumiretso kaagad dahil hindi ko matanggal sa isipan ko ang mga idea na naisip ko patungkol sa club.

Hindi ako sigurado kung gagana ba pero at least alam kong may nagawa ako para sa sarili ko at para sa ibang tao. Pagkakaibigan na main objective ng club na ito at isinama ko sa idea, kahit pa mahirap dahil kung ako nga ay nahihirapan, ang iba pa kaya? Ngayon, hahanapin ko ang purpose ko sa mundo.
Kung hindi man para sa akin ang mundong 'to, maaaring para sa iba.

Ibinaba ko ang bag ko sa puwesto ko sa pinakaharapan at dala-dala ang journal notebook ay lumabas na ako ng classroom. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing wala pa ang grupo nina Summer, nalaman ko rin kasing kaklase ko pala siya kaya malamang ay late 'yon pero hindi pa rin nakalagpas sa paningin ko ang mga kakaibang tingin sa akin ng mga estudyante na nasa corridor.

"Kinalaban daw niya kahapon si Summer ah?"

"Oo, transferee lang pero nagmamagaling."

"Buti nga dumating si Audrey, eh. Dinig ko sa ibang section na mamalasin ka raw kapag tumingin ka sa mga mata niya. Yung may takip?"

"Sa tingin mo, sinong nag-summon sa kaniya?"

Kuyom-kuyom ko lamang ang aking kamao habang isa-isang nilalagpasan ang mga taong wala nang ginawa kundi ang pagbulungan ako. Tanging ang may malakas na loob lang naman na harapin ako ay ang grupo nina Airi sa Peterborough. Pero iba na ngayon. Si Summer na.

Hanggang saan din kaya ang kayang gawin ng mga taong 'to ngayon?

Nang makababa ako ng building ay tanaw ko ang mga iba't ibang estudyante na labas pasok sa campus pati na rin ang mga estudyanteng hindi ako pinalalagpasan ng kanilang tingin para lang husgahan sa titig nila.

Kung puwedeng buong pagkatao ko na lang ang takpan ko para lang makaligtas sa tingin nila ay ginawa ko na. Hahakbang na sana ako patungo sa direksyon ng Student Council Room nang may tumili habang nakatingala sa langit.

Marami rin ang napasinghap sa kung ano mang tiningnan nila sa itaas kaya rin tumingin na rin ako.

"Anong ginagawa mo riyan?!"

"Bumaba ka diyan!"

"Anghel ba 'yan?"

"Teka, mukhang si Jeurbe Rodriguez 'yan, a? Anong ginagawa niya riyan sa rooftop?!"

"Tatalon ba siya?!"

Umawang na rin ang labi ko habang pinagmamasdan ang lalakeng nasa rooftop ng first year department. Dalawang palapag lang ang mayroon ng first year maliban sa rooftop nito. May kung anong sumipa sa tiyan ko habang pinagmamasdan ang lalakeng tinitingnan kaming lahat mula sa kinatutungtungan niya.

"Na-bully na naman ba siya? Parang parati na lang 'yang pinagti-tripan, e."

"Ayoko na! Hirap na hirap na ako! Wag niyo akong pipigilan!"

Hindi natanggal ang tingin ko sa lalake habang kuyom-kuyom pa rin ang aking kamao. Naalala ko si Elysha. Aakalain mong anghel siya dahil mula rito ay kitang-kita ang kaniyang kaputian. Kung hindi niya lang suot ang blazer ng first year na kulay pink ay aakalain kong anghel nga siya sa sobrang puti niya. Kasama na rin ang kaniyang buhok, at buong mukha, at halos hindi mo na malaman dahil tinatamaan siya ng sinag ng araw.

"Bumaba ka na riyan!"

"'Wag kang gumawa ng eksena! Bumaba ka na!"

"Huwag kang pasikat!"

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa sabay-sabay na boses na sumisigaw at pinabababa ang babae na nasa rooftop. Hindi ko maiwasang samaan nang tingin ang mga estudyanteng sumisigaw n'on.

Hindi sila nakakatulong! Mas lalo lang nilang dinadagdagan ang pressure doon sa bata dahil sa pasigaw-sigaw nila.

Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?
"A-anong nangyari?"

Napatingin ako sa aking gilid nang makita ko si Christelle kasama ang  pati na rin si Principal at mga dalawang guards ng aming school.

"H-hindi ko alam . . . nagulat na lang ako nang may tumili at nandiyan na siya . . ." nanginginig ang boses na sabi ko.

Iba ang plano ko para sa umagang ito at hindi ito kasama rito pero bakit pamilyar ang eksenang ito na nakikita ko? Ang pinagkaiba lang, nasa ibaba ako ngayon dahil noong panahong 'yon, kasama ako ni Elysha sa itaas.

"Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Bumaba ka riyan!" sigaw ni Principal.

"Wala kayong alam! Hindi niyo nararamdaman ang naramdaman ko! Ayoko na!"

Nagpa-panic na ang karamihan na nasa quadrangle pero alam naming wala kaming magagawa. Matapos kong marinig na isa rin siya sa binu-bully ay hindi ko na alam kung paano pa kikilos. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na tapusin na lang ang buhay ko dahil sa pinagtutulungan ako ng mundo, pero ano bang alam ko? Hindi ko naman alam ang nararamdaman niya.

"K-keres, tulungan mo siya!"

Hindi ko na naintindihan pa ang mga pangyayari nang mapuno ang tainga ko nang pagtili at pagsigaw nang makita naming dumulas ang babae sa metal bars.

"'Hindi!"

Napaupo ako sa semento at tinakpan ang dalawang tainga dahil sa kung anong maaaring marinig.

Dub. Dub.Dub.

Ilang segundo ang lumipas ay wala akong kahit na anong naririnig kundi ang mabilis lamang na pagpintig ng aking dibdib. Nagsimula nang magsipatakan ang aking mga luha dahil sa nangyari. Pakiramdam ko, ito ang unang beses sa tanang buhay ko na natahimik ang buong South Ville Academy at walang kahit na anong panglalait, panghuhusga at pagkakaisa mula sa mga estudyante ang narinig ko.

"Nasagip siya!" muli na namang sigaw ng kung sino.

Ano?

Ano raw?

Dahil sa sinabing 'yon ay unti-unti kong minuklat ang mga mata ko at halos matumba ako sa kinauupuan ko nang makitang hirap na hirap si Audrey na hilahin ang lalake pabalik sa rooftop.

Ilang beses pumikit ang mata ko at halos malagutan ako ng hininga dahil sa ginhawa nang makitang hawak-hawak nga ni Audrey ang kamay ng lalake at hindi ito binibitiwan.

Teka, si Audrey? Anong ginagawa ni Audrey sa itaas?

"Tulungan niyo! Tulungan niyo si Aldueger!" utos ni Principal sa dalawang guard na kasama sila.

Halos panlambutan ako ng katawan dahil sa sobrang panghihina sa natuklasan. Nakita ko na rin ang mga guards na kasama lang nila Principal kanina na inisang buhat lang ang lalake.

"That . . . was . . . that . . . was . . . close."

Tuluyan na akong napahawak sa aking sentido, hindi na makagalaw sa kinauupuan ko.

Inakala kong masiyado nang malupit ang realidad sa akin dahil sa mga panghuhusgang natatanggap ko. Hindi ko alam na mas malupit pa rin pala ang realidad para sa buhay ng iba.

Ngayon ay mas determinado na akong buuin ang club na 'yon.

Hindi lang para sa akin kundi para na rin sa ibang taong hirap rin mahanap ang lugar nila sa mundong 'to.

"Kung wala tayong lugar, gagawa ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top