Chapter 17

Maganda at maaliwalas sa Liberty Garden nila.

Pakiramdam ko ay ilang taon na akong hindi nakakabuntonghininga na parang walang problemang dinadala nang malanghap ko ang hangin.

"Simula elementary, kaklase ko na si Summer. Close kami noon. Pero nagbago ang lahat nang tumapak kami ng highschool."

Natigilan ako at napabaling kay Christelle. Nakaupo siya sa damuhan kaya naupo na rin ako. Sa gilid namin ay ang liwanag na nagmumula sa araw na hinaharang ng mga puno.

"H-hindi ko maintindihan kung bakit ayaw sa akin ng mga estudyante noong tumapak kami ng highschool. P-palagi akong nabubully at hindi si Summer. P-pero ayos lang para sa akin dahil ayoko rin naman siyang mapahamak. S-sinabi ko sa kaniyang umiwas siya at magpanggap na hindi ako kakilala para hindi siya idamay ng mga kaklase namin hanggang sa siya na mismo ang gumagawa sa akin ng mga ginagawa ng mga kaklase namin . . ." Nauutal niyang wika.

Hindi ko maiwasang hindi makita ang sarili ko sa kaniya. Magkaiba lang ang situwasyon namin dahil ang sa akin, kapatid ko. Habang sa kaniya ay matalik kong kaibigan.

"D-dati noong mga bata pa kami, parating sinasabi sa akin ni Summer na kahit anong mangyari at poprotektahan niya ako. P-pero siguro nga, promises are meant to be broken. H-hindi niya rin naman kasalanan na nararanasan ko ito," mapait niyang wika.

"Pero hindi pa rin tama ang ginawa niya sa 'yo. Sabihin na nating ayaw mo siyang madamay sa ginagawa sa 'yo ng mga kaklase niyo. Pero tama bang gamitin niya rin sa 'yo yung kahinaan mo?"

Tumingala siya at napangiti. "S-siguro oo." Nilingon niya ako. "G-ginusto ko rin namang iwasan niya ako, e. P-para sa kabutihan niya. P-para kay Summer."

Hindi ko lubos maisip na tulad ko martyr rin pala siya pagdating sa taong mahalaga at minamahal niya. Kahit sino naman siguro, di ba?

Kahit hindi tayo ang nangako ng isang bagay, tinutupad pa rin natin para sa mga taong nangako sa atin ng bagay na 'yon at hindi na nagawa pa.

Napatingala na lang din ako sa maaliwalas na kalangitan. Somehow, unti-unti na ring namumulat ang mga mata ko sa mga katotohanang hindi ko pa narerealize noon.

Siguro nga, tama rin ang desisyon kong lumipat dito kahit pa hanggang sa lugar na ito ay binibisita pa rin ako ng bangungot ko.

"Pero ganoon ba talaga yung mga estudyante rito sa inyo? Kapag may nangyayaring katulad kanina, talaga bang umiiwas lang talaga sila ng tingin at nagpapanggap na walang nakita?" tanong ko pa.

Para kasing ang unison din ng naging pagpapanggap kanina na parang walang binu-bully sa harapan nila. At nakalimutan ko rin ang totoong pakay ko kaya ko hinila si Christelle palabas ng cafeteria na 'yon.

"H-hm. T-takot kasi sila. P-puro kasi may mga koneksyon yung mga taong tulad ni Summer na kapag nambully ng mga estudyante ay madadala ang mga estudyanteng nangialam sa galit niya. A-at hindi nila magagawang pigilan si Summer dahil nga may koneksyon siya."

Kumunot ang noo ko. Wala talaga akong ibang naihahalintulad sa situwasyon dito kundi ang situwasyon ko noon sa Peterborough. Dahil may koneksyon si Airi kasi Principal ang Papa niya. Nagawang magbulag-bulagan ng mga estudyante sa totoong ugali niya at mas pinili nilang maniwala sa image ni Airi bilang "Airi Mendeval" ang magaling sa lahat.

"Hinahayaan lang nilang gano’n?"

"S-siguro? M-matagal ng blind rule sa South Ville 'yon. K-kaya kung magbabalak ka mang magsumbong sa Principal—huwag na. D-dahil wala rin naman silang nagagawa. H-hinahayaan na lang nila ang mga estudyante sa gusto nilang gawin."

Napaawang ang labi ko. "Ano? Ayos lang sa kanila 'yon?"

Tumango naman siya. "W-wala pang nakakapagpabago sa eskuwelahang ito. K-kaya masanay ka na sa mga makikita mo dahil parang estudyante na lang din ang namamalakad dito."

"Paano nangyari yun?" takang tanong ko.

Ngayon lang ako nakarinig ng balitang puwede pa lang estudyante ang mamalakad sa eskuwelahan.

"D-dahil sa Student Council President—kay Helldric Santillan. P-plataporma niyang kahit anong gawin ng mga estudyante ayos lang. B-basta, walang makakapatay."

Bumagsak ang mga balikat ko sa narinig. Sumagi naman sa isipan ko si Elysha. Hindi ko man lang nabisita kung nasaan siya ngayon.

"Ilan tayong outcast ngayon sa tingin mo?"

Umiling siya. "W-wala akong alam. H-hindi ko na rin napapansin pa ang ibang bagay."

Napabuga ako ng hangin at isa lang ang nasa isip ko. Hindi ko akalaing dadalhin ko ang ideyang ito na minsan ko nang winaglit sa utak ko.

"May mga recreational club ba kayo rito?"

Napatingin siya sa akin. "P-para saan?"

"Basta lang."

Siguro nga, ito na ang tamang panahon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top