Chapter 11
"Student Keres Morrigan, lumabas sa mga report na ikaw ang unang nanakit kay Student Airi Mendeval. At ikaw rin ang huling nakitang kasama ni Deceased Elysha Silvenia sa rooftop noong araw rin mismo na sinampal mo si Student Airi Mendeval, anong masasabi mo rito?"
Nakayuko lang ang ulo ko. Nasa harapan ko ngayon ang kumpletong committee kasama na ang pulis na nag-interrogate sa akin noong nakaraan.
Nasa gilid ko naman si Airi kasama ang Papa niya na siyang Principal ng eskuwelahan namin. Anila, nagbukas na raw ng Student Hearing Violation para sa aming nagko-cause ng gulo sa eskuwelahang ito.
"Bakit idinadamay niyo pa ang nangyari noong nakaraan kung nakita niyo naman ang nangyari sa kapatid ko ngayon?" sabat ni Kuya Kiro.
"Mr. Morrigan, they were also statement that your sister has been violating the school rules such as staying overnight at this school. She was recently seen at the abandoned building before the day of the incident. It was also stated that on that night, Student Elysha Silvenia was also at the school. Don’t you think that it was your sister’s fault?" ani Vice Principal.
Napaawang ang labi ko at mabilis na nag-angat ng tingin. "Hindi ko po alam na nandoon si Elysha noong gabing 'yon! At kung pag uusapan man po ang pagstay ko sa eskuwelahang ito noong nakaraan"—nilingon ko si Airi na parang nanghihina ang itsura—"kinulong po ako nina Airi Mendeval at Aya Madrigal sa kuwartong iyon."
Nagkaroon nang bulong-bulungan sa loob ng silid na iyon. Nakita ko ang panlilisik ng mga mata ni Airi habang nakatitig sa akin.
"Asan ang proof mo na binu-bully ka nga ni Student Airi Mendeval, Ms. Morrigan? Ikaw ang nakita ng mga guard noong gabing 'yon. Mukha kang nagmamadaling lumabas ng eskuwelahan. Ilang minuto lang din ang pagitan nang lumabas rin si Student Elysha Silvenia, mukhang takot na takot. Matapos no’n ay wala nang ibang sumunod sa inyo. Kinabukasan ay tumalon si Student Elysha Silvenia sa rooftop ng building niyo at ikaw ang nakitang kasama niya doon. Paano mo lulusutan 'yon?"
Naging mabilis ang paghinga ko habang pinakikinggan ang mga sinasabi ng committee. Hindi ko alam kung paano nila nagagawang pag usapan ang trahedya ni Elysha ng ganoon na lang.
Wala lang ba talaga sa kanila 'yon? Sinasabi lang ba nila 'yon para ma-justify ang ginawa ni Airi kanina?
"Student Keres Morrigan?"
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko akalain na pati ang pagiging biktima sa pangyayaring ito ay sa akin pa maibibintang na para bang ako ang may kasalanan ng lahat.
"Tingin ko hindi tama itong ginagawa ninyo na basta niyo na lang pagbibintangan ang kapatid ko ng wala man lang patunay," wika ni Kuya Kiro.
Nakaramdam ako nang pagkahilo. Hindi ko magawang masikmura na ako ang lumalabas na mali sa lahat ng ito.
"Where’s your parents, Mr. Morrigan? Sa tingin ko ay sila dapat ang humaharap sa ganito at hindi ikaw," sambit ni Principal Mendeval.
Mariin kong tiningnan si Airi na para bang tuwang-tuwa sa lahat ng nangyayaring ito.
"Ganoon din ang ginagawa ng kapatid mo sa anak ko. Pinagbibintangan siya na walang patunay. Alam mong puwede siyang kasuhan hindi lang charge sa patakaran ng eskuwelahang ito, hindi ba? Alam kong alam mo ang tinutukoy ko."
Humigpit ang hawak ni Kuya Kiro sa balikat ko kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. Puno ng awa ang titig niya sa akin kaya muli akong napayuko at nakinig na lamang sa kanila.
"At yung ginawa ng anak ninyo kanina? Hindi niyo man lang ba ibibilang yun bilang pananakit sa kapatid ko?" muling subok ni Kuya.
"That is what you called self-defense."
Napapikit na lamang ako nang mariin.
"And to think that your sister's eyes are kinda destructive. Hindi kaya natatakot ang mga kaklase at ka-eskuwela mo habang tinitingnan ka, hija?"
Mas lalo akong natahimik. Kinuyom ko ang laylayan ng palda ko dahil wala ng ibang salita ang lumalabas sa bibig ko.
"Well then, shall we vote for a decision?"
Natahimik ang lahat at nagsimulang gawin ang dapat nilang gawin tungkol sa bagay na ito.
Gustong-gusto ko sanang humingi ng tulong sa mga taong nakakita ng mga pangyayari kanina at sa mga nagclaim na alam nila ang tunay na relasyon sa pagitan ni Elysha at Airi. Pero naalala ko ring sinubukan silang papuntahin kanina rito para kuhanan ng statement kaso walang nagsalita at simpleng tinuro ako.
Bakit ko ba nararanasan 'to?
Bakit parang kasalanan ko pang pinagtutulungan ako dahil lang sa mga mata ko?
Bakit ganito ang lipunan?
Bakit sobrang malas ko?
"Since you have no proof that supports your claim. We’ve concluded that you are the assailant in this violence incident."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top