—EVO's POV—
NANG matapos namin ang last game patakbo kong tinungo kung saan nakalagay ang duffle bag ko. Kinuha ko ang towel na nakapatong sa bag at nagpunas. I took the distilled water and drank it. Halos maubos ko ang laman. Ipinatong ko sa upan ang bote at kinuha ang cellphone sa bag. Agad kong tinawagan si Chloe.
I clicked my tongue as I waited for Chloe to pick up her phone. Bakit hindi ba niya sinasagot? Naka-ilang ulit na ako pero pulos ring lang ang naririnig ko.
"Evo, let's go. Shower na," nilingon ko si Dyllan at tumango.
"Bakit ba hindi sinasagot ni Chloe ang telepono?" tanong ko sa sarili ko.
"Baka nakila, Liam 'yon." Si Kelly na inaayos ang gamit. Tapos na rin ang practice ng cheering squad.
"Ano naman ang gagawin niya d'on?"
"Pinakiusapan ko siyang alagaan muna si Liam. Ayaw raw kumain at uminom ng gam—"
"What?!" Kelly naman! Bakit kay Chloe pa?" hindi ko napigilan ang pag-alsa ng boses ko.
"Ang OA mo, Evo. Ano naman—"
"Damn!" Marahas kong hinablot ang bag saka iniwan si Kelly. Alam ko kung ano ang nararamdam ni Liam para kay Chloe at hindi ko gusto ang idea na mapag-iisa ang dalawa. Not that na wala akong tiwala kay Liam, pero kapag nagmamahal ang isang tao kahit hindi man gustuhin ay nagiging traydor.
—CHLOE's POV—
BUONG lakas kong itinulak si Liam. Natutop ko ang sarili kong bibig gamit ang palad ko.
"Shit! Chloe, I'm sorry, I'm sorry.." he tried to reach me but I pushed his hands away and I quickly stood up.
"Why did you that?" tanong ko na halos hangin na lang lumabas sa bibig ko.
"Chloe, hindi ko—" he couldn't even finish his sententce when I turned away and got out his room. Mabilis kong tinungo ang hagdan. Naiyak na lang ako. Bakit niya ginawa 'yon? Ako ba ang Chloe na tinutukoy niya? But Evo assured me that I wasn't that girl. Mabilis kong tinungo ang maindoor. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa 'kin ng katulong. Tuloy-tuloy akong lumabas ng gate.
"Chloe!" Narinig ko si Liam at kasunod n'on ay ang paghawak niya sa braso ko dahilan para mahinto ako sa pagtakbo.
"Oh God! Chloe I'm sorry!" He tried to reach my face na nabasa na luha ko pero tinulak ko siya.
"Don't touch me!" Sigaw ko sa kanya.
"Chloe, please, let me explain. Hindi ko sinasadya—"
"You kissed me! I'm Evo's wife! Your bestfriend's wife tapos hahalikan mo ako!" I shouted at him.
"Chlow—"
"Chloe!" Mabilis akong lumingon nang marinig ko ang boses ni Evo. Mukhang kakalabas pa lang niya ng sasakyan dahil hindi pa niya iyon naisasara. Pabalya niyang isinara ang pinto at sa nakikita kong reaksiyon sa mukha niya ay mukhang narinig niya ang lahat. Tiim ang bagang niyang lumapit sa 'kin.
"Ano ang sinabi mo, Chloe?" hindi ako umimik. Tuloy-tuloy akong umiiyak. Binalingan ni Evo si Liam.
"What did you do to my wife?" mahina ang boses ni Evo pero ramdam ko ang galit sa boses niya.
"I kissed her. I'm sorry—" tinapos ni Evo ang sinasabi ni Liam nang malakas niya itong suntukin. Nabuwal si Liam at bumagsak sa sementadong daan.
"Kahit kailan hindi ka talaga mapagkakatiwalaang hayup ka!" Umuklo si Evo at hinablot ang t-shirt ni Liam at muli itong sinuntok.
"Evo, tama na," hindi ko alam kung may boses bang lumabas mula sa bibig ko. Takot na takot ako at hindi ko alam kung paano pakikiusapan si Evo na tumigil sa pananakit kay Liam.
"Pati ba naman ako tatraydurin mo! Wala ka talagang pinipili!" Akmang susuntukin uli ni Evo si Liam pero tinulak siya ni Liam.
"Ako lang ba ang traydor dito? Ikaw ang traydor!" Sigaw ni Liam.
"From the very start alam mong gusto ko si Chloe. Lagi kong sinasabing liligawan ko siya pero lagi mong sinasabi "Not Chloe, she's a friend." Tapos may balak ka pala. You did a desperate move just to get her!" Sumbat ni Liam.
"Hindi ko ginawa ang ginawa ko dahil gusto ko lang siyang makuha. I love her."
"Tang-ina mo! Alam mong mahal ko rin siya at sa atin dalawa ako ang mas naunang nagsabi ng nararamdaman ko para sa kanya. Pero traydor ka eh! Gusto mo sa 'yo lahat! Gusto mo ikaw ang laging magaling!"
"I love her more than you love her! Kung hinayaan kitang ligawan si Chloe sasaktan mo lang siya." Nagtagis ang bagang ni Liam. Sinugod niya si Evo at kwineluyuhan.
"Ano ang alam mo? You don't even know me when it comes to Chloe. Kaya kong ibigay sa kanya kung ano ang kaya mong ibigay!" He said through clenched teeth.
"Ang tanong, mahal ka ba niya? A jerk like you doesn't deserve her!" Malakas na dinibdiban ni Liam si Evo at sinundan ng malakas na suntok. Gumanti si Evo. Parang nanghina ang tuhod ko at napasalampak ako sa kalsada.
"Please, tama na!" Napagulhol ako nang tuluyan. Hindi ko sila gustong magkasira. It was all my fault. Kung alam ko lang sana na ako ang tinutukoy ni Liam sana umiwas ako. I gave him a false hope. Ang tanga-tanga ko. Why didn't I notice that he loves me.
—EVO's POV—
KITANG-KITA ko ang galit sa mukha ni Liam. Pero kung galit siya mas galit ako. Walang gustong magpatalo sa amin. Sa bawat suntok niya ay ginagantihan ko siya ng mas malakas na suntok.
"Please, tama na!" Natigilan kami ni Liam nang bumalalas ng iyak si Chloe habang nakasalampak sa kalsada.
"Chloe," magkapanabay na sambit namin ni Liam. May balak pa siyang lapitan si Chloe kaya pinukol ko siya ng matalim na titig.
"Stay away from my wife!" I said, drawing out my last two words. Gusto ko lang ipaalam sa kanya kung saan siya dapat lumugar. Humakbang si Liam paatras at tuluyang umalis. Nilapitan ko si Chloe at itinayo. Patuloy siya pag-iyak hanggang sa maisakay ko siya sa sasakyan.
Pagdating namin ng bahay ay tumuloy kami sa kuwarto..
"Now tell me what happened?" untag ko pagsara nang pasara ng pinto.
"I'm sorry. It was all my fault. Hindi ko naman alam na ako ang tinutukoy ni Liam eh. I gave him a false hope. I encouraged him to fight for a girl he loves—"
"God Chloe! I told you na tigilan mo ang panghihimasok sa problema ni Liam!" Medyo napalakas ang boses ko. Sumalpak siya sa sahig sa gilid ng kama at umiyak nang umiyak.
"I didn't know. When you told me that I wasn't that girl I believed you... I just wanted to help him...." Napahilamos ako sa mukha ko. May mali ako. Dapat siguro sinabi ko na lang ang totoo sa kanya. Lumapit ako kay Chloe at pa-squat na umupo sa harap niya. Sinapo ko ang mukha niya at pinahid ang luha.
"Tama na. Wala kang kasalanan..."
"No! It was all my fault... I can't forgive myself kung magkakagalit kayo..." Kinabig ko siya at niyakap. Hinaplos ko ang likod niya.
"Baby love, tama na. Wala kang kasalanan. Si Liam at ako ang dapat sisihin, hindi ikaw. Kalimutan mo na ang nangyari, okay?" Todo pa rin ang iyak niya. Parang nahihirapan siyang huminga sa sobrang pag-iyak.
"Baby love, tama na, please tama na!" Mahigpit ko siyang niyakap at pilit na kinalma.
"I'm sorry, Evo, I'm so sorry.." inilayo ko siya sa katawan ko at muling sinapo ang mukha.
"Okay na. Wag ka nang umiyak. Ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak alam mo 'yan." Hinalikan ko siya sa noo. Akma ko siyang hahalikan sa labi pero tinakpan niya ang bibig niya ng kanyang kamay. Napakunot-noo ako.
"Don't kiss me.. Liam kissed me.." napapikit ako sa isipang hinalikan siya ni Liam at parang gusto ko talagang pagsusuntukin uli si Liam.
"It's okay," sabi ko na lang pero nagngingit-ngit talaga ang kalooban ko. Umiling-iling siya.
"It wasn't okay. Please don't kiss me on my lips.. not now Evo, please!"
"Okay, hindi na. 'Wag ka nang umiyak. 'Di ba gusto mo ng J. Co donuts? I brought you two boxes." Umiiyak siyang nakakatitig lang sa 'kin.
"A-almond?" humihikbi niyang tanong pagkaraan ng ilang sandali. Sa pagkakataon na iyon ay malapad na akong napangiti.
"Almond," ulit ko.
"Thank you.."
"You are welcome, baby love." I bent and kissed her on her lips. Muli siyang napahagulhol.
"I just washed Liam's kiss." Gusto kong magalit pero sa tuwing makikita ko ang mala-anghel na mukha ng asawa ko parang nawawala ang lahat ng galit na nararamdaman ko.
ILANG linggo na rin kaming hindi nagkikita ni Liam. Ang balita ko nagtungo sa San Felipe sa probinsiya ni Tito Kevin. Nagtataka nga ang grupo sa biglang pag-alis ni Liam. Ayaw na ayaw kasi niyang nagpupunta ng probinsiya. Hindi ko na rin sinabi sa kanila ang nangyaring pagtatalo namin.
Alam kong parang gusto rin magtanong ni Chloe ng tungkol kay Liam minsan pero pinipili na lang na huwag magtanong. Alam kung nag-aalala siya kay Liam, lalong-lalo na sa pagkakaibigan namin.
"Baby love, hindi ka pa rin nagbibihis," tanong ko kay Chloe pagpasok ko ng silid. Nakahiga siya sa kama. Nakatagilid siya habang nasa tapat niya ang Ipad at nanonood ng Snow White.. again. May isang bowl ng almond at kumain. Araw-araw parang ganito ang ginagawa niya.
"Hindi na lang ako sasama," she said. She couldn't even look back at me. Sumampa ako sa kama at humiga sa tabi niya. Ipinaikot ko ang braso ko sa katawan niya.
"Bakit ayaw mong sumama?" pupunta dapat kami ng school ngayon para mag-enroll. Dapat si dad na ang bahala doon pero sabi ni Chloe gusto niyang kami ang mag-asikaso ng enrollment. Tapos ngayon ayaw sumama.
"Tinatamad ako eh. Matutulog na lang muna ako pagkatapos kong manood." Napalabi ako. Inangat ko ang ulo ko, sinalo ng isang kamay ko habang ang siko ko ay nakatukod sa unan. Sinulyapan ko ang bowl ng almond.
"Subuan mo nga ako niyan." Kunot-noo niya akong tiningan.
"No! Kaunti na lang eh." Inilapit niya sa may dibdib niya ang bowl at niyakap na parang ayaw talagang mamigay. Natawa ako sa naging asta niya. Kailan pa ba siya naging maramot?
"Ang damot naman. Bibili ako ng marami niyan hindi rin kita bibigyan," nakangati kong biro.
"Subukan mo lang at hindi talaga kita papatabihin sa 'kin. No almond, no kiss." Malakas akong natawa. Pinatihaya ko siya at idinagan ko ang kalahati ng katawan ko sa kanya.
"Ang galing ng panakot ah. What if I'll buy you lots of almond ano naman ang kapalit?" malapad siyang napangiti. Hinawakan niya ako sa batok at kinabig niya ako palapit at bumulong siya sa akin.
"We will make love until morning katulad ng gusto mo." Malapad akong napangiti. Minsan ko ngang sinabi 'yon sa kanya na gusto kong subukan pero ayaw niya. Satyriasis raw ako.
"Promise?"
"Uh-huh!" she said and bit my ear. Pinagharap ko ang mga mukha namin.
"Then expect a lot of almonds later, baby love and be ready. Kukunin ko agad ang prize ko mamaya pagdating ko." She chuckled and said "Yes"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top