Chapter 18



—CHLOE'S POV—


"Chloe, just keep it in mind. Wala kang sasabihin kay Evo. Sasabihin natin sa kanila once the magazine has been released. Kaya ni dad ipatigil ang production kapag nalaman niya 'to. Understand?" I just nodded on what Kelly said. We climb out of the taxi sa mismong tapat ng bahay nila.

"Hala kayong dalawa! Saan kayo nanggaling? Kanina pa natataranta ang mga tao dito? Nag-report na nga sila sa pulis." ang kasambahay nila Kelly, si Ate Erma. Mukhang nagtapon siya ng basura.

"Nanjan po ba si Evo?" tanong ko.

"Oo ganda. Kanina pa 'yon hindi mapakali. Mabuti pa pumasok na kayo." Sabay kaming pumasok ni Kelly ng gate na bitbit ang mga kulay pink na paper bag na may label na Sabrina Collection. Tumuloy kami sa main door. As soon as we entered the house I saw Evo pacing back and forth as he impatiently brushes at the back of his head with his hand. Nand'on ang halos lahat. The gang and my father in law.

"Hello, everyone!" Magiliw na bati ni Kelly na parang walang nangyari. Sabay-sabay silang napalingon sa kinaroroonan namin. Evo rushed towards me, cupping my face with his hands.

"Are you okay? Hindi ka ba nasaktan? I'm so worried about you! Akala ko kung napaano ka na!"

"OA!" Binalingan ni Evo si Kelly nang magsalita ito. Binitawan ako ni Evo saka hinarap si Kelly. Agad namang pumorma si Kelly ng karate moves niya.

"Subukan mo lang Evo. Makakatikim ka talaga sa 'kin!" Banta ni Kelly. Pigil na pigil akong hindi matawa dahil sa itsura ni Kelly. Siraulo talaga 'tong babaeng 'to. 'Buti na lang talaga at hindi niya katulad sa Evo kundi ang sakit sa ulo.

"Kelly!" Saway ni Daddy James kaya umayos ng tayo si Kelly.

"Hi, dad," bati ni Kelly. Daddy James motioned Kelly to sit. Umupo naman si Kelly sa mahabang sofa sa tabi ni Dyllan at Yuan. Inilapag nito ang mga paper bag sa lapag. Nanatili naman nakaupo lang si Daddy James sa katapat na upuan pero seryoso ang mukha.

"Explain," matigas ang tinig ni Daddy James at mukhang galit ito.

"Dad, nag-shopping lang kami," ani Kelly.

"Nagpunta kami sa mall at wala kayo d'on," parang galit din si Evo. Hinawakan ko siya sa braso kaya tumingin siya sa 'kin.

"Sorry," sabi ko sa mahinang boses. Inakbayan niya ako.

"Wala kang kasalanan. Kasalan ni Kelly ang lahat."

"Oo na kasalanan ko na ang lahat. Ang OA niyo naman kasing lahat. Talagang nagreport pa kayo sa pulis ah! And we went to other mall, alam kasi namin na susugod kayo d'on."

"We were just thinking about your safety. Dinamay mo pa si Chloe at Yuan. Look at him!" si Daddy James uli at in fairness. Nagpapakita talaga siya ngayon ng galit kay Kelly. At si Yuan naman, may mga bruises siya sa braso at pisngi. Parang kalmot at kurot. Kawawa naman.

"Sorry, Yuan," mukhang sincere naman si Kelly sa paghingi niya ng tawad. Tumayo ito at lumapit sa daddy niya saka kumalong.

"Dad, sorry na. Gusto lang kasi namin mag-shopping ni Chloe na kaming dalawa lang. Saka isa pa, tinulungan ko lang naman si Chloe na mamili ng mga sexy undergarments. Gusto niya kasi sexy siya kapag naisipan na raw nilang mag-honeymoon ni Evo." My mouth dropped open, and Kelly just winked at me. Uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Gosh! Nakakahiya! Pambihira talaga ang babaeng 'to. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Evo sa braso ko kaya tiningala ko siya. Napapikit ako at napayuko. He was smiling as his clenched fist is on his lips.

"Hanep ah! Mukhang nawala agad ang galit," boses 'yon ni Enzo at narinig kong tumawa si Evo kaya lalo akong napayuko. Nilambing-lambing naman ni Kelly si Daddy James at napangiti na rin.

"Absuwelto ka sa 'kin pero sa mommy mo hindi pa," naiiling na sabi ni daddy. Hindi talaga siya marunong magalit pagdating kay Kelly.

"Uwi na muna kami, dad," paalam ni Evo at saka siya nagpaalam sa iba. Bago pa man kami tumalikod ay tumayo na rin si Dyllan.

"Sabay na ako sainyo," ani Dyllan at hindi maipinta ang mukha nito.

"Wait. Aalis ka na hubby?" Mabilis na tumayo si Kelly at kinawit ang kamay sa braso ni Dyllan.

"Galit ka rin ba sa 'kin?" hindi umimik si Dyllan at mukhang nagtatampo talaga. Inaya na ako ni Evo palabas. Kinuha niya mula sa kamay ko ang mga paper bag. Bitbit niya ang mga paper bag sa isang kamay habang ang isang kamay nakaakbay sa 'kin.

Paglabas namin ng gate ay tinungo namin ang sasakyan na nakaparada sa labas. Pinagbuksan niya ako ng pinto at lumulan ako. Inilagay niya muna ang mga paper bag sa backseat bago siya sumakay sa driver seat. Nilapit ni Evo ang sarili sa 'kin at itinukod ang kamay sa seat ko.

"Are you sure walang ginawa si Kelly'ng kalokohan?" I pressed my lips together. Mabigat sa loob kong umiling. Gusto kong sabihin ang totoo but I promise to Kelly. Saka sasabihin ko naman sa kanya ang totoo once na mareleased na ang magazine. Kelly really wanted this. To be a cover girl at siguradong hindi 'yon matutuloy once na malaman nila ang totoo.

Niyakap ko na lang si Evo nang mahigpit.

"I'm sorry. I promise hindi na mauulit," tinutukoy ang pag-cover ko sa seduction magazine.

"It's okay, baby love. Ayaw naman kitang higpitan talaga. Nag-alala lang ako ng sobra," hinaplos niya ang likod ko. Lalo akong na-gi-guilty.

"I love you," bulong ko sa kanya. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa 'kin at hinaplos niya ang pisngi ko.

"I love you more." Dinampian niya ako ng halik sa labi.

PAGKARATING namin ng bahay, agad akong nagtungo sa bathroom at naligo. Pakiramdam ko nanggigitata ako dahil sa init kanina. Ang hirap kasing makakuha ng taxi. Bihirang daanan ng taxi ang pinuntahan namin kaya madistanya ang nilakad namin. Medyo nakaramdam ako ng takot dahil hindi talaga kami pamilyar sa lugar. Pero si Kelly ang tapang-tapang talaga. Nagtanong-tanong lang kami ng deriksyon. 'Yong dalawang male model naman na nakasama namin gusto kaming ihatid pero hindi kami pumayag.

Pagkatapos kong tuyuin ng tuwalya ang katawan ko, binalot ko ang ulo ko ng tuwalya. Isinuot ko ang bathrobe at lumabas ng silid. Napaawang nang husto ang bibig ko nang makita ko si Evo na pinakikialaman ang mga underwear na galing sa Sabrina Collection. Binigay sa 'min ang lahat ng mga 'yon bilang regalo. As a product endorser we have monthly supplies of their new collections. One year contract ang pinirmahan namin ni Kelly sa Sabrina Collection at hindi ko alam kung anong mangyayari sa kontrata na 'yon once na malaman ng parents nila Evo ang tungkol d'on.

"Evo!" Mabilis akong lumapit sa kanya at hinablot mula sa kamay niya ang isang pink lacy panty. Initago ko 'yon sa likod ko.

"Bakit mo ba 'to pinapakialam?" kastigo ko sa kanya.

"Sorry, baby love, gusto ko lang naman makita ang isusuot mo sa honey—"

"Evo! Hindi.. argh! Kasi naman eh!" Hindi ko alam kung paano ko sasabihing hindi ko 'yon isusuot sa honeymoon namin. At wala namang honeymoon na magaganap. Kinabig ako bigla ni Evo palapit sa kanya. Ang mga braso niya ay ipinaikot niya sa katawan ko.

"Saan mo gustong mag-honeymoon?" nakangiti niyang tanong.

"Evo naman eh— ayy!" Napatili ako ng bigla siyang humiga kasama ako. Nasa ibabaw niya ako, magkatapat ang mukha namin. Nakakaloko ang ngiti at bigla niyang hinila ang towel na nakabalot sa ulo ko. Sumabog ang buhok at lumaylay iyon sa mukha niya. Hinawi niya ang buhok ko gamit ang dalawang kamay niya at pinakatitigan ako.

"Why are you so beautiful?" nahihiya ako kapag pinupuri niya ako ng ganito. At lalo kapag tinitigan niya ako nang ganito. Kinabig niya ang ulo at niyakap ako nang mahigpit. Bumaon ang mukha ko sa leeg niya. Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso namin at maingay naming paghinga. Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa likod. Pababa taas iyon at marahan niyang pipisilin ang katawan ko.

Muli akong nagulat ng pagulungin niya ako. I was under him now.

"Ngayon na lang kaya natin gawin ang honeymoon?" Parang nangapal ang mukha ko sa sinabi niya.

"I wanna see you wearing those sexy underwears." Nahihiya talaga ako sa mga sinasabi niya. Dinampian niya ako ng halik sa labi.

"Nasasakal ka ba dahil naghihigpit ako? Hindi mo ba gusto na lagi akong kasama kapag nag-mo-malling tayo? Baby love, Sorry, nasanay kasi ako na gan'on ang ginagawa kay Kelly, pati ikaw—" inilagay ko ang thumb-finger ko sa labi niya habang sapo ko ang magkabila niyang pisngi.

"Hindi. Hindi ko naman naiisip ang bagay na 'yon. At masaya ako kapag kasama kita lagi." He sighed a breath of deep relief.

"I love you, baby love." Kinabig ko ang mukha niya at madiin ko siyang hinalikan.

As our lips parted. "I love you more, baby love ko," I said sofly.


—EVO'S POV—


"I TOLD you Dyllan to find a traffic free route!" Naiiritang reklamo ni Enzo. Naiipit kami ngayon sa gitgitang mga sasakyan sa EDSA. Galing kami sa Mega Mall. Sinamahan namin si Yuan sa authrograph signing niya para sa bago niyang ini-endorsong clothing line.

"Lumipad ka na lang. Paniguradong traffic free sa taas," pamemelosopo ni Dyllan kay Enzo.

I peeked out the window, wandering my eyes outside the car. Halos hindi umuusad ang mga sasakyan. Natutok ang mata ko sa pinakamalaking billboard. Agad kong nakita ang "Sabrina Goddesses" na nakasulat doon. Dalawang babaeng model ang nandoon at talagang magaganda ang katawan. Tumaas ang mata ko sa mukha ng dalawang model at nakaka-amaze ang ganda nila. Napangiti ako nang matuon ang mata ko sa isa dahil kamukha ito ng baliw kong kambal. Nilipat ko ang mata ko sa isa. Medyo nanlaki ang mata ko nang makita ang model na 'yon. She looks like my wife kaya muli akong napangiti.

Ibinalik ko ang mata ko sa unahan ng sasakyan. Pero pagkaraan ng ilang sandali ay muli kong tinignan ang billboard at sa pagkakataong ito ay nagpalipat-lipat ang mata ko sa mukha ng dalawang model na tanging suot ay itim at puting sando, puti at itim na underwear at itim na stockings na hanggang tuhod. Is that coincidence that those models are actually look like Kelly and Chloe? Hindi ako nakontento kaya ibinababa ko window car. I squint my eyes to fucos on the billboard at mas malinaw kong nakita ang nasa larawan.

"Si Kelly at Chloe," usal ko. Pero kailan— noong araw na tinakasan nila si Yuan. It was two weeks ago.

"Chloe!" napapalatak ako bigla at bigla ang pamumuo ng ngitngit sa dibdib ko. I couldn't help it. Seeing her in a huge billboard wearing those kind of clothes. Tsk. And she lied to me!

"Anong problema?" Dyllan asks me. Tinuro ko sa kanya ang billboard. Sinilip niya ito sa windshield at tinignan niya ako. Mukhang hindi nakuntento si Dyllan kaya inalis niya ang pagkakakabit ng seatbelt at dumukwang sa bintanang nasa kinauupuan ko.

"Paano 'to nangyari?" naguguluhan niyang tanong. He then cursed as he maybe realized if how it  was  happened.

"Is that Chloe and Princess Grouch?" boses 'yon ni Liam at hindi ko na pinagkaabalahang tignan pa sila na nakaupo sa likuran.

"Ang ganda talaga ni Kelly at Chloe no? The best!" Muli akong tumingin sa labas nang marinig ko ang komentong 'yon mula sa isang lalaki. May nakaparada na ngayong motorsiklo sa tabi ng sasakyan namin. Dalawang lalaki ang angkas nito at nagtanggal pa ng helmet habang nakatingala sa billboard.

"Oo nga eh. Binilhan ko nga ang girlfriend ko ng underwear sa Sabrina Collection kahit ang mahal-mahal para lang makakuha ng free photo cards nilang dalawa." Natawa ang lalaking nagmamaneho ng motor.

"Alam ba ng girlfriend mo na kaya ka bumili ng underwear dahil kila Kelly at Chloe?"

"Oo alam niya. Mas gusto na raw niya ang humanga ako sa taong mahirap abutin kaysa sa taong abot kamay lang, mas delikado raw 'yon." Muling natawa ang lalaking nagmamaneho ng motor. Seryoso kaming nakikinig ni Dyllan sa usapan ng dalawang lalaki.

"Ang suwerte ng boyfriend ni Kelly 'no?"

"May boyfriend na ba sila?" tanong ng nakaangkas.

"Oo, pero si Chloe wala pa. Hindi mo ba nabasa ang biography nila? Mayr'on sa Seduction Mag, diba?" nagkatinginan kami ni Dyllan.

"Hindi eh. Mga photos lang nila tiningnan ko eh. Halika na nga! Akala mo naman kotse ang dala natin at huminto pa talaga tayo."

"Tang-ina mo! Ikaw nagsabing huminto dito!" Mukhang huminto lang sila para tingnan ang billboard. Akma nilang isusuot ang helmet ng tawagin ito ni Dyllan.

"Dude, excuse me?" nahinto sa pagsuot ng helmet ang dalawa.

"Kilala niyo si Kelly at Chloe?" tanong ni Dyllan.

"Oo. Collector kasi ang kapatid ko ng Seduction Magazine. Tapos sila ang cover para sa March Issue." Nadagdagan ang inis na nararamdaman ko sa mga narinig ko. Cove sila ng Seduction Mag! Nagpasalamat si Dyllan sa dalawa. Sinara ko ang bintana.

"Bookstore tayo," sabi ko kay Dyllan saka niya pinaandar ang sasakyan pero usad pagong pa rin.

Thirty minutes later nasa isang bookstore na kami at nakikiusap sa dalawang lalaki na kung puwedeng amin na lang ang magazine. Isa na lang ang natira. Pumayag naman ang dalawang lalaki. Binigyan ni Dyllan ng dalawang libo ang dalawa para lang makuha namin ang magazine. Sa cover pa lang nito talagang uminit na ang ulo ko. Kelly was wearing a thin black dress with a long slit on both sides at may suot itong isang itim na pakpak at ang kapareha nitong lalaki ay tanging puting pantalon ang suot at may pakpak na kulay puti naman. While my wife was wearing a thin white asymmetrical dress with a plunging v-shaped neckline, showing her cleavage at may suot niyang puting pakpak. Ang kaparehang lalaki niya ay itim na jeans na may suot namang itim na pakpak. Black  and  white  angels.  Halos idikit na ng lalaki ang labi sa gilid ng labi ni Chloe habang nakahawak ito sa gilid ng leeg ng asawa ko at ang isang kamay nakahawak sa baywang.

Parang sasabog ang dibdib ko sa galit dahil sa nakikita ko. Plus, nagsinungaling pa siya sa 'kin. Paulit-ulit namang napapamura si Dyllan habang binubuklat ang bawat pahina ng magazine.


--

Kapag natapos ko ang kasunod na chapter. Update ko bukas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top