Vince Joseph Castor ito na po. Sorry super late ang update.. Busy lang talaga ngayon... Cathy ninakaw ko ang picture ni Evo at Chloe na ginawa mo. Hehe! More pictures Cathy.. hehe!
BTW: Hindi ko na 'to na edit.. bahala na kayong umintindi..hehe! Ngayon ko lang sinulat ang kalahati nito.. Paki-edit na lang po sa mga mali para mapalitan ko.. Salamat!!
-Chloe's POV-
HABANG nasa cafeteria kami at kumakain ng lunch bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko na nasa bulsa ng palda ko. I pulled my phone out from the pocket and swipe the screen. One message received from Evo.
Baby love: Kain madami ah.
He was the who saved his own number under the name 'Baby Love'. Isn't it sweet? Hindi ko mapigilang ngumiti. I replied.
Me: I will. Ikaw din.
"Wow! Parehas kayo ng design ng phone. Ang cute!"
Napaangat ako ng ulo nang magsalita si Mannilyn. Nakalimutan kong same nga pala ang design ng phone namin. Nagpalipat-lipat ang tingin ng lahat sa phone naming ni Evo, lalo si Cheenie na katabi ni Evo at si Junjie na katabi ko naman. Anong palusot na naman kaya ang sasabihin namin nito.
Pagkatapos kung maghabi ng kasinungalingan kanina kay Junjie sa bigla kong pagkawala kahapon, ito na naman ako ngayon at kailangan na namang magsinungaling. Buti na nga lang at pinaniwalaan niya ako nang sabihin kong kailangan ni Nana Selia ng kasama dahil bigla itong nahilo dahil sa highblood. Sabi ko tumawag si Nana Selia kay Evo kaya sinamahan na lang din ako ni Evo at hindi na nakapagpaalam pa dahil sa pagkataranta. Mukhang wala namang naging problema kay Evo at Cheenie. Though, medyo hindi ako pinapansin ni Cheenie kanina. Pero ngayon pinapansin na niya ako. Ibinalik ko na rin ang cellphone na bigay ni Junjie at sinabi kong bumili na ako ng bago.
"Anong ibig sabihin ng letter sa likod ng phone niyo?" Caroline asked. Kasama naming siya ngayon at katabi siya ni Liam.
"Parang nagkapalit yata kayo ng letter at talagang same design. Sabay niyo bang pina-customized niyan?" Caroline said. Tinignan ni Cheenie ang likod ng phone ni Evo. Kinakabahan ako nang sobra. Tumingin si Cheenie kay Evo na animo'y humihingi ng paliwanag.
"Kami ni Chloe ang magkasamang nagpa-customize. Evo was busy and he asked to do that," si Kelly ang sumagot kaya nakahinga ako ng maluwag.
"For sure C stands for my name, right Evo?" nakangiting wika ni Cheenie.
"Yeah," sagot ni Evo at sinulyapan ako.
"Sa 'yo, Chloe?" Cheenie asked me. Think Chloe! Think!
"Um. The last letter of my name. Chloe. Letter E. Wala na kasing letter C kaya ito na lang." LAME! Pero sana maniwala sila. Tumango-tango naman si Cheenie at muli ay pinagpatuloy namin ang pagkain namin.
"Baby love, tikman mo 'to..." Napamulagat ako sa sinabi ni Evo at halos lahat ay napatingin din sa kanya. Kahit siya nagulat din sa sinabi niya. Kitang-kita iyon sa mukha niya.
"Um.. tikman mo 'tong Salpicao nila masarap," sabi niya kay Cheenie kaya napangiti naman si Cheenie na parang kinikilig.
Ako 'yon, Cheenie! I'm his baby love. Gustong kong sabihin pero hindi naman pwede. Medyo naiinis ako sa isipang baka mamaya 'yon na ang itawag nila sa isa't isa.
"I like that. Ang cute ng baby love. Ang sweet talaga ng boyfriend ko." Inihilig pa ni Cheenie ang ulo sa balikat ni Evo.
Tss. Your boyfriend is my husband. Tumingin sa 'kin si Evo at sinimangutan ko siya.
"Hindi maganda. Sinubukan ko lang pero hindi ko gusto. Mas okay pa rin ang pangalan lang," ani Evo. Doon ako napangiti at muli kaming nagkatingin at nakangiti rin siya.
"Cute nga eh," giit ni Cheenie.
"Chloe, ito tikman mo." Iniumang ni Junjie ang tinidor na may maliit na hiwa ng karne. Hindi ko alam kung anong dish 'yan. Tumingin ako kay Evo at marahan siyang umiling at bahagya akong pinanlakihan ng mata.
"'Wag na Junjie, ayos na ako dito," tanggi ko, hindi naman nagpumilit at siya na lang ang kumain.
"Alright!" Palatak ni Evo at muli ay nakuha niya ang atensiyon ng lahat. Ngumisi niya.
"Sarap! Hmm!" Aniya habang nginunguya ang pagkain.
While focusing on my food, I felt Junjie's hand rested on my shoulder. Nag-vibrate uli ang phone ko na nasa ibabaw ng mesa. Agad ko itong kinuha at binuksan. Another message from Evo.
Baby love: Take his hand off your shoulder. Galit na ako!
Agad akong tumingin kay Evo at masama nga ang mukha niya. Bakit parang nasisiyahan ako sa inaakto niya? But why he acts like that all of a sudden? Inalis ko na lang ang kamay ni Junjie. Muling nag-vibrate ang cp ko. Message from my baby love again.
Baby love: Put some space between you and Junjie. Masyadong nakadikit.
Napangiti ako nang husto at tumingin sa kanya. Bakit ba nagkakaganito siya bigla? Dahil kaya sa usapan namin na maging totoong mag-asawa na kami? Ne-replyan ko siya.
Me: What is this all about? Are you trying to be a possessive husband?
Baby Love: I'm just being possesive and territorial when it comes to my love ones. Lalo na sa 'yo."
Wow! Kailan pa natotoong maging ganito si Evo? I know he was protective brother to Kelly pero para sabihin niya sa 'kin ang mga ganitong bagay, nakakapanibagao talaga. Napailing na lang ako at hindi na nag-reply. Mukhang tanga na kasi akong nakangiti. Thank God, no one noticed me.. Opps! I think there's one- and it was Liam who stares at me. I smiled at him but he just heaved out a deep breath.
"Mamaya nga pala practice natin ah," Caroline speaks. Tinutukoy niya siguro ang cheering squad. Kasama do'n si Kelly.
"I'm excited!" Said Cheenie cheerfully.
"Kasali ka?" I asked.
"Yeah. Ginaya ko lang si Kelly. Just to be with Dyllan, sumali siya kahit ayaw niya. And now gagawin ko rin para makasama si Evo. Gusto ko kasing sumama sa Baguio eh."
Nagkatinginan kami ni Evo at nagtatanong ang titig ko sa kanya. Does he know about this? Agad siyang tumipa sa cellphone niya and second later my phone vibrated.
Baby love: I don't know about this. I swear.
Hindi na ako nagreply pa at itinago ko na lang ang cellphone ko. Nawala ako sa mood. Thinking that they're going to Baguio together is twitching my heart. Muling nag-vibrate ang phone ko pero Hindi ko na pinansin pa. Umangat ako ng mukha at tumingin kay Evo nang hindi tumigil sa pag-vibrate ang phone ko. Sigurado akong siya 'yon a t tingin ko tinatawagan niya ang number ko.
As our gazes met he immediately made a paawa effect facial expression. That makes me chuckled, kaya nagtinginan sa 'kin ang lahat. I quickly lowered my head and bit my lower lip.
SUMAMA ako sa gym para manood ng basketball practice. Evo wants me to watch him. So dahil isa akong butihing asawa, full support ako sa asawa ko. Nag-re-ready pa lang sila.
"Aaa! Why you're so cute, baby love," Cheenie giggled. Tumayo ito at sinapo ang magkabilang pisngi ni Evo.
"Ikaw talaga, bakit kailangan mo pa akong i-text para lang bigyan ka ng flying kiss?" My heart skipped a beat. Tumingin sa 'kin si Evo at sinalubong ko naman ang mata niya pero talagang naiiyak na ako.
"Hindi lang flying kiss ang ibibigay ko sa 'yo," wika ni Cheenie at agad na akong umiwas ng tingin. Ayaw kong makita pa ang gagawin nila.
Tumayo ako at walang paalam na lumabas ng Gym. Naglakad ako hanggang sa makalayo at huminto sa may puno. I hate him! Talagang nag-text pa siya para lang bigyan siya ng flying kiss. Bakit kasi nagpapaniwala ka Chloe? Pinipilit lang naman niyang pakisamahan ka dahil 'yon ang tama. Pero masakit eh! He promised that he will fix everything. Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng luha ko.
"Miss. De Jesus." I wiped my tears away and turned back to look at the person who called me.
"Yes?" Isang lalaking nakaunipormeng kulay puti. Parang bodyguard or driver.
"Gusto kang makausap ni Mrs. Dee," Junjie's mother? But why?
"Bakit daw po?" nagkibit balikat ang lalaki. Bigla naman akong kinabahan. Ano kaya ang kailangan sa 'kin ng mommy ni Junjie.
MADIIN kong pinisil-pisil ang kamay ko sa sobrang kaba habang nakaupo sa backseat ng sasakyan katabi ang nanay ni Junjie.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, hija. I want you to leave my son alone. Hindi ikaw ang gusto ko para sa anak ko." Nakayuko lang ako habang nakikinig kay Mrs. Dee.
"Si Cheenie ang gusto ko para sa kanya. Tradisyon na ng pamilya na kailangang Chinese lang din ang makakatuluyan ng bawat miyembro ng pamilya. 'Wag mo sanang mamasamain ang sinasabi k, para rin 'to sa 'yo. Kung makakatuluyan mo si Junjie, ikaw lang din ang mahihirapan sa pakikisama sa pamilya namin. Kaya makipaghiwalay ka na sa kanya," mahabang sabi ni Mrs. Dee.
"Naiintindihan ko po," halos pabulong kong wika. Hindi naman ako nasasaktan sa sinasabi niya. Marahil, dahil hindi ko mahal si Junjie. Pero may parte ng puso ko ang nasasaktan dahil sa isang katotohanang parang ang ilap ng magmamahal sa 'kin. Si Junjie. Totoong mahal ako pero hindi ako gusto ng pamilya niya at hindi ko naman mahal.
Si Evo na mahal ko, hindi naman ako mahal. At ngayon pinipilit niyang gustuhin ako dahil 'yon ang tingin niyang tama. Si mommy, mahal niya ako because I'm her daughter. It's her obligation to love me. Pero siguro kung may choice si mommy na ibalik ang nakaraan. Hindi niya ako gustong ipanganak.
"Makikipaghiwalay po ako," halos paanas kung wika.
Sa kabilang banda, pabor na rin na hindi ako gusto ng magulang ni Junjie. May rason na ako, kahit paano hindi na rin mahirapan sa pakikipaghiwaly sa kanya. Pero masasaktan si Junjie panigurado. Hindi ko naman siya gustong masaktan. I'm sorry Junjie.
PAGKATAPOS akong kausapin ng mommy ni Junjie ay hindi na ako pumasok sa klase ko at umuwi na lang. Nag-taxi na lang ako pauwi. I was lying on the bed, thinking deeply. Anong paraan ba ang pinakamadaling gawin sa pakikipaghiwalay ka Junjie? God! Walang madaling paraan. This is so hard. May narinig akong tatlong katok sa pinto. Si Evo.... siya na lang ang gumagawa n'on. May paparating na gwapo kapag may tatlong katok akong narinig. 'Yon ang sinabi niya sa 'kin, kaya binilin ko talaga kay Nana Selia na 'wag siyang kakatok ng tatlo. Para na kasi kay Evo ang three knocks.
Marahang bumukas ang pinto pero wala namang pumasok.
"Evo, ikaw ba 'yan?" no one answered.
"Evo, pwede bang 'wag kang nananakot!" Yamot kong sabi. Wala pa ring pumapasok kaya bumangon ako. I was about to get off the bed when I saw a white cute fluffy dog standing on the floor, carrying a basket of flowers - red roses. Kagat-kagat ng puppy ang handle ng maliit na basket. Bumababa ako sa kama at agad na kinuha ang basket at ang aso. I place the basket on my bed at umupo naman ako sa gilid ng kama at kinargang parang baby ang aso.
"Kaninong pet ka huh?" may nakasabit sa leeg niya. Isang ribbon at may naka-rolled na papel na natatali ng pulang ribbon. Kinuha ko ang papel at binuklat.
"I'm yours, mommy," basa ko sa nakasulat. Dalawang magkapatong na papel pala 'to. Binasa ko naman ang nakasulat sa isang papel.
"I'm sorry, baby love!" Kay Evo. Sorry ka diyan! Itinaas ko ang aso sa harap ng mukha ko.
"Ikaw na lang ang baby love ko." Inilapit ko ang mukha ng aso mukha ko at agad niyang dinilaan ang tungki ng ilong ko kaya nahagikgik ako.
Bigla ang paglangitngit ng pinto kaya muli akong tumingin sa pinto. Nawala ang ngiti ko nang makita ko si Evo. Ang sweet niya pero alam ko namang ginagawa niya lang ito dahil sa ginawa niya kanina. Humiga akong patalikod at itinabi ko ang aso sa 'kin at nilaro-laro ko.
Narinig ko ang pagsara ng pinto. Lumabas na kaya siya? Hindi pa. Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa likuran ko.
"Baby love!" Baby love mong mukha mo.
"Baby love, sorry na!" Bigla niya akong niyakap mula sa likuran ko. Nakahiga na rin siya sa tabi ko.
"Evo, bumitiw ka nga," mahinang sita ko sa kanya. Pero sa halip na bumitiw siya hinawi lang niya ang buhok at lalong hinigpitan ang yakap. I froze as I felt his lips brushes at the back of my neck. Nakakakiliti kaya bigla akong humarap sa kanya na yakap pa rin ang aso. Pero mukhang mali ang ginawa ko. Dahil sa ginawa kong pagharap halos maglapat na ang labi naman.
"Chloe, I'm sorry sa kanina," muli ay bumalik ang inis ko sa kanya at inilayo ko ang mukha ko sa kanya.
"It's okay. Hindi mo naman kailangan mag-sorry. She's your girlfriend."
"Chlow, no! 'Yong kanina, para naman talaga sa 'yo, 'yong message na 'yon. Na-wrong sent lang ako." Napailing na lang ako. As if naman na maniniwala ako.
"You don't believe me." Hindi ako umimik.
"Siya kasi ang nag-save ng number niya sa phone ko. Then, when I texted you, nagulat ako n'ong si Cheenie ang naka-receive. When I checked my phone, I found out that she saved her own number under the name baby love," he explained. Muli akong tumingin sa kanya at bigla ay nawala ang inis ko sa kanya.
"Bakit ba naniniwala agad ako sa 'yo?" I said, almost whisper. Ngumiti siya at mas nilapit ang sarili sa 'kin.
"Baka love mo na ako," nakangiting wika niya.
"Of course, mahal naman talaga kita," oh no! Ano bang sinasabi ko? His smile disappeared at titig na titig siya sa 'kin. Haist!!
"Um.. um.. diba? We're... we're friends.. and I love you as my friends. Hindi mo ba ako mahal bilang kaibigan mo?" Umiwas ako ng tingin sa kanya at paulit-ulit na napapalunok. Naramdaman kong hinaplos niya ang pisngi ko kaya muli ko siyang tinignan.
"Of course, mahal na mahal kita," he said. Ang sarap pakinggan, lalo siguro kung mahal niya ako bilang asawa niya. Hindi ako umimik at nagtitigan lang kami ng ilang sandali hanggang sa unti-unting lumapit ang mukha niya habang nakatitig siya sa labi ko.
Hahalikan ba niya ako? No! Hinalikan niya si Cheenie tapos hahalikan niya ako. Agad kong tinulak ang noo niya gamit ang kamay ko.
"Hahalikan mo ako pagkatapos mong halikan si Cheenie!" saway ko sa kanya at muling bumalik ang inis ko. Isipin ko pa lang na naghalikan na sila gusto ko na siyang tadyakan eh.
"Hindi ko siya hinalikan. Hindi ako nagpahalik sa kanya." Nilapat niya ang hintuturo niya sa kanyang labi.
"No one can kiss my lips, because these are only for my baby love."
"Talaga?" hinawakan niya ang pisngi ko.
"Yes. Kaya 'wag ka nang magselos." I rolled my eyes.
"Hindi ako nagseselos no!"
"Talaga? Hmm.. kiss mo nga ako kung hindi ka nagseselos," he said teasingly. Medyo nanlaki ang mata ko sa hiya, parang ang landi landi niya kasi.
"Please! Namiss kita eh." Bakit ba ang sweet niya? Parang love na love niya ako. Tumango na lang ako at muli ay dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa 'kin. Halos gahibla na lang ang pagitan ng labi namin nang biglang umiyak ang ang puppy. Agad akong lumayo at siya naman ay napaungol at tumihaya habang sapu ang sariling noo.
"Naipit ka baby? Sorry," malambing kong pagkausap sa aso na nasa gitna namin.
"Parang gusto ko natuloy pagsisihang bumili pa ako ng aso." Nilingon ko si Evo, sapu parin niya ang kanyang noo.
"Salamat nga pala dito ah. You're the sweetest husband." Nilingon niya ako at ngumiti.
"Nagustuhan mo?" tanong niya at tumango ako.
"Yeah. May baby na tayo. Kaya dapat mahalin mo rin siya." Bumango siya at biglang inilapat ang gilid ng pisngi sa tiyan ko. Ano bang ginagawa niya?
"Bakit kaya hindi tayo nakabuo?" Napaawang ang labi ko sa tinuran niya. Seryoso ang mukha niya habang sinasabi 'yon. Then, slowy, his captivating smile appeared on her face.
"Mas gusto ko ang totoong baby kaysa sa aso. Ikaw ba?" tanong niya bigla.
"Syempre mas gusto ko ang baby?" sagot ko. Lumapad ang pagkakangiti niya saka bumangon at kinuha ang aso na nakaunan sa braso ko.
"Sinabi mo 'yan ah?" Tumayo siya at ibinaba ang aso sa lapag. Umupo ako at siya naman ay nakatayo sa paanan ng kama. He pulled his shirt over his head and dropped it on the floor, making me tense. Ano bang ginagawa niya.
Sumampa siya sa kama at gumapang palapit sa 'kin.
"E-Evo..." Ramdam ko ang panginnginig ng boses ko. Why is he so naughty now? Si Evo ba 'to? Tinulak niya ako pahiga gamit ang katawan niya at ngayon nasa ibabaw ko siya habang nakatitig sa mata ko.
"What are.. you doing?" pigil ko ang hininga ko at muli ay napalunok ako.
"I want a baby, you want it too.. So, let's-"
"Oh no! You're not my husband. You're naughty." Halos pabulong kung wika at marahan siyang natawa.
"Ako 'to.." Hinalikan niya ako sa noo.
"I'm not that gentleman, baby love..." he kissed the tip of my nose. Feeling ko hihimatayin na ako.
"I'm rough sometimes.." he kiss my lips. "Too rough," he whispered against my lips, he then bit my chin. I can't take this anymore! Oh my god! I push him away and got off. Umupo ako sa gilid ng kama at bigla na lang siyang tumawa. Nilingon ko siya at tawang-tawa talaga siya.
"Niloloko mo lang ako? How dare you, Evo!" Tumayo ako at tinalikuran ko siya habang yakap ko ang sarili ko. Siraulong lalaking 'to.
"I'm sorry!" Bigla niya akong niyakap mula sa likuran ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya.
"Hindi ko 'yon gagawin hanggat hindi ka pa handa. 'Wag ka lang magpapakita ng motibo sa 'kin. Lalaki lang ako at may panganga-"
"Stop it!" ayaw kung makarinig ng mga ganyan. Ang awkward. Muli ay tumawa siya. Hinarap niya ako sa salamin habang nakayakap pa 'rin siya. Ngumiti siya habang nakatingin sa salamin.
"Ang cute mong ma-tense. May nangyari na sa atin pero para ka paring vir-"
"Evo!" muling saway ko sa kanya. Kung ano-anong pinagsasabi niya. Muli siyang tumawa at bumitaw sa pagkakayakap sa 'kin. Hinarap niya ako at sinapo ang magkabilang pisngi ko at walang paalam na siniil ako ng halik sa labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top