PROLOGUE

Prologue

"Anong kailangan?" Napakagat ako sa ibabang labi nang marinig ko ang ma-awtoridad na boses ni Dad mula doon sa tapat ng gate, may pumunta kasing kaklase ko at para bang gusto nitong umakyat ng ligaw.

Halata sa mukha ng kaklase ko ang pangamba, "Ah, eh. Si Sabrina po?"

Humalukipkip si Dad. "May gusto ka sa anak ko?"

Napalunok naman ito at mukhang namutla pa.

"O...opo."

"Ilang taon ka na?"

"Eighteen po."

"Disiotso. Nagkakagusto ka na, ano bang trabaho mo? Kaya mo bang buhayin ang anak ko na hindi humihingi ng tulong sa mga magulang mo? Sa itsura mo eh mukhang nanghihingi ka pa ng baon." Hindi naman nakasagot ang kaklase ko at dali-dali itong kumaripas ng takbo.

"Si Dad talaga." Nakangusong ani ko saka nagmartsa pabalik sa mesa kung saan nakalatag ang mga libro ko.

"Wala talagang magtatangkang manligaw kay Ate Sabrina niyan." Ngisi ng kapatid kong si Shara.

"Isa ka pa Shara, kayong dalawa ng Ate mo, walang sino man ang maaaring manligaw sa inyo hangga't wala pa kayo sa tamang edad. Mag aral kayong mabuti at magpakasasa muna sa pagkadalaga." Iyon ang madalas sabihin ni Daddy sa amin sa tuwing may magtatangkang manligaw sa akin.

Growing up, I often watched my classmates giggle and blush over their crushes. They shared stories of sweet notes, secret glances, first dates, meron pa ngang first kiss. But for me, those experiences felt like a distant dream. My Dad made it clear: dating is off-limits' sa aming dalawa ni Shara.

Huminga ako ng malalim, pakiramdam ko ay napag iiwanan na ako ng mga kasing edaran ko.

Nasa senior high na ako at pakiramdam ko ay may kulang sa pagkadalaga ko dahil sa sobrang higpit ni Daddy.

"Sa pag aaral niyo dapat kayo nag fo-focus hindi sa mga ligaw ligaw na yan."

Umakyat na sa silid si Dad at napailing nalang din si Mommy.

"Pagpasensyahan niyo na ang Daddy niyo, alam niyo namang para sa inyo ang lahat ng pangaral niya."

"It's fine, Mom. Gets ko naman." Hindi ko naiwasan na sumagot ng mapakla bago ibinalik ang sarili sa pag gawa ng mga homework. Naiintindihan ko naman si Dad, takot lang siya na baka may mangyaring masama sa amin ni Shara, but it sometimes felt suffocating.

Lahat nalang bawal.

Hindi ko maiwasang bulong sa sarili, hindi ko namang maiwasang pagmasdan ang pangalawang kapatid ko na si Shane na malayang nagagawa ang lahat ng gusto. Palibasa ay lalaki ito, kung minsan nga naiisip ko sana lalaki nalang din ako.

Nabulahaw ang buong kabahayan namin nang may nag doorbell. Sumilip si Mommy sa bintana at bakas ang kasiyahan sa mga mata nito.

"Aba ang Tita Maria niyo." Ani nito at kaagad lumabas, bigla akong kinabahan. Sumilip din ako sa bintana at mas lalong pumintig ng malakas ang puso ko nang makita ko ang anak ni Tita Maria.

Maaaring walang nakakalapit na mga kalalakihan sa akin dahil sa paghihigpit ni Daddy, ngunit hindi si Michael. Dahil si Michael lang ang kaisa-isang lalaki na nakakalapit ng lubusan sa akin at hindi ko naman itatanggi na may paghanga ako sa kanya. Matalik na kaibigan kasi nila Dad ang mga magulang ni Michael kaya naman gano'n nalang ang tiwala niya.

Hinding hindi ko makakalimutan kung kailan ako nag umpisang magkagusto kay Michael, edad na kinse pa lamang nang makumpirma kong crush ko siya at simula nang maging malapit kami sa isa't isa ay hindi ko na namalayan na lumalalim na pala ang pagtingin ko sa kanya sa mga lumipas na taon.

Kaagad kong sinamsam ang mga gamit ko at kumaripas ng takbo pataas sa kwarto, sariwa pa rin kasi sa alaala ko ang nangyari five months ago sa 18th birthday ko.

"Michael, saan mo ba ako dadalhin?" Hindi mapakaling tanong ko sa kanya matapos niya akong hilahin palayo sa mga bisita ko na ngayon ay abala sa pagkain.

Ngunit hindi ako inimik ni Michael dahil nagpatuloy lang siya na hilahin ako hanggang sa makarating kami sa likod ng venue, garden iyon at may mga artificial flower na ngayon ay kumikinang dahil sa LED lights. Ngunit ang nagpatibok ng mabilis sa puso ko ay nang mabasa ko ang malaking pangalan ko doon sa itaas na gawa din sa LED light.

"Happiest Birthday, Sabrina." Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman kong bumulong siya sa likod ng tenga ko.

Humarap ako sa kanya at kagaya pa rin ng dati, gwapong gwapo pa rin ako sa kanya. Napakatangkad din niya sa edad na eighteen dahil 5'11 na kaagad ang height niya at iba na rin ang hubog ng katawan niya dahil sa pagkakaalam ko ay madalas siyang isama ng Daddy niya sa pag-gygym, madalas ko kasing naririnig ang kwento ni Dad sa tuwing nag-gygym siya ay kasabay niya sila Tito Akie at Michael.

"Michael, ikaw ang gumawa nito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at napasinghap ako nang pagsalikupin niya ang kamay naming dalawa, tumango siya bilang sagot.

"I like you, Sabrina."

Hindi ko kinaya ang malambing na boses ni Michael, matagal kong ini-imagine na magkakagusto siya sa akin dahil para bang imposibleng mangyari iyon, madalas lamang kasi niya akong asarin sa tuwing magkasama kami.

Sasagot na sana ako, ngunit naalala ko si Dad. Paano nalang kapag nalaman niya na ang lalaking pinagkakatiwalaan niya ay nagtatapat sa akin ngayon?

"I..I'm sorry, Michael."

Alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang gusto kong isagot ko sa kanya. Gusto kong sabihin na gusto ko din siya. Kaya naman bago ko pa makalimutan ang mga paalala sa akin ni Dad ay mabilis kong binitawan ang kamay ni Michael pero mabilis niya akong nahuli ulit.

"Sandali!" Sigaw ni Michael at halos mawala ako sa katauhan ko nang halikan niya ako sa labi nang sobrang lalim!

It was the most magical moment of my night! Masaya naman ako sa birthday ko, pero pakiramdam ko ay ito ang bumuo sa debut ko, ganito pala ang pakiramdam na mahalikan ng isang lalaki. Noon ay napapanood ko lamang ito sa mga romance movie na paborito kong panoorin o di kaya naman ay naririnig ko lang sa mga kaklase ko kung gaano kasarap mahalikan ng taong gusto mo, pero ngayon ay sinisiil na ako ng napakalalim na halik ng lalaking gustong gusto ko noon pa man.

Gusto kong umalma, ngunit sinusuway ako ng kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang nararanasan. Nanlalambot ang aking binti at mas lalo akong nawalan ng control sa sarili nang hapitin akko ni Michael sa aking bewang saka malambing na hinaplos haplos ang likod ko gamit ang mainit niyang palad. Sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko ay hindi ko na namalayan na tinutugon ko na rin pala ang halik ni Michael ngunit mas lalong nag init ang pakiramdam ko nang mahuli ni Michael ang dila ko at malambing na sinipsip iyon.

Nakakabaliw.

Nakakahibang.

Ganito pala ang pakiramdam.

Nag init ang mukha ko nang marinig ko ang sariling ungol ko dahil nadadarang ako sa pabalik balik na paghaplos ni Michael sa likod at braso braso ko. Naikuyom ko na nga ang aking kamao sa dibdib niya habang nakikipagsabayan sa masarap na halik na ipinaparanas niya sa akin ngayon.

Ngunit natauhan ako nang makarinig ako ng malakas na paputok mula sa langit! Mabilis kong itinulak si Michael at nagtagpo ang mata naming dalawa na parehong malamlam ang tingin sa isa't isa at kapwa hinigingal.

"I like you, Sabrina, alam kong hindi ka pinapayagan ng Daddy mo na magpaligaw o magkaboyfriend. Hinintay ko talaga ang eighteen birthday mo para maipaglaban ko yung nararamdaman ko para sayo."

Napalunok ako sa narinig ko, muli akong napapitlag sa fireworks display na alam kong inihanda ni Daddy para sa birthday ko.

Matindi ang kaba sa dibdib ko, hindi ko maintindihan kung kaba ba ito dahil sa takot ko kay Daddy sa ginagawa ko ngayon o kaba dahil gustong gusto ko ang naririnig mula kay Michael.

Bago pa ako mawala ng tuluyan sa sarili ko ay mabilis na akong kumawala sa kanya at tumakbo pabalik sa loob ng venue.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top