Chapter 8
Chapter 8
Sabrina Briones
Ginawa kong unan ang dibdib niya, nakabalot ang katawan namin ng puting kumot at marahan naman niyang nilalaro ang buhok ko, nararamdaman ko pa rin ang sakit sa ibabang parte ko.
"Michael, natatakot ako." Bulong ko, bigla akong nakaramdam ng takot, unang una kela mom pero hindi ko manlang sila naisip kanina.
"Hindi kita pababayaan, Sabrina." Paninigurado niya.
Kanina pa kami sa ganitong pwesto, tumigil na rin ang ulan pero wala paring kuryente. Maliit nalang yung kandila.
"Uuwi na ako, Michael." Ani ko saka umupo ako at inayos ang buhok ko.
"Madilim pa, Sabrina."
"Hindi ako nagpaalam kela Mommy, mabuti na siguro yung tulog pa sila." Sabi ko at naglakad ako papunta sa CR.
Bawat hakbang ko nararamdaman ko yung sakit, at may kaunting dugo akong nakita doon. Nilinis ko ang sarili ko at sinuot ko ulit yung damit ko na sinabit ko sa likod ng pinto, medyo basa pa ito.
Pagkalabas ko ng CR nakabihis na rin si Michael, hinila niya ang kamay ko at iniupo niya ako sa hita niya.
"Galit ka ba sa akin?" Tanong niya, rinig ko sa tono ng pananalita niya ang pag aalala.
Hindi naman ako galit kay Michael eh, pero bakit kung kailan nagawa na namin ang hindi dapat saka ako nag isip na mali pala ito. Pero, mahal ko talaga si Michael at masaya ako na sa kanya ko ibigay ang pinakaiingatan ko.
"Hindi ako galit sayo, Michael. Natatakot lang talaga ako, paano nalang kung magbunga ang ginawa natin?" Pag aalala ko.
Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at hinalikan ang pisngi ko.
"Pananagutan kita." Kampanteng sagot niya.
"Pero—"
"Mahal kita, Sabrina, mahal na mahal at hindi ako papayag na may mangyaring masama sayo. Tandaan mo nandito lang ako palagi." Bulong niya.
Iniharap niya ako sa kanya at marahan niyang hinalikan ang labi ko. Dahan dahan lang yo'n pero ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.
"Ihahatid na kita." Sabi niya.
Tumango ako bilang sagot.
__
Pinatigil ko yung taxi bago lumiko sa street namin. Naglakad kami ni Michael. Madilim sa bahay at mukhang tulog pa rin sila mom.
"Papasok na ako." Sabi ko saka tumalikod na sa kanya, pero hinila niya ang kamay ko.
"Ayokong maghiwalay tayo ng ganito." Sabi niya, tinignan ko ang mata niya at parang naguguluhan siya dahil sa ikinikilos ko.
"Michael..."
"I'm sorry." Bulong niya.
"Sorry dapat hindi ko ginawa yo'n, dapat hindi kita—" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla akong sumagot.
"Hindi mo kailangang mag sorry. Dahil ginusto ko din naman yo'n Michael. Ginusto natin." Lumapit ako sa kanya para mas lalo kong makita ang mukha niya.
"Mahal kita, Michael at wala akong pinagsisisihan sa ginawa nating dalawa. Salamat, kasi dahil do'n naramdaman kong mahal mo talaga ako. Natatakot ako oo, pero hindi ibig sabihin no'n hindi ako masaya. Dahil sobrang saya ko, sobrang saya ko dahil alam kong sa akin ka." Parang nagliwanag ang mukha ni Michael, hinila niya ako at niyakap.
"Sabrina, promise gagawin ko ang lahat para sayo." Bulong niya.
Napangiti ako dahil do'n, humiwalay na ako sa kanya.
"Papasok na ako ha?" Sabi ko.
"Sige na, magpahinga ka na. Tandaan mo mahal kita, Sabrina!" Nakangiting sabi niya.
Dahan dahan akong pumasok sa bahay, napatingin ako sa wall clock sa sala 4am na. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ako ng damit.
Humiga na ako, napapitlag ako ng magring ang cellphone ko. Naiwan ko pala kanina 'to.
Michael Calling.
"Love." Napangiti ako sa bungad niya sa akin, dati nakokornyhan ako kapag tinatawag niya akong Love, ngayon parang ang ganda na sa pandinig ko.
"Nasaan ka na?" Tanong ko sa kanya.
"Uuwi ako sa bahay ngayon, nasa taxi na ako." Sabi niya.
"Buti naman, dahil nag aalala na din sayo ang mama mo."
"Magkita tayo mamaya?" Anyaya niya.
"Ha?"
"Pictorial natin mamaya, successful yung magazine natin last month." Paalala niya sa akin, nakalimutan ko pictorial nga pala namin mamaya. Naging successful yung pangalawang magazine namin sa HK. Yung unang unang magazine namin noon hindi masyado nag hit, pero yung last month sobrang naging taas ng sales.
"Nakalimutan ko, dadaanan niyo nalang ako ni Manong Jake mamaya?"
"Oo, kaya matulog ka na. 10am nanjan na kami. I love you."
"Michael!" Natatawang sigaw ko dahil pakiramdam ko ay kinikilig ako.
"Why? Sabi ko I love you." Sobrang laki ng boses niya.
"I love you too." Nakangiting sagot ko.
__
7am ako nagising at ang sakit ng katawan ko. Ganito ba talaga kapag first time ginawa yon? O palaging sasakit ang katawan kapag ginagawa yon?
Haay, kung ano anong iniisip ko.
Naligo na ako at nararamdaman ko pa rin yung sakit, kailangan kong ayusin ang lakad ko para hindi mahalata.
"Hija, kakain na." Katok ni Manang sa kwarto ko.
"Pababa na po manang! Aayusin ko lang po yung mga dadalhin ko!"
Napalingon ako sa cellphone ko dahil nag riring iyon, si Michael tumatawag.
"Good morning my loves!!" Masiglang bati niya.
"Kagigising mo lang?!" Hindi makapaniwalang bungad ko sa kanya, napatingin ako sa wall clock at 8:30am na.
"Oo, pero mabilis lang naman akong kumilos." Sabi niya.
"Sus,"
"Pinagod mo kasi ako kagabi." Pang aasar niya, nakaramdam ako ng hiya at dama ko ang pamumula ng mukha ko.
"Michael!"
"Hahaha! Biro lang, sige na, maliligo na ako, gusto ko lang marinig ang boses ng asawa ko."
"Asawa?"
"Oo, simula kagabi asawa na kita. Bye, I love you!" Pahabol niya saka pinatay ang tawag.
Napangiti nalang ako, asawa? Sira talaga si Michael.
__
Sabay sabay kaming nagbreakfast nila mom at syempre hindi ako nagpapahalata na masakit ang katawan ko.
"Hanggang anong oras ang pictorial mo?" Tanong ni Dad.
"Hindi ko pa po alam, dad. Depende po kasi sa set na ibibigay."
"Kakausapin ko si Mr.Joe, sasabihin ko titigil ka na sa modelling." Nagulat ako sa sinabi ni dad.
"Po?! Pero—"
"Sabrina, college ka na sa pasukan."
"Kaya ko naman pong pagsabayin dad."
"Hindi naman kita pipigilan Sabrina eh, pero hindi ko na nagugustuhan yung mga pinapasuot sayo ni Mr.Joe sa pictorial simula ng tumuntong ka ng disi otso."
"Mario, ano ka ba? Damit lang naman yo'n. Saka isa pa trabaho lang yun, dun masaya si Sabrina."
Kapag si mom na ang nagsalita, hindi na umiimik si Dad kahit na galit na galit na siya.
"Ate! Namumula ang pisngi mo! Naka-blush on ka na ba?" Tanong ni Shara habang ngumunguya ng cereal niya.
"Ha? Hindi, Shara."
"Shara, hindi nagme-make up ang Ate mo kapag wala pa siya sa studio." Nakangiting sabi ni Mom.
"Pero Mom, Ate is so pretty today!" Siglang sabi ni Shara.
"Baka in love." Bulong ni Shane na katabi kong kumakain.
"Ano yun Shane?" Tanong ni Mom.
"Wala ho." Seryosong sagot niya.
Tinapakan ko ang paa ni Shane, pero parang wala lang sa kanya yon. Tsk, kanino kaya nagmana ng kasungitan 'tong Shane na 'to! Alangan namang kay Mommy eh palaging nakangiti si Mom, si Dad naman strict siya pero hindi siya masungit gaya ni Shane na akala mo may buwanang dalaw palagi.
__
Pagkatapos naming kumain umupo ako sa sala, bakasyon na rin nila Shara kaya nandito sila sa bahay, si Dad naman pumasok na sa office niya. Napapangiti ako sa mga text sa akin ni Michael, kinikilig ako kahit ang kokorni, saka medyo malapit na daw sila dito sa bahay.
"Epekto ba yan ng may boyfriend." Napatingin ako kay Shane na ngayon ay nagbabasa ng libro sa tabi ko.
"Ano bang pakialam mo?" Inis na sabi ko.
"Psh, akala mo ba hindi ko alam kung anong oras ka umuwi? Tumakas ka pa talaga kagabi ha?" Pagsusungit niya, nanlaki ang mata ko.
Isinara niya ang librong binabasa niya at tumingin sa akin.
"Hindi na kita pakikialamanan dahil mukha namang hindi ka na mapipigilan, tandaan mo hindi ako nagkulang sa pagsasabi sayo, Ate." Seryosong sabi niya saka tumayo at umakyat sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay bigla akong namutla sa mga pinagsasasabi ni Shane sa akin.
Nakita naman ako ni Mom, napangiti siya at lumapit sa akin, umupo si Mom sa tabi ko.
"Iba nga ang ganda mo ngayon. In love ka ba anak?" Tanong ni Mom.
"Po?!" Napalunok ako.
"Mommy mo ako, hindi ka dapat nagsisikreto sa akin, basta tandaan mo kung sino man yang nagpapasaya sayo ngayon h'wag kakalimutan ang mga limitasyon okay?" Nakangiting sabi ni Mom.
"O-opo." Bigla na naman akong kinabahan.
"Saan mo balak kumuha ng exam ngayong college? May naisip ka na bang course?"
"Sa—"
"Samantha hija! Nanjan na yata ang sundo ni Sabrina!" Sigaw ni Manang.
"Oh, halika na ihahatid kita sa labas. Shara aalis na ang Ate mo."
"Bye Ate!" Sigaw ni Shara na hindi inaalis ang tingin sa pinapanood niyang cartoons.
Paglabas namin ng bahay, bumungad kaagad sa akin ang nakangiting mukha ni Michael, nakashades siya ngayon at napaka gwapo ng loko.
"Ang ganda ng ngiti ni Michael ah. Mukhang alam ko na kung sino ang nagpapasaya sa anak ko." Bulong ni Mom.
"Mommy!" Sigaw ko.
Pero ngumiti lang si mom.
"Good morning, Tita!" Bati ni Michael.
"Michael, mag ingat kayo ni Sabrina ha?"
"Yes po Tita!" Nakangiting sabi ni Michael at kinuha ang bag ko.
"Bye, mom." Hinalikan ko si Mom sa pisngi at sumakay na ako sa van.
Pagsakay ni Michael bigla niya akong hinalikan sa pisngi at ngumiti.
"In love lang ba ako kaya sobrang ganda ng tingin ko sayo ngayon?" Natatawang sabi ni Michael.
"Maganda naman talaga ako ah!" Sigaw ko.
"Oo naman!"
"Tara na!" Sigaw ni Manong Jake habang nakangiti sa amin, mukhang may alam na siya tungkol sa amin ni Michael.
__
Hanggang sa makarating kami sa studio walang ginawa si Michael kundi ang bolahin ako. Nagsimula na ang pictorial, madami ding bumati sa amin dahil sa naging kinalabasan ng magazine namin last month.
"Napaka sexy mo talaga." Bulong ni Michael sa batok ko sabay hinapit ako sa bewang, ramdam na ramdam ko yung init ng palad niya na nakahawak ngayon sa may puson ko.
"Umayos ka nga." Natatawang bulong ko.
"Ayos naman ako ah." Bulong niya.
Sunod sunod ang flash ng camera at sigaw ni Mr.Joe na puno ng galak ang naririnig namin.
"Gumagaling ang dalawang bunso natin ah!" Sigaw ng photographer namin.
Kaming dalawa ni Michael ang pinakabata dito sa modelling kaya naman bunso ang tawag nila sa amin.
"Iba ang aura ng dalawa na yan pansin mo?" Narinig kong sabi ng dresser namin.
"Okay retouch na!" Sigaw ni Mr.Joe.
Nabigla ako nang halikan ni Michael ang batok ko, kinurot ko siya sa tagiliran niya.
"Date tayo mamaya!" Aniya sabay kindat sa akin.
Hinila na ako ni Rian para i-retouch.
"May sasabihin ako sayo." Sabi ni Rian.
"Ano yo'n?" Pumikit ako para maayos niya yung mascara ko dahil nagbuo buo na sa pawis.
"Blooming ka ngayon. Naku kung hindi ka lang bata iisipin ko nag exercise ka kagabi!" Natatawang sabi ni Rian.
Napamulat ako.
"Bakit?" Pagtataka niya.
"Exercise?" Kunot noong tanong ko.
"Oo, yung ano, yung nakipag love making sa jowa." Natatawang sambit niya. "Pero wala ka namang jowa eh. Ganyang ganyan ako kapag nadidiligan, blooming na blooming daw sabi ng mga kaibigan ko! Mamula mula ang pisngi at iba ang kinang ng mata, ganun kasi ang itsura mo ngayon. Babaeng babae, ikaw ha may tinatago ka ba?"
Napalunok ako dahil sa kaba, bigla namang natigilan si Rian at tinitigan ako ng makabuluhan.
"Teka, h'wag mong sabihing? Sabrina? Si...sinuko mo na?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top