Chapter 6
Chapter 6
Sabrina Briones
Lumunok ako ng matindi at pilit kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak ni Michael sa akin.
"Ah, wala po! Muntik kasi akong mahulog sa hagdan, ti-tinulungan ako ni Michael makababa!" Naramdaman ko ang masamang tingin sa akin ni Michael.
"Sigurado ka ba ha Sabrina?" Ma-awtoridad na boses ni Dad.
"O..opo Dad!"
Lumapit sa akin si mommy.
"Kumain na kayo."
"Aalis na po ako." Malamig na sabi ni Michael.
"Pero hindi ka pa kumakain." Pigil ni Mom.
"Hindi po ako nagugutom, sige ho."
"MICHAEL ANAK!!" Sigaw ni Tita Maria, narinig ko ang malakas na kalampag ng gate namin. Gusto ko siyang habulin pero ayokong mag isip ng masama sila Dad. Tinignan ako ni Shane at kita ko ang pagbabanta niya sa akin kung sakaling habulin ko si Michael.
__
Dahil na rin siguro sa nangyari kaya nawalan na rin ako ng gana kumain, hindi ko naman kayang sabihin kela Mom kung anong meron sa amin ni Michael. Umupo nalang ako dito sa garden at hinihintay kong tawagan niya ako, pero kahit isang tawag o text wala akong natanggap mula sa kanya.
"Sabrina." Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Tita Maria umupo siya sa tabi ko at doon nagsimulang gumapang na naman ang kaba sa dibdib ko.
"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo ni Michael. Pero sana h'wag kayong magpapadala sa emosyon niyo." Simula ni Tita Maria, kinabahan ako sa pananalita ni Tita kahit na sobrang malumanay ang boses niya.
Dahan dahan niyang hinawi ang buhok ko, napaatras ako, hindi ngumingiti si Tita Maria pero ramdam ko ang pag aalala niya.
"Bata pa kayo ni Michael."
"Ba-bakit hindi niyo po ako sinumbong kela Mom?" Nauutal na tanong ko.
"May dahilan ako Sabrina..." Nakangiting sabi ni Tita Maria, pero naguguluhan ako sa gusto niyang iparating sa akin.
"Baby?" Napalingon ako ng tawagin ni Tito Akie si Tita.
Lumapit siya sa amin.
"Baby gusto mo na bang umuwi?" Tanong ni Tito Akie.
"Sige, mukhang inaantok na rin naman si Michelle. Pero si Michael ba tumawag na sayo?"
"Tss, yang bata na yan. Mag uusap pa kami mamaya niyan, hindi na siya nahiya kay Samantha." Galit na sabi ni Tito Akie.
"Ano ka ba naman, mag aaway na naman ba kayong mag ama?"
"Yang anak mong yan lumalaking matigas ang ulo." Giit ni Tito Akie.
"May pagmamanahan naman." Rinig ko ang pang aasar ni Tita Maria kay Tito Akie na siyang tinawanan nilang mag asawa.
__
Hating gabi na, hindi ako makatulog dahil nag aalala ako kay Michael, tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Nabigla ako nang mag ring ang cellphone ko.
Si Nathan ang tumatawag.
"Nathan..."
Oh, malungkot ka?" Aalam na alam ni Nathan kapag malungkot ako kahit sa boses palang, kaya walang duda na best friend ko talaga siya.
"Si Michael." Narinig kong huminga siya ng malalim.
"Nandito ako sa tapat ng bahay niyo, bumaba ka."
Pinatay na niya ang tawag, dahan dahan akong bumaba at lumabas ng bahay.
"Sakay!" Sigaw ni Nathan patukoy sa motor na minamaneho niya ngayon.
"Ha?"
"Sakay na!" Pagpupumilit niya.
Sumakay ako at mabilis niyang pinaharurot ang motor niya napasubsob ako sa likod niya, naramdaman kong hinila niya ang kamay ko at iniyakap yon sa bewang niya. Sobrang lakas ng hangin at humahampas yo'n sa balat ko.
"Kumapit kang mabuti Sabrina!!" Sigaw ni Nathan at mas binilisan pa ang pagpapaharurot ng motor niya. Nalulunod ako sa hangin! Rinig na rinig ko naman ang malakas na tawa ni Nathan.
"Nathan!!!!!"
"Sumigaw ka Sabrina!! Isigaw mo lahat ng nararamdaman mo!" Sigaw ni Nathan.
"Ano?!"
"Parang ganito! Manhid si Sabrina!!" Sigaw ni Nathan, natawa naman ako sa kanya! Lumunok muna ako.
"NAKAKAINIS KA MICHAEL! MAHAL KITA PERO NATATAKOT AKO!" Sigaw ko.
"SIGAW PA!!!!"
"NAKAKAINIS!! NAKAKAINIS!!"
__
Tumigil kami ni Nathan sa isang convenience store, hindi na ako pumasok sa loob. Si Nathan nalang ang pumasok para bumili.
"Oh!" Abot niya sa akin ng ice cream.
"Thank you!" Basta ganitong malungkot ako mahilig kaming kumain ni Nathan ng ice cream.
Umupo siya sa tabi ko.
"Woaaa!!" Sigaw niya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan!
"Ano ka ba?! Hahaha!" Sigaw ko sa kanya.
"Narinig din kitang tumawa! Ano bang nangyari?"
"Ganun parin, alam mo naman diba? Mahal ko si Michael, pero hindi ganun kadali yung sitwasyon namin." Sabi ko, kung meron mang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Michael, wala ng iba kundi si Nathan lang.
"Pinapahirap niyo kasi eh, pareho kayong nag aantayan. Sabi ko naman sayo ako nalang mahalin mo eh!" Biro niya.
"Nathan nakakainis ka!"
Nagulat ako nang biglang may humila sa akin!
"M-Michael?"
Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko.
"Anong ginagawa mo dito? Hating gabi na." Suway niya sa akin, basang basa siya ng ulan at amoy alak siya.
"U-uminom ka?" Usisa ko sa kanya.
"H'wag mong sagutin ng tanong ang tanong ko Sabrina." Lalong humihigpit ang kapit niya sa akin.
"Nasasaktan ako Michael!" Bulyaw ko sa kanya.
Hinila naman ni Nathan ang isang kamay ko.
"Pare tama na." Pigil ni Nathan sa kanya.
"H'wag kang makialam dito." Malamig na sambit ni Michael.
Tinignan ko si Nathan at umiling ako, agad naman niyang binitawan ang kamay ko, mabilis akong hinila ni Michael palayo kay Nathan, kinaladkad niya ako at hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin, sumasabay pa ang malakas na ulan.
"Michael ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?" Nasasaktan na talaga ako sa paghila niya sa akin.
Marahas niyang binitawan ang kamay ko.
"Sabrina hindi ko alam kung nanadya ka ba talaga? Ilang ulit kong sinabi sayo na iwasan mo na yung lalaki na yo'n?" Galit na aniya, simula nang maging kami ay palagi na siya nagseselos kay Nathan kahit na alam naman niyang best friend ko yung tao.
"Ano bang problema mo kay Nathan ha?"
"Sabrina manhid ka ba? May gusto sayo yung lalaki na yo'n!!" Nakasigaw na siya ngayon, biglang tumulo yung luha ko, mas mabuti na 'to hindi niya nakikitang umiiyak ako dahil sa ulan baka isipin niya masyado na akong nasasaktan sa kanya.
"Oh?! Buti nga si Nathan eh! Naiintindihan niya ako, pero ikaw? Hindi mo ako maintindihan na hindi ko pa kayang sabihin kela mommy ang tungkol sa atin. Yung totoo, Michael? Mahal ba talaga ako? O nasasabi mo lang na mahal mo ako dahil sa mga ginagawa natin?"
Hinila niya ako palapit sa kanya at siniil niya ako ng halik, hindi ko makuhang tugunin ang halik na binibigay niya sa akin, dahan dahan niyang inihiwalay ang labi niya sa akin at kinulong ng palad niya ang pisngi ko at matamang tinignan ang mata ko.
"Sabrina, mahal kita. Sobrang mahal kita. Ilang beses ko na bang sinasabi sayo yan? Pero hanggang kailan tayo magtatago?" Bulong niya na nagpapintig ng sobrang bilis sa puso ko.
Natigilan kami nang marinig namin ang magkakasunod na busina ng sasakyan.
"Magpapakamatay ba kayong dalawa?!" Sigaw nung lalaking nakasakay sa kotse.
Nakita ko ang pagkairita sa mukha ni Michael, hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami dahil walang taxi ang gustong magsakay sa amin dahil basa daw kaming dalawa.
Ayaw parin tumigil ng ulan at natatakot na ako sa kidlat, napakapit ako sa kanya ng mahigpit, naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko.
"Michael saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
Pero hindi siya sumagot, pumasok kami sa isang eskinita at binuksan niya ang isang garage area doon, pumasok kami do'n at nadatnan ko ang mga gamit doon. Ibinaba niya muna sandali yung pinto ng garage.
"Michael? May nakatira yata dito." Sabi ko sa kanya dahil kumpleto ang furnitures dito sa garage, pero sa halip na sagutin niya ako ay nag init kaagad siya ng tubig sa kettle.
"Dito ako tumutuloy kapag ayokong umuwi sa bahay."
Inilibot ko ang paningin ko, maliit lang ang lugar para lang isang classroom pero kumpleto sa gamit.
"Magbihis ka muna, dun ang cr." Iniabot niya sa akin ang isang tee-shirt niya, kinuha ko yo'n at pumunta ako sa CR saka nagbihis.
Basang basa ang damit ko kaya naman isinabit ko muna iyon sa likod ng pinto, pero ang problema ko ang underwear at bra ko.
"Michael?"
Sumilip siya.
"Ah, ano may boxer short ka ba jan?" Nahihiyang tanong ko sa kanya, namula ang mukha niya, maging ako hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon dahil nag iinit ang mukha ko.
Tumalikod siya at nagpunta doon sa cabinet niya, nakaiwas ang tingin niya sa akin ng inabot niya ang boxer short.
"Sa-salamat!" Mabilis kong isinara ang pinto.
Tumingin ako sa salamin.
"Shit..." Bulong ko nang mapansin ko ang dibdib ko, halatang halata kasi ito sa suot kong tee-shirt ni Michael na hanggang hita ko lang, tinakpan ko ng mahabang buhok ko ang dibdib ko at lumabas na. Napansin kong napalunok si Michael pero agad ding iniwas ang tingin.
"Magkape ka muna. Wala akong ibang maaalok sayo yan lang ang meron ako dito." Sabi niya saka kumuha ng damit at pumasok sa CR.
__
Tahimik niyang pinaglalaruan ang buhok ko.
"Yung sinabi mo kanina, totoo ba yo'n?" Bulong ko.
Umayos siya ng upo, tumingin ako sa kanya.
"Mahal kita." Sagot ko sa kanya.
"Pero..." Kumunot ang kanyang noon ang marinig ang salitang 'pero'.
"Pero ano, Sabrina?"
"Natatakot kasi ako sa mga pwedeng mangyari, paano kung paghiwalayin tayo nila dad?" Paliwanag ko sa kanya.
"Sabrina, alam mo naman siguro na hindi ko hahayaan na mangyari yo'n diba? Sinabi kong mahal kita dahil kaya kong panindigan ang nararamdaman ko para sayo." Paninigurado niya sa akin, ilang beses na ba niya pinangako sa akin na hinding hindi niya ako iiwanan?
"Ahhh!!!" Napasigaw ako nang biglang kumidlat ng malakas at mawalan ng kuryente.
"Michael?" Tawag ko sa kanya nang maramdaman kong tumayo siya.
"Nandito ako." Sagot niya at nakita ko ang pagsindi niya sa dalawang kandila mula sa may lamesa.
Lumapit siya ulit sa akin.
"Matulog ka na." Sabi niya saka inalalayan akong pumunta sa kama niya, humiga na ako doon, kinumutan niya ako.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Sa couch ako matutulog." Sagot niya at dumiretso sa couch, nahiga siya doon.
__
Hindi ko alam kung anong oras na, dahil wala pa ring kuryente tinititigan ko yung dalawang kandila at mukhang ilang minuto nalang ang itatagal nito.
"Michael?" Pero hindi siya sumagot, mukhang tulog na yata siya.
Narinig ko na naman ang sunod sunod na kidlat, nagtalukbong ako ng kumot, nanginginig ang kamay ko.
"Sabrina?" Napaupo agad ako at napayakap kay Michael.
"Dito ka lang!! H'wag mo akong iiwan!!" Sigaw ko, ang babaw ko dahil biglang tumulo ang luha ko.
"Shhhh, umiiyak ka ba?"
Umiling iling ako at hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Hinila ko siya pahiga sa kama niya at yumakap ako sa kanya.
"Kumanta ka!" Random na sigaw ko sa kanya.
"Sabrina, naman, hindi ako marunong kumanta."
"Akala ko ba mahal mo ako? Kumanta ka!" Paghihimutok ko dahil ang totoo niyan gusto kong maalis ang takot ko, noon pa man ay takot talaga ako sa kulog at kidlat, palagi akong tumatabi kela mom sa tuwing makakarinig ako ng kulog at kidlat.
Narinig kong tumikhim si Michael bago siya nagsimulang kumanta.
"I'm not that strong without you. I'm naked I can't fake it, I'm not that strong without y—"
"Haha!" Malakas na tawa ko kasi naman yung boses niya ang laki laki tapos pinipigilan niya pa yung pagkanta niya.
"Aish! Ayoko na!!" Pikon na sambit niya.
"Hahaha! Michael kanta ka pa dali." Pang aasar ko.
"Psh, ayoko."
Bigla ko siyang hinalikan sa pisngi dahilan para magulat siya, lumingon siya sa akin.
"Ayoko no'n." Sabi niya saka hinila ako sa bewang at hinalikan ng malalim sa labi, napangiti ako dahil do'n, tinugon ko ang halik niya at halos malunod ako dahil sa paghalik niya.
Nararamdaman ko ang dahang dahan pagpasok ng kamay niya sa loob ng tee-shirt na suot ko mabilis niyang pinisil ang dibdib ko, medyo nahiya ako dahil nalaman na niyang wala akong suot suot na bra. Naramdaman ko ang madiin na pagpisil niya dahilan para mapahiyaw ako sa bibig naming hindi naghihiwalay sa paghahalikan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top