Chapter 41
Chapter 41
Sabrina Briones
Nagising ako nang biglang may yumakap sa akin. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at napangiti ako nang makita kong yakap ako ng mag-ama ko. Nasa gitna si Kyle habang nakayakap sa akin at sa may hulugan ng kama si Michael na nakayakap din sa akin at kay Kyle.
"Good morning, love." Bulong ni Michael at inilapit niya ang labi niya sa noo ko at hinalikan ako.
"Good morning, love." Gaya ni Kyle sabay hinalikan ako sa pisngi.
Ngumiti ako, ang sarap gumising kapag silang dalawa ang una kong makikita sa umaga. Pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi ni Michael sa swimming pool, nakakahiya mang aminin pero nagkaron pa kami ng round 2 sa cr kung saan sabay kaming naligo. Tapos tinabihan na namin si Kyle sa kama, buti nalang at hindi nagising si Kyle kagabi kasi ang harot harot pa rin ni Michael nung nakahiga na kami, buti nalang at nakinig siya sa akin na matulog na siya.
"Mommy,bati na daw kayo ni Daddy." Bulong ni Kyle sa tenga ko.
"Yes baby!" Si Michael na ang sumagot kay Kyle.
"Yehey!" Sigaw ni Kyle saka tumayo at tumalon mula sa kama.
"Saan ka pupunta anak?" Nakakunot noong tanong ko.
"Sa kwarto nila Papu at Mamu! Sasabihin ko bati na kayo!" Sigaw niya saka nagmadaling tumakbo palabas ng kwarto.
Narinig ko naman ang tawa ni Michael.
"Tuwang tuwa ka kay Kyle ah?" Puna ko sa kanya.
Humarap siya sa akin at hinapit niya ako sa bewang at ipinatong niya ang binti niya sa binti ko ko. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa, kahit bagong gising siya ang gwapo niya pa rin at ang bango bango pa rin ng hininga niya. At yung gulo gulo niyang buhok na galing sa pagtulog ang sexy lang tignan.
"Magaling ka kasing mag alaga." Bulong niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko, napapikit ako dahil don. Isinubsob niya ako sa dibdib niya at parang naramdaman kong may kinukuha siya sa ilalim ng unan. Inilayo niya ulit ng konti ang ulo ko.
"Open your eyes, love." Bulong niya at nang imulat ko ang mata ko tumambad sa akin ang hawak niyang dalawang singsing, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero biglang tumulo yung luha ko. Pinunasan niya yon pero ayaw tumigil ng luha ko eh, sa sobrang saya na nararamdaman ko.
"This one, is our engagement ring." Bulong niya at kinuha niya ang kaliwang kamay ko, isinuot niya sa palasingsingan yung ring na may diamond. Pagkatapos pinakita naman niya sa akin yung isang singsing na may malaking diamond.
"Ito naman ang isusuot ko sayo sa araw ng kasal natin, love." Bulong niya, isinara na niya yung box at ipinatong niya yon sa side table, hinawakan niya yung kaliwang kamay ko at inilagay niya yon sa labi niya at pasimpleng hinalikan yon.
"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. I love you so much. Nakakatawa pero parang may butterflies sa stomach ko, love." Natatawang sabi niya. Para akong baliw na nakangiti habang umiiyak. Kahit ako pakiramdam ko ang daming butterflies sa tiyan ko.
"Shh..stop crying, love.." Pero napansin kong tumulo na rin ang luha sa mata niya.
"Ikaw rin eh. Umiiyak ka rin." Bulong ko sa pagitan ng iyak ko. Ngumiti siya.
"I'm just happy. Hindi mo lang alam kung gaano ko katagal hinintay ang pagkakataon na 'to." Sabi niya at napapikit ako nang maramdaman ko ang paglapat ng mainit niyang labi sa labi ko, mabilis kong tinugon yon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayong hinahalikan niya ako, sobrang ingat at punong puno ng pagmamahal. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa bewang ko, sobrang init ng palad niya at ramdam kong safe ako sa mga kamay niya.
"Labas na tayo, tapos may pupuntahan tayo after nating magbreakfast." Nakangiting sabi niya.
"Saan?"
Pero nginitian niya lang ako, magkahawak kamay kaming lumabas at laking gulat ko ng may hawak na cake si Kyle at may kandila. Tinignan ko sila Mom, nakangiti sila sa amin. Si Akira at Nathan naman magkayakap na naman kala mo naka-super-glue na ayaw maghiwalay.
"Mommy! Para sa pagbabati niyo ni Daddy!!" Masiglang sabi niya sabay hinipan yung candle.
"Wala ng mag aaway ha?" Nakangiting sabi ni Tita Maria.
"Oh, paano next week na ang kasalan diba?!" Biglang sigaw ni Nathan.
Nanlaki ang mata ko. Next week?
"BWISIT KA TALAGA!! HINDI KA MARUNONG MAGTAGO NG SIKRETO!!" Sigaw ni Aira sabay itinulak si Nathan. Para namang nagulat si Nathan, tinignan ko si Michael at parang naasar siya kay Nathan.
"Hehe..Sorry." Sabi ni Nathan saka nag peace sign!
"Kumain na tayo!" Natatawang sabi ni Michelle.
Hinila ako ni Michael at magkatabi kaming umupo, si Kyle naman katabi ni Tito Akie may pinapakita kasi si Kyle kay Tito na parang hindi niya maalis sa isang level yung nilalaro niya. Tinignan ko si Michael pero tahimik lang siya, next week? Dapat ba isu-surprise niya ako na next week na yung kasal?
Napapangiti ako kaya lang kasi si Michael nakasimangot na eh. Isang plato at isang kutsara lang ang ginamit namin ni Michael, naalala ko tuloy yung araw na nag-decide kami na i-explore ang feelings namin, ayan kaka-explore namin ang daming nangyari, kinuhit ko si Michael sa braso, humarap siya sa akin, nginitian ko siya at hinalikan ko siya sa labi. Halatang nagulat siya dahil nanlaki yung mata niya. Napaubo naman sila Shane sa inasta ko.
"Kadiri kayong dalawa." Pagsusungit ni Shane sabay uminom ng tubig, pero tumawa lang ako.
--
"Love? Ready na yung kotse, matagal ka pa?" Tawag niya sa akin.
"Yes, nandiyan na!" Sigaw ko saka kinuha yung bag ko, sabi niya kasi may pupuntahan daw kami.
Paglabas ko ng kwarto nakita kong kausap siya ni Tito Akie sa sala, aalis na sana ako pero nangangati yung tenga ko na makinig. Kaya pasimple akong nakinig doon.
"Thanks Pa." Narinig kong sabi ni Michael.
"Nagpapasalamat na rin ako dahil nakinig ka saamin, nakita mo naman diba? Maayos na kayo ngayon. Sana lang, h'wag mong sasaktan ang asawa mo. Kahit anak kita magagalit ako sayo." –Ma-awtoridad na sabi ni Tito Akie.
"Hindi Pa, diba nga sabi mo nung bata pa ako, kung sino yung una kong magustuhan dapat siya lang hanggang huli at si Sabrina yon."
Narinig kong tumawa ng mahina si Tito Akie.
"Mabuti kung gano'n." Sagot ni Tito Akie.
May pinag uusapan pa sila pero lumabas na ako ng villa, napapangiti ako dahil sa sinabi ni Michael sa Papa niya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magiging asawa ko na siya.
Maya maya lang lumabas na siya ng villa, pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse, sumakay ako don. Umikot siya sa harapan at sumakay na rin sa driver seat. Hindi sumama si Kyle, kasi gusto daw niyang may solong time daw kami ng Daddy niya. Sus, siguro kinausap na naman siya ni Michael.
Pinaandar na niya yung kotse.
"Hoy," Tawag ko sakanya ng maalala ko yung kasal na sinasabi ni Nathan.
"Uhhm?"
"Ano yung kasal next week?" Tanong ko sa kanya, bigla siyang naubo.
"You're going to pay for this Nathan." Bulong niya.
"Ano?"
"Aish, yang bestfriend mo napakadaldal, surprise dapat yon pero alam mo na kaya hindi na surprise." Naiinis na sabi niya.
"So?"
"Love! Hayy, next week na yung kasal natin." Sabi niya, nanlaki na naman yung mata ko! Kahit alam ko na hindi ko pa rin maiwasang magulat nung sa kanya nanggaling yon, pero teka diba kapo-propose niya palang kagabi? Saka kaninang umaga kabibigay niya palang nitong engagement ring na suot ko
"Ba-bakit ang bilis." Bulong ko.
Bigla niyang itinigil yung kotse niya sa gilid ng kalsada. Humarap siya sa akin, sobrang seryoso ng mukha niya na parang lumungkot.
"Ayaw mo?" Tanong niya. Ayaw ko? Ang alin? Magpakasal? Gustong gusto ko nga eh! Papakipot pa ba ako sa sira ulo na 'to? Samantalang inangkin na niya lahat, saka may anak na kami.
"Huh? H-hindi naman sa gano'n pero ang bilis lang kasi, kasi diba marami pa tayong aayusin? Yung mga ninang pa, yung venue, yu—"
"Okay na lahat, pinaayos ko na lahat kay Michelle bago ako umuwi." Nakangiting sabi niya. Napanganga ako, grabe siya ha? Grabe din yung kuntsabahan ng mga magulang namin at ng mga kapatid namin para mangyari lahat ng 'to.
Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at hinawakan niya ang baba ko.
"Close your mouth, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, hindi pa tayo makarating sa pupuntahan natin." Natatawang sabi niya, hinampas ko naman siya ng mahina.
"Napaka ano mo."
"Sus." Natatawang sabi niya at nagmaneho na ulit. Nakakainis!
Hindi na ako umimik, pero binuksan ko yung radio ng kotse niya para maalis yung inis ko.
"Alam mo bang palagi kong pinapakinggan yan nung nasa Paris ako? Dinownload ko pa yan. Naaalala kasi kita sa kantang yan." Nakangiting sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa kalsada,nilakasan niya yung radio.
Pinakinggan ko yung kanta at nagulat ako nang sabayan ni Michael yon. Hindi ko alam yung kanta pero napapangiti ako sa lyrics nito, parang kaming dalawa nga yung nasa kanta.
~~ Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat.
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naalala ko pa non nag aagawan ng nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento.~~
Bigla kong naalala yung nangyari nung six years old palang kami ni Michael.
"Sorry!" Sigaw niya sa akin nung nadapa ako Lumapit siya sa akin at hinawakan niya yung tuhod ko na may dugo, hinipan niya pa yon.
"Isusumbong kita sa Daddy ko!" Sigaw ko habang umiiyak! Hinabol niya kasi ako kanina para makaganti sa hindi ko naman sinasadyang pagkasira ng robot niya, pero nadapa ako.
"Sorry na, ikaw kasi eh, sinira mo pa yung robot ko!" Sigaw niya sa akin.
"Paano na ngayon yan! Magpepeklat yan! Hindi mo ba alam na gusto kong maging model? Pero anong ginawa mo may sugat na ako ngayon!" Napansin kong nanlaki ang mata niya.
"Hayaan mo simula ngayon, hindi ko hahayaang masugatan ka. Sorry na, para makabawi ako sayo, kapag may mga nang away sayo ipagtatanggol kita! Okay ba yun sayo?" Nakangiting tanong niya, tumango ako bilang sagot at pinunasan niya ang luha ko, kinuha niya yung panyo sa bulsa niya at pinasinga niya pa ako! Para namang nandidiri siya kahit na nakangiti siya sa akin.
~~Lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala..~~
Lalong lumapad ang ngiti ko, kahit siguro ako kapag napakinggan ko yan siya ang maaalala ko.
Naalala ko yung mga panahong ipinagtatanggol niya ako sa lahat ng nang aaway sa akin, hindi ako makapaniwalang sobrang bilis ng panahon. Dati rati bata lang kami na naglalaro sa labas, ngayon may anak na kami. Hindi ba sobrang mapaglaro talaga yung tadhana? Sinong mag aakala na ikakasal ako sa lalaking kaaway ko palagi nung bata pa ako, pero siya rin namang nagtatanggol sa akin sa mga bully sa school. Dun ko lang naisip na gusto yata nito ni Michael siya lang ang mang away sa akin noon para magpapansin sa akin, napapangiti ako ng isipin ko yon.
"Di ba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari, ikaw yung prinsesang sagip ko palagi. Ngunit ngayo'y marami ng nabago't nangyari, ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng dati." Ganadong ganado sa pagkanta si Michael at natatawa ako dahil feel na feel niya yung kanta.
Hindi ko na talaga mapigilan yung tawa ko, kasi naman eh ang manly ng boses niya tapos yung kanta niya ahh basta! Ngiting ngiti naman siya dahil sa pagtawa ko, lalo akong naiinlove sa ginagawa niya. Tumigil siya pagkanta at hinawakan ang kamay ko, pero nagdadrive pa rin siya gamit yung kaliwang kamay niya.
"Mahal na reyna! May nakakatawa ba?" Natatawang tanong niya.
"Ang korny mo Michael!"
"Mahal mo naman." Nakangiting sabi niya.
"Yeah, mahal kita." Bulong ko, siguro kung pwede lang mapunit yung labi niya kangingiti kanina pa napunit yon! Kitang kita ko sa mukha niya na sobrang saya niya ngayon at dahil do'n lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.
___
"Hey, love."
"Hmm?"
"Nandito na tayo." Napangiti ako nang halikan niya ang labi ko sandali para magising ako.
Iminulat ko ang mata ko at nakangiti siya sa akin. Nakatulog pala ako sa biyahe, ang haba naman kasi ng binayahe namin ni Michael. Bumaba siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto ng kotse, laking pagtataka ko dahil nandito na kami sa Manila, pero hindi lang yon ang pinagtaka ko. Parang pamilyar kasi sa akin yung lugar na 'to.
"Michael??" Tawag ko sa kanya.
Ngumiti siya at hinawakan niya yung kamay ko. Nanlaki ang mata ko nang maalala ko kung saan 'tong lugar na 'to. Ito yung dating may eskinita papunta sa garage area kung saan unang may nangyari sa aming dalawa, hindi na ngayon eskinita yung lugar. Parang maliit na subdivision na ngayon ang itsura nito, naglakad pa kami ni Michael at tumigil kami sa isang 2 storeys na bahay na puro salamin, kita dito sa labas yung loob ng bahay kung wala lang yung mga puting kurtina. Para na namang may nagkakarera sa puso ko!
"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo noon? Na espesyal satin 'tong lugar na 'to. Dahil dito, dito natin unang ginawa si Kyle." Hindi ko alam kung matutuwa ako o maaasar ako kasi may halo ng pang aasar yung boses niya eh, pero napapangiti ako.
"At sinabi ko rin sayo na patatayuan ko 'to ng maayos na bahay balang araw, heto na yon love." Bulong niya.
Hindi ko mapigilan yung luha ko! Nakakainis si Michael! Akala ko ba hindi na ako iiyak! Pero umiiyak na naman ako pero dahil naman sa saya!
Inalalayan niya ako papasok sa bahay, kumpleto lahat ng gamit at may mga picture kami na nakasabit sa wall, picture namin simula nung bata pa kami at yung mga kuha namin sa studio bilang model.
May isang table naman do'n na puno ng pictures ni Kyle simula baby palang siya, nung nasa ospital palang siya hanggang sa lumaki na siya. Napakagat ako sa labi ko, hindi ako makapaniwala na malaki na rin ang anak namin at alam kong darating ang araw na magiging independent na rin siya.
Hinila niya ako sa bewang ko.
"Dito natin sisimulan ulit lahat, palalakihin natin yung mga anak natin sa bahay na 'to." Bulong niya.
"Michael naman..." Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin! Sobra sobra na 'tong ginawa niya!
"Ah! Bago ko makalimutan!" Hinila niya ang kamay ko at umakyat kami sa taas, may apat na kwarto do'n. Pero pumasok kami sa kwarto sa may hagdan, halata naman na kwarto namin 'to kasi may picture kaming dalawa sa may headboard ng kama, kagaya sa baba kumpleto din yung gamit. Hinawi ni Michael yung kurtina ng bintana at bumungad sa akin yung pool sa ibaba.
"Michael—" Natigilan ako nang bigla siyang nawala sa likod ko.
Pumasok ako sa CR pero wala siya do'n, napangiti ako nang makita ko yung cabinet, dahan dahan kong binuksan yon pero wala din siya do'n.
"Michael?"
Napalingon ako sa may bintana ng may kumatok, lumapit ako do'n at binuksan ko yung bintana laking gulat ko nang bumungad siya sa harap ko!
"Love..." Tawag niya.
Tinignan ko siya ng buong pagtataka.
"Wala ka bang naaalala?" Usisa niya.
Napatakip ako ng bibig! Hinila ko siya papasok sa kwarto at sinilip ko mula sa bintana yung inakyatan niya! Yun yung hagdan na ginagamit niya kapag patago siyang pumupunta sa kwarto ko.
Humarap ako sa kanya.
"Inamin ko sa Daddy mo na tinatakasan ko siya ng dalaw sayo gamit yang hagdan na yan, gusto magalit ng Daddy mo pero wala na siyang magagawa may apo na siya!" Natatawang sabi niya.
"Sinabi ko naman sayo diba? Tulay nating dalawa yang hagdan na yan! At hindi ako magsasawa na umakyat sa hagdan na yan para makasama ka..." Sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko, kitang kita ko sa mata niya ang pagmamahal niya sa akin.
Niyakap ko siya.
"I love you so much Michael." Umiiyak na sabi ko, hinaplos niya yung buhok ko.
"Shh..mas mahal kita at hindi ako magsasawang mahalin ka ng paulit ulit. Kahit siguro sa susunod na buhay ko ikaw pa rin ang mamahalin ko wala nang iba."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top