Chapter 4
Chapter 4
Sabrina Briones
Pareho kaming napatigil ni Michael at rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Nanatili sa ibabaw ko si Michael habang pareho naming pinapakiramdaman kung may magbubukas ba ng pinto ng kwarto ko.
"Tulog si Ate." Napahinga ako ng malalim nang marinig ko ang boses ni Shane.
"Oh, bakit nandito ka? Diba may pasok ka? Nagmadali akong umuwi dahil tumawag sa akin si Manang, umiiyak daw ang Ate mo. May alam ka ba dito?" Muling bumalik ang kaba ko dahil narinig ko ang nag aalalang boses ni Mama.
"Yeah, don't worry about it ma, nakausap ko na si Ate. She's okay, nagpapahinga na siya." Seryosong sabi ni Shane na mas lalong nagpapanatag sa akin.
"Alright. I brought some food, kumain ka doon sa baba." Ani mama at ilang sandali pa ay narinig ko ang yapak nito palayo sa kwarto ko. Samantalang maya-maya lang ay may kumatok, hinila ko ang isang kumot at itinapi ko iyon sa akin. Marahan kong binuksan ang pintuan at sumikip lang ako doon.
Nanindig ang balahibo ko sa malamig na pagtitig na ibinibigay sa akin ni Shane ngayon.
"Ayusin mo ang sarili mo. Pauwiin mo na siya hangga't hindi pa lumalabas si mommy. Mag uusap tayo." Pagmamatigas niya at saka tumalikod na.
Nasabunutan ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Lumapit naman sa akin si Michael at hinaplos niya ang ilang strands ng buhok ko. "I'm sorry." Bulong niya.
"No, no. I mean, hindi lang naman ikaw ang may kasalanan. Pareho tayo, umuwi ka nalang muna, magtutuos pa kami ni Shane." Mahinahong sambit ko, tumango naman siya at sandali pang hinaplos ang likod ko.
Isinuot na niya ang polo shirt niya at lumapit ulit siya sa akin saka hinalikan ang noo ko.
"See you tomorrow, pag usapan natin 'to. Huwag kang mag alala, kaya kitang panindigan." Kita ko sa mga mata niya ang sensiridad, tumango naman ako. Bahagya niya pang pinisil ang kamay ko bago siya lumabas ng kwarto ko, nakita ko pang hinarang siya ni Shane sa may hagdan at para bang may sinabi pa siya kay Michael.
Huminga ako ng malalim at nagpasiyang maligo na bago pa ako tumungo sa garden kung saan ako hinihintay ni Shane.
"Kung hindi ko pa kayo sinundan nahuli na kayo ni Mommy." Sermon ni Shane at talaga namang dama ko ang matinding galit niya.
"What happened to you? Hindi ka naman ganyan dati." Inis na aniya, tumingin ako sa kapatid ko at napailing ako.
"I don't know, Shane." Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko dahil una sa lahat nawawala na ako sa sarili ko kapag kasama ko na si Michael. Para akong dinadala nito sa ibang dimension.
"Ate, mag isip ka naman. Ano sa tingin mo ang mangyayari kung nagkataon na nahuli kayo ni mommy? Malaking gulo yang pinapasok mo." Bulyaw niya, naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha at tinignan siya.
"Please, Shane. Huwag ka ng makisabay sa problema ko pwede ba? At saka kung sigaw sigawan moa ko parang mas matanda ka pa sa akin!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses ko at maging siya ay hindi makapaniwala, naningkit ang kanyang mata at halos hindi ko makayanan ang mga sumunod na salitang binitawan niya.
"Really, Ate? You should act your age then." Puno ng panunuya ang boses niya, "Hindi yung kung umasta ka para kang walang isip! Si Shara, gusto niyang maging katulad mo, pero anong ginagawa mo? Ate, nag cutting ako kanina dahil nabalitaan ko ang nangyari sayo sa university, nagmadali akong umuwi because I was so damn worried about you! Pero anong nadatnan ko? Dinig na dinig ko kung paano kayo magharutan ni Michael sa loob ng kwarto mo! Ano sa tingin mo ang iisipin kong ginagawa niyo? Tumbang preso? Hindi na ako bata, Ate at isa pa lalaki din ako katulad ni Michael!"
"Shane!!" Napapitlag ako nang umalingawngaw ang boses ni dad, matinding kaba din ang bumalot sa akin dahil sa isiping baka narinig niya ang mga sinabi ni Shane.
Maawtoridad siyang lumapit sa amin.
"Are you fighting?" Buong buo ang boses ni dad, naikuyom ko ang kamao ko dahil sa takot.
"Sabrina? Shane?" Muling basag ni dad sa katahimikang bumabalot sa amin.
"H..hindi po." Sagot ko, hinihintay kong magsalita si Shane pero nakatuon lang ang mga mata niya sa damo at kita ko ang matinding galit doon. Padabog siyang tumayo at pumasok sa loob ng bahay.
"Mario?" Sinalubong ni mom si dad. "Oh, kararating mo lang nakakunot na kaagad yang noo mo." Dagdag ni mom.
"Hindi ko alam kung tama ba ang pagpapalaki ko jan kay Shane, Samantha. Pagkababa ko palang ng kotse rinig na rinig ko na kaagad kung paano niya sigawan itong Ate niya." Problemadong sabi ni dad, gusto kong sabihing ako ang mali pero hindi ko kaya, binabalot ako ng kaba.
Bakit ganito?
Masaya ako kapag kasama ko si Michael, pero alam kong mali.
"Ano ka ba naman, parang hindi ka na nasanay diyan sa anak mong si Shane."
"Ayoko lang na binabastos niya ang Ate niya. Nasaan ang bunso ko?"
"Nasa loob si Shara, gumagawa ng project niya."
Papasok na sana sila dad pero nilingon niya ako na tulala pa din dito sa garden.
"Sabrina anak, pumasok na tayo sa loob." tumayo na ako at lumapit kay Dad, inakbayan niya ako papasok sa bahay at naramdaman ko ang paghalik ni dad sa ulo ko.
"Pagpasensyahan mo na ang kapatid mo."
Hindi ako makasagot, dahil umuurong ang dila ko.
Pagkatapos naming kumain umakyat na kaagad ako sa kwarto ko. Pero bago palang ako mahihiga nang biglang pumasok si mom.
"Sabrina anak, hindi pa kita nakakausap. May nangyari ba sa school?"
Tumabi siya sa akin sa kama at hinimas himas niya ang buhok ko. "Ah, wala naman po. Okay lang ako."
"Dati binubuhat pa kita para makatulog ka, ngayon ang laki laki mo na. Hindi ko akalain na lalaki ka ng ganyang kaganda. Model pa ang anak ko." Nakangiting aniya.
"Mommy."
"Siya nga pala kailan lalabas yung magazine niyo ni Michael?" Napili kasi kami ni Michael ng HK Magazine para maging cover.
"Next week daw po." Sagot ko.
"Ahh, kailangan makita ko yon. Sexy yata ang pose mo dun eh, nako magagalit ang Daddy mo niyan. Pero h'wag kang mag alala ako ang bahala sa daddy mo."
"Opo."
"Nga pala, napapansin ko kasi napapadalas ang pagsasama niyo ni Michael. Sabagay sanay na rin ako na palagi kayong magkasama, pero anak napapansin kong iba ang tinginan sayo ni Michael ha."
"Paanong iba ang tingin, mom?"
"Bata ka pa talaga." Bigla niya akong niyakap.
"Haay, magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas."
Pagkalabas ni mom ng kwarto ko ay nahiga na rin ako, binabagabag pa rin ako ng sarili ko dahil pakiramdam ko ay may malaki akong kasalanan sa kanila ni dad.
___
Kinabukasan nagkita kami ni Michael sa gym ng university namin, walang umiimik sa aming dalawa, bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon.
"I'm sorry. Alam ko nabigla kita sa nangyari kahapon." Aniya.
"Hindi ano..a—" Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko dahil alam ko naman na pareho naming ginusto ang ginawa namin.
"Pero, hanga ako sa kapatid mo. Gagawin niya lahat maprotektahan ka lang." Biglang sabi niya, si Shane siguro ang tinutukoy niya, tinignan ko siya.
"Sabi niya kung talagang mahalaga ka sa akin h'wag daw kitang sasaktan, sinaktan na ba kita? Nakita mo naman diba, simula ng mag aral tayo wala akong ibang kinausap na babae kundi ikaw lang." Totoo ang sinasabi niya, hindi siya lumalapit sa ibang babae, ako ng ako lang ang nilalapitan niya kaya naman maraming nagagalit sa akin na babae.
"I've never done anything like that before, Michael." Nahihiyang bulong ko patukoy sa ginawa namin kahapon, mas lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko.
"Alam ko." Seryosong aniya, lumingon siya sa akin at pinagtagpo niya ang mata naming dalawa.
"I think we should stop." Sabi ko sa kanya at alam kong hindi niya nagustuhan ang narinig.
"Sabrina, pakiramdam ko lalamunin na ako ng nararamdaman ko para sayo. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na maging ganito ka kalapit sa akin, I mean, yeah, malapit ka sa akin, pero iba ngayon, Sabrina."
"What are we going to do? Paano kung mahuli tayo? Paano kung—" Napahinto ako nang halikan niya ang pisngi ko. "Shhh, what we did yesterday was my first time too," he whispered softly, malamlam ang pagtitig niya sa akin na para bang nakikiusap ito.
"We promise to explore these feelings together, right?" Pangungumbinsi niya sa akin, lumanok ako at tumango. "Malapit na ako do'n, Sabrina. Naiintindihan ko na kung bakit hindi ko magawang manligaw ng ibang babae sa loob ng eighteen years. I really waited for you."
Huminga siya ng malalim at halos manginig ang buong katauhan ko sa sumunod na sinambit niya.
"Sabrina, I know this might sound strange to you, but while I worshipped you yesterday, I realized how much I love you. Sobra kitang mahal."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top