Chapter 39
Chapter 39
Sabrina Briones
"Mom? Dad?" Nakakunot noong tanong ko nang makita kong lahat sila nandito. Pati sila Tita Maria, si Shane, si Michelle, si Shara, si Aira at Nathan pati si Rian!
"Yes! Magsasaya tayo ngayon!" Sigaw ni Rian.
Inilibot ko ang paningin ko at halos manlaki ang mata ko nang makita ko kung nasaan kami.
"Anong ginagawa natin dito sa Pampanga?" Angeles, Pampanga! Private resort nila Tita Maria ito at nakapunta na kami dati dito nung nag 3rd birthday si Kyle.
"Magsasaya nga tayo, love." Bulong ni Michael sa tenga ko sabay ipinulupot niya ang kanang braso niya sa bewang ko. Pakiramdam ko nakuryente ako sa pagkakahawak niya sa akin.
"Yieee..." Pang aasar ni Michelle at Rian, pati si Shara na bunsong kapatid ko nakikiasar na rin.
"Pwede ba bitawan mo ako."
"Nahiya ka pa, asawa mo naman yan." Iritadong sabi ni Shane na talaga namang nagpapataka sa akin.
"Asawa?! Pwede ba Sha—" Pero hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang tawanan nilang lahat.
Umalis ako sa harapan nilang lahat, itinulak ko yung gate ng villa, tumambad kaagad sa amin ang dalawang swimming pool! Isang pambatang pool na para kay Kyle lang talaga at isa para sa aming matatanda!
Sumunod naman sa akin si Michael at inakbayan niya ako.
"Bakit ba ang sungit mo?" Natatawang tanong niya!
Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin at hinarap ko siya. Tinignan ko siya ng masama.
"Seriously? Tinatanong mo talaga sa akin yan? Wow! Umalis ka na parang wala lang! Tapos babalik ka ngayon na parang wala lang din? Ano sa tingin mo ang magiging reaction ko? Gusto mo magpaparty ako? Gusto mo magtatalon ako sa tuwa? Gusto mo—"
"Sabrina." Tawag saakin ni Dad, dahilan para matigilan ako, tinignan ko siya. Naguguluhan pa rin ako kung bakit parang baliwala lang sa kanila ang lahat ng nangyayari.
"What? Dad ano ba? Sinaktan ako nitong lalaking 'to! Nakita mo naman diba kung paano ko iyakan 'tong gago na 'to? Bakit mo ba siya kinakampihan?" Halos mabasag ang boses ko dahil sa pagpigil sa na umiyak. Wala akong pakialam kung kaharap ko ngayon ang mga magulang nitong Michael na 'to! Dahil shit! Pakiramdam ko tinutusok na naman ng milyong milyong karayom ang puso ko kapag nakikita ko siya!
Natahimik naman silang lahat, marahas kong kinamot ang ulo ko dahil sa inis! Tinignan ko naman si Michael, nakatitig lang siya sa mga mata ko!
"WHAT?!!"
"Michael, mag usap na kayo ng maayos." Biglang sabi ni Tito Akie.
Tinignan ko ulit sila.
"Ano 'to?! May hindi ba kayo sinasabi sa akin?"
Nakita kong magsasalita sana si Dad pero umiling lang si Michael sa kanya.
"NAKAKAINIS KAYONG LAHAT!!" Sigaw ko saka naglakad na! Sumunod naman silang lahat sa akin.
Pumasok ako sa loob ng bahay at padabog na umupo sa couch. Busy silang lahat pag aayos ng gamit nila, umupo sa tabi ko si Michael, magkakasunod na malalalim na paghinga ang pinakawalan niya.
"Alam ko, dapat nagpapaliwanag ako sayo ngayon." Bulong niya, tinignan ko siya ng masama pero baliwala lang sa kanya lahat ng tingin na ibinibigay ko sa kanya.
"Pero makikinig ka ba kung sakaling magpaliwanag ako? Tuwing makikita mo nga lang ako sinisigawan mo na ako." Mahinahon pa rin ang boses niya at ako pa ngayon ang may kasalanan?
"Umalis ako kasi—"
"Daddy!! SWIMMING NA TAYO!!" Biglang sigaw ni Kyle na ngayon ay naka swimming trunks na.
"Ah..sure anak!" Nakangiting sabi niya kay Kyle, pero bago siya tumayo bumulong muna siya sa tenga ko.
"Usap tayo mamaya. I love you." Halos kilabutan ako sa pagbulong niya sa tenga ko dahil naramdaman ko pati ang mainit niyang paghinga.
Tumabi naman sa akin si Mom.
"Makinig ka kasi." Nakangiting bulong ni mom.
"Mom—"
"Paano nga naman magpapaliwanag sayo yung tao kung nakasigaw ka ng nakasigaw."
"Nagmana kasi sayo yan Samantha!" Natatawang sigaw ni Dad mula sa may lamesa na ngayon ay inaayos ang mga dala dalang prutas.
"Oo na Mario! Nagmana na sa akin si Sabrina! Basta sayo nagmana si Shane!" Pang aasar ni Mom kay Dad, hanggang ngayon kasi issue pa rin sa kanilang dalawa kung kanino nagmana ng kasungitan si Shane.
"Mom may hindi ka ba sinasabi sa akin?" Nakakunot noong tanong ko, pakiramdam ko kasi may hindi ako nalalaman dito.
Ngumiti lang sa akin si Mom at tumayo.
"MOM!" Sigaw ko.
"Matutong maghintay anak, h'wag magmadali, malalaman mo rin." Nakangiting sabi ni Mom at lumapit kay Dad, para silang teenager na nagkukulitan.
Wala bang makakausap na matino dito sa villa na 'to?
Lumabas ako ng bahay at umupo ako sa isang kubo, napatingin ako sa malalim na pool kung saan buhat buhat ni Michael si Kyle. Ano ba talagang nangyari Michael? Bakit mo kami iniwan? At bakit ka pa bumalik na parang wala lang sayo lahat. Kitang kita ko ang excitement sa mga mata ni Kyle, parehong pareho silang ngumiti. Napatingin naman ako kay Michael na halata namang miss na miss si Kyle at masayang nakikipaglaro dito, sobrang lakas ng sigaw ni Kyle sa tuwing aahon sila mula sa pagkakalubog sa pool. Sa hindi ko malamang dahilan napatingin ako sa katawan ni Michael at napalunok ako ng sunod sunod! Sinampal sampal ko ang sarili ko!
Tanga, Sabrina!
"Ganda ng view ano?" Napabalikwas ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Nathan at Aira na magkahawak kamay.
"Sorry?" Tumawa naman silang dalawa. Umupo si Nathan at umupo naman si Aira sa isang hita ni Nathan at sinabayan niya yon ng pagpulupot ng braso niya sa bewang ni Aira. Parang mas gusto ko pang aso't pusa itong dalawa na 'to.
"Naiinggit ka ba sa amin? Makipagbati ka na kasi kay Michael." Pang aasar ni Nathan, I rolled my eyes.
"Excuse me? Makipagbati? Mukha mo! Ni ha ni ho wala akong narinig sa kanya nung umalis siya."
"So, inaamin mo nga na naiinggit ka sa amin ni Nathan, diba?" Panggagatong ni Aira saka humalik pa sa pisngi ni Nathan.
"Tumigil nga kayong dalawa." Nakakainis pinanlalandakan pa talaga nila yung ginagawa nila sa harapan ko.
"MOMMY!!" Napatingin ako nang sumigaw si Kyle nakangiti siya sa akin at kumakaway kaway siya habang karga siya ni Michael, pero kinabahan ako nang makita kong hinihingal siya! Mabilis akong tumakbo papunta sa pool!
"Michael!! Si Kyle!!" Sigaw ko! Parang nagtataka naman si Michael na lumapit sa akin at ibinigay sa akin si Kyle, umahon din siya at lumapit sa amin!
"Hold your breath! And out..." Mahinahong sabi ko! Sinunod naman ako ni Kyle.
"O-okay ka lang?!" Pag aalala ko! Pero nginitian lang ako ni Kyle.
"Anong nangyari?!" Bglang tanong ni Michael!
"Hindi pwedeng malamigan ng sobra si Kyle, hindi rin siya pwedeng mainitan umaatake ang asthma niya, lalo na kapag nae-excite siya!" Sigaw ko kay Michael, halata namang kinabahan din siya kaya naman binuhat niya si Kyle.
"Are you alright?" Tanong ni Michael kay Kyle, tumango tango si Kyle.
"Yes! Daddy! Play pa tayo!" Nahihirapang sabi ni Kyle pero nakangiti pa rin siya.
"Anak enough na, magkakasakit ka niyan." Pag aalala ko.
"But, mom ngayon ko lang makakalaro si Daddy sa pool." Malungkot na sabi ni Kyle.
Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Michael.
"Bukas nalang ulit anak? O kaya mamaya kapag okay na yang paghinga mo?" Nakangiting sabi sa kanya ni Michael.
"Promise?" Hinihingal na tanong niya.
"Yes baby." Sagot ni Michael, saka hinalikan sa pisngi si Kyle. Nagpabuhat naman sa akin si Kyle, pumasok na kami sa villa, sumunod naman sa amin si Michael.
"Oh anong nangyari?!" Pag aalala ni Tito Akie.
"Hinihika po si Kyle." Sabi ko saka dumiretso sa CR para paliguan si Kyle, nakasunod pa rin sa akin si Michael.
"Paabot nga nung sabon diyan!" Sigaw ko, dahil sa kaharutan niya sinusumpong na ng hika yung bata! Mabilis namang inabot sa akin ni Michael yon. Nakita ko sa gilid ng mata ko na pinapanood niya ako habang pinapaliguan si Kyle.
"Ano pang ginagawa mo diyan? Hindi ka pa maligo sa kabilang cr? Baka mamaya ikaw naman yung magkasakit diyan!" Sigaw ko, narinig kong tumawa siya. Dun ko lang narealize yung sinabi ko sa kanya! Nag aalala na rin ako para sa kanya?
"Eh kung paliguan mo na rin kaya ako para hindi ako magkasakit!?" Natatawang sabi niya.
Tumayo ako at humarap ako sa kanya.
"Pwede ba h'wag kang bastos?" Lalo siyang natawa!
"Anong nakakatawa?"
"Ikaw, sabi ko lang paliguan mo ako, wala akong sinabi na bastos do'n." Pang aasar niya.
"Maligo ka mag isa mo!" Mabilis kong tinapos ang pagpaligo kay Kyle at hinila yung towel saka pinunasan siya.
"Mommy paliguan mo din si Daddy!" Nakangiting sabi ni Kyle, nanlaki ang mata ko!
"HAHAHAHAHA! Ang genius talaga ng anak ko! Oo nga naman Mommy paliguan mo na din ako!" Sobrang laki ng boses ni Michael at naiinis ako sa tono ng pang aasar niya.
"Anak, big boy na si Daddy kaya na niyang maligo mag isa." Pinilit kong ngumiti sa harap ni Kyle.
"Sayang Daddy big boy ka na!" Nakatawang sabi ni Kyle.
"Yes baby. Pero pwede naman akong paliguan ni Mommy kung gugustuhin naman niya." Tumatawang sabi ni Michael. Hinampas ko siya ng malakas! Dahilan para mas lalo siyang tumawa.
"ANG BASTOS MO!!" Sigaw ko!
"Hindi ako bastos. Ang gusto ko lang paliguan mo din ako!" Sigaw niya! Narinig ko namang nagsisigawan sa labas sila Rian, naririnig siguro nila ang sigawan naming dalawa ni Michael dito sa CR.
"ANG CORNY MO! NAPUNTA KA LANG NG PARIS KUMORNY KA NA!!"
"LABAS!" Sigaw ko kay Michael!
"WALA PA NGANG PUMAPASOK LALABAS NA AGAD?!" Pang aasar niya! Mabilis kong tinakpan ang tenga ng anak ko!
"Shit Michael! Hindi ka ba nahihiya sa mga sinasabi mo?! Kaharap mo si Kyle!"
"Green Minded mo, love." Pang aasar niya pa rin!
Biglang may kumatok kaya naman binuksan ni Michael ang pinto! Si Dad at si Tito Akie, nakatawa silang dalawa.
"Amina si Kyle! Kung ano anong pinaparinig niyo sa apo ko!" Sabi ni Tito Akie na may pilyong ngiti mula sa labi niya.
"Oo nga naman!! Sige na Pa! Kunin mo muna si Kyle!" Mabilis na binuhat ni Michael si Kyle at ibinigay niya 'to kay Tito Akie.
"Lalabas na ako!" Akmang lalabas ng CR pero biglang isinara ni Michael yung pinto at isinandal niya ako sa pintuan. Narinig ko na naman ang sigawan mula sa labas at tuwang tuwa pa sila sa nangyayari ngayon.
"Michael ano ba?!" Pero nakatitig lang siya sa mga mata ko. Hawak hawak niya ang kamay ko na nakasandal din sa likod ng pintuan, basa ang buhok niya at tumutulo tulo pa yon sa katawan niya.
"Miss me?" Pilyong tanong niya at unti unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko, sobrang bilis ng paghinga naming dalawa dahil sa kaba.
"Please Michael ayoko..." Bulong ko, dahil alam kong hahalikan niya ako at ayokong mangyari yo'n dahil baka tuluyan na naman akong dalhin ng emosyon ko.
"No, love..." Bulong niya at sobrang bigat ng paghinga niya.
I close my eyes when he pressed his lips to mine, it started out as a soft kiss that lingered. I was kissing him deeply and hugging him close, he put his hands on my lower back and pull me closer at halos mapaungol ako nang maramdaman kong may tumusok sa puson ko. Naka-beach shorts lang siya kaya naman ramdam na ramdam ko kung anong meron siya dun sa baba niya. At ramdam na ramdam ko rin ang mainit niyang balat kahit na nakadamit ako!
"Oh, God. I miss you so much, love." Bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa. I let out a soft moan when he entered his tongue in my mouth.
Sinasabi ng utak ko na mali 'to! Ayoko dapat nito! Pero ang traydor traydor ng katawan at puso ko! At ng maghiwalay ang labi naming dalawa dun ko lang narealize na may luha sa mata naming dalawa. Pareho kaming umiiyak ng tahimik.
"I'm sorry, patawarin mo ako." Umiiyak na bulong niya.
Sorry? Saan? Sa pag iwan niya sa akin? Pero hindi pa sapat yo'n, dahil hindi ko alam kung ano ba talagang dahilan ng pag alis niya.
Niyakap niya ako at napasubsob ako sa dibdib niya. Sobrang ingay ng puso niya, parang may nagkakarera sa loob no'n. Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
"Baka hinahanap na ako ni Kyle." Nahihirapang sabi ko dahil parang may nakabara sa lalamunan ko! Hinawakan niya ang kamay ko.
"Mag usap tayo." Pakiusap niya.
Pero hinila ko ang kamay ko at lumabas ng CR, napansin kong nakatingin silang lahat sa akin pero hindi ko nalang pinagbigyang pansin yon, tinawag ako ni Kyle at tumakbo siya palapit sa akin, binuhat ko siya at pumasok kami sa kwarto.
Humiga ako sa kama, naglalaro naman ng iPad si Kyle sa tabi ko.
"Why are you crying Mom?" Tanong niya ng hindi inaalis ang tingin sa nilalaro niya, minsan gusto kong tumawa kay Kyle, para kasing nasosobrahan na siya sa katalinuhan niya, ang dami niyang napapansin na hindi naman dapat niya mapansin.
"Nothing baby." Sagot ko saka hinalikan siya sa pisngi.
"Is it because of Dad?" Tanong niya ulit, pinatay niya ang iPad niya at yumakap siya sa akin, napangiti ako dahil do'n.
Biglang may kumatok.
"Pasok!" Sigaw ko at napaupo ako nang makita kong si Tita Maria yo'n. Nakangiti siya sa akin.
"Kyle apo, tawag ka ni Papu!" Masayang sabi ni Tita Maria, mabilis namang bumaba ng kama si Kyle at tumakbo sa labas, ang Papu na sinasabi ni Tita Maria ay dad at si Tito Akie.
Sinara ni Tita Maria ang pinto ng kwarto at umupo siya sa kama.
"Alam ko hindi pa rin naaalis ang galit jan sa puso mo hija." Mahinahon na sabi ni Tita Maria.
"Hindi naman po kasi ganung kadali yon Tita." Bulong ko, ngumiti si Tita.
"Alam ko, ganyan din ako noon sa Tito Akie mo, pero alam mo ba ang sinabi sa akin ng Mommy mo dati? Nung panahong nasasaktan ako? Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na patawarin ang taong mahal mo, dahil bigla mo nalang mararamdaman na pinatawad mo na siya. At totoo nga ang sinabi ng Mommy mo, pero sa lagay niyo ni Michael ang kailangan niyong dalawa ay makinig sa isa't isa. Matuto kayong makinig sa sasabihin ng bawat isa." Sabi ni Tita, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Ano ba 'to akala ko tapos na ako pag iyak iyak na 'to, pero umiiyak na naman ako.
Naramdaman kong pinunasan ni Tita ang luha ko, ngumiti ako.
"Siya nga pala hija, naaalala mo ba yung tinanong mo sa akin dati? Kung bakit hindi kita isinumbong sa Mommy mo?" Nakangiting tanong ni Tita, napakunot ang noo ko at bigla kong naalala kung ano yon, yun ay yung araw na nakita ni Tita Maria na may kiss mark ako sa leeg, nakaramdam ako ng hiya.
"A-ano..ba-bakit po Tita?" Nauutal na tanong ko. Bakit hanggang ngayon nahihiya pa rin ako kay Tita!
"Hindi kita isinumbong dahil naniwala akong hindi mo na uulitin yo'n dahil nakita ko. Nakita ng dalawang mata ko yung marka jan sa leeg mo, naniwala ako na maiisip mong mali, pero pasaway kayo ni Michael eh, inulit niyo pa rin nabuo niyo tuloy yung makulit kong apo." Natatawang sabi ni Tita.
"Tita!" Sigaw ko saka nagtakip ako ng mukha, kailangang ipaalala kung paano namin ginawa si Kyle?
"Hahaha! Pero hija, thank you. Dahil hindi mo pinabayaan si Kyle, alam mo bang para siyang little Michael? Ganyang kakulit si Michael noon." Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko at nakita kong masaya si Tita.
Lumapit ako kay Tita at niyakap ko siya.
"I'm sorry po Tita." Bulong ko.
"Shhh...ano ka ba hija, okay na ang lahat." Natatawang sabi ni Tita Maria at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
___
Tulog na si Kyle at sila Mom, pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa nangyari kanina, napakagat ako sa labi ko nang maalala ko ang luha sa mga mata niya. Nakalubog ako ngayon dito sa pool habang palihim na umiinom ng beer, naging ganito ako sa tuwing naguguluhan ako,kumakapit ako sa alak para makatulog ako.
Tumungga ulit ako ng alak pero biglang may humila non! Tumingala ako at nakita ko siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko, pero imbis na sagutin niya ang tanong ko hinubad niya at white sando niya at tumalon siya sa pool, nasa harapan ko na siya ngayon, hindi ko talaga maitatanggi ang kalakihan ng katawan niya at yung biceps niya masasabi kong inalagaan niyang mabuti. Sobrang gwapo niya rin kahit na yung liwanag lang ng buwan ang umaaninag sa mukha naming dalawa. Kung hindi lang siguro ako galit sa kanya baka kanina ko pa siya hinalikan, fine, fine...I still love him. I never stop loving this jerk!
"Kailan ka pa natutong uminom?" Inis na tanong niya, sobrang manly ng boses niya at napapalunok ako dahil don. Nakita ko sa mata niya na galit siya dahil sa nakita niyang umiinom ako ng alak.
"Wala ka na do'n." Sagot ko at akmang aalis sa harap niya pero hinapit niya ako sa bewang, napasinghap ako nang maramdaman ko ang mainit niyang palad, naka-two-piece lang ako kaya siguro ramdam na ramdam ko yung palad niya, natatalo ng init ng palad niya ang malamig na tubig dito sa pool.
"Damn you!!" Sigaw ko saka sinampal ko siya!
"Stop crying." Bulong niya, dun ko lang naramdaman na mainit ang mata ko.
"Michael bakit?" Bulong ko.
"Hi-hindi ko alam kung saan ako magsisimula, Sabrina, dahil kapag nakikita kita umuurong yung dila ko na sabihin sayo ang lahat. All I want to do is to kiss you..A-I want to feel you..to..touch you..again!"
"Baliw ka na." Bulyaw ko sa kanya at akmang aalis pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Marry me, Sabrina!" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"You're kidding." Bulong ko saka tinanggal ang pagkakahawak niya sa bewang ko, gusto niya akong pakasalan?
Ayoko, dahil baka iwanan na naman niya ako kagaya nung dati, pilit kong binilisan ang lakad ko sa pool para makalayo sa kanya, pero mabilis niyang hinila ang kamay ko.
"I'm not kidding, Sabrina."
"Okay fine! Hindi na kung hindi! Pero ayoko! Ayoko kasi alam kong iiwanan mo rin ako kagaya ng pag iwan mo sa akin noon!" Sigaw ko sa kanya. Napakunot ang noo niya, nagawa na niya akong iwan noon! Dalawang beses pa nga diba? At alam kong kayang kaya niyang ulitin ulit yon!!
"Hindi kita iiwan Sabrina, mahal kita." Parang may lumundag nanaman sa dibdib ko.
"Sinabi mo na din 'yan noon, hindi mo ako iiwanan pero ang ending iniwan mo pa rin ako. Dalawang beses pa nga!" Sigaw ko sa kanya, napakasinungaling niya.
"Dahil yun lang ang paraan para mapa-sa akin ka!" Napakunot ang noo ko, tinignan ko siya at kita ko sa mata niya ang sensiridad.
"Damn it. Yun lang ang choice ko para magawa ko ngayon lahat ng gusto ko para sa ating dalawa."
"A-anong ibig mong sabihin?" Naikuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng tubig.
"Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin na malayo sayo. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap sa akin tiisin na hindi ko marinig yang boses mo sa loob ng apat na taon. Pero kailangan kong gawin lahat ng yo'n para mapatunayan sa mga magulang mo at kay Shane na karapat dapat ako para sayo. Four years without you was absolutely hell Sabrina." Halos manikip ang dibdib ko nang marinig ko ang hikbi niya.
Tinitigan ko lang siya habang sinasabi niya lahat ng pinag usapan nila ni Dad bago siya pumunta sa Paris, all this time pareho lang kaming nahihirapan. Bakit ba inisip kong hindi niya ako mahal at pinabayaan niya lang ako? Pero ginawa niya lahat para makasama ulit ako ngayon, kami ni Kyle. Kaya pala ngayon hindi na pinapakialamanan nila Dad at Shane ang bawat kilos ni Michael dahil nagawa ni Michael ang gusto nilang mangyari, ang ayusin ang buhay niya para sa akin at para kay Kyle.
"Halos mabaliw ako kaiisip kung ano na bang nangyayari sayo. Dahil shit, kahit isang balita hindi ko pwedeng malaman kapag tungkol sayo. Lahat ng sinasabi nila sa akin puro si Kyle. Parusa Sabrina. Dahil sabi nila baka kapag may malaman akong balita tungkol sayo, baka umuwi ako! Natakot ako! Natakot ako dahil baka may iba ka ng mahal, pero nung nakita ulit kita! Nung nakita ko ulit yang mga mata mo! Nakahinga ako ng maluwag! Dahil napatunayan kong ako pa rin ang mahal mo kahit na galit na galit ka sa akin! Alam ko namang magagalit ka sa akin eh! Dahil hindi ako nagpaalam sayo, pero sinisigurado ko Sabrina! Wala ng iwanan 'to! And I promise to be a good husband if you let me." Tama ang sinabi niya, makikita mo talaga sa mga mata ko na mahal na mahal ko siya, na siya lang ang gusto ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin dahil parang may nagkakarera sa puso ko.
"Please, Sabrina. I'm begging you, marry me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top