Chapter 38

Chapter 38

Sabrina Briones

Gabi na at katabi ko na ngayon si Kyle, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya. Parang bumabalik na naman lahat ng sakit na iniwan niya simula nung umalis siya.

"Mommy..." Bulong ni Kyle, tinignan ko siya at nginitian.

"Uhm?"

"Bukas pupunta na si Daddy dito."

"Naniniwala ka sa Daddy mo baby?" Biro ko sa kanya, pero sa loob loob ko h'wag kang maniwala sa Daddy mo, hindi marunong tumupad ng pangako yon!

"Yes Mommy, kasi nung nakikita ko siya dati sa laptop ni Tito Shane, palagi niyang pina-promise na uuwi siya at magpe-play kami pag uwi niya. And he did it! Nandito na siya ngayon, tinupad niya yung promise niya." Masayang sabi ni Kyle, so pati pala si Shane may alam dito, hindi ko na alam kung paano niya nahuli ang loob ni Shane samantalang kwento sa akin ni mom noon na galit si Shane kay Michael.

Pakiramdam ko wala akong kakampi dito, lahat sila pinagkakaisahan ako. Ganun ba kahirap intindihin yon? Na iniwan niya kami tapos babalik siya kung kailan niya gusto at parang walang nangyari.

"Matulog ka na anak." Sabi ko kay Kyle.

"Yes Mommy! Good night! I love you!" Hinalikan niya ako sa pisngi at pumikit na siya, tinignan ko siya. Kitang kita sa mukha niya masaya siya dahil nandito na ang Daddy niya.

Hindi pa rin ako makatulog kaya naman bumaba muna ako. Naisip kong tawagan si Shane.

"Bakit gising ka pa?" Medyo husky yung boses niya for sure nasa galaan na naman 'to! Gabing gabi na!

"Pati ba naman ikaw Shane? Bakit hindi mo sinabi sa akin na nakakausap pala ni Kyle yung tatay niya?!" inis na tanong ko. Narinig kong humikab muna siya sa kabilang linya bago nagsalita.

"Yan ba ang dahilan kung bakit hindi ka makatulog?" Malamig na sabi niya. Nainis naman ako dahil sa sagot niya.

"Shane alam mong sinaktan ako nung tao na 'yon! Bakit parang mas kinakampihan mo siya?!" Sigaw ko sa kanya!

"Yeah, sinaktan ka nga niya. Aish, Jan ka—"

"No Shane!" Sigaw ko!

"Relax Ate, kayong dalawa ng asawa mo ang mag usap, okay?" Sabi niya at parang narinig kong may tumawa, parang may kasama siya! Pero asawa? Hindi ko magiging asawa yung bwisit na yon!

"Asawa? Pwede ba Shane hindi ko siya asawa!"

"Hey, love!" Pakiramdam ko nakuryente ako sa narinig kong boses! Nakuryente ako sa inis!

"Bakit ikaw na ang may hawak ng cellphone ni Shane?"

"Nagsusungit ka na naman, iisipin ko talaga niyan na mahal na mahal mo ako. Diba nga the more you hate the more you love!" Natatawang sabi niya, narinig kong nagtawanan sila ni Shane.

"A-ano?! Ang lakas talaga ng apog mo ano?! Saka te-teka nga bakit magkasama kayo ni Shane?"

Narinig kong parang uminom muna siya bago nagsalita.

"Uhm, yeah. Hanging out with my brother-in-law, I guess?" Humalakhak na naman silang dalawa.

"Mga bwisit." Bulyaw ko saka pinatay yung tawag!

Great! Just great! Magsama sama silang lahat!

"Ehem!" Napatingin ako sa may dining hall kung saan nakatayo si Rian na may hawak na dalawang tasa ng kape, lumapit siya sa akin at umupo sa kaharap kong couch.

"Coffee." Alok niya.

"Oh! Thank you!" Pasigaw na sabi ko na para bang gusto kong mag relax na sa mga nangyayaro, Sumimsim ako ng kape at medyo napaso pa ako dahil sa hanggang ngayon naiinis pa rin ako.

"So, what's the feeling? Seeing your future husba—"

"Pati ba naman ikaw Rian?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Come on! Hindi mo lang alam kung gaano ko na-eenjoy ang panoorin kayong dalawa! I really want to kiss you..right here...right now...in this position!" Ginaya niya pa talaga ang pagkakasabi nung lalaki na yon! At halos kilabutan ako nang maalala ko kung paano niya ipagdiinan sa akin yung mga salitang yon kanina.

"Pwede ba Rian? Teka nga. H'wag mong sabihing may alam ka sa nangyari kanina?"

"Uhm, yeah! Nakakainggit ka nga eh." Bulong niya. What the! Kinunsensya niya pa ako kanina na ito nalang ang bumubuhay sa pamilya nila tapos kasabwat lang pala siya nila Mr.Joe and sa akin pa talaga siya naiinggit? Samantalang ako na nga itong iniwan!

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha Rian?"

"Of course, hindi naman ako bingi dear para hindi marinig ang sarili ko! Naiinggit ako sayo dahil mahal ka talaga niya, haaay sana may makilala akong katulad niya, bakit ba kasi palpak yung mga naging boyfriends ko!" Natatawang sabi niya.

"Are you out of your mind Rian? He left me and Kyle, alam mo yan!"Kung naisip niyang palpak yung mga naging boyfriend niya, pwes palpak rin yung naging unang boyfriend ko.

"Binalikan ka na nga ayaw mo pa!" Natatawang sabi niya.

"Well sorry siya! Wala na siyang babalikan!"

"Oh, I don't believe you dear." Tumayo siya at tinignan ulit ako.

"Kung ako sayo, itutulog ko na yan! Ise-save ko ang lakas ko para bukas! Good Luck Sabrina!" –Pilyang sabi niya at pumasok na sa kwarto niya!

--

Napakunot ang noo ko nang maramdaman kong may tumutusok sa noo ko. Iminulat ko ang isang mata ko at halos mapaupo ako mula sa pagkakahiga ko sa couch. Hindi ko namalayang dito na pala ako nakatulog kagabi sa sobrang inis.

"Rise and shine Mrs.Cando!!"

"What the hell are you doing here?" Diyos ko! Umagang umaga nakakita ako ng magpapasira ng araw ko! Kailan pa napalitan ang magandang apelyido ko?

"Why are you sleeping here in the couch? Sasakit ang likod mo." Nakakunot noong tanong niya.

"Daddy!" Napatingin ako sa may hagdan at napanganga ako sa itsura ng anak ko! Taas na taas ang buhok niya at parang ngayon ko lang nakita ang suot niyang damit, stripe na black and white na long sleeve, black pants at naka-vans na slip on! Hindi lang yon! Nakasalamin pa siya na pang geek, nagmukhang binata ang anak ko.

"Ang gwapo ng anak ko ah! Sabi ko na nga ba bagay sayo yang damit na binili ko sa Paris." Nakangiting sabi niya.

Mabilis na tumakbo si Kyle palapit sa kanya at nag apir pa silang dalawa.

"Te-teka anak, bakit ganyan ang itsura mo?" Pagtataka ko.

Humarap sa akin si Kyle at nag-pose pa siya na parang gwapong gwapo sa sarili! May pagmamanahan talaga! Narinig kong tumawa siya.

"Bagay naman diba, love?" Napatingala ako sa kanya at hindi pa rin naaalis ang tingin niya kay Kyle.

"Bagay naman diba, love?" Masiglang ulit ng anak ko! Nanlaki ang mata ko, samantalang si Michael naman ay humalakhak ng malakas!

"Michael!" Suway ko nang marinig kong tumawa siya.

"Oh! Sa wakas tinawag mo na rin ako sa pangalan ko. Namiss ko ang pagtawag mo sa pangalan ko, love!" Parang ligayang ligaya siya sa pagtawag ko sa kanya.

Nagulat ako at dahil dun ko lang narealize na tinawag ko nga siya sa pangalan niya. Mariin kong ipinikit ang mata ko.

"Ba-bakit? Michael naman talaga ang pangalan mo diba?" Pagdadahilan ko.

"Pero halata kahapon na iniiwasan mong banggitin ang pangalan ko." Nakangiting sabi niya.

Padabog akong tumayo! Pero bigla akong natumba at mabilis na nasalo ni Michael. Nakayakap siya sa bewang ko at nakatitig sa mga mata ko! Kinilabutan ako! Nakakatakot, nakakatakot na baka kahit anong oras bumigay na naman ako sa mga titig niya sa akin kaya naman itinulak ko siya.

Mabilis akong tumakbo paakyat sana sa kwarto ko pero napatigil ako ng sumigaw siya!

"Love! Mamamasyal tayo!" Sigaw niya!

"Love! Mamamasyal tayo!" Narinig kong ulit ng anak ko! At narinig ko na naman ang malakas na tawa ni Michael! Tuwang tuwa siya sa pang gagaya sa kanya ni Kyle!

Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa! Nakasalubong ko pa si Rian at kinindatan niya ako! Eto ba ang sinasabi niyang good luck?

"Ligo na! Baka mainip si Love mo!! Este ang ANAK MO!" Pang aasar ni Rian!

Marahas akong napakamot sa ulo ko! At padabog na pumasok ng cr! May choice ba ako? Ayokong umiyak ang anak ko dahil sa akin. Nakakabwisit talaga! Bumalik na siya sa Paris kung saan siya nagtago sa loob ng apat na taon!

_

Pagkatapos kong maligo bumaba na ako at naabutan kong naglalaro silang dalawa ni Kyle ng iPad, napangiti ako nang makita ko ang ngiti sa mga labi ng anak ko. Masasabi kong masaya siya, narinig ko ang malakas na halakhak niya nang kilitiin siya ni Michael. Napahawak ako sa may dibdib ko at inalis ko ang ngiti sa labi ko. Bakit ako natutuwa? Something is wrong with me! Hindi dapat ako natutuwa sa nangyayari ngayon!

"Oh! Hi Love! Wow...ang sexy mo, love." Bulong ni Michael, sisigawan ko sana siya pero bigla na naman siyang ginaya ni Kyle kaya naman natigilan ako.

"KYLE! Hindi na nakakatuwa ang pang-gagaya mo sa Daddy mo ha." Suway ko/

Napakunot ang noo ko nang tawanan lang ako ni Kyle ng sobrang lakas!

"Anong nakakatawa anak?" Nakakunot noong tanong ko.

"Ikaw Mommy! Sabi mo kasi kahapon hindi ko siya Daddy, ngayon naman sinasabi mo ng Daddy ko siya! I'm happy Mom, you finally admit it!" Humalukipkip pa si Kyle habang nakaupo sa couch! Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ang talino mo talaga anak." Natatawang sabi ni Michael, sabay kinurot ang pisngi ni Kyle. Nakita ko namang kumindat si Kyle at tumalon mula sa couch!

"Let's go love!" Sigaw ni Kyle saka tumakbo palabas ng bahay.

Natatawang tumayo si Michael sa couch, tinignan niya ako at nginitian. Nagkibit balikat siya at pinasok niya sa bulsa niya ang dalawang kamay niya. Lumapit siya sa akin at halos magkalampagan ang loob ng dibdib ko nang hapitin niya ang bewang ko at ng paglapitin niya ang mukha naming dalawa.

Naduduling ako dahil sobrang lapit niya. Itutulak ko sana siya pero naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa bewang ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya at ang mabangong hininga niya. Hindi niya inaalis ang tingin sa mata ko at nginitian niya ako.

"You know what?" Simula niya.

"Hindi talaga ako nagkamali ng pagpili sayo. Napalaki mo ng maayos si Kyle at sa tingin ko kaya mo ring palakihing matalino at mabait ang mga susunod pa nating anak." Kinindatan niya ako at napalunok ako ng sunod sunod, nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa tiyan ko.

Gano'n pa rin ang pakiramdam ko sa tuwing hahawakan niya ang kahit anong parte ng katawan ko, pakiramdam ko kumpleto ako.

Pero bago pa ako madala sa pinag gagagawa niya! Itinulak ko na siya!

"Gumawa ka ng sarili mong anak!!" Sigaw ko sa kanya! Dahil sa kanya nag iiba iba ang mood ko! Halo halong emosyon palagi ang nararamdaman ko kapag nariyan siya! Naiinis ako! Nagagalit ako! Kinikilabutan ako! Natatakot ako! Nakakainis!

Tumawa lang siya!

"Mom? Dad?" Napatingin ako sa may pintuan at mukhang naiinip na si Kyle.

Ngumiti muna sa akin si Michael at mabilis na lumapit kay Kyle, saka binuhat niya 'to. Sumunod ako sa kanilang dalawa, binuksan niya ang pinto ng passenger seat at pinapasakay niya ako. Ferrari ang kotse niya at kulay blue 'yon, edi siya na ang mayaman na sikat na model sa Paris!

Napatingin ako sa plate number niya.

SAB 143

Parang may kung anong lumundag sa puso ko.

"Pinagawa pa yan ni Daddy." Ani Kyle nang mapansin nilang dalawa kung saan ako nakatingin, gaano katagal na ba silang nagkwentuhan ni Kyle at parang ang dami na niyang alam? Inirapan ko lang silang dalawa. Nagmana ng kakulitan sa kanya si Kyle.

"Hindi ako diyan sasakay." Pagmamatigas ko at pumunta sa backseat para buksan yung pinto, narinig ko namang humagikhik silang dalawa.

Pagkabukas ko ng pinto ng backseat tumambad sa akin ang isang boquet ng bulaklak. Tinignan ko silang dalawa ni Kyle ng masama.

"It's for you Mom!" Nakatawang sabi ni Kyle.

Inilapit ni Michael ang labi niya sa tenga ni Kyle at parang may binulong siya dito, napakunot ang noo ko pero ang anak ko ngiting ngiti.

"Hey..." Tawag ni Kyle sa akin, tinignan ko siyang mabuti, halatang ginagaya niya si Michael kung paano 'to umasta.

"I love you so much, love." Nakatawang patuloy ni Kyle na nagpanganga sa akin.

"YAYA!!" Sigaw ko at kinuha yung bulaklak sa backseat.

"Ano po yun Ma'am?!" Tanong niya ng makalapit siya sa akin! Padabog kong ibinigay sa kanya yung bulaklak.

"A-ano pong gagawin ko dito Ma'am?"

"Bahala ka na po kung anong gusto mong gawin diyan!" Sigaw ko.

"No, Yaya! Ilagay mo yan sa kama ni Mommy!"

"Kyle!!"

"Mommy!!"

Narinig ko na namang tumawa si Michael. Tinignan ko siya ng masama pero kinindatan niya lang ako. Bwisit talaga. Sumakay na ako sa kotse niya at sumunod naman sa akin si Kyle dahil bawal ang bata sa front seat.

Sumakay na rin si Michael at pinaandar niya ang kotse.

"Here we go." Nakangiting bulong ni Michael, kitang kita ko sa rear mirror na masayang masaya siya. Bakit ba nakukuha niyang ngumiti ng ganyan? Nakalimutan na ba niya ang mga ginawa niya sa akin?

__

"Mommy nandito na tayo!" Nagising ako sa sigaw ni Kyle! Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog dahil parang ang layo layo yata ng pintuhan naming.

Mabilis na bumaba yung dalawang kambal! Oo kambal silang dalawa dahil magkamukhang magkamukha sila! Nakakunot ang noo ko nang bumaba ako ng sasakyan at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung nasaan kami.

"SURPRISE!!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top