Chapter 37
Chapter 37
Sabrina Briones
This can't be happening!
Isa isa kong inilagay sa bag ko lahat ng gamit ko! Ngayon alam ko na kung bakit ayokong pumunta sa lintik na shoot na 'to dahil may hayop!
"Sabrina! Hindi ka pwedeng umalis!" Sigaw ni Rian at inilalabas ulit mula sa bag ko lahat ng gamit ko!
"Pwede ba Rian h'wag kang makialam dito!"
Hinawakan niya ang braso ko at hinarap niya ako sa kanya!
"Sabrina ito—"
"What?! Ito nalang ang bumubuhay sa pamilya mo?!" Halatang nagulat naman siya sa sinabi ko dahil binitawan niya ang braso ko.
"Look, I'm sorry! Pero ayokong makatrabaho yung tao na yon!" Pagbawi ko.
"Pero Sabrina—" Naputol ang sasabihin niya nang biglang pumasok si Mr.Joe sa dressing room ko, nakahalukipkip siya at tinitigan niya ako sa mata.
"Hindi mo naman siguro susuwayin yung contract mo sa akin Sabrina?? Importanteng modelo ang iniwan mo sa labas, hindi siya basta model na pwede mong tanggihan, come on diba nakatrabaho mo naman si Michael? And besides, ex-lover mo siya." May halo ng pang aasar na sinabi ni Mr.Joe. Hindi ko alam kung nanadya ba sila o ano.
Kung alam ko lang na magiging ganito hindi nalang sana ako bumalik sa pag momodel!
"Hihintayin ka namin sa labas, re-touch mo siya Rian." Nakangiting sabi ni Mr.Joe.
Mariin kong ipinikit ang mata ko at umupo.
"Aayusan na kita." Seryosong sabi ni Rian at niretouch ang make up ko, napatingin ako sa katabing upuan ko kung saan natutulog ang anak ko, hindi mo siya pwedeng makita Kyle ayokong pati ikaw mawala sa akin.
__
"Let's start! Ayoko na patagalin pa 'to!" Sigaw ko sa kanilang lahat, gusto ko ng umuwi! Kating kati na yung paa ko na umalis sa studio na 'to. Hindi ko siya tinitignan dahil ayokong magtama ang mata naming dalawa. Hindi ko na alam kung ilang beses ako huminga ng malalim dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang inis!
"Chill, love." Natigilan ako nang marinig ko ang bulong na yon. Tumingin ako sa kanya pero sa iba nakatuon ang mga mata niya, ang endearment na yon ang naging dahilan kung bakit ako naging tanga at naniwala sa mga pambobola niya.
"Alright, maupo na kayong dalawa sa loob ng sports car." Sabi ni Mr.Joe.
Mabilis akong naglakad at pumasok sa loob ng sports car, napansin ko namang nakatayo pa rin siya sa labas ng sasakyan. Tumingala ako para tignan siya, pero nagsisisi ako dahil ginawa ko yon! Hindi ko maikakaila na mas lalo siyang gumwapo at yung mga mata niya parang lalamunin ako sa sobrang lalim ng tingin niya sa akin, napansin ko ring mas lalong lumaki ang pangangatawan niya, tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Ano pang tinatayo tayo mo jan? Hindi mo ba narinig si Mr.Joe?" Sigaw ko sa kanya, narinig ko naman ang mahinang pag-ngisi niya bago siya sumakay ng sports car, nagsimula ng kumuha ang photographer namin at rinig na rinig ko ang bulungan nila Mr.Joe, tuwang tuwa sila! Akala ba nila ganun lang kadali ang makatrabaho ang lalaking 'to? Nakakasira ng araw!
"You're still beautiful, wala ka pa ring kupas." Bulong niya habang nakatingin sa photographer, mas lalong naging manly yung boses niya at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako kinakabahan sa tuwing maririnig ko ang boses niya! Pero hindi na niya ako madadaan ngayon sa mga mapapait na salita niyang yan!
Inismiran ko siya dahilan para tumawa siya.
"May nakakatawa ba?" Inis na tanong ko.
"Wala naman. I just...miss you." Parang may bumara sa lalamunan ko ng sabihin niya yon. NSiya 'tong umalis tapos sasabihin niya namimiss niya ako? Wow, ang galing niya talagang manloko.
Narinig ko nanamang ngumisi siya.
"Don't get me wrong, namiss lang kitang katrabaho." Natatawang sabi niya na para bang inaasar asar ako. Tumingin ako sa kanya ng masama.
"Alam mo? Ayaw kitang katrabaho." Sabi ko saka tumingin na ulit sa photographer.
Nagulat ako nang bigla niya akong hinila sa braso palapit sa kanya at inakbayan. Amoy na amoy ko ang pamilyar niyang pabango na minsan nang nagpabaliw sa akin ng sobra. Pilit kong inaalis yung kamay niya pero naramdaman kong hinigpitan niya ang paghawak sa balikat ko.
"Woaa!" Sigaw ni Mr.Joe na manghang mangha sa nakikita niya.
"Closer!" Natatawang sigaw ng photographer naming.
"Sure..." Bulong niya at hindi ko alam kung paano niya ako binuhat at pinaupo sa ibabaw ng hita niya! Mariin niyang pinagtama ang mata naming dalawa at nangungusap ang mga mata niya. Ngayon naramdaman kong bumalik lahat ng sakit, huminga ako ng malalim dahil ayokong umiyak. Napansin kong bumaba ang tingin niya sa labi ko!
"I really want to kiss you...right here, right now...in this position." Malalim na bulong niya.
Nanlaki ang mata ko nang marealize ko kung anong pwesto naming dalawa! Narinig kong ngumisi siya.
"Hindi mo talaga ako namimiss?" Natatawang bulong niya sa tenga ko! Ang kapal ng mukha niya!
Sasampalin ko sana siya pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko.
"Bastos!! Bitawan mo ako!!" Sigaw ko.
"No, hangga't hindi mo inaaming namimiss mo ako mananatiling ganito ang pwesto nating dalawa! Jeff gandahan mo yung kuha namin ha!" Sigaw niya sa photographer namin!
Narinig kong nagtawanan silang lahat! At dun ko lang narealize na lahat sila pinagkakaisahan ako!
"Bastos?" Nakangising sabi niya, naiinis ako sa pagmumukha niya!
Tinignan niya ako sa mata at nginitian niya ako. Naiinis ako sa pag-ngiti niya sa akin! Gusto ko siyang sampalin! Gusto kong sipain yung bwisit na alaga niya dahil duwag siya!
"Come closer!" Sigaw niya at iniyakap niya ako sa kanya! Nakapatong na ngayon ang ulo ko sa dibdib niya! Naramdaman kong parang hinalikan niya ang ulo ko! Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at mas lalo kong naaamoy ang pabango niya. Naramdaman ko rin ang mainit na paghinga niya sa may ulo ko.
"You don't know how much I missed you, love..." Bulong niya, naramdaman kong tumulo yung luha ko pero mabilis kong pinahid yon! Anong akala niya sa akin basta basta nalang niyang mapapaniwala sa mga sinasabi ng sinungaling niyang bibig? Ang sarap putulin ng dila niya para hindi ko na marinig ang bawat sasabihin niya!
Itinulak ko siya at nagkaroon ako ng chance para sampalin siya ng malakas!
"Aww...masakit yon." Nakangiting sabi niya, masakit? Pero nakukuha niyang ngumiti?
Sinampal ko ulit siya sa kaliwa naman!
"Ayokong makipaglaro sayo." Matigas na sabi ko at lumabas sa sports car! Hinila niya ang kamay ko pero mabilis ko ring nahila yon pabalik!
"RIAN!! Uuwi na tayo!"
Nakatingin silang lahat sa akin, pinagkaisahan nila akong lahat para sa lalaking yon? Pumasok ako sa dressing room at binuhat ko ang anak ko na tulog pa rin hanggang ngayon, kinuha naman ni Rian ang mga gamit ko! pagkabuhat ko kay Kyle ginawa niyang unan ang kaliwang balikat ko, lumabas ako ng dressing room at nakatayo na siya ngayon sa harapan ko, tinignan niya ulit ako sa mata pero nalipat ang tingin niya kay Kyle na ngayon ay tulog pa rin, hindi ko maintindihan ang sinasabi ng mga mata niya ngayong titig na titig siya kay Kyle, parang biglang napalitan ng lungkot at saya yung mukha niya nang makita niya si Kyle. Pero bago pa siya makapagsalita inunahan ko na siya!
"Umalis ka jan, nakaharang ka sa dadaanan ko." Malamig na sabi ko.
"My...my son." Nauutal na bulong niya.
"Wala kang anak dito!" Sigaw ko sa kanya at tinabig ko siya ng braso ko dahilan para makadaan ako, pero bigla akong napatigil nang marinig kong magsalita si Kyle!
"Daddy?" Bulong niya, biglang itinaas ng anak ko ang ulo niya, kinusot kusot niya muna ang mata niya at sumigaw.
"Daddy!!!!" Masayang sigaw niya! Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya.
"Mommy put me down!! Daddy is here!!"
"No, anak, hindi mo siya Daddy, uuwi na tayo okay?" Sabi ko, pero naramdaman kong tinutulak niya ako.
"Mommy, that's daddy!" Excited na sigaw niya.
Pero hindi ko pinansin ang sinabi niya at naglakad na ulit ako, narinig kong umiyak si Kyle, hinimas ko ang likod niya.
"Shhh..."
Napatigil na naman ako nang may humawak sa balikat ko at kahit hindi ko tignan kung sino yon, alam kong siya yon. Nakakatawang isipin na hanggang ngayon tanda ko pa rin ang pakiramdam kapag mahahawakan niya ang kahit anong parte ng katawan ko.
"Umiiyak siya." Seryosong sabi niya.
"DADDY!!" Umiiyak na sigaw ni Kyle at hindi ko na alam kung paano nawala sa pagkakabuhat ko si Kyle, ayokong lumingon, ayokong makita kung paano siya lambingin ni Kyle, dahil baka maging kahinaan ko pa iyon.
"Daddy, you're here! You're finally here!" Alam kong yakap na niya ngayon si Kyle.
"Yes anak, shh..stop crying. Hindi na aalis si Daddy, promise." Naikuyom ko ang kamao ko. H'wag na h'wag siyang magbibitaw ng pangako kung hindi naman niya kayang panindigan, lalo na ngayon dinadamay niya pa yung bata!
"Uuwi na kami." Bulong ko, pero parang wala siyang naririnig!
"Are you going to stay with us?" Excited na tanong ni Kyle.
"Hmm, no."
"But why!?"
"Ask your mom." Natatawang bulong niya, humarap ako sa kanilang dalawa! Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko! Buhat buhat niya si Kyle at pinupunasan niya ang luha nito sa pisngi, niyakap niya 'to at nakita kong mariin niyang ipinikit ang mata niya at tumulo ang luha niya habang yakap si Kyle.
Pekeng luha, iiwanan niya kami tapos babalik balik siya na parang walang nangyari? Babalik siya kung kailan unti unti ko na siyang kinakalimutan?
"Kyle, kailangan na nating umuwi." Sabi ko, lumingon sa akin si Kyle, pinunasan niya ang luha.
"Mommy, nandito si daddy, bakit tayo uuwi?"
"Hey, little man look at me." Masiglang sabi niya kay Kyle, tumingin naman sa kanya si Kyle.
"Go home with your Mom, and I promise to visit you tomorrow." Nakangiting sabi niya.
"Yey!" Sigaw ni Kyle at saka ibinaba niya ito.
"Let's go Mom! Bye DADDY I LOVE YOU!" Sigaw ni Kyle at humawak na siya sa kamay ko, naglakad na kami pero narinig kong bumulong pa siya, pero ayoko ng paniwalaan ang kahit anong sasabihin niya.
"I love you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top