Chapter 36
Chapter 36
Michael Cando
"Are you ready?" Tinignan ko si Akira at napangiti ako. "I'm nervous." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko.
I was scared, leaving her was hard. Pero alam kong makakabuti para sa aming dalawa.
"Don't be. I'm sure your son is waiting for you. Sinabi ko sa kanya na susunduin kita." Sambit ni Akira na nagpangiti sa akin.
Malaki ang pasasalamat ko sa kanilang dalawa ni Nathan, dahil bago ako tumulak ng Paris ay ibinilin kong huwag na huwag nilang iiwanan si Sabrina kahit ano man ang mangyari, alam kong silang dalawa lang ang maaari kong pagkatiwalaan bukod sa pamilya naming dalawa.
Sandali kong inilibot ang paningin sa airport ng Paris. It had been four long years. I always hoped and prayed that this day would come.
"Upo na dude!" Tinapik ni Akira ang katabi niyang upuan nang makasampa na kami sa eroplano. Ayoko na sanang magpasundo sa kanya, pero nagpumilit sila mama na ipasundo na ako kay Akira para wala na daw akong kawala sa pag uwi ko.
"Hindi na tayo mag-stop over. Diretso na 'to para hindi ka na kabahan!" Pang aasar niya.
Our family thought that moving to Paris would be the fresh start I needed, hindi na ako umalma pa dahil alam kong wala rin namang patutunguhan kung muli na naman akong susuway. I started studying in Paris habang ipinagpapatuloy ko ang modelling job na passion naming dalawa ni Sabrina.
Leaving wasn't easy. The past keeps hunting me from my dreams, hindi ako basta makatulog, nagdesisyon si mama na ipacheck up ako bago ako pumunta ng Paris and I was diagnosed with depression and PTSD. Sa Paris ko na rin itinuloy ang treatment ko hanggang sa malagpasan ko ang lahat, apat na taon ang ginugol ko upang ayusin ang sarili ko. Pinilit ko, kahit sobrang lungkot na lungkot na ako at sobra na ang pagkasabik ko na makasama ang mag ina ko, dahil gusto ko kapag bumalik ako sa kanila maayos na ako.
But there is always a time where smoking had been my escape, it offered me a temporary relief sa lahat ng gumugulo sa isipan ko. Pero ginawa lahat ng Doctor ko upang mag quit ako sa smoking, and now I am smoke-free.
~~Welcome aboard on this aircraft our destination today is to Philippines. I hope you—
Nawala ang focus ko sa pakikinig sa piloto ng eroplano nang kuhitin ako ni Akira at may iniabot siya sa aking picture. Para akong nabunutan ng tinik nang makilala ko kung sino 'yon.
Sabrina.
"Pinabibigay ni Kyle yan, bago ako umalis nanakbo siya sa kwarto niya at iniabot sa akin yan. Masyado siyang excited para sa pagkikita niyo." Nakangiting sabi ni Akira, napangiti ako dahil do'n. Sobrang gusto ko ng yakapin si Kyle, sa video call ko lang kasi siya nakakausap at kung minsan naman ay isang beses sa isang buwan lang. Pinakamatagal na ang tatlong beses sa isang buwan, pero naging kuntento na ako sa gano'ng set up dahil ang importante sa akin ay nakilala niya ako. Mabuti nalang at nandiyan si Nathan at Akira upang sendan ako ng maraming pictures at videos ni Kyle sa WhatsApp.
"Ang ganda noh?" Pang aasar ni Akira nang mapansin niyang hindi naalis ang tingin ko sa picture na iniabot niya.
Ngumiti ako. "Hindi naman siya nagbago."
Niyakap ko ang picture na 'yon saka sumandal na at ipinikit ang aking mata. Muli kong naalala ang pag uusap namin ng mga magulang namin.
Flashback
"Tama lang. Ikaw ang dapat umalis, hindi kami ni Ate Sabrina."
Hindi na ako umimik sa sinabi ni Shane, this is all my fault. Lahat ng naging desisyon ko sa buhay ay mali.
"Shane! Umayos ka nga! Ano ba sa tingin mo ang sinasabi mo?! Wala kang alam!" Sigaw ni Michelle nang hindi na makapagtimpi. Hinawakan ko siya sa braso upang suwayin.
Humarap si Shane sa aming lahat at bakas sa mga mata niya ang matinding galit dahil sa nangyari kay Sabrina. Hinding hindi ko siya masisisi.
"Wala akong alam? Gusto mo bang sabihin ko sayo kung anong kasalanan mo?"
"Kung nanahimik ka sana sa bahay niyo nung araw na napatay nitong si Michael si Lyndon, hindi sana nangyayari ngayon 'to. Naiintindihan mo na ngayon Michelle? Pareho kayong may kasalanan niyang Kuya mo." Malamig na sambit na sabi ni Shane na nagpahikbi kay Michelle.
"Shane anak tama na!" Suway ni Tita Samantha.
"Tama na? Sinasabi ko lang ang totoo ma, wala ng pupuntahan lahat ng 'to! Dahil nandiyan na! Premature yung anak ni Ate at hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising! Hindi ba dad, ikaw naman ang nagsabi sa akin? Alagaan ko si Ate, si mom at si Shara? Ngayon pakiramdam ko hindi ko nagawa yung simpleng bagay na gusto niyong mangyari! Dahil wala na eh, ayan na! Isa lang naman ang gusto kong mangyari ngayon, umalis ka! Dahil bullshit naman dude! Hindi ka ba naaawa sa Ate ko? Hindi ka ba naaawa dun sa anak niyo? Dahil kung naaawa ka lalayo ka! Dahil ikaw yung dahilan kung bakit nagkaganito ang buhay ni Ate!" Malakas na sigaw ni Shane kasabay ng pag iyak niya, lumapit si Tita Samantha sa kanya at niyakap siya.
Hindi ko matanggap na lahat ng tao sa paligid ko ay nasasaktan dahil sa akin. Hindi ito ang gusto kong mangyari, gusto ko lang ay maging ligtas sila sa ano mang kapahamakan, pero ako pa rin ang nagdala ng mga pasakit sa kanila.
"Shane, anak—" Pero tumalikod na si Shane at narinig ng lahat ang malakas na pagtalpak ng pintuan sa itaas.
Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong bahay.
"Pagpasensyahan niyo na si Shane, masyado lang siyang naging protective sa Ate niya dahil sa pagpapalaki sa kanya ni Mario." Paumanhin ni Tita Samantha.
"It's alright. Bata palang si Shane palagi na siyang nandiiyan para sa Ate niya, kung minsan nga parang siya pa yung nakakatanda." Sagot ni mama.
--
"I'm really sorry." Nanghihinang bulong ko, pakiramdam ko ay ubos na ang kahit anong lakas na mayroon ako.
Pumunta ako sa opisina ni Tito Mario upang humingi ng kapatawaran.
"Walang dapat sisihin sa nangyari hijo." Tinapik niya ang balikat ko at huminga ng malalim.
"If you really love my daughter, papayag kang ayusin yang buhay mo. If not, I'm sorry per—"
"Gagawin ko po lahat para makasama si Sabrina." Desperadong sambit ko.
"Kahit na lumayo ka?" Tanong niya sa akin, alam ko namang napag usapan na ang pag alis ko ng bansa, pero sa tuwing maiisip kong lalayo ako kay Sabrina ay naninikip ang dibdib ko.
Naglakad si Tito Mario papunta sa table ng office niya at may kinuha na envelope sa drawer nito, lumapit ulit siya sa akin at iniabot iyon.
"Inayos na namin yan kagabi ng Papa mo, since madami kaming kakilala napadali ang pag aayos ng mga papeles mo. I heard from your dad na alam mo na din ang secret interpol na itinayo niya." Simula niya, binuksan ko ang envelope at sumampal na sa akin ang katotohanan.
"It's a plane ticket to Paris, nandiyan na rin ang mga kailangan mo para sa pag aaral at pagtira mo do'n, your mom also requested the best doctor for your depression and PTSD."
Hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin dahil unang una alam kong mapapalayo ako sa mag ina ko sa matagal na panahon.
"H'wag mong isiping ginagawa namin 'to dahil ayokong pag samahin kayo ni Sabrina. Ginagawa namin 'to para maayos ang buhay niyong dalawa, mas makakabuti kung pansamantala muna kayong maghihiwalay." Patuloy ni Tito Mario na hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Matagal. Maybe four years or five years? Hanggang sa gumaling ang mental health mo. Pero I assure you kid, kapag nagawa mong ayusin ang buhay mo, saka palang ako makakapanteng ibigay sayo ang kamay ng anak ko. Kung pagbalik mo ayaw na sayo ng anak ko, just ask for my help, ako pa mismo ang maghahatid kay Sabrina sa altar para pakasalan mo siya."
Gusto kong magsalita pero hindi ko na talaga kaya pang sumagot. Pero, paano ang anak ko? Paano kung hindi niya ako makilala bilang tatay niya? Hindi biro ang apat o limang taon.
"At isa pa, bata pa kayo. Pwedeng may makilala kang iba sa Paris, at pwedeng may makilala ring iba si Sabrina pero I'm sure, mahal ka ng anak ko at hindi ka niya basta bastang bibitawan, dahil nakikita ko sa mga mata niya na ikaw lang ang gusto niya. Pero kagaya ng sinabi ko sa anak ko, hindi niyo dapat minamadali lahat ng bagay. Lahat ng yan may tamang panahon at lugar." Ma-awtoridad na sabi ni Tito Mario sa akin, aminado akong nahihiya ako kay Tito Mario dahil sa mga ginawa ko kay Sabrina, alam kong nagalit ito dahil sa maagang pagbubuntis ni Sabrina.
"Hindi ko siya makakausap?" Sa wakas ay may lumabas na rin na salita sa labi ko.
"Yes, tiisin mong h'wag siyang kausapin, and about your son, h'wag kang mag alala gagawa kami ng paraan para makita mo siya at makausap siya hanggang sa lumaki siya."
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid namin, ikinuyom ko ang kamao ko. Matagal na panahon man ang hihintayin ko pero alam kong magiging worth it ang lahat.
"Take it or leave it."
"Gagawin ko po." Seryosong sagot ko.
"Papatunayan kong karapat dapat ako para sa kanya."
Tumango si Tito Mario sa akin at tinignan niya ako sa mata, bago pa ako tuluyang lumabas ay hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob upang sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko para kay Sabrina.
"Mahal na mahal ko po ang anak niyo at gagawin ko po ang lahat para makasama siyang muli. Thank you, uncle, and I'm really sorry." Hindi ko inalis ang tingin sa mata ni Tito Mario, tumango siya at ngumiti sa akin.
"Mas mahal ko ang anak ko, kaya ipakita mo sa akin na kaya mong gawin lahat. Good luck Michael."
End of flashback
--
Sabrina Briones
"Male-late na tayo!" Paghihimutok ni Rian.
"Ayokong pumasok ngayon, babantayan ko ang anak ko." Walang emosyon na sabi ko kay Rian, hanggang ngayon naiinis pa rin ako kay Nathan dahil sa mga sinabi niya sa akin nung isang linggo.
Hinarap ko na rin sila mom, pero hindi nila ako kinausap ng maayos, lahat sila ang sagot, anak din niya yon at may karapatan siya.
Hindi ba nila naiintindihan? Iniwan ako nung lalaking yon? Bakit ba parang mas kinakampihan pa nila yon? Ako ang nasaktan dito! Kami ng anak ko!
"What? Naku, hindi pwede Sabrina, malalagot ako nito kay Mr.Joe! Saka isa pa naka-schedule ka na para dun sa bagong model ng company natin!" Pag aalala niya!
"Wala akong pakialam! Edi malalagot kung malalagot! Damn it!"
"Ang init ng ulo mo!" Sigaw niya sa akin.
Ayokong iwanan ang anak ko sa Yaya niya dahil baka mamaya puntahan na naman siya dito ni Nathan at makipag video call sa hayop na 'yon.
"Please, Sabrina! Importante 'tong shoot na 'to!"
"A-YO-KO!" Pagdidiin ko.
"Sabrina mawawalan ako ng trabaho! Isipin mo nga ito nalang ang tra—"
"Aish! Fine!" Palagi nalang niyang pinantatakot sa akin na ito nalang ang trabaho niya at bumubuhay sa kanila ng Mama at kapatid niya. Bakit kasi hindi pa siya mag asawa para matapos na ang lahat ng 'to.
"YES! Thank you, Sabrina!!" Walang mapaglagyan ang tuwa niya.
"In one condition." Dagdag.
"Ano yon?"
"Isasama ko ang anak ko sa shoot, alagaan mo siya." Ngumiti naman siya.
"Problema ba yon? May yaya naman si Kyle!" Sabi niya.
"Maiiwan ang Yaya ni Kyle dito, walang magbabantay dito sa bahay. Ikaw ang mag alaga habang nagshoo-shoot ako." Pag susungit ko.
"Sige na nga!" Masayang sabi niya.
Nandito na kami ngayon sa studio, naayusan na rin ako at pinupunasan nila ako ngayon ng pawis at inaayos ang kaunting gusot sa damit na imomodel ko. Yung bagong model daw nandun na sa dressing room niya at napansin kong kalahating oras na ay hindi pa rin iyon lumalabas.
"Ano ba? Hindi pa ba tapos mag ayos yang bagong model na yan?" Inis na tanong ko, kanina pa kasi hinihintay, yung anak ko nakatulog na sa upuan kahihintay sa akin.
"Sorry po Ma'am..."
"Mr.Joe!" Kinuha ko ang atensyon ni Mr.Joe, naninibago ako sa kanya dahil ayaw na ayaw niya ng late sa shoot, pero ngayon ay parang wala lang sa kanya.
"Sandali nalang Sabrina." Hindi naalis ang ngiti sa mukha ni Mr.Joe.
"Nakakainis yan ha! Baguhan palang paimportante na!"
Natahimik silang lahat nang bumukas ang pintuan sa isang dressing room at parang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang sinasabi nilang bagong model.
Pakiramdam ko kahit anong oras sasabog na yung dibdib ko sa sobrang kaba lalo na nang marinig ko ang boses niya.
"Sorry to keep you waiting, Miss.Sabrina Briones."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top