Chapter 35
Chapter 35
Sabrina Briones
"Ahhhhh!" Pagkababa ko palang ng kotse ay rinig na rinig ko na kaagad ang sigaw ni Kyle, mukhang masayang masaya siya ngayon sa kalaro niya sa loob ng bahay ah.
"So, pagkatapos ng shoot sa Studio natin with our new model, sa Palawan naman ang sunod, next shoot mo naman sa Boracay bali for summer naman yon." Dire-diretso sa pagsasabi ng schedule ko si Rian, itinaas ko ang kanang kamay ko at napatigil siya.
"Wala ka bang balak mag asawa Rian?" Nakangiting tanong ko, sa loob ng apat na taon nanatili lang siya sa tabi ko, may mga nanliligaw sa kanya pero hindi niya pinapansin, kasama ko na rin siya sa bahay.
"Sabrina, masaya ako sa ginagawa ko." Nakangiting sabi niya at kinuha ang lahat ng damit ko sa backseat na ginamit sa modelling.
"Gano'n?" Natatawang sabi ko.
Apat na taon na nga ang lumipas, nakagraduate na rin ako ng college, pero hindi ko iniwan ang pagmomodel sa tingin ko kasi 'yon ang gusto ko at sinuportahan naman ako nila Mom. At kahit labag sa loob nila Mom pagkagraduate na pagkagraduate ko bumili na ako ng sariling bahay namin ni Kyle gamit ang mga naipon ko sa pagmomodel, mabilis ang pera sa modelling lalo na kapag nagustuhan ka ng mga sponsors mo.
Apat na taon na rin si Kyle at masasabi kong masaya ako dahil nakikita ko ang unti unti niyang paglaki at mas lalo siyang nagiging kamukha nung lalaking ayoko ng banggitin pa ang pangalan. Mag aaral na next year si Kyle sa nursery.
Hindi naman masamang hintayin ko siya diba? Pero kahit anong gawin kong hintay ni anino niya hindi nagpakita sa aming dalawa ng anak ko, ayoko na ring umasa na babalik pa siya. Well salamat nalang sa give away niya, ang gwapo kaya ng anak ko.
"Papasok na ako!" Excited na sabi ko kay Rian.
"Go, alam ko namang miss na miss mo na ang anak mo! Isang gabi mo lang siya hindi nakasama." Nakangiting sabi ni Rian.
Humingi ako ng sorry kay Rian dahil sa mga nasabi ko sa kanya noon at sinabi kong tama nga siya dapat nag ingat ako. Pero hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sa akin dahil meron na akong Kyle.
Tumakbo ako papasok sa bahay!
"Sinong namiss niyo?!!!!" Sigaw ko pagpasok ko palang ng bahay!
"MOMMY!!!!" Tumakbo palapit sa akin si Kyle at mabilis akong pinapak ng napakaraming halik!
"Ang sweet, sweet naman ng anak ko! Ang bango bango!" Hinalikan ko rin ang anak ko! Sa pisngi, sa ulo, sa leeg at sa braso niya! Miss na miss ko ang anak ko! Isang gabi ko lang siya iniwan dito parang kulang na ang araw ko!
"Mommy! Si..si Papa Nathan! Hinahabol ako!" Medyo bulol pa siya magsalita at napansin kong hinihingal siya. Tumingala ako at tinignan ko ng masama si Nathan!
"Hoy Nathan! Nakita mo na ngang may hika si Kyle bakit mo siya hinahabol?!" Sigaw ko sa kanya!
"Haha! Relax sweetheart!" Natatawang sigaw niya
"Sweetheart? Sapakin kaya kita jan!" Sigaw ko sa kanya! Nahipo kong basa ang likod ng anak ko kaya naman hinubad ko ang suot niyang tee-shirt.
"Yaya! Pakikuha naman ng bagong tshirt si Kyle, basang basa na yung likod niya oh!" Suway ko sa Yaya ni Kyle at mabilis naman siyang umakyat para kumuha ng tee-shirt.
Binuhat ko si Kyle at umupo kami sa couch, sumunod naman si Nathan, hinalikan niya ako sa pisngi.
"So, kumusta ang Vigan!?" Masiglang tanong ni Nathan, sa Vigan kasi kami nagpictorial bali 2 days and 1 night.
"Ayon Vigan pa rin!" Pang aasar ko.
Narinig kong tumawa siya ng mahina.
"Hindi naman ba ako hinanap ni Kyle nung wala ako?" Tanong ko sa kanya.
Umiling iling siya.
"Masyado kaming masaya para maalala ka!" Pang aasar niya! Binato ko naman siya ng tee-shirt ni Kyle!
"Ang yabang mo! Baby hindi mo daw ako namiss?" Paglalambing ko sa anak ko.
"No Mommy! I miss you! I really miss you!" Sigaw niya saka hinalikan ako sa pisngi! Dinilaan ko naman si Nathan.
"Aalis tayo baby! Pupunta tayo sa mall, bibilin natin yung toy na tinuturo mo sa akin!" Nakangiting sabi ko.
"Really Mommy?!" Nakita ko ang excitement sa mata ng anak ko, nakakatuwang makitang masaya siya. Lahat ng pagod ko nawawala.
"Magpahinga ka naman, kararating mo lang aalis na naman? Kami nalang ni Kyle ang aalis." Pag aalala ni Nathan.
"Ayoko nga, namiss ko 'tong anak ko eh. Tayong tatlo nalang ang umalis sigurado naman akong sasama ka." Pang aasar ko kay Nathan.
Pagbaba nung Yaya ni Kyle mabilis kong binihisan ang anak ko at binuhat ko na siya palabas ng bahay, sumunod naman si Nathan, pinagbuksan niya kami ng pinto ng kotse sa back seat at siya naman ang magdadrive.
"Papa!!" Sigaw ni Kyle kay Nathan.
"Yes anak?" Sagot ni Nathan habang nagsea-seat belt.
"Are you going to marry her?" Tanong ng anak ko, nakita ko sa salamin na nakangiti si Nathan, at napangiti rin ako dahil do'n.
"Yes baby, malapit na." Seryosong sagot ni Nathan.
"Yey! I'm so excited!" Pilyong sagot ni Kyle.
Tumawa naman ako ng malakas!
"Buti hindi siya naiinip hintayin ka." Natatawang sabi ko kay Nathan.
Pinaandar na niya ang sasakyan.
"Hindi. Naiintindihan naman niya kung bakit hindi ko pa siya mayaya magpakasal, and besides bata pa naman kami." Nakangiting sabi ni Nathan.
"Gano'n? Bata, tss." Inis na sagot ko.
"Oh, bat parang naiinis ka sa akin?" Natatawang sabi niya.
"So tingin mo sa akin matanda na ako?" Pairap kong tanong sa kanya, tumawa naman siya ng malakas.
"No, mukha ka pa ring dalaga, hindi halatag anak mo si Kyle. Habang tumatagal mas lalo kang gumaganda. Buti nalang at hindi na kita mahal." Natatawang sabi niya at maging ako ay natawa.
Last year lang ay nagkaaminan si Aira at Nathan, kaya naman siya ang tinutukoy ni Kyle kung papakasalan na ba ni Nathan, Papa ang tawag ni Kyle sa kanya, samantalang Mama naman kay Aira. Ewan ko ba,iba na ang bata ngayon,kung ano ano na ang tinatanong.
Ang daming nag alaga sa aming dalawa ni Kyle, pamilya ko, pamilya niya. Si Nathan at Akira na hindi kami iniwan, si Rian na naging kasama ko na sa bahay simula nang bumalik ako sa pagmomodel. Si Nathan naman Ninong siya ni Kyle, nakakainis nga eh kasi halos lahat ng gamit ni Kyle siya ang bumili, damit, sapatos, laruan, at kung ano ano pa!
"Itigil mo na nga yang pag papaalala mo ng nararamdaman mo saakin noon! Kaya nagseselos si Aira eh." Biro ko sa kanya.
"Hindi na yon nagseselos, alam naman niyang siya lang ang mahal ko eh." Kampanteng sagot ni Nathan.
"Wow naman!" Manghang sagot ko.
"Inggit ka noh? Ikaw kasi eh hindi mo ako pinili noon edi sana ikaw ngayon ang nakakaramdam ng wagas kong pagmamahal!" Natatawang biro ni Nathan, binato ko naman siya ng nadampot kong papel dito sa kotse niya!
"Hahaha! Kadiri ka Nathan! Wagas talaga? Hoy kung pinili kita hindi mo marerealize na si Aira pala talaga yung gusto mo!"
"Haha! May point ka naman eh, pero hindi ka ba nanghihinayang?" Pang aasar niya, ganyan kami mag usap palagi kaming nag aasaran sa nakaraan. Pero isa lang ang hiniling ko sa kanila, ayokong maririnig ang pangalan niya.
"Nga pala nasan si Aira? Diba nung iniwan ko kayo nung isang araw kasama niyo siya sa bahay?" Tanong ko sa kanya.
"Ahh, may inaasikasong project sa abroad si Aira, alam mo naman yun simula ng maging Engineer busing busy na palagi. Magaling yata ang mahal ko!" Pagyayabang ni Nathan. Yeah, Engineer na si Aira, si Nathan naman tinutulungan niya ang Mama niya sa pagpapatakbo ng negosyo nila, okay na rin ang Mama niya, naka move on na rin sa pagkawala ni Lyndon.
Natatawa ako sa tuwing ipinagyayabang niya si Aira, sus kung titignan mo silang dalawa kapag magkasama under na under yan si Nathan, hindi siya uubra do'n. Baka nga si Nathan pa ang maging buttered husband! Natatawa ako sa naiisip ko!
Bigla akong kinuhit ni Kyle at may tinuturo siya sa labas! At nagulat ako sa isang billboard na itinuro niya sa akin!
Siya yon.
Paano siya nagkaroon ng billboard dito?
Isang sikat na brand ng damit ang minomodel niya at pangalan ng isang sikat na company sa Paris ang nakalagay sa ilalim ng billboard, at sa taas ng company name ay ang signature niya.
"Mommy! Si Daddy!" Napatingin ako kay Kyle, habang ngiting ngiti sa tinuturong billboard! Hanggang sa makalagpas kami nanghahaba ang leeg niya sa pagtingin sa billboard!
Tinignan ko ng masama si Nathan, mukhang naintindihan niya ako dahil umiling iling siya! Kahit kailan hindi ako nagpakita ng picture niya kay Kyle! Pero bakit nakilala siya ni Kyle?!
"Anak?! Sinong nagsabi sayong Daddy mo yon, stranger yon ah." Nakangiting sabi ko kay Kyle.
Umiling iling siya at ngumiti.
"No, Mommy! That man is my dad! He's handsome like me! And we have the same eyes!" –Masayang sabi ni Kyle!
Kinabahan ako dahil sa mga sinasabi ng anak ko, totoo ang mga sinabi niya. Pero hindi ko maintindihan kung paano niya nakilala ang lalaki na yo'n.
"Baby, hindi mo siya Da—"
"HE IS MY DADDY!!!!" Nabigla ako sa sigaw niya at narinig kong umiiyak na siya! Kinarga ko siya at niyakap.
"I'm sorry baby..."
"Da..Daddy! I want to see him again!"
Again?
Napatingin ako kay Nathan at napansin kong iniwas niya ang tingin niya sa akin!
"Nathan bumalik tayo sa bahay!" Matigas na sabi ko.
"Pero—"
"NATHAN!" Sigaw ko!
Mabilis naman siyang nag U-turn, may nangyari nung wala ako! At nararamdaman kong may alam si Nathan dito!
__
Pagkauwi namin nakatulog si Kyle na umiiyak sa kotse at halos atakihin na siya ng hika niya, mabuti nalang at may gamot palagi sa kotse ni Nathan si Kyle. Magkaharap kami ngayon ni Nathan dito sa lamesa, nakatungo lang siya at seryosong seryoso ang itsura niya.
"May balak ka bang sabihin sa akin yung nangyari kanina?" Inis na tanong ko sa kanya.
"I'm sorry." Bulong niya.
"Sorry? Muntik na namang isugod sa ospital yung anak ko dahil sa kaiiyak!!" Sigaw ko at dahil sa sobrang pagpipigil ko ng inis natabig ko yung baso sa kaliwa ko dahilan para masugatan ang kamay ko!
"Sabrina..." Pag aalala niya at akmang hahawakan ang kamay ko.
"Okay lang ako!" Sigaw ko sa kanya!
Umayos siya ng upo at tumigin siya sa mga mata ko.
"Video call."
Kumunot ang noo ko.
"Alam ko hindi dapat ako nakikialam Sabrina, pero karapatan namang makilala ni Mich—"
"Shut up." Matigas na sabi ko, ayokong marinig ang pangalan niya!
"MICHAEL!" Sigaw ni Nathan, natahimik ako, parang kung may anong bumara sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalan niya. Nahihirapan akong huminga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Come on Sab, sabihin mo man o hindi alam ng lahat ng nasa paligid mo that you're still in love with him! Hindi ka magaling magtago ng nararamdaman Sabrina, hinihintay mo pa rin siya diba?!"
"NO!"
"Yes Sabrina!! Hinihintay mo siya!" Natahimik ako, gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa!
Huminga ng malalim si Nathan.
"Wala na ring dahilan para itago ko sayo 'to. Simula nang mag isang taon si Kyle, kapag nag-a-out of town ka para sa pictorial mo, nakikipag chat kami ng parents' mo kay Michael. Yeah, nakilala na ni Michael ang anak niyo, bakit? Dahil karapatan niya! At mahal niya yung bata!"
Naikuyom ko ang kamao ko! All this time, niloloko nila akong lahat?
"At lahat ng gamit na ibinibigay ko sayo para kay Kyle, simula nang ipinanganak mo siya, lahat ng yo'n galing sa kanya. Galing kay Michael!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top