Chapter 34
Chapter 34
Sabrina Briones
"Magiging okay siya do'n, sigurado ako." Parang pamilyar ang boses na yon.
"Pero, ngayon lang siya malalayo sa atin." Boses ng isang babae yon at halata sa boses niya ang pag aalala.
Pilit kong iminulat ang mabigat kong mata, inilibot ko ang paningin ko at nasa isang puting kwarto na ako. Nakita ko ang dectrose sa ulunan ko naka-swero ang kamay ko, nasa ospital ako.
"Sabrina! Hija! Gising ka na!" Si Tita Maria at Tito Akie ang una kong nakita. Napatingin naman ako nang bumukas ang pintuan at mabilis na lumapit sa akin si Mom and Dad.
Pinilit kong umupo pero naramdaman kong mahapdi ang tiyan ko, napatigil ako nang maalala ko ang lahat ng nangyari.
"My..my baby? Anong nangyari sa anak ko?" Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko!
Agad hinawakan ni Mom ang kamay ko.
"Anak, calm down."
"No, no. My baby." Hinila ko ang swero na nakakabit sa kamay ko at tumalsik ang dugo do'n!
"Sabrina..." Pag aalala ni Dad. "Huminahon ka anak."
"No, dad! Paano ako hihinahon kung hindi ko alam kung anong nangyari sa anak ko?" Sigaw ko, lahat sila natigilan dahil sa pag sigaw ko! Lahat sila nakatingin lang sa akin, anong ibig sabihin ng tingin nilang yan? Namatay ba ang anak ko?
"Please, tell me. Anong nangyari sa anak ko?" Halos mabasag ang boses ko sa pagsigaw dahil sa pinipigilan pag iyak.
"Premature siya." Biglang sabi ni Mom at nakita kong umiiyak siya.
Tinignan ko silang lahat at lahat ng mata nila punong puno ng lungkot.
---
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakikita ko ngayon, ayokong maniwala na siya yung batang dala dala ko sa loob ng pitong buwan, dahil ramdam na ramdam ko noon kung gaano siya kalakas. Pilit akong tumayo sa wheelchair, muntik na akong matumba pero mabilis akong nasalo ng kapatid kong si Shane.
"Bitawan mo ako." Matigas na sabi ko, gusto kong mahawakan ang kamay ng anak ko.
Napatingin ako sa nakadikit na papel sa incubator.
Baby Kyle Cando
Kusang tumulo ang luha ko ng mahawakan ko ang maliit niyang kamay, nasasaktan ako kapag naririnig ko ang malakas at hirap na paghinga niya.
"Sabrina anak." Bulong ni Mom sa likod ko.
"No, hindi pwede, bakit nangyari sa kanya 'to?" Umiiyak na bulong ko.
Ayaw tumigil ng luha ko. Sana ako nalang yung nasa kalagayan niya! Ano bang ginawa ko para maging ganyan siya?Hindi ko mabilang kung ilang tubo ang nakakabit sa katawan niya para lang mabuhay siya. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman niya pero alam kong nahihirapan siya.
At dahil sa pag iyak ko, napaupo na pala ako sa sahig at niyakap ang dalawang tuhod ko! Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Dad.
"Shh...magiging okay din ang lahat."
"Dad, kasalanan ko 'to eh, hindi dapat siya yung nandiyan."
"No, anak, please stop crying, makakasama sayo yan." Bulong ni Dad at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.
"Nahihirapan siya, ako nalang dapat yung nahihirapan ng ganyan hindi siya."
Pilit kong tinutulak si Dad pero sobrang higpit ng yakap niya sa akin!
"Anak makinig ka sa akin. Magiging okay siya, maniwala ka. Gagawin natin lahat para maging okay siya. Pinapangako ko sayo, hindi lalabas si Kyle sa ospital na 'to hangga't hindi siya okay." Pag aalo sa akin ni Dad.
"Daddy..."
"Shhh..." Naramdaman kong binuhat ako ni Daddy, ramdam kong safe ako sa mga bisig ni Dad, naglakad siya palabas ng intensive care unit yumakap ako kay sa kanya at umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya. Sana bumalik nalang ako sa pagkabata, sana bumalik nalang yung panahon na wala akong ibang iniintindi kundi ang maglaro at makipaghabulan kay Daddy, sana ganun kasimple lahat, edi sana, sana walang nasasaktan ngayon. Sana hindi ako nasasaktan ngayon, sana hindi nasasaktan ngayon ang inosenteng batang dinala ko sa loob ng pitong buwan.
Iniupo ako ni Dad sa kama at hinawakan niya ang kamay ko.
"Don't blame yourself, anak." Bulong ni Dad.
"Kasalanan ko naman talaga diba Dad?"
"No, wala kang kasalanan, walang may kasalanan. I know, mahirap tanggapin yung nangyayari ngayon kay Kyle, pero anak, sa tingin mo ba magugustuhan ni Kyle kapag nakita niyang parang sumusuko ka? Look, Kyle is a fighter! Matapang siya, kagaya mo! Lumalaban si Kyle dahil alam niyang hihintayin mo ang pag galing niya. Kaya sana maging malakas ka pa rin para sa kanya." Nakangiting sabi ni Dad sa akin, ayaw tumigil ng luha ko kaya naman pinunasan ni Dad ang pisngi ko.
Narinig kong pumasok sila Mom dito sa loob ng kwarto ko sa ospital, isa isa ko silang tinignan, si Mom, si Shane, Shara, Tito Akie, Tita Maria at Michelle, nasa harapan ko silang lahat ngayon. Sumilip ako sa pintuan pero bakit parang wala siya? Wala si Michael.
"Wala siya, Ate." Bulong ni Michelle.
"O-okay lang ba siya?" Pag aalala ko.
Tumango si Tita Maria bilang sagot.
"Umalis na si Michael." Simula ni Dad.
Napatingin ako sa kanya.
"Umalis? Umuwi muna siya? Nakita niya ba si Kyle? Sigurado akong nalulungkot siya ngayon Dad, excited pa naman siyang makita si Kyle, tawagan natin siya. Gusto ko siyang makausap Dad." Hindi nawala ang tingin ko kay Dad, pero kinabahan ako nang hindi siya sumagot.
Tinignan ko silang lahat pero parang iniiwasan nila ang tingin ko.
"Dad? Let's call him, please?"
Pero walang sumagot sa akin.
"Mom? Dad?"
"Magpahinga ka na." Kalmadong sabi ni Dad!
"No, dad, I'm fine now. Please? Let me talk to him."
Para akong kumakausap sa hnagin.
"Wala po bang magsasalita sa inyo?"
"Anak, Michael is fine." Ani ni mom.
"Kung gano'n po bakit wala siya dito? Diba nga dapat nandito siya kasi, kasi yung anak namin nahihirapa.! Ako nahihirapan ako, kami! Dapat kami yung magkasama ngayon!" Hindi ko na alam pero lalong nag unahang tumulo yung luha ko. Wala akong pakialam kahit magmukhang desperada ako sa harapan nilang lahat! Ang kailangan ko siya! Pero bakit wala siya!? Ngayon pa ba siya susuko pagkatapos ng lahat? Ngayon pa ba kung kailan tingin ko magiging okay na lahat? Ang duwag naman niya! Ang duwag duwag niya para talikuran na naman kami ng anak namin sa pangalawang pagkakataon.
--
Lumipas ang dalawang buwan na pabalik balik ako sa ospital upang bisitahin ang anak ko.
"Sa tingin ko nagiging normal na ang paghinga niya, hindi na rin siya tumitigil sa paghinga kahit tulog siya. Maganda ang pinapakita niya sa mga test. Maybe three months or two months pwede ng tanggalin lahat ng nakakabit sa katawan niya." Masayang ibinalita ng Doctor.
Napangiti ako sa sinabi niya, wala na rin siya sa incubator. Nasa isang maliit na crib niya na siya, pero kung minsan naman daw tinatapatan nalang ng ilaw si Kyle kapag kailangang kailangan talaga since hindi siya naaarawan sa labas. Hinawakan ko ang kamay niya at sa unang pagkakataon nakita kong ngumiti ang anak ko, nine months na dapat siya ngayon sa tiyan ko, pero dahil sa mga nangyari naging ganito siya.
"Mom! Ngumiti siya!" Excited na sabi ko.
"Oo nga, ang cute cute naman ng apo ko." Sang ayon ni Mom.
Konting konti nalang anak, lalabas ka na dito sa ospital na 'to.
"Doc, hindi ba makakaapekto sa bata ang nangyari?" Tanong ni Mom.
"Hmm, actually, Kyle has an asthma, mas mabuti na yon kesa sa sakit sa puso, pero kailanga niya ng mga medication, may mga ibibigay kaming gamot in case na sumpungin siya ng asthma niya." Nalungkot ako sa sinabi ng Doctor, pero kahit anong mangyari hindi ko siya pababayaan. Kakayanin kong palakihin siya ng maayos kahit na tinalikuran niya kami.
Hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa kanya at wala akong pakialam kung ayaw na niya talagang balikan kung anong iniwan niya. Hindi ko sasabihing wala na akong nararamdaman para sa kanya, pero ayoko siyang makita. Pagkatapos ng ginawa niyang pag iwan sa amin?
Dumaan ang pasko at bagong taon na hindi ko siya nakausap, actually dito kami nagpasko sa ospital, kasama sila Mom at ang mga magulang niya, first Christmas and New Year kasi namin na kasama si Kyle, ayoko na sanang makita kahit sino pang konektado sa kanya, pero anong magagawa ko? Hindi ko pwedeng ipagdamot sa kanila si Kyle. At kahit na mejo kumikirot pa rin ang tahi sa ilalim ng puson ko dahil sa pagcesarean sa akin para kay Kyle, nag enroll pa rin ako para sa 2nd sem kahit na mejo nalate ako ng pag enroll, kaming dalawa ni Nathan late enrollees, pumapasok pa rin ako. Hindi natuloy ang pag alis namin ni Shane, well bakit pa kami tutuloy kung ang taong dahilan naman talaga ng dapat na pag alis ko ay wala na rin naman.
Sandali pa kaming tumigil sa ospital at mga ilang oras din nag desisyon na rin kaming umuwi. Hinalikan ko muna sa pisngi at kamay si Kyle bago kami umalis.
"Magpagaling ka anak ha? Konting konti nalang uuwi ka na." Nakangiting sabi ko.
Nakipag usap pa kami sa Doctor ni Kyle bago kami tuluyang umalis ng ospital.
--
Palagi kong dinadalaw si Kyle, minsan pagkagaling ko sa school sa kanya agad ako didiretso. At kahit mahirap, bumalik na rin ako sa pagmomodel para yung kinikita ko ipambibili ko ng mga gamit ni Kyle, hindi naman kasi habang buhay na aasa ako kela Mom, sila na nga ang sumagot ng gastos sa ospital, pati pala magulang niya, tumutulong sa gastos sa ospital, para sa kanila maliit lang yung pera na yon, pero para sa akin sobrang laki na non.
"Nakakainis ka na! Siguro nagkukunyare ka nalang na pilay ka pa! Imposible naman kasing dalawang buwan kang pilay!" Sisiga siga na sigaw ni Aira kay Nathan, nandito kami ngayon sa bahay, partner ko kasi si Nathan sa isang project namin at ginagawa namin yon ngayon.
"Ahh! Aira! Masakit talaga promise!" Pag iinarte ni Nathan, Si Aira kasi yung tumutulong kay Nathan, bumalik na rin sa pag aaral si Aira, first year college first sem siya sa school din namin, engineering ang course niya. Naikwento na rin sa akin ni Aira ang lahat tungkol sa mga pinagdaanan nil ani Michael noong magkasama sila, naawa ako sa kanila. Pero wala na akong pakialam kay Michael.
Biglang may hinila si Aira sa may drawer ko at binato yon kay Nathan, nanlaki ang mata ko pero si Aira panay ang halakhak.
"Please na kasi Aira, kuha mo na ako ng tubig!" Ani Nathan.
Pero tawa lang ng tawa si Aira! Hinila ni Nathan yung nasa ulo niya na binato ni Aira sa kanya kanina!
"WOW!" Manghang mangha si Nathan!
Mabilis kong hinila sa kanya yon!
"Sa akin yan! Bakla ka ba?!" Sigaw ko saka itinago sa ilalim ng unan ko yung bra ko! Grabe itong si Aira, ang daming pwedeng ibato kay Nathan yung bra ko pa talaga.
"Hahaha! Ayos yan ah, kunyari nalang hindi ko nakita." Pumikit pa si Nathan, binatukan ko siya!
"Tumigil ka na nga!"
Tumigil naman siya, pero si Aira naman ulit yung kinulit na.
"Sige na Aira..."
"Bahala ka nga sa buhay mo! Ang dami ko pang assignments!" Sigaw ni Aira saka itinuon ulit ang mga mata sa notebook niya.
"Ito naman! Sungit mo dude ah!" nakangiting sabi ni Nathan.
"Manahimik ka na please, Pre-Finals na namin next week!" Inis na sigaw ni Aira, napangiti ako. Kahit pa nag aaral siya kinakaya niya pa ring magtrabaho sa isang fast food restaurant para matustusan yung mga kailangan nila ng mga kapatid niya.
"Sus, kami rin naman ah! Pre-Finals na rin namin next week." Sabi ni Nathan, hinampas ko siya dahilan para mapatingin siya sa akin.
"H'wag mo ng guluhin si Aira." Bulong ko sa kanya, nginitian naman ako ni Nathan.
Nakaupo kami sa carpet habang nakatuon ang mga kamay ko sa mababang lamesa at nagsusulat. Nabigla ako nang ayusin ni Nathan ang buhok ko.
"Hindi ko kasi makita ng maayos yung magandang view." Nakangiting sabi niya, inirapan ko naman siya. Pero napangiti ako, dahil kahit na ganyan siya magsalita hindi niya pinipilit yung dating gusto niyang mangyari, ewan ko ba diyan kahit pa nung pilay pa siya noon palagi siyang nakasunod sa akin, grabe rin siya kung mag alala kay Kyle, palagi niya akong tinutulungan habang si Aira naman palagi din siyang tinutulungan sa paglalakad.
"Tigil tigilan mo nga ako Nathan." Sabi ko saka nagsulat na ulit.
"Ganda mo pa rin." Pang aasar niya..
"Isa Nathan!"
"Minsan nga naiisip ko ligawan nalang kaya ulit kita!" Patuloy niya.
"Bwisit ka Nathan." Bulong ko.
"Mahal kita Sabrina." Natatawang sabi niya.
"Lokohin mo lelang mo."
"Hindi ako manloloko."
"Bolero." Sabi ko.
"Hindi ako bolero. Sadyang nakakaakit lang yang ganda mo." Nakatawang sabi niya, binato ko siya ng ballpen dahilan para matawa siya ng malakas!
"Nakakainis ka na Nathan ha!" Sigaw ko sa kanya.
"Hahaha! Joke lang, kung pwede lang kitang ligawan matagal ko ng ginawa, sayang din yung ilang buwan na single ka ha!" Tumatawang sabi niya.
"Hindi na ako mag aasawa!!" Sigaw ko! Talaga! Itutuon ko nalang ang oras ko kay Kyle.
"Oh? Hindi ako naniniwala." Pilyong sabi niya.
"Di wag! Hindi naman kita pinipilit eh." Sabi ko, Ppero sa loob loob ko, hindi ako mag aasawa kung hindi lang din naman yung kauna unahang lalaking nang-angkin sa akin ang hindi ko mapapang-asawa, nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko nang bigla kong maisip na hindi na siya babalik.
"Huh, ewan ko lang kapag—" Bigla siyang natigilan sa sasabihin niya nang batuhin siya ni Aira ng notebook!
"NATHAN!" Sigaw ni Aira.
Napatingin ako sa kanilang dalawa at napansin kong umiling si Nathan, inirapan naman siya ni Aira.
"Kapag ano?!" Inis na tanong ko.
"Kapag, kapag hinalikan kita!! Ewan ko lang kung hindi ka masarapan sa halik ko!!" Tumatawang sabi niya!
"Ang bastos mo Nathan!" Sigaw ko sa kanya! Pero nginitian niya nalang ako, natahimik na ulit kami.
Napatigil ako pagsusulat nang makita kong wala ng cookies sa tasa.
"Ang takaw mo!" Sigaw ko kay Nathan, kinuha ko yung tasa saka bumaba para kumuha ng bagong cookies.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top