Chapter 22

Chapter 22

Sabrina Briones

Hanggang makauwi kami ni Shane sa bahay ay nanatili akong tahimik. Ang kaninang selos na nararamdaman ko sa babaeng kasama ni Michael ay mas napalitan ng pag aalala. Talagang hindi biro ang napasukan nilang gulo ni Michelle. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko nang makita ko kung gaano kadelikado ang ginagawa niya.

"Anak? Masama na naman ba ang pakiramdam mo? Iniinom mo ba yung mga vitamins na binigay sayo ng Oby?" Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni mom sa hapag kainan.

Pinilit kong ngumiti.

"Ah, I'm okay, mom. Medyo napagod lang po siguro ako." Pagsisinungaling ko kahit na ang totoo ay hindi ko mapakalma ang tibok ng puso ko.

"Namumutla ka, sigurado ka bang maayos ka?"

Hindi ako makasagot, huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko kahit anong oras babagsak na ang luha ko dahil sa takot.

"Ang mabuti pa magpahinga ka nalang muna." Sabi ni Mom habang hinihimas ang likod ko, tumango ako at nagpasiya na akong umakyat sa kwarto.

Umupo ako sa kama at pilit kong pinakalma ang sarili. Hinawakan ko ang tiyan ko.

"Anak? Naririnig mo naman ako diba? Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin? Nasa panganib ang buhay ng daddy mo." Napakamot ako sa ulo ko, pero nabuhayan ako ng loob nang maalala ko na madalas makausap ni Michelle si Michael!

Mabilis kong hinanap ang number ni Michelle at dalawang ring palang sinagot niya kaagad 'yon.

"Hello, Ate?"

"Michelle, nakita ko ang Kuya mo kanina."

"Saan?! Anong sabi niya sayo?" Excited na tanong niya, umiling ako na para bang nakikita niya ako.

"Michelle, natatakot ako para sa Kuya mo. Nakita ko kanina kung gaano karami at nakakatakot ang mga hinaharap niya." Kwento ko sa kanya.

"Ate, ang totoo niyan, may pinaplano si Kuya para makawala na siya do'n."

"Ano 'yon?"

"Hindi ko alam kung ano man 'yon, pero sinigurado niya sa akin na magiging maayos din ang lahat." Napakagat ako sa ibabang labi ko, kilala ko si Michael, sobrang matigas ang ulo niya at kung anong maisipan niyang gawin ay gagawin niya.

Huminga ako ng malalim, bigla kong naalala ang babaeng kasama niya kanina.

"By the way, Michelle..."

"Yes, Ate?"

"May nababanggit ba ang Kuya mo sayo na babae?"

"What do you mean?"

Tumikhim ako, "Bagong girlfriend?" Patanong na sabi ko.

"Malabong mangyari 'yan, Ate. Sa tuwing makakausap ko siya, palagi niya akong tinatanong kung kumusta ka. Pero ayaw niyang ipaalam sayo."

Napalunok ako at huminga ng malalim na para bang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib. Sapat na sa akin na marinig iyon mula kay Michelle. Malaki pa rin ang tiwala ko sa mga pangako ni Michael sa akin.

"May bagong number ka ba ng Kuya mo?" Hindi umimik si Michelle.

"Please, Michelle, pakiramdam ko mababaliw na ako. Gusto ko lang marinig ang boses niya. Gusto ko lang marinig kung okay siya." Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko.

"Haay, alright. Itetext ko sayo, Ate. Magagalit sa akin si Kuya, pero hindi ko naman kayang marinig na umiiyak ka."

"Thank you, Michelle!"

Ilang sandali pa ay naisend na ni Michelle ang number ni Michael, nagdadalawang isip pa akong tawagan siya pero sa huli napagdesisyunan kong tawagan siya. Matagal 'yon nag ring, marahil ay nakilala niya ang number ko. Namatay ang kabilang linya kaya muli akong tumawag, nawawalan na ako ng pag asa pero nabuhayan ako ng loob nang sagutin niya iyon!

Tahimik sa kabilang linya, kaya naman nagsalita ako.

"Michael..." Simula ko. "Alam ko naririnig mo ako. Hindi na kita kukulitin na magsumbong sa mga pulis. Alam kong nahihirapan ka, pero gusto ko lang sabihin na...hihintayin ka namin ng anak natin." Hindi ko na napigilan ang luha ko na mabilis kong pinunasan.

"Palagi kang mag iingat." Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko.

"Mahal na maha kita. At sobrang namimiss na kita." Patuloy ko.

"Nahihirapan na ako sa ganitong sitwasyon, pero pinapangako ko sayo, hindi ako bibitaw. Panghahawakan ko pa rin ang mga pangako mo." Umiyak na ako nang umiyak at kahit anong pigil ko ay hindi ko talaga mapigilan iyon. Naghahalo halo ang emosyon ko para kay Michael, ang takot, pangamba at pagkasabik ko sa kanya.

"Sabrina..." Parang may kung anong lumundag sa puso ko ng marinig ko ang boses niya.

"Kalimutan mo nalang ako." Pakiusap niya, nanikip ang puso ko sa sinabi niyang iyon.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Mahal na mahal kita. Pero hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako ng buhay sayo, dahil ang importante sa akin ngayon ay ang kaligtasan niyo ng anak natin. Kaligtasan niyo ng mga pamilya natin." Matatag na patuloy niya.

Umiling ako, "You think you're a hero?" Galit na sambit ko dahil hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi niya.

"Michael, pwede namang maayos 'to! Tutulungan kita! Maghahanap ako ng paraan para mailigtas ka 'diyan!"

"Sabrina, stay away from this. Alam ko ang ginagawa ko. Just please...please take care of yourself and our baby." Pakiusap niya.

"Sa tingin mo ba magagawa ko 'yon ng wala ka?! Michael naman..."

"Please, Sabrina." Para akong natameme sa lambing ng boses niya. "My love for you is greater than my life and I will do whatever it takes to protect you."

"No, no. Michael, hindi. Kailangan ka namin." Humahagulhol na pakiusap ko sa kanya pero tuluyan nang namatay ang kabilang linya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top