Chapter 21

Chapter 21

Michael Cando

Ngayong gabi na ang hinihintay ni Gary, kung saan kikitain namin ang isa sa pinakamalaking client niya na si Austine. Napansin kong itinali ni Akira ang baril sa hita niya at siniguradong hindi basta mahuhulog iyon. Kagaya ng napagkasunduan nagdamit babae siya.

"Ready ka na?" Biglang tanong niya nang masiguradong ayos na ang mga kailangan niya.

"Kanina pa, tara na." Iritableng sabi ko dahil kanina ko pa siya hinihintay, pero napakunot ang noo ko nang may mapansin ako.

"Babae ka ba talaga?" Usisa ko sa kanya saka hinila ko siya palapit sa akin habang nakatalikod, itinaas ko ang zipper ng dress niya doon sa likod dahil nakabukas pa ito. Madalas kong gawin kay Sabrina ito tuwing may pictorial kami lalo na kapag nagmamadali na sa set.

"Hi-hindi ako sanay magsuot ng ganito." Nauutal na aniya.

"Ayan, okay na. Madalas kong isara ang zipper ng dress ng girlfriend ko nung nagmomodelling pa kami." Wala sa sariling sabi ko, namimiss ko na naman si Sabrina.

"Hindi naman kasi ako model para magsuot ng ganito." Iritableng sabi niya.

"Dapat masanay ka na, babae ka rin Akira." Suway ko sa kanya, saglit akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ko ang sapatos na binili ko para sa kanya. Dahil alam kong magdadamit babae siya ngayong gabi ay binilhan ko siya ng heels nung mapadaan ako sa mall.

Lumabas ako at hinila ko siya na maupo doon sa kawayan na sofa, nabigla siya nang hilahin ko ang paa niya at marahan kong isinuot sa kanya ang sapatos na binili ko.

"Minsan ka lang mag ayos babae, lubos lubusin mo na." Sabi ko habang inaayos ko ang pagkakasuot sa kanya.

Tumingala ako nang matapos kong isuot sa kanya, napangiti ako dahil babaeng babae na talaga ang itsura niya.

"Maganda ka na. Maaakit mo na ang mga client." Pang aasar ko sa kanya, bigla siyang sininok at napahawak sa dibdib niya. Kaagad siyang tumayo at lumabas ng bahay.

"Hihintayin kita sa kotse!!" Dinig kong sigaw niya.

Sandali ko munang chineck ang baril sa likod ko bago ako tuluyang sumunod sa kanya, nakasakay na siya sa passenger seat.

"Si Spencer, tumatawag." Sabi ni Akira nang makasakay na ako, kaagad kong minaneho ang kotse at ni-loud speaker naman niya ang cellphone nang sagutin si Spencer.

"Oh, Spencer?"

"On the way na kayo? Nandito na kami sa tapat ng restaurant, itim na van ang sinasakyan namin. Kung sakaling may mangyari tawagan mo kaagad ako." Kalmadong sabi ni Spencer.

"H'wag kang mag alala! Kami pa ba?" Paninigurado ni Akira.

"Sus, siguraduhin mo lang Akira, malaking pera yan. Yung mga asukal baka naman nakalimutan niyo pa?" Lumingon si Akira sa backseat kung saan nasa bag na ang mga droga.

"Nandito, nakasalansan na sa bag." Sagot naman niya.

"Teka, chicks ka ba ngayon ha Akira?" Pang aasar ni Spencer.

"Ulol!" Sigaw ni Akira, narinig ko naman ang malakas na tawa ni Spencer!

"Chicks na chicks!" Panggagatong ko. "Uyyy, mukhang totoong chicks na chicks. Kay Michael na nanggaling eh! The man of few words!" Halakhak ni Spencer, sa inis ni Akira ay mabilis na niyang pinatay ang tawag.

"Ikaw ha, dumadaldal ka na." Inis na aniya.

Ngumisi ako, "Inaalis ko lang ang kaba mo."

Narinig ko ang mahinang tawa niya, pagkadating namin sa isang Chinese Restaurant napansin kaagad namin ang van nila Spencer sa harap nito. Mabilis kong kinuha ang dalawang bag sa backseat at pasimpleng binuhat ito na parang wala lang.

Inalalayan ko si Akira papasok ng restaurant, kasama sa usapan ng grupo na magpanggap kami ni Akira bilang mag boyfriend upang kung sakali mang matripan siya nila Austine ay hindi niya ito magagawang dalhin sa kung saan man. Marami na rin ang tao sa restaurant na abala sa kani-kanilang business.

Isang nakaitim na damin ang sumalubong sa amin kung saan dinala kami sa isang table na wala masyadong kumakain, doon na rin tumambad sa amin si Austine. Mahaba ang buhok nito, may bigote at mukhang nasa mid fifties', nakatungkod itp nang tumayo at hindi nga kami nagkamali dahil mukhang natipuhan niya kaagad si Akira dahil mabilis nitong inilahad ang kamay niya sa harap ni Akira, buong akala ko ay makikipag kamay ito sa kanya pero napaatras si Akira nang biglang halikan nito ang kanyang kamay.

"Hindi niyo naman sinabing may maganda kayong kasamahan." Maligayang sambit nito, tumikhim ako. "She's my girlfriend, Mr.Austine."

"Oh, I see, what a waste." Sarkastikong aniya. "I'm Austine, and you are?" Nakatuon pa rin ang kanyang atensyon kay Akira.

"Aira." Nakangiti ngunit matipid na sagot ni Akira.

"Nice meeting you, Aira. Please sit down." Anyaya nito sa amin, sumunod kami sa kanya sa round table at naupo.

"Fifty million." Simula ni Austine saka lumagok ng alak.

"Masyadong maliit. Seventy million." Sabi ko, naramdaman kong napatingin sa akin si Akira, marahil nagulat siya dahil ang usapan lamang namin nila Gary ay forty-five million dahil iyon ang kwneta nila sa gramo ng dala namin. Pero kung maisasara ko ang deal na 'to sa mas malaking halaga ay maisasakatuparan ko ang mga plano ko. Kailangan kong mas makuha pa ang tiwala ni Gary.

Humalakhak si Austine.

"Magaling ka bata ha?" Hindi makapaniwalang aniya.

"You know how this works, Sir. Pay the amount or you don't get a taste of it. Simple as that." Matatag akong nakipagtitigan sa matanda at kita ko ang gigil sa kanya. Tumikhim ito at nagsindi ng tobacco. Alam kong mahirap mahanap ang klase ng drugs na dala namin ngayon dahil iyon ang narinig ko kay Gary nakaraang may kausap siyang isa pang kliyente.

"Paano kung ninety million?" Suhestiyon niya at dumako ang titig niya kay Akira, naramdaman kong napakapit sa hita ko si Akira, marahan kong hinawakan ang kanyang kamay at pinisil ko iyon para mawala ang kaba niya.

"Ninety million, kasama siya." Kumindat pa ito nang inguso ang pwesto ni Akira. Humigpit ang kapit ni Akira sa akin.

Ngumisi ako, "Seventy million. Take it or leave it." Pagmamatigas ko, matindi ang panalangin ko na kagatin na niya ang presyong ibinibigay ko dahil kung hindi ay gulo ang mangyayari sa amin ni Gary nakakasiguro ako.

Tumawa ng malakas si Austine. Itinaas nito ang kanyang tauhan at bumulong siya dito, muling umalis ito at ilang sandali lang ay bumalik din dala ang isang malaking bag. Ipinatong niya ito sa lamesa.

"Wala naman akong magagawa, seventy million kagaya ng gusto mo bata." Binuksan ko ang bag at nang masigurado kong naglalaman iyon ng pera ay inilapag ko naman ang drugs na hinihintay niya. Mabilis namang kinuha iyon ng mga tauhan niya nang makumpirma na hindi ko sila niloloko.

Agad kong tinawagan si Spencer.

"Kuhanin mo na yung pera dito." Utos ko at mabilis naman dumating ang isa sa mga tauhan ni Gary upang masecure na sa van ang bayad.

Umorder ng ilang pagkain si Austine bago pa kami umalis.

"Sa susunod na transaction ko sa inyo, gusto ko si Gary na ang mag aabot sa akin." Ma-awtoridad na sabi ni Austine.

"Walang kaso 'yon." Paninigurado ko sa kanya.

"Pero gusto ko kasama ka pa rin Aira." Napakunot ang noo ko, nilingon ko si Akira at mukhang balisang balisa na siya. Marahan ko siyang inakbayan na kinagulat naman niya, hinuli ko ang mga mata niya at tama ako, napupuno na iyon ng pangamba.

"I would never trade my girl for anything, she's not part of any deal." Matinding paglilinaw ko sa kanya na nagpahalakhak pang lalo kay Austine.

"Haha! Seloso ka bata, h'wag kang mag alala hindi mo naman malalaman kapag si Gary na ang ka-transaction ko." Kung hindi lang ako nagpipigil, kanina ko pa binasag ang ari nitong manyak na matandang 'to.

Tumayo ito gamit ang tungkod niya, kaya naman inalalayan ko na rin si Akira na halatang kinakabahan dahil pansin ko ang panginginig ng kamay niya. "Relax." Bulong ko sa kanya, tumingin siya sa akin at saka tumango.

Pero pagkalabas namin ng restaurant ay laking gulat ko nang harangin kami ng mga tauhan ni Austine! Tinignan ko ang guard ng restaurant, nakaupo 'yon na mukhang pinatulog nila.

"Shit!" Napasigaw ako nang may humampas sa ulo ko hindi kaagad ako nakaporma ng hila ng baril sa likod ko dahil nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo!

Mabilis namang nakakilos si Akira nang hilahin niya ang baril sa kanyang hita at itinutok iyon sa dalawang tauhan ni Austine na papalapit sa kanya, hinila ko na rin ang baril sa likod ko at mabilis kong sinipa ang tungkod ni Austine at hinila siya palapit sa akin at tinutok ko ang baril sa sintido niya!

"Subukan niyo, pasasabugin ko ang ulo ng amo niyo." Pagbabanta ko sa dalawang papalapit kay Akira.

Napansin kong pababa ng van sila Spencer pero inilingan ko sila, dahilan para hindi na sila tumuloy pa.

Humalakhak si Austine.

"Tama na yan! Hindi pa siguro ito ang tamang oras para sa amin ni Aira." Malakas nga ang naging tam anito kay Akira.

Lumayo naman ang mga tauhan ni Austine nang marinig nila ang utos nito. Bibitawan ko na sana si Austine pero napakunot ang noo ko nang makita ko sa gilid ng salamin ng restaurant ang reflection ni Sabrina na palabas ng restaurant.

What the hell are you doing here, love?

Bakas sa mukha ni Sabrina ang takot, napalingon ako sa mga tauhan ni Austine na hanggang ngayon ay nakapalibot pa rin. Delikado siya sa lugar na 'to.

"Paalisin mo lahat ng tauhan mo sa lugar na 'to. Bibitawan kita." Utos ko dito, ngumisi naman siya. "Gavin, paalisin mo na silang lahat." Mahinahong utos nito, unti-unti ay nagsi-alisan ang mga tauhan niya at si Gavin nalang ang natira, nang masigurado kong wala na sila ay marahas ko siyang itinulak kay Gavin pero nakatutok pa rin ang baril ko sa kanya.

"Bata. Matapang ka." Nakangising sabi ni Austine at tumalikod saka sumakay ng sasakyan niya.

Muli akong pasimpleng tumingin sa reflection ni Sabrina doon sa salamin, nagtatago siya at nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang mabilis na pintig ng puso ko.

"Larga na!!!" Natauhan ako sa sigaw ni Spencer.

Gusto ko siyang lapitan, pero hindi pa sa ngayon. Napaniwala ko na sila Gary na wala na akong koneksyon sa kanya.

Kaunting panahon pa.

Kaya labag man sa kalooban ko ay hinila ko na si Akira papunta sa kotse.

Sabrina Briones

Hinihintay ko si Shane ngayon dito sa isang Chinese Restaurant. Dahil napag usapan namin na magkikita kami pagkatapos ng klase niya, gusto sana naming bilhan ng pagkain sila mom dito sa restaurant na 'to dahil wedding anniversary nila ni dad at paborito nila ang mga pagkain dito. Pero hindi ko inaasahang makikita ko si Michael. Pagpasok palang niya naramdaman ko ang saya sa puso ko, pero napalitan yon ng kaba nang makita kong may kasama siyang babae. Pamilyar ang mukha nung babaeng kasama niya, hindi ko lang maalala kung saan ko siya unang nakita.

Naupo sila sa pinakadulong pwesto ng restaurant kung saan wala masyadong tao, maingat akong sumilip at gumapang ang kaba sa puso ko nang makita kong may malalaking tao doon. Isa din bai to sa sinu-supply-an nila ng drugs?

Napahawak ako sa cellphone ko, nag iisip ako kung tatawag ba ako ng pulis. Pero muli kong naalala ang sinabi ni Michelle na maraming kapit na pulis ang gang na napasukan ni Michael at hindi nila alam kung sinong mga pulis ang dapat nilang pagkatiwalaan.

Paano ba ang gagawin ko?

Napapitlag ako sa gulat nang mag vibrate ang cellphone ko, si Shane tumatawag, sinagot ko iyon.

"Twenty minutes, Ate. Sobrang traffic."

"Okay, Shane." Yun lang at muli ko ng ibinalik ang tingin kay Michael, pero hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko dahil masyado siyang malapit sa babaeng kasama niya. Inaakbayan niya pa ito o minsan naman ay hinahawakan niya ang kamay.

Nakakaramdam ako ng matinding selos sa unang pagkakataon.

Tinignan ko ang babaeng katabi niya at hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita.

Nang mapansin kong umalis ang tao doon sa isang table na medyo malapit sa kanila ay lumipat ako para marinig ko ang pinag uusapan nila. Laking pasasalamat ko nalang dahil nakasuot ako ng cap ngayon at inayos kong matabunan ng mahabang buhok ko ang gilid ng mukha ko.

Hindi ko alam kung magsisisi ba ako sa paglipat ko ng pwesto dahil sa narinig ko nga ang boses ni Michael pero hindi iyon nagustuhan ng puso ko.

"I would never trade my girl for anything, she's not part of any deal." Malamig na sabi niya doon sa kausap niya, hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. Girlfriend?

"Haha! Seloso ka bata, h'wag kang mag alala hindi mo naman malalaman kapag si Gary na ang ka-transaction ko." Tumatawang sabi nito.

Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na pinag usapan nila dahil hindi kinaya ng damdamin ko ang mga narinig ko. Napansin ko nalang na tumayo na sila kaya naman pasimple akong tumalikod upang hindi niya ako makita! Nang masigurado kong nalagpasan na nila ako ay mabilis ko silang sinundan. Napatakip ako ng bibig ko nang biglang may humampas sa ulo ni Michael! Tatakbo sana ako palapit sa kanya pero nabalot ng takot ang buong katauhan ko nang maglabas siya ng baril! Maging ang kasama niyang babae ay may hawak na rin na baril.

Hinila niya ang lalaking kanina ay nakatungkod at itinutok nito sa sintido ang baril na hawak. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top