Chapter 20

Chapter 20

Michael Cando

"H'wag kang mag alala. Napapaikot ko na silang lahat."

"Basta, Kuya, palagi kang mag iingat."

Kaagad ko ng pinatay ang tawag ngunit pag-lingon ko ay kaagad kong nakita si Akira na nakatitig sa akin ng buong pagtataka.

"Ah, tara na uwi na tayo!" Alam kong narinig niya ang usapan namin ni Michelle, madalas niya akong nahuhuli sa tuwing kausap ko si Michelle, pero ni minsan ay hindi niya ako inilaglag.

Naglakad na kami papunta sa kotse at umuwi sa bahay nila kung saan pansamantala rin akong tumutuloy kasama sila ng mga kapatid niya. Sa kanya ako ibinilin ni Gary upang bantayan ang lahat ng kinikilos ko.

"Kuya Michael!" Masayang bati ng mga kapatid niya, tinanguan ko lang ang mga ito at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Dalawa lang ang kwarto sa bahay na 'to at lahat silang magkakapatid ay magkakasama sa isang kwarto, samantalang ako naman ay solo lang dito.

Mabilis akong naghubad ng tee-shirt dahil sa tindi ng init sa bahay na 'to. Mababa ang bubong at walang kisame, binuksan ko ang electric fan na init lang din ang lumalabas na hangin.

Napakunot ang noo ko nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto ko.

"So-sorry!!" Si Akira lang pala, umiling ako at naupo sa monoblock chair saka tinignan ko ang drawer kung saan may nakatago akong mga bala ng baril.

"Anong kailangan mo?" Wala sa wisyong tanong ko sa kanya.

Tumukhim siya at para bang nahihirapan siyang buuin ang mga sasabihin niya.

"A-ano, hindi, teka nga, pwede bang mag tee-shirt ka naman? Naaalibadbaran ako sa katawan mo eh." Reklamo niya, tumayo ako at humila ng isang sando doon sa durabox.

"Napakainit dito sa bahay niyo, Akira." Reklamo ko sa kanya nang maisuot ko na ang sando.

"Ano bang kailangan mo?" Ulit ko sa kanya.

Isinara niya ang pintuan para siguro hindi siya marinig ng mga kapatid niya, walang kalam alam ang mga kapatid niya kung saan niya kinukuha ang mga pera para lang mabuhay sila.

"May pinaplano ka ba?" Halata ko sa boses niya ang pangamba.

"Bakit? Isusumbong mo ba ako kay Gary?" Walang ganang ani ko saka inilock ang drawer kung saan nakatago ang baril ko.

"Delikado Michael, alam mo ang mangyayari." Pagbabanta niya.

"Handa ako sa mangyayari Akira." Malamig na sambit ko, humila ako ng yosi sa isang kaha saka sinindihan iyon at hinithit.

"Hindi ako papayag na maging sunod-sunuran lang sa kanya. Mas lalong ayokong maging kriminal, pero kung 'yon ang kailangan kong gawin para mailigtas ang pamilya ko, gagawin ko."

Napalunok siya. "Pa-papatay ka?"

"Minsan na akong nakapatay." Matatag na sabi ko.

"Pero, aksidente lang 'yon. Hindi ba?" Naikwento ko na kasi kay Akira ang dahilan kung bakit gano'n nalang ang galit sa akin ni Gary.

Tinignan ko siya habang bumubuga ako ng usok. "Bakit natatakot ka ba sa akin?"

"Hindi ako natatakot sayo, natatakot ako sa pwedeng gawin ni Gary sayo at sa pamilya mo. Alam nating dalawa kung anong kaya niyang gawin!"

"Uunahan ko siya."

"Michael! Mag isip ka naman! Hindi lang ikaw ang pinag uusapan dito! Kapag nalaman ni Gary na may ala mako sa mga plano mo, lahat ng kapatid ko madadamay!" Natatakot na sigaw niya, pansin kong namamasa na ang mga mata niya. Patay na ang mga magulang niya kaya naman naiitindihan ko ang takot na nararamdaman niya para sa mga kapatid niya.

"Huwag kang mag alala, labas kayo dito. Hindi ko kayo balak idamay." Paninigurado ko sa kanya.

Sandali pa siyang nakipagtitigan sa akin bago nagpasiyang lumabas ng kwarto ko at malakas na tinalpak ang pinto.

__

Hating gabi na at nagpasiya akong lumabas ng kwarto sap ag aakala kong tulog na silang magkakapatid. Nakita ko si Akira na nakaupo doon sa may labas ng pintuan, naglakad ako palapit sa kanya at nang makita niya ako ay inirapan niya ako. Marahan siyang umurong upang makaupo ako sa tabi niya, kumuha ako ng yosi sa kaha at sinindihan 'yon.

"Napapadalas 'yan ah." Puna niya, sandali muna akong bumuga ng usok.

"Pasensya ka na pala kanina." Sambit ko, alam ko na bumabagabag sa kanya ngayon ang mga pinaplano ko, sigurado akon yun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay gising pa siya.

"Itigil mo nga yang pagyoyosi mo." Pag iiba niya ng usapan.

Tinignan ko lang siya saka humithit ulit ako ng yosi.

"Pampawala lang ng stress. Pitong buwan nalang, Akira." Wala sa sariling bulong ko, dalawang buwan palang kami nagkakasama nito ni Akira pero marami rami na rin siyang nalalaman sa buhay ko at isa na dun ang tungkol kay Sabrina.

"Huh? Pitong buwan?" Naguguluhang tanong niya.

"Makikita ko na ang panganay ko." Nakangiting kwento ko.

"Oo nga pala, buntis siya ano?" Mahinang sambit niya.

Tumango ako, "Ang tanong nga lang do'n, kung makikita ko ba talaga siya. Baka kasi patay na ako sa mga panahon na yo'n."

"Tropa, alam mo naman, hangga't kaya kitang pagtakpan kay Gary gagawin ko. Pero ibang usapan na kasi kapag madamay ang mga kapatid ko."

"Naiintindihan naman kita, Akira. Kagaya ng pangako ko, sisiguraduhin kong hindi kayo madadamay ng mga kapatid mo." Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin kahit na malayo ang tingin ko.

"Mag iingat ka, Michael." Aniya, nilingon ko siya at nabigla siya nang Akbayan ko siya.

"Ano ka ba? Kilala mo ako, Akira. Kapag gusto ko magagawa ko."

"Oo nga. Pero iba si Gary. Walang sinasanto yung hayop na 'yon. Kahit anong edad kaya niyang pataying." Nasa boses pa rin niya ang pangamba.

"Alam ko, kaya magkakapatayan kaming dalawa kapag ginalaw niya kahit dulo lang ng daliri ng mga kapatid mo. Poprotektahan ko kayong mga mahalaga sa akin. Pangako 'yan."

___

Sabrina Briones

"Nathan Junior!" Sigaw ni Nathan, mabilis ko siyang binatukan.

"Nababaliw ka na ba? Paano mo magiging Junior 'to ha? Anak ni Michael 'to!" Natatawang sabi ko sa kanya, nandito kami ngayon sa kotse niya at nag iisip kami ng ipapangalan sa baby ko. Hindi pa nga lang namin alam ang gender dahil two months and two weeks palang ang tiyan ko.

"Kahit na!" Ngisi niya.

Biglang nagring ang cellphone niya dahilan para huminto siya sa pang aasar sa akin.

"Hello, Ma?cManang? Ngayon na? Hindi po sige po pupunta na ako."

Tinignan ko siya ng buong pagtataka.

"Si Mama, nagbabasag na naman sa kwarto." Naiiling na sabi niya, minsan na niyang naikwento sa akin na lumalaban sa depression ang mama niya. Kung minsan ay nagkakapanic attack ito at nagbabasag ng mga gamit sa bahay nila.

Pagkadating namin sa bahay nila ay kaagad kaming sinalubong ng mga kasambahay.

"Nathan, hijo, ang Mama mo." Napahawak ako sa braso ni Nathan nang marinig kong may nagbabagsakan sa taas.

"Dito ka lang Sabrina." Aniya na siya tinanguan ko lang.

Naglakad ako sa sala kung saan may piano at may mga nakapatong na picture frame, napansin kong walang picture ang Papa niya. Kahit na mag-bestfriend kami ni Nathan ay may mga bagay akong iniiwasan na itanong sa kanya dahil alam kong iniiwasan niyang pag usapan iyon, pero ang mama naman niya ay minsan ko ng na-meet.

Napansin ng mata ko ang isang picture frame ng dalawang batang lalaki, si Nathan ang isang bata at may kasama siyang lalaki, magkaakbay sila, masasabi kong masaya sila sa picture na ito, mga nasa 9 years old palang yata sila dito sa picture na 'to.

Maya-maya lang tumahimik na sa itaas, nakita ko namang pababa ng hagdan si Nathan malungkot ang itsura niya, lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap ng mahigpit, isinubsob niya ang ulo niya sa balikat ko at naramdaman kong umiyak siya, niyakap ko din siya pabalik.

"Nathan..."

"Five minutes, Sabrina." Umiiyak na pakiusap niya, hinayaan ko nalang na yakapin niya ako upang pagaanin ang loob niya.

Ilang sandali pa ay humiwalay na siya sa akin at marahang pinunasan ang luha.

"O-okay ka lang?" Hinaplos ko ang likod niya, ngumiti siya ng marahan at tumango.

"Ang Mama mo?"

"Hindi siya okay at hindi ko alam kung paano siya magiging okay."

Umupo siya sa couch, sumunod naman ako sa kanya.

"Nathan, pwede mo naman sabihin sa akin, makikinig ako."

Tinignan niya ako sa mata at sandaling nag isip kung magkukwento ba siya.

"Namatay kasi ang Kuya ko." Simula niya.

"Ku-kuya?" Kunot noong pagtataka ko, ang alam ko kasi ay solo lang siyang anak.

Huminga siya ng malalim.

"Hindi namin siya kasama ni Mama, kinuha siya ni Papa ng maghiwalay sila at kahit bangkay ng Kuya ko hindi namin nakita. Pinagbawalan kaming makita siya kahit sandali manlang. Matagal na panahon ang hinintay namin ni mama para makasamang muli ang Kuya ko, pero ngayong patay na siya, wala na ang pagkakataon na 'yon. Sabrina hindi ko na alam ang gagawin ko para bumalik sa dati si Mama, gulong gulo na ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top