Chapter 14

Chapter 14

Sabrina Briones

Nang makauwi kami ay mabilis akong nagkulong sa kwarto ko! Mahal niya ako, alam ko mahal niya ako, naramdaman ko. Naramdaman kong mahal niya ako!

Sumigaw ako ng sumigaw, pero kahit anong gawin kong sigaw ayaw matanggal ng sakit! Hindi ko na alam kung paano pa tumutulo ang luha ko dahil pakiramdam ko ubos na lahat yo'n! Totoo ba ang sinasabi nila? Sa una lang masaya! Sa una ka lang kikiligin! Pero bakit ngayon hindi na saya at kilig ang nararamdaman ko kundi sakit! Sobrang sakit!

"Sabrina anak! Buksan mo 'tong pintuan!" Dinig kong umiiyak si mommy kaya mas lalo akong nasasaktan. Masyado akong nagpadala sa damdamin ko!

"IWANAN NIYO AKO! IWANAN NIYO NA AKONG LAHAT!" Pinagbabato ko ang full body mirror sa kwarto ko at hindi ko na malaman kung ano pang pwede kong gawin para mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon!

Hindi ko na alam kung paano nabuksan ng kapatid ko ang kwarto ko!

Mabilis na tumakbo palapit sa akin si Mommy at Shane! Pinipilit akong yakapin ni Mommy pero pilit akong kumakalas!!

"Anak! Tama na!!" Pati magulang ko umiiyak dahil sa kasalanan ko! Pati sila nasasaktan!!

"Mommy, tama ka! Tama ka! Sa huli ako rin ang masasaktan! Sa huli ako rin ang magiging kawawa! Pero, mom! Ba-bakit sabi niya mahal niya ako? Sabi niya hinding hindi niya ako iiwanan?" Panay ang hagulhol ko at hinahabol ko na ang paghinga ko dahil sa sobrang iyak.

"Shhh, anak, nandito pa ako, nandito pa kami ng Daddy mo." Niyakap ako ni Mommy ng sobrang higpit pero tinulak ko si Mom at pinaghahampas ko ang tiyan ko!

"Ayoko na, ayoko na sa batang 'to! Ayoko!"

"Ate!!!!" Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Shane at pilit niyang hinuli ang kamay ko saka hinawakan iyon ng mahigpit.

"Ate! H'wag ka ng umiyak! Nandito kami para sayo." Sigaw niya, shit, bakit ba hindi ako nakinig sa mga sinabi ni Shane? Bakit mas pinakinggan ko yung puso ko? Bakit ang tanga tanga ko?

Tinutulak ko si Shane pero pilit niya akong hinihila palapit sa kanya, narinig kong umiiyak na rin siya.

"Ate, tama na, ate."

"Lumabas muna kayong lahat." Natigilan ako nang makita ko si Dad, hanggang ngayon natatakot pa rin ako sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi ko pa rin siya kayang tignan, naramadaman kong hinalikan si Shane ang noo ko.

"Please, Ate, tama na. Sasamahan kita. Promise, ako hindi kita iiwanan. Hindi kita iiwanan Ate." Hindi ko alam pero bakit maging kapatid ko ayoko ng paniwalaan ang lahat ng pinapangako niya. Dahil alam kong bandang huli iiwanan niya rin ako!

Tumayo silang dalawa ni Mom sa kama at lumabas, pumasok naman si Dad. Isinara niya ang pintuan at umupo sa tabi ko, sa hindi ko malamang dahilan lumayo ako sa kanya.

"Patawarin mo ako kung napag buhatan kita ng kamay." Bulong niya.

Hinawakan ni Dad ang kamay ko, bigla kong naramdaman sa unang pagkakataon na ligtas ako. Ligtas ako sa mga kamay ni dad.

"Nung baby ka pa, alam mo bang gustong gusto kong hinahawakan ang kamay mo? Kayang kayang ikulong ng mga kamay ko ang dalawang kamay mo noon dahil maliit pa lang ang mga yan. Pero ngayon anak, malaki ka na, hindi ko na mahahawakan ang dalawang kamay mo ng isang hawakan nalang. Natakot ako para sayo dahil alam kong habang lumalaki ka, hindi ko na basta mahahawakan ang mga kamay mo dahil may sariling pag iisip ka na at kayang kaya mo ng bitawan ang kamay namin ng Mommy mo ng basta basta. Kaya gano'n nalang ang paghihigpit ko sayo." Dama ko sa boses ni dad ang pagpipigil ng emosyon pero nananatili siyang matatag.

"Daddy..."

"Sa mga nangyayari sayo ngayon anak.cPakiramdam ko kasalanan ko rin ang lahat, dahil sa maniwala ka at sa hindi.cNiloko ko ang Mommy mo noon, pinaglaruan ko ang nararamdaman ng Mommy mo. Pakiramdam ko ito na yung karma para sa mga ginawa ko sa Mommy mo noon. Dahil sobrang sakit anak, nasasaktan ako ngayong nakikita kong umiiyak ka at ngayong nasasaktan ka. Anak, nagagalit ako hindi dahil sa pagkakamali mo. Nagagalit ako dahil bata ka pa anak, hindi mo dapat minamadali lahat ng bagay."

Lalong nag unahang tumulo ang luha ko dahil nakita kong umiiyak na rin si Daddy. Pinunasan niya yung luha ko.

"Tandaan mo anak, kahit gaano pa karami ang lalaking magsabi sayo ng pangako. Ako at si Shane lang ang nakakasiguradong tutupad ng lahat, kahit gaano pa kaliit yung pangakong yon tutuparin namin ng kapatid mo para sayo at kay Shara. At kahit gaano pa karami ang magsabing mahal na mahal ka nila, kami lang ni Shane ang totoong magmamahal sayo. Anak kita eh! Kapatid mo si Shane. Marami ka pang makikilala bata ka pa, at sobrang maganda ka anak. Mas maganda ka kesa sa Mommy mo."

"Daddy naman..." Hindi ko alam pero yung unti unti kong pag iyak nasasabayan ng ngiti kahit na sobrang nasasaktan pa rin ako.

"Totoo ang sinasabi ko, hindi kita binobola anak. Kung dati, Mommy mo ang pinaka-pinaka maganda sa lahat ng babaeng nakilala ko, nagbago yo'n nang ipanganak ka niya, dahil ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko at sa buhay ng Mommy mo."

Bigla kong niyakap si Daddy at mas lalo akong humagulgol sa pag iyak.

"I'm sorry Dad! Patawarin niyo po ako! Sorry!"

Naramdaman ko ang paghaplos ni Daddy sa buhok ko.

"Hush, baby." Pero humagulgol pa rin ako ng iyak.

"I love you, daddy. I'm sorry."

"I love you anak, tama na yan, h'wag ka na umiyak."

Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog, basta pagkagising ko kinabukasan katabi ko pa rin si daddy at yakap niya ako. Hindi ako iniwan ni daddy, hindi ko rin alam kung paano at kailan tumigil sa pagtulo ang luha ko kagabi. Pero bakit ganon, kahit anong gawin ko nandito pa rin yung sakit ng pag iwan niya sa akin.

"ATE!!!!" Nagulat ako nang pumasok sa kwarto ko si Shane, never ko siyang nakitang nginitian ako ng ganyan kalapad, ngayon lang.

Gumalaw si dad at kinuha ang salamin niya sa side table saka sinuot yon.

"Good morning, daddy!!" Biglang sigaw ni Shara na kapapasok lang ng kwarto.

"Good morning, bunso." Agad hinalikan ni Daddy si Shara.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ni Daddy kay Shara.

"Yes Daddy! Tinabihan ko kasi si Mommy!"

Pero yung sakit na nararamdaman ko ngayon, napapalitan ng saya sa tuwing makikita kong maayos ang pamilya ko.

"Kakain na!" Nagulat kaming lahat sa pagsigaw ni Mommy.

"Let's go?" Anyaya ni dad sa akin, ngumiti ako saka tumango sa kanya.

Sumunod naman ako sa kanila, walang ginawa si Dad at Mom kundi ang mag asaran habang kumakain. Naiinggit ako kela Mom, ang saya siguro sa pakiramdam kung yung taong mamahalin mo hindi ka talaga iiwanan. Yung parang sila Dad at Mom, siguro masaya kung ganyan kami ni Michael.

Napatingin naman ako kay Shane na parang naiinis kela Mom, nakakatawa siya kasi yung kilay niya kulang nalang tahiin para h'wag ng maghiwalay sa pagkakadikit.

"Nga pala Shane, nag enroll ka na ba?" Tanong ni Dad, tumango lang si Shane. Junior high na siya. Siguro kung hindi ako buntis ngayon busy rin ako sa pagbili ng mga gagamitin at sa pag aasikaso ng schedule ko. Nakapag enroll na nga ako pero hindi ko pa nakukuha ang schedule ko.

"Ikaw Sabrina? Ayaw mo na bang mag aral?"

Napatingin ako kay Dad at parang nagkaron ako ng chance.

"Mario, buntis si Sabrina mahihirapan siya at isa pa baka pag usapan siya sa school, hindi ko naman gugustuhin na masaktan na naman siya sa mga salita ng ibang tao." Seryosong sabi ni mom, magsasalita sana si dad pero inunahan ko na siya.

"Mag aaral po ako." Napatigil sa pagkain si Shane at tinignan ako.

"Nababaliw ka na ba? Ate pag uusapan ka sa school na papasukan mo."

"Wala akong pakialam, Shane. Mag aaral po ako, aayusin ko po mamaya ang schedule ko."

Akala ko hindi na ako pag aaralin ni Dad dahil sa ginawa ko, pero dahil tinanong niya ako. Mag aaral ako at hindi magiging hadlang sa pag aaral ko ang pagbubuntis ko. Oo natatakot ako sa mga sasabihin ng mga tao sa paligid ko pero iisipin ko pa ba yon kesa sa sarili ko? Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko at para sa batang dinadala ko.

__

Sinamahan ako ni Shane mag ayos ng schedule ko, sa ngayon marami pa ang bumabati sa akin pero darating yung araw na magugulat nalang sila sa biglang paglobo ng tiyan ko. Pauwi na sana kami ni Shane nang biglang may tumawag sa akin.

"Sabrina!!"

"Nathan?! Dito ka rin mag aaral?!" Tanong ko sakanya, tumango siya bilang sagot.

"Kumusta? Ang tagal mong hindi nagparamdam ah." Sabi niya habang nakahawak sa batok niya.

"Hintayin nalang kita sa labas." Sabi ni Shane saka lumabas na ng university.

Naglakad ako papunta sa cafeteria, sumunod naman sa akin si Nathan.

"Kumusta ang bestfriend ko?! Namiss kita!" Nakangiting sabi niya.

"Nathan, buntis ako." Natigilan siya at tinignan niya ako sa mata, pakiramdam ko lalamunin na ako ng tingin niya sa akin bigla siyang tumawa.

"You're kidding! Oo na! Natawa na ako!" Tumatawang sigaw niya.

"Nathan, hindi ako nagbibiro, buntis ako, si Michael ang ama." Patuloy ko, ewan ko kung namamalikmata ba ako pero parang nakita kong may pumatak mula sa mata niya, agad siyang tumalikod sa akin at parang pinunasan ang mata niya.

"So, anong plano? Magpapakasal ba kayo?" Pinipilit niyang ngumiti, hindi ko siya matignan sa mata kaya naman tumungo ako.

"Buti sana kung gano'n, Nathan. Pero hindi. Ayaw niya akong panagutan."

Biglang kumunot ang noo niya at nakita kong naikuyom niya ang kamao niya. Hindi siya nagsalita at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Biglang tumulo ang luha ko.

"Nathan, I'm sorry." Hindi ko alam kung bakit ako nagsosorry sa kanya. Pero dahil siguro alam kong na-disappoint ko din siya kagaya nila Mom, mataas ang tingin sa akin ni Nathan simula high school palang kami at sobrang bumibilib siya sa akin sa lahat ng achievements ko, pero ngayon, ito ang ibinalita ko sa kanya. Buntis ako, buntis ang bestfriend niya. Natigilan ako nang bigla siyang nagsalita.

"Pananagutan kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top