Chapter 13

Chapter 13

Sabrina Briones

"Nakakahiya." Naihilamos ni Tita Maria ang kanyang palad sa mukha.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Michael, pero wala siya. Kinausap na nila dad ang parents ni Michael tungkol sa aming dalawa.

"Wala ka namang kasalanan Maria, ang may problema yung mga bata, masyado silang naging mapusok." Galit na sabi ni Daddy, hindi ko makuhang tignan ang mata ni Dad dahil hanggang ngayon punong puno pa rin iyon ng galit.

"Natawagan mo na ba ang Kuya mo ha Michelle?!" Galit na tanong ni Tito Akie.

"Nagriring lang Pa, pero tatawagan ko po ulit." Parang nakahinga ako ng maluwag ng sabihin ni Michelle na nagriring ang cellphone ni Michael.

"H'wag mong titigilan hangga't hindi sinasagot!" Sigaw ni Tito Akie.

Nagtama ang paningin namin ni Tita Maria, hindi ko siya mabasa. Hindi siya ngumingiti pero hindi rin galit ang mga mata niya, napakaamo ng mukha ni Tita Maria at parang hindi siya basta basta nagagalit.

"KUYA!!" Nalingon kaming lahat nang sumigaw si Michelle, agad tumayo si Tito Akie at inagaw ang cellphone nito.

"Michael!! Umuwi ka ngayon na!!" Galit na galit na sigaw ni Tito Akie.

Maya maya lang napatayo ako nang makita kong papasok si Michael ng bahay, napatingin siya sa akin at agad ngumiti. Nanikip ang dibdib ko nang makita kong puro pasa ang mukha niya at may kaunting dugo pa ang gilid ng labi.

"Michael anak! Anong nangyari sayo!" Sigaw ni Tita Maria at agad lumapit kay Michael.

"O-okay lang po ako Ma." Sagot niya na napapangiwi pa habang hawak ang tagiliran niya, parang hirap na hirap siya pero pilit siyang ngumingiti habang nakatingin sa akin, sinasabi ng mga mata niya na okay lang siya at h'wag akong mag alala.

"Maupo ka." Matigas na sabi ni Tito Akie na parang wala siyang pakialam kahit halatang halata sa mukha ni Michael na nahihirapan siya, nanlaki ang mata ko nang makita kong may dugo ang tee-shirt niya.

"Akie! Gagamutin ko muna si Michael!" Pag aalala ni Tita Maria.

"Wala ng oras para dito Maria! Umupo ka, ngayon na Michael!!" Sigaw ni Tito Akie, hinawakan ni Michael ang braso ni Tita Maria at nginitian ito, dahan dahang lumapit si Michael sa amin at umupo sa solo couch.

"Nag iisip ka ba ng tama ha Michael?!! Ganyan na ba katigas ang ulo mo?!! Umaalis ka ng pamamahay na 'to at uuwi ka lang kung kailan mo gusto?!" Sigaw ni Tito Akie, napahawak si Tita Maria sa braso ni Tito Akie at umiling iling ito, pero hindi niya pinakinggan ito at patuloy na sinigaw sigawan si Michael, hindi ko na maintindihan ang ibang sinasabi ni Tito Akie dahil kay Michael lang ako nakatingin, pero natigilan ako nang mas lalong lumakas pa ang sigaw ni Tito Akie.

"BINUNTIS MO SI SABRINA!!" Natahimik ang lahat. Nag angat ng tingin sa akin si Michael at nagtatanong ang mga mata niya. Tumango ako bilang sagot at sa hindi ko malamang dahilan sunod sunod na tumulo ang luha ko.

"Hindi ka na nahiya sa Tita Samantha mo!!"

Kinabahan ako dahil hindi sumasagot si Michael, tumungo siya at parang naguguluhan.

"Hindi ka ba magsasalita ha Michael?!!"

Tumayo si Tito Akie at hinila sa tee-shirt si Michael saka sinuntok.

"AKIE!!" Sigaw ni Tita Maria, ihahakbang ko sana ang paa ko palapit sa kanya pero hinawakan ni Daddy ang kamay ko, pilit kong hinihila ang kamay ko pero naramdaman ko ang paghigpit no'n at nasasaktan ako!

"TITO!! H'WAG NIYO PONG SAKTAN SI MICHAEL!!!" Pero parang walang naririnig si Tito Akie na sigaw ko at magkakasunod na suntok ang ginawa niya kay Michael!

"KAILAN KA BA TITINO MICHAEL?!!" Sigaw ni Tito Akie at akma na namang sasaktan si Michael pero biglang humarang si Tita Maria.

"Akie! Tama na! Kahit anong gawin mo nandiyan na yan! Kahit anong gawin mong bugbog sa anak mo buntis na si Sabrina!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Tita dahil ngayon ko lang siyang nakitang ganyan at sa unang pagkakataon naramdaman ko ang galit na tingin sa akin ni Tita pero agad din niyang iniwas ang tingin sa akin.

Pero mas nagulat ako nang pilit tumayo si Michael at hirap na hirap siyang naglakad palapit sa akin, laking gulat ko nang lumuhod siya sa harapan ko.

"Pa..patawarin mo ako, hi-hindi kita kayang panagutan."

Gusto kong tumawa! Nananaginip lang ako diba?! Mahal niya ako! Kakayanin naming dalawa 'to!

"M-michael, nagbibiro ka lang diba?" Naramdaman ko ang luha ko na ayaw tumigil sa pagpatak.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil yon saka umiling iling.

"I'm sorry." Nakita ko ang pagtulo ng luha niya.

Joke 'to! Promise! Isang malaking joke 'to! O kaya baka nagpapanggap lang siya na siya si Michael! Tama! Hindi siya si Michael! Dahil kung siya si Michael sigurado ako hindi niya ako pababayaan mag isa! Nangako siya diba?! Nangako siya na hindi niya ako pababayaan! Pero bakit gano'n? Bakit sobrang sakit? Sobrang sakit na pakiramdam ko hindi na ako makahinga dahil naririnig ko ang sunod sunod na paghingi niya ng tawad at nararamdaman ko na pahigpit ng pahigpit ang paghawak niya sa kamay ko.

Nabitawan niya ang kamay ko nang hilahin siya ni Tito Akie!

"Naririnig mo ba ang sarili mo ha Michael?!!" Sigaw nito sa kanya, nakita ko ang pag iling iling ni Tita Maria na ngayon ay umiiyak na rin, narinig ko ang sunod sunod na paghinga ng malalim at nakita ko rin ang pagkuyom ng kamao ni Dad dahil sa mga narinig niya.

"Sumagot ka!!" Pero parang batong walang naririnig si Michael at tinanggap nalang ng tinanggap ang suntok ni Tito Akie, nahihirapan siya pero pilit siyang tumatayo!

"BULLSHIT! PAGKATAPOS MONG MAGPASARAP HINDI KA MARUNONG TUMAYO SA KAGAGUHANG GINAWA MO?!! LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY NA 'TO!!"

"Akie hindi! Hindi aalis si Michael!" Sigaw ni Tita Maria at pilit hinihila ang braso ni Tito Akie pero marahas niyang inalis ang kamay ni Tita Maria!

"LUMAYAS KA!!"

"PA!!" Sigaw ni Michelle na ngayon ay umiiyak na rin.

"KAPAG PINAALIS MO SI KUYA SASAMA AKO SA KANYA!!!" Sigaw ni Michelle!

Natigilan kaming lahat, pero biglang nag salita si Michael.

"Hindi na kailangan, aalis na ako." Nahihirapang bulong niya at tumayo saka naglakad, pilit siyang hinihila ni Tita Maria pero pilit tinutulak ni Michael ang Mama niya, nasasaktan akong tignan siya na iiwanan ako!

"MICHAEL ANAK!!" Umiiyak na sigaw ni Tita Maria! Kasalanan ko 'to, kasalanan ko kung bakit lahat ng tao sa paligid ko nasasaktan ngayon. Kasalanan ko kung bakit ko nararamdaman ang sakit na 'to.

Lumapit si Tito Akie kay Tita at hinila ito, dire-diretsong lumabas si Michael. Mabilis akong tumakbo palabas at hinabol siya! Magbabago ang isip niya! Alam kong magbabago ang isip niya! Naguguluhan lang siya ngayon!

Mabilis akong yumakap sa likod niya! Ayaw tumigil ng luha ko dahil sobrang naninikip ang dibdib ko!

"Michael! H'wag mo akong iwan!!" Sigaw ko, napatigil siya dahil sa pagkakayap ko sa kanya, naramdaman kong parang may pumatak sa kamay ko at alam kong luha niya yon, mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa kanya!

"Kakayanin natin 'to Michael! Alam kong natatakot ka lang! Natatakot ka lang Michael! Gaya mo! Natatakot din ako dahil wala akong ibang matatakbuhan kundi ikaw! Michael! Please." Sunod sunod na sigaw ko, pero parang wala siyang naririnig.

"Michael..."

"Bitawan mo ako." Malamig na sabi niya.

"Ayoko!"

"Sinabi ng bitawan mo ako!" Marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakayakap ko sa kanya!

Hindi niya ako nililingon at naglakad na siyang ulit.

"Michael! Mahal mo ako diba? Sinabi mong mahal mo ako! Nangako kang hinding hindi mo ako iiwanan! Sabi mo hindi mo ako pababayaan kahit anong mangyari! Michael, ibinigay ko ang lahat ng alam kong magpapaligaya sayo, dahil alam kong mahal mo ako!" Sigaw ko, napatigil na naman siya, napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya.

"Pumasok ka na sa loob." Malamlam na pakiusap niya.

"Ayoko! Michael! Bumalik ka dito! Alam kong mahal mo ako!!"

Huminga siya ng malalim at halos magunaw ang mundo ko sa sumunod na sinabi niya.

"Hindi kita mahal! Masaya ka na? Sinabi ko lang na mahal kita para makuha ko ang gusto ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top