Chapter 12

Chapter 12

Sabrina Briones

Makalipas ang dalawang araw, hindi ko na naman ulit siya nakita.

"Anak?" Tawag ni Mom sa akin, lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko, nandito ako ngayon sa garden. Binabantayan ko ang cellphone ko dahil baka bigla siyang tumawag.

"Napapansin ko ilang araw ka ng malungkot, may problema ba?"

Napatinigin ako kay mom, iniisip ko kung sasabihin ko na ba sa kanya na boyfriend ko si Michael. Natatakot ako, pero ang sabi naman ni Mom h'wag akong magsisekreto sa kanya.

"May kasalanan po ako sa inyo." Bulong ko.

Nakita ko ang pagkabigla ni Mommy.

"Kasalanan?"

"Mom, si Michael..boyfriend ko na po siya."

Hinihintay kong magsalita si Mommy, pero narinig ko ang mahinang tawa mula sa kanya.

"Akala ko naman buntis ka." Nakangiting sabi ni Mommy, bigla akong natigilan.

Hindi ako makapagsalita, tatlong beses na may nangyari sa amin ni Michael at kahit kailan hindi kami gumamit ng proteksyon.

"Alam mo anak,okay lang naman na magboyfriend ka. Ang ikinatatakot ko lang ay ang magaya ka sa ibang kabataan diyan. Alam mo bang sa panahon ngayon maraming mga kabataan ang nagpapadala sa emosyon nila, hindi nila iniisip kung anong pwedeng mangyari kung sakaling harapin na nila ang isang malaking responsibilidad. Mahirap yo'n." Litanya ni mom, hindi ako makaimik. Biglang umurong ang dila ko at sunod sunod na mabilis na pagtibok ng puso ko ang narinig ko dahil sa kaba.

"Dalaga ka na anak. Ang bilis ng panahon, may boyfriend ka na." Nakangiting sabi ni Mommy.

Hinimas niya ang buhok ko at niyakap ako.

"Yang puso mo dapat isa lang ang laman niyan, pero dahil bata ka pa anak tandaan mo, marami ka pang makikilang iba kaya h'wag mo munang ibibigay ang lahat ng meron ka dahil sa bandang huli baka ikaw rin ang masaktan." Naramdaman kong nag init ang paligid ng mata ko, alam na alam ko kasi sa sarili ko nagkakasala na ako, masaya ako pero alam kong isang kasalanan ang ginagawa ko.

"So, for now, just enjoy the feeling of being in love. You're still young, create more happy memories but with limitations, okay?" Hindi naalis ang yakap sa akin ni Mommy habang sinasabi iyon, ganito ba talaga ang pakiramdam kapag alam mo sa sarili mo na may itinatago ka sa magulang mo? Nakukunsenya ka at hindi mo alam ang isasagot mo sa mga sinasabi nila sayo. Humiwalay si Mommy sa pagkakayakap sa akin.

"Gwapo si Michael anak, hindi maiiwasang maraming magkagusto sa kanya. Pero sa nakikita ko naman, sa kung paano ka niya tignan masasabi kong mahal ka niya at ganun rin ang nakikita ko sa mga mata mo anak, tama ba ako?"

Lumunok ako.

"Yes po, mom, sobra."

"Haay, ang mga anak ko malalaki na talaga. Ibig sabihin lang nito matanda na kami ng Daddy mo. May boyfriend na ang panganay namin at may nagkakagusto naman sa kaisa isa kong anak na lalaki." Nakangiting sabi ni Mom.

__

Nakaupo na kami ngayon sa harap ng hapag kainan.

"Mukhang masarap yan ah!" Masiglang sabi ni dad na kadarating lang from office.

"Luto ko yan." Masayang pagmamalaki ni mommy habang nilalagyan ng Caldereta si Daddy sa plato.

"Namiss ko 'to, mukhang mapaparami ang kain ko." sabi ni Dad.

"Paborito niyo ni Sabrina yan hindi ba? May—"

"Hmmpt!!" Napahawak ako sa bibig ko.

"Bakit anak?!" Tanong ni dad, umiling iling ako.

"Hmmmppt—!!" Nagmadali akong tumakbo sa kitchen sink at dumuwal, parang hindi ko nagustuhan ang amoy ng ulam namin ngayon. Pinipilit kong masuka pero hindi ako masuka, nang makita ko sa kalan ang isang kaldero ng Caldereta ay parang umikot ang tiyan ko at bigla na naman akong naduwal.

"Hmmppt!!"

"Hija? Okay ka lang ba?" Tanong ni Manang mula sa likod ko.

"O-okay lang po a—hmmpt!!"

Paglingon ko, nakita kong nakatayo si Mom sa may pintuan ng kusina at tinignan niya ako sa mata, kinabahan ako dahil ngayon lang ako tinignan ni Mom ng ganito na punong puno ng katanungan at pagbabanta.

"Umakyat ka sa kwarto mo." Mas lalo akong kinabahan nang sa unang pagkakataon ay marinig ko ang malamig na boses ni Mommy.

Dahan dahan akong naglakad paakyat ng kwarto.

"Sabrina anak? Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Dad ng makita niya akong paakyat.

"Ma—"

"Mamaya na kami kakain Mario, may gagawin lang kami sandali." Sabi ni Mom saka sumunod sa akin.

Umupo ako sa kama, tahimik na naglakad si Mommy papunta sa build in cabinet ko at napapikit siya ng mariin nang para bang may napansin siya doon at laking pagtataka ko nang ihagis niya sa kama ko ang tatlong balot ng napkin na binili niya nung nakaraang nag grocery sila ni Shara.

"Lagpas na ang isang buwan pero ni isa hindi pa rin nababawasan ang mga yan." Ma-awtoridad na sabi ni mommy at doon na bumalot ang matinding kaba sa buong katauhan ko.

Tinignan ko ang mga yon at napalunok ako nang maisip kong hindi pa ulit ako nagkaka-period.

"Buntis ka." Mahina lang ang boses ni Mom pero dinig kong nabasag iyon at ramdam na ramdam ko ang galit doon.

Hindi ako makasagot, sunod sunod na tumulo ang luha ko.

"So-sorry Mom..." Umiiyak na bulong ko.

"Ilang beses Sabrina?!" Medyo lumalakas na ang boses ni Mommy dahil sa galit at hindi pa rin ako makasagot.

"Tinatanong kita Sabrina!" Muling sigaw niya!

"Tatlo po!" Sagot ko at halos mabasag ang boses ko dahil sa pag iyak.

"Sabrina naman, akala ko ba matalino ka?!! Kasasabi mo lang kanina na boyfriend mo si Michael! Tapos malalaman ko ngayong buntis ka na?!" Punong puno ng disappointment ang boses ni mommy.

"Mahal ko po si Michael Mom!"

"At dapat lang na ibigay mo?! Hindi naman kami nagkulang sayo Sabrina, eighteen years ka pa lang anak! Anong alam mo sa pagpapalaki ng bata ha?!" Natigilan ako nang makita ko ang luha sa mata ni Mommy.

"Ang bata mo pa para dito, anak naman. Paano na ang mga pangarap mo?" Napaupo si Mommy sa kama ko at umiyak nang umiyak. Parang naninikip ang dibdib ko nang makita ko ang sunod sunod na pagtulo ng luha ni Mom, sinubukan kong hawakan siya pero itinataboy niya ako.

"Alam na ba 'to ni Michael?"

"Hi-hindi pa po."

"Tawagan mo, gusto ko siyang makausap."

"Hindi ko po siya macontact dalawang araw na."

Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Mommy.

"Anak, madami pa kong pangarap para sayo, hindi mo ba naisip yon?"

"Sorry Mom..sorry po.." Hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin, dahil sa sobrang takot.

"Sinira mo ang tiwala ko sayo anak, akala ko iba ka sa mga kabataan na nakikita ko. Pero katulad ka lang din nila." Sabi ni Mom saka tumayo at naglakad papunta sa pintuan, hinabol ko siya at niyakap sa likod.

"Patawarin mo ko Mom!! So-sorry! So-sorry po!!" Sunod sunod na sigaw ko, pilit kong hinihigpitan ang pagkapit ko kay Mom pero marahas niyang tinanggal ang kamay ko.

"Mag uusap pa kami ng Daddy mo tungkol dito." At mas lalo akong kinabahan, natatakot ako, sobrang natatakot ako dahil alam kong magagalit si Daddy kapag nalaman niya 'to.

__

Hating gabi na at pilit kong tinatawagan si Michael pero nakapatay pa rin ang cellphone niya, ayaw tumigil ng luha ko dahil sa sobrang pangamba!

"MARIO SANDALI LANG!!!" Narinig kong sigaw ni Mom sa labas ng kwarto ko na mas lalong nagpaka ba sa akin.

"UMALIS KA DIYAN SAMANTHA!!" Sigaw ni Dad at natakot ako nang makita ko ang galit na galit na mata ni Daddy nang buksan niya ang pintuan ng kwarto ko.

"Dad..." Nanginginig ang boses ko sa takot.

"KAILAN KA PA NATUTO MAGSINUNGALING SA AMIN NG MOMMY MO HA SABRINA?!"

"Sorry Dad!" Pero isang sampal ang natanggap ko mula kay Daddy, dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Mario ano ba?!! Hindi mo dapat pinagbubuhatan ng kamay ang anak natin!!"

"Dahil sayo Samantha kaya lumaking ganyan yan!! Kinukunsinti mo kasi!! Tignan mo ngayon ang nangyari!! Nabuntis!! Bullshit, Samantha!! Ilang ulit ko bang sinabi sayo na hindi mo dapat ini-spoiled ang mga anak natin!!!" Sigaw ni Daddy kay Mommy.

"KASALANAN KO PO!! DADDY HINDI SI MOMMY!! AKO!! AKO ANG MAY KASALANAN!!" Sigaw ko at lumuhod ako sa harap niya na hilam na hilam sa luha.

"Manahimik ka Sabrina!! Simula ngayon walang lalabas ng bahay na 'to!! SHANE!!"

Nakita ko ang kapatid ko na pumasok ng kwarto ko.

"HINDI KA RIN LALABAS NG BAHAY NA 'TO! AT H'WAG NA H'WAG KO LANG MALALAMAN NA MAY NABUNTIS KA DAHIL PAREHO KO KAYONG PALALAYASIN NG ATE MO SA PAMAMAHAY KO!!" Sigaw ni Dad at padabog na lumabas ng kwarto ko, sinundan naman siya ni Mommy.

Napatingin ako kay Shane na ngayon ay inaabot ang kamay niya sa akin. Hilam na hilam na ang mata ko dahil sa luha at hindi ko alam kung paano ako makakabawi kela Dad dahil alam kong ako ang mali at hindi ko basta basta matatakasan ang ginawa kong 'to.

Dahan dahan akong iniupo ni Shane sa kama ko at maingat na pinunasan ang luha ko.

"I'm sorry Shane!!" Umiiyak na sigaw ko at niyakap ko siya.

"Wala kang kasalanan sa akin Ate."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top