Chapter 10

Chapter 10

Sabrina Briones

"Hihintayin nalang kita dito!" Pagpupumilit ko!

Isinara niya ang pinto ng van, pero mabilis kong ibinaba ang bintana.

"Love!" Sigaw ko, lumingon siya sa akin pero nababalot ng pangamba ang mga mata niya.

"Sabrina umuwi ka na, parang awa mo na." Punong puno ng pakiusap ang boses niya, kinakabahan ako para sa kanya dahil sa mga taong nasa loob ng bar nila. Mukha kasing masasamang tao ang mga iyon.

Alam ko namang hindi ko siya mapipilit dahil simula bata palang kami lahat ng magustuhan niya ginagawa niya.

"Tawagan mo ako." Pakiusap ko.

Tumango siya pero hindi pa rin siya ngumingiti. Pinaandar na ni Manong Jake ang van pauwi sa bahay, hindi ko na natanaw pa si Michael, pumasok na yata siya sa loob ng bar. Nakakatakot si Michael, yung mata niya galit na galit na parang may nagawa akong kasalanan sa kanya dahil sa pag sunod ko sa kanya doon sa VIP room ng bar nila.

__

Pagpasok ko ng bahay, nanlalambot ako, nakatungo lang akong naglalakad. Gusto ko talagang malaman kung anong meron sa mga mukhang gang na yon. Baka may mangyaring masama kay Michael, baka saktan siya. Ang dami pa naman nila at alam kong hindi niya kakayanin ang mga yon kahit na may magandang pangangatawan si Michael na pwedeng ipang-protekta niya.

"Pakitakpan ang leeg mo. Nandidiri ako sa nakikita ko." Nagulat ako nang biglang may magsalita. Si Shane nakatayo siya ngayon sa gilid ng hagdan at nakahalukipkip.

"Anong ginagawa mo jan?" Sigaw ko dahil sa pagkabigla.

"Obvious ba? Nakatayo." Pagsusungit niya, lumapit siya sa akin at marahas na tinakpan ng buhok ko ang aking leeg. Napaatras naman ako sa ginawa niya, naalala ko ang ginawa ni Michael sa leeg ko kanina at hindi ko alam kung ilang marka ang naiwan doon.

"Hindi na ako bata para hindi malaman kung ano yan." Nakita ko na naman ang nakakaasar na ngisi niya, umalis na siya sa harapan ko. Mabilis akong umakyat sa kwarto ko, nilock ko ang pinto at tumingin sa salamin.

May tatlong marka pala ako sa leeg.

"Shit, paano nalang kung sila dad ang nakasalubong ko kanina?"

Naligo muna ako at pagkatapos tinakpan ko ng concealer ang marka sa leeg ko.

"Tsk, paano ba 'to?" Bulong ko dahil medyo kita pa rin ang marka, mabuti nalang at mahaba ang buhok ko.

"Sabrina??" Narinig kong tawag ni Mom, nagmadali akong mag ayos at binuksan ang pinto.

"Mom!!".

"Oh? Para namang nakakita ka ng multo. Nag grocery kami ni Shara, binilhan kita ng mga kailangan mo." Nakangiting sabi ni Mom at pumasok sa kwarto ko.

Ipinatong niya sa kama ko ang tatlong balot ng napkin at mga bagong make up na magagamit ko sa modelling at pabango. Pumasok si mom sa cr.

"Ibaba mo na 'tong mga Shampoo mo na walang laman. Ikaw talaga."

"Opo!" Sagot ko habang pinapanood siyang inaayos ang mga bagong shampoo at kung ano ano pang kailangan ilagay sa Cr ko. Kinuha ko naman yung mga bote ng shampoo na wala ng laman.

"Body wash!" Ipinakita sa akin ni mom ang dalawang bote ng body wash. "Watermelon ang scent niyan anak, kaya mabango."

"Thank you, mom."

Pagkatapos ayusin ni Mom ang mga gamit ko ay sabay na kaming bumaba, nagpatulong din si mommy na magluto.

"Mom si dad ba strict noon pa?" Tanong ko habang hinahalo yung sinigang, masyado kasing mahigpit si Dad eh, kaya kay Mom ako palagi nagpapaalam kapag may gusto akong puntahan.

"Hmm, hindi naman. Simula lang ng dumating kayo sa buhay namin ng Dad mo naging responsible na yang Daddy mo, nako napaka isip bata kaya niyan noon." Natatawang sabi ni Mom.

Napapitlag ako nang mag ring ang cellphone ko, ng makita ko ang pangalan ni Michael mabilis kong sinagot yon.

"Nakauwi ka na?" Kinabahan ako ng marinig kong parang hirap na hirap siyang magsalita.

"Mom, saglit lang po." Sabi ko saka tumakbo ako patungo sa garden.

"Anong nangyari?!! Bakit ganyan ang boses mo?" Narinig ko ang pilit na tawa niya.

"I'm okay, love..." Bulong niya sa kabilang linya, halatang halata na hirap siya.

"Hindi ka okay! Nasaan ka ngayon?" Nanginginig ang boses ko sa pag aalala.

"H'wag ka ng mag alala, ang importante nakauwi ka ng maayos." Nagbusy na sa kabilang linya.

Tinawagan ko siya pero patay na ang cellphone niya. Napaupo ako hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa sobrang pag aalala.

__

Tatlong araw na ang lumipas pero wala parin akong natatanggap na tawag o text mula kay Michael. Nandito kami ngayon kela Tita Maria at mas lalo akong nag alala nang sabihin ni Tita Maria na nagpaalam sa kanya si Michael na may pictorial siya sa Palawan na ang totoo ay wala naman.

"Nagpunta po ba siya dito?" Tanong ko, nandito kami ngayon sa kusina.

"Hindi hija, tumawag lang siya. Biglaan daw kasi, tinanong ko nga kung kasama ka eh, ang sabi naman niya puro lalaki lang daw ang may pictorial sa Palawan. Bakit parang hindi mo alam diba pareho lang naman kayo ng manager?" Pagtataka ni Tita Maria.

Pinag iisipan ko kung sasabihin ko sa kanila ang nakita ko sa bar, pero hindi ko alam kung bakit may nagtutulak sa akin na h'wag sabihin hangga't hindi ko nakakausap si Michael.

"Ma, si Kuya." Napalingon ako kay Michelle na ngayon ay inaabot ang cellphone kay Tita Maria, agad akong lumapit kay Tita.

"Michael? Oh, mabuti naman at maayos ka lang diyan. Kailan ka uuwi? Hindi mo pa alam? Ano ba naman yan, bakit sobrang tagal naman yata niyan mag aapat na araw na kitang hindi nakikita anak. Haay, basta mag iingat ka diyan. Teka, nandito si Sabrina gusto mo ba siyang makausap? O-okay." Ibinalik na ni Tita ang cellphone kay Michelle.

"Nagmamadali daw siya dahil start na ang pictorial niya."

"O-okay lang po yun." Kahit alam ko sa sarili ko na hindi.

Mas lalo akong nalungkot dahil ayaw niya yata akong kausapin. Ano ba kasing nangyayari sa kanya?

Ngumiti nalang ako ng pilit, pumunta muna ako sa sala at naisipan kong tawagan si Michael pero nakapatay pa rin ang cellphone niya. Hanggang sa may tumawag sa akin na unregistered number.

"Hello?"

"Okay lang ako." Malamig na boses ni Michael yon.

"Michael..."

Pero yun lang ang narinig ko mula sa kanya, nag-busy na sa kabilang linya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako makagawa ng paraan para hanapin siya, namimiss ko na siya at nag aalala ako sa kanya. Girlfriend niya ako pero bakit ayaw niya akong isali sa pinag dadaanan niya kung ano man yon? Pakiramdam ko sasabog na yung dibdib ko dahil sa pag aalala ko sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top