Chapter 5 - Still Curious About JT

 Tristan POV

 “Pa, I can't go back to Manila for a dinner today.  May tinatapos akong portrait nina Lolo Jandro at Mamita Juliana.”  kausap ko sa phone si Papa.  Pinababalik niya ko para makadalo sa dinner sa Montecillo family.  

 “Pero nasabi ko na sa'yo to, a week ago.  Sana tinapos mo na hanggang kahapon.”  may disappointment sa tinig ni Papa.  More than one week na ko dito sa Laguna.  Yung first few days ay nasa kabilang bahay ako sa side ni Mama.  Five days ago, dito naman ako sa side ni Papa.  Umuwi rin sina Lolo at Mamita from Italy at dito na gustong mag-stay.  Hindi na sila babalik don.

“Pa, you're an artist, too.  Of all people, you should understand me.  Hindi minamadali ang pagpipinta.”  narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Papa.

 “Naigawa ko na naman ng portrait ang Lolo at Lola mo.  Bakit kailangan igawa mo ulit?”  alam kong sinabi lang ni Papa yan para kumbinsihin akong lumuwas ng Manila.

 “Iba ang gawa mo – at iba po ang sa akin.  Siyempre, gusto rin nina Lolo na yung apo nila ang magpinta sa kanila, di ba?”

“Pero akala ko ba gusto mo ng makita si Jem.” pangungumbisi pa rin niya.

“Magkikita naman kami sa birthday nila.  Pa, I really need to go – kawawa naman sina Lolo kanina pa nangangalay sa pag-intay sakin.  Bye Pa!”  Tinapos ko na ang usapan namin ni Papa.  Medyo maykakulitan talaga si Papa.  

Ewan ko bakit gusto niyang magkita kami ni Jem.  Ipinakita ko sa kanya yung babaeng ipininta ko at kinumpirma niya na si Jem nga iyon.  Pinuri pa nga nga niya ang gawa ko dahil kuhang kuha ko raw ang itsura ni Jem, ipinakita ko rin yung picture sa cellphone ko na pinag-kopyahan ko.  Not bad for an amateur painter like me daw.  Halos ipagtulakan na niya kong ligawan ko si Jem.  

Magaling na painter si Papa, siya ang idol ko.  Bata pa lang ay nakahiligan ko na ang magdrawing at magpinta ng kung ano-ano lang.  Parang abstract lang, yung unang ipinta ko nung 3 years old ako.  Nasa room ko pa rin until now.  Yung iba, naibenta na ni Papa sa Art Gallery.  Mabilis daw nabenta lalo na ng malaman isang bata ang nagpinta.

Talaga naman tinatapos ko 'tong portrait nina Lolo.  Nakaupo sila sa ilalim ng malaking punong mangga na nasa medyo mataas ng burol.  Magka-akbay.  Dito daw sila madalas magkita noon magnobyo pa lang sila at dito na rin daw nila gustong pumanaw.  They are in their late 70s but they are looking in each other like they are very much inlove with each other.  Sila ang madalas namin kasama sa Milan pag may school dahil madalas rin umuwi ng Pilipinas sina Mama at Papa para asikasuhin ang mga negosyo namin dito.

“Tristan, hijo.  Si Papa mo ba yung tumawag?  Bakit raw?”  tanong ni Lolo. 

“Pinapabalik na po niya ko sa Manila ngayon dahil may dinner po sa mga Montecillo.”

“Eh, di dapat pala bumaba na tayo?  At ng maihatid ka na ng drive pa-Manila.”

“Hindi po ako sasama sa kanila, Lo.  Sabi ko tinatapos kong portrait nyo.”

 “Eh, tapos na yan, kanina pa.  Bakit naman?  Akala ko ba gusto mong ligawan yung anak na dalaga ng Montecillo.  Ano nga ba ang pangalan niya?”

“Lo, sino naman po ang may sabing gusto kong ligawan si Jem?”

 “Ikaw?  Sino pa?  Mula nung bata ka bukam-bibig mo na ang batang iyon.  Binigyan mo pa nga ng bulaklak, di ba?  Napanood ko pa nga ang video na yon.  At nakita ko siya nung isang araw sa TV – siya yung modelo ng shampoo, di ba?  Napakagandang bata, kamukhang kamukha ng Mommy niya.  May edad na ko, apo.  Pero matalas pa ang memorya ng abuelo mo hindi pa ko ulyanin.”  Oo nga, commercial model pa rin pala sila.  At ang advertising agency ni Mama ang gumagawa ng mga commercial nila.  Hindi naman kasi ko bumibisita sa agency ni Mama  at hindi rin naman niya dinadala ang trabaho niya sa Italy pag nandon siya.  Kaya hindi ko talaga nakita ang mga pictures ni Jem.  At nawala na nga ako ng interest sa kanya, three years ago.

“Lo, bakit lagi nyo ikinukumpara si Jem sa Nanay niya at pano niyo nakilala si Tita Joelle?”

 “Eh, kanino ko ikukumpara  sa Nanay ng iba?” anak ng tokwa, pilosopo ang lolo ko.  Sa kanya siguro ko nagmana ng pagkapilosopo.  “Eh, sila ang mag-ina.  At talagang parehas maganda ang mag-ina yan.  Paano di ko makikilala, eh, di ba sa MGC ko nag-ti-trabaho dati.  Kaibigan ko ang lolo ni Jem.  Naalala ko pa nga nung unang pasok sa MGC si Joelle, napakagandang bata at nakapakatalino pa.  Kung alam ko lang na tulad niya ang gusto ng Papa mo, naipakilala ko siguro siya agad.  Huli na ng makilala siya ng Papa mo, may asawa na siya.”

“Lo, kung nagkakilala sina Papa noon, eh di wala kayong guapong apo ngayon.”  idinaan ko sa biro ang masakit na katotohanan gusto nga ni Papa ang Nanay ni Jem.  At mukhang boto rin si Lolo sa kanya.

 “Ha ha ha, kung sabagay nga.  Akala ko ang magiging mga apo ko yung triplets ni Joelle.  Todo suporta kasi ang Papa mo kay Joelle nung mawala si Tito JX mo at ipinagbubuntis noon ni Joelle yung triplets.”

 “Nawala si Tito JX?  What do you mean, lo?”

 “Jandro, kailangan mo ba talagang ikuwento sa apo mo ang pagkahumaling ng anak mo kay Joelle?”

 “Mamita,  I just want to know the story.   Please, ikuwento nyo na?”

 “Ubo-ubo. . . ubo. . .”  sinumpong si lolo ng ubo niya.

 “Apo, iligpit mo na tong mga gamit natin at bumaba na tayo.  Baka hikain pa tong lolo mo, pagabi na!”  sabi ni Mamita.

“Ubo- ubo . . . ikukuwento ko sa'yo sa susunod, apo.  Matanda na lolo ko, marami ng nararamdaman. Ubo . . .ubo. .. ubo!”  hindi na ko nangulit.  Iniligpit ko ang mga gamit ko at inalalayan sina lolo bumaba sa burol.  

 Pagkababa naman namin ay kumain lang kami at nagpahinga na rin ang sina lolo.  Itong silid ni Papa ang ginagamit ko.  Tiningnan ko ang portrait na ipininta ni Papa noon almost 18 years ago base sa date na nakasulat.  Lahat ng painting ni Papa laging may date.  At minsan nakalagay pa likod kung ano ang occassion at lugar.  Minsan ay may nakadikit pang maliit na papel na story ng painting.

 Inalis ko sa pagkakasabit ang painting at tiningnan ang likod.  May date nga at kung sino ang nasa portrait.  Kahit naman hindi ko tingnan, obvious naman na si Tita Joelle at ang triplet ang kasama ni Papa dito.  Binyag pala nina Jem ito.  Base sa date, hindi pa kasal sina Mama at Papa at that time. 

 So, noon siguro nag-umpisa ang relasyon sina Papa, baka ito yon kasalukuyan nawawala si Tito JX.  Natigil lang siguro ang relasyon nila nung bumalik si Tito JX pero ipinagpapatuloy pa rin nila pag nagkaroon sila ng pagkakataon.  Nakuyom ko ang palad ko.  Bakit ba hanggang ngayon nagtitiis si Mama kay Papa?  Alam kaya ni Tito JX ang relasyon nina Papa at asawa niya?  As much as possible, ayoko siyang tawagin Tita.  I hate her!  Bakit kasi siya pa ang naging Nanay ni Jem?

Kaya ayokong dumalo sa mga pagtitipon nila.  Nagpi-plastikan lang naman sina Mama at Nanay ni Jem.  Niloloko niya lang ang pamilya niya.  At si Mama, nag-titiis lang siya.

Jem POV

 Kahapon pa kami nakabalik from Palawan at ngayon may dinner naman sa bahay.  Pupunta ang mga kaibigan nina Nanay at pati na rin sina Ninong Liam.  Makikita ko na rin ulit si JT.   Ano na kaya ang itsura niya ngayon?  Tumangkad na kaya siya?  Guapo rin kaya siya tulad ni Ninong?  Huh?  Bat ba naisip ko pa yon.  Ano ba pakialam ko kung guapo siya or hindi?  Siguro ini-expect mo talagang manliligaw siya sa'yo.  Sabi ng naughty conscience ko.  Ganon?  Ligawan agad – di ba puedeng maging friend lang ulit.  Bata pa kami.  Sabi naman ng matinong kunsensiya ko.

Unang dumating sina Ninang Joyce at Tita Sarah at family nila.  Malapit lang kasi ang bahay nila sa'min.

“Wow, ang ganda naman ni Precious Jem.  Sino pinagpapagandahan mo?”  Ewan ko kung tutoong pinupuri ako ni Kuya Christian or nang-aasar lang.

“Huh?  Naka-bestida lang may pinagpapagandahan na agad.  Di naman ako over-dress ah, naka-bestida rin sina ate Marjorie at Ate Danielle.” I do my mannerism agad.

 “Ching, bagay sa'yo ang mag-bestida lalo na yan favorite color mo.  Dapat lagi kang magbestida, kitang-kita ang feminine beauty mo.” seryosong sabi naman Kuya Jomel na medyo nakatulala pa – parang gandang-ganda talaga siya sakin.

“Thanks Kuya, but don't call me Ching anymore.  Hindi na ko tabachingching o!” Lumakad pa ko na parang model sa harap nila.  Nandito kami sa maluwag na bakuran sa gilid ng pool,  dito kami sa labas kakain.  May  dalawang mahahabang mesa na isinet-up dito.   Sa mga kids yung isa at sa mga parents yung isa.  Di ko masabing oldies kasi ang gaganda pa rin at ang guguapo pa rin ng mga parents namin.

 “Uy, parang alam ko kung sino ang pinagpapagandahan ng little Miss natin.”  panunukso naman ni Ate Danielle.

“Uy, ayan na ata dumarating na ata.”  sabi pa ni Ate Marjorie.  Napatingin tuloy ako sa dumating na sasakyan papasok sa gate.  Bumaba si Ninong Ben, Ninang Reese at Delaine.  “Ay, iba pala.  Disppointed si Precious Jem.”  

“Hindi kaya.”  Sinalubong ko sina Delaine.  Sumunod din naman sakin sila at bumati rin kina Ninang Reese.

“Guys, you know Delaine. Right?”  Nag-Hi naman sila kay Delaine.

“Biglang taas ka, Delaine ah.  Ilan taon ka na ba?”  tanong ni Ate Danielle.

“I'm sixteen already.”  she smile sweetly.  Maganda si Reese, maputi at matangkad na nga.  Kasing taas ko na rin siya.  I'm just 5'3”.  May maliit siyang dimple sa gilid na labi parang si Ninong Ben.

 “Uy, sweet sixteen.  May boyfriend ka na?”  tanong ni Ate Marjorie.

“Ha?  Secret.”  medyo namula yung muhka ni Delaine.

 “May boyfriend ka na nga?  Sino? Schoolmate natin?”  Sunod-sunod kong tanong kay Delaine.  Di ko alam yon ah.  Kung sabagay di naman kami classmate, schoolmate lang dati nung Senior HS kami.  “Alam ba nina Ninong?”

 “No, secret nga eh.  But my parents don't have a rule – that I'm not allowed to have a bf.  Di ba, Jonnell?” pilya pa ngumiti si Delaine.

 “Huwag mong sabihin boyfriend mo na si Deven?  Ingat ka don, nangongolekta lang ng babae yon.  Gusto nga non pormahan dati si Jem.  Hindi lang siya oobra sa min ni Jomar.”

 Nag-pout si Delaine.  “Di naman si Deven, noh.  Si Luke!”

 “Si Luke.  Hmmm. . . okay!  Medyo mas matino naman yon.  Isumbong mo lang sa'min ni Jomar, pag niloko ka.”

 “Nagtapos lang kami ng HS, nakipag-boyfriend ka na ha.”  Kinurot ni Jomar ang pisngi ni Delaine.

 “You're so mahigpit kaya.  May pumorma lang sa'kin dati, you're scarring them away.”  

 “We're just protecting you – like our sister!  Basta huwag kang sasama makipag-date alone.  Alam mo naman sa Canada – bihira ang seryoso – they just want to get on top you of girls.  Kaya medyo mahigpit kami kay Jem at gayon din sa'yo.”  inakbayan pa ni Jomar si Delaine.  Para talaga siyang big brother sa min ni Delaine.

 “Tama si Jomar, Delaine.  Huwag ka papadala sa mga dare dare ng mga barkada – alam mo naman don.  Ipinagkakalat pa nila kung sino mga naka-sex nila.”  sabi ko.

 “Mga babae ang nagsasabi non?”  nanlalaki pa ang mata ni Ate Marjorie.

“Yeah, para bang proud pa sila kung sino-sino yung nakasama nila the other night.  Pinagtatawanan nila ang mga virgin.  But I don't care kung pagtawanan nila ko.  It's my life and it's myself.  I have to protect myself.  So, choose the friends with the same principles as mine.”

 “Good decision, ching!”  kinurot pa ko ni Kuya Jomel sa ilong.

 “Bro, kayong dalawa.  How many girl did you – you know?”  pilyong tanong ni Kuya Christian.

 “Bro, we don't talk those things in front of the ladies.  Lalo na infront of my sister baka isumbong kami kay Nanay.”  my brother Jonnell smile naughtyly.   

 “Talagang isusumbong ko kayong dalawa.  You're naughty boys.”  

 “Sis, hindi lahat ng boys naughty.”  sabi ni Jomar.  Napatigil kami sa kuwentuhan nung may dumating ulit sasakyan.  Nakita kong kumaway si Wilma.

 “Uy, nandyan na ang iniintay mo.”  sabi ni Ate Danielle.  Excited din ako, medyo kinakabahan pa.  Naglapitan kami sa bagong dating – di lang siguro ako ang curius na makita si JT.

 “Hi, everyone!”  very friendly na bati ni Wilma.  Bumaba ang tatlong nakasakay sa kotse.  Wala si JT obviously.  Humalik ako kina Tita Jorie.

 “Dalagang dalaga ka na, Jem.  Kamukha ka ng Mom mo nung una ko siyang makilala.  You're so pretty.” sabi ni Tita Jorie.  Her smile is very accomodating.

 “Salamat po, Tita.  Kayo rin parang hindi nagbabago. Ang ganda ganda nyo pa rin po.”  At hindi ako nanbobola.  Magkamukha kaya sila ni Nanay.  At talagang parehas silang maganda.

 “Hi, Ninong!”  Humalik ako kay Ninong.  “Kayo lang po?  Di nyo po kasama si JT?”  lakas loob kong tanong.  Curious naman talaga kong makita siya.

 “May tinatapos kasing painting sa Laguna kaya hindi siya naka-balik ng Manila ngayon.  Para kasi sa lolo't lola niya.”

“Okay lang po, Nong!  Ganon po siguro ang painter noh, laging tutok sa trabaho.  But I'm glad nakarating po kayo nina Tita.”  Niyaya ko na si Ninong sa grupo nina Tatay.  Si Nanay kausap na si Tita Jorie, para talaga silang kambal.  

 Balik ako sa grupo ng mga kabataan.  Todo smile lang ako, ayokong ipahalatang disppointed ako.

 “Jem, asan daw si JT?”  bulong ni Ate Marjorie kasi nasa grupo lang namin si Wilma.

 “Nasa Laguna, may tinatapos na painting ng lolo at lola.”  bulong ko rin kay Ate.

 “Disappointed ka?”

 “Hindi ah.  Okay lang yon.”

 “Disappointed ka – huwag mo ng i-deny!”

 “Oo na, medyo!  I'm just curious - you know.  But that's okay – ikakain ko lang 'to.”  Lumapit na nga ako sa buffet table para kumuha ng pagkain.  Si Nanay nandon din kausap si Tita Jorie at Ninong Liam. 

 “You must try this one.  Si Jem ang nagluto niyan.” sabi ni Nanay.

 “Si Jem, marunong magluto?”  parang nagtataka tanong ni Tita.  Tinikman naman niya yung niluto ko.  “Hmm. . . it's really good.  She should teach me to do this.”

 “Mahilig talaga siyang mag-experiment ng kung ano-ano sa kusina.  Most of the dessert, siya rin ang gumawa.” bida pa ni Nanay.

 “Ching, ano mga niluto mo dito?”  Tanong ni Kuya Jomel, kasunod ko pala.

 “Iyon lang.”  Itinuro ko.  “Pero halos lahat mga menu ko.  Sige nga, i-try mo lahat.  Tell me kung alin ang hindi okay.”

 “Lahat?  Ang dami kaya niya.  Hindi kaya tumaba ako?”

 “Hindi yan noh.  Don't tell me mas malakas pa kong kumain kaysa sa'yo.”  Inumpisahan kong kunin lahat.  Kumuha rin si Kuya Jomel kung ano yung kinukuha ko.

 “Jem, sigurado kang kaya mong ubusin yan?  May contest na naman ba kayo ni Jomel?”  tanong ni Kuya Christian.

 “Baka hindi na mangkasya sayo ang gown mo sa debut mo?”  sabi ni Ate Marjorie.

 “Konti pa yan kinuha niya, for sure babalik ba siya.  Mas malakas pang kumain sa'kin yan eh.”  sabi naman ni Jonnell.

 “Di nga?”

 “Gusto kong tikman lahat tong menu ko para alam ko kung ano ang masarap at hindi.  Tikman nyo rin and tell me, okay.”  Kain lang ako.  

 “Kuya, on diet ka?  Bakit hindi ba masarap?”  Kasi patapos na ko siya hindi pa nangangalahati.  “Bilisan mo – marami pa tayong titikman.”

 “Ha?  Eh, parang nabusog na kong tingnan kang kumain.”  Pinunasan pa niya yung gilid ng labi ko.

 “Ha  ha ha.  Sabi sa inyo, eh!  May hidden pouch yan eh.”  pang-aasar ulit ni Jonnel.  

 “Ewan ko sa iyon.  Teka kuha lang ako ng dessert.”  Pagbalik ko nagsasalita si Wilma.

 “Matangkad, guapo rin, moreno ng konti, singkit.”  sabi ni Wilma.

 “Sino ang idinedescribe mo?”  tanong ko.

 “Si Kuya, tinatanong kasi nina Ate Marjorie eh.”

 “Ahh, okay!”  Nilantakan ko na lang yung mga dessert.

 “Okay ka lang ba?”  tanong ni Kuya Jomel.

 “Umm..umm”  huni ko kasi puno yung bibig ko.  Nilunok ko muna yung kinakain ko bago ko nagsalita.  “Bakit mo naman naitanong?”

 “Para kasing ang tahimik at idinadaan mo lang sa kain.”

 “Ang sarap lang kasi – tikman mo, o!”  Isinubo ko sa kanya yung  leche flan na ginawa ko.  “Ang sarap, di ba?”

 Tumango naman siya.

 Matapos kumain nagpunta lang kaming mga kabataan sa Joelle's Own Place.  Napagkasunduan manood lang na movie.  May dalawang row ng upuan na tig-10.  Mas mataas din yung nasa bandang likod. 

Sa likod kami nakapuwesto lahat.  Si Kuya Jomel, Ako, Si Kuya Christian, Ate Danielle, Ate Marjorie, Wilma, Delaine, Jomar and Jonnell.

 Si Jonnell ang namili ng movie.  Isinalang muna yung DVD bago binuksan ang projector.  Nung magliwanag yung screen, napatili kami ang biglang lumabas sa screen si Chucky!  Napayakap ako sa katabi ko.  Sa lahat ng ayoko ang horror movies.  Hindi ako mahilig manood ng horror movie.  

 “Ching, okay ka lang?  Nanginginig ka, ah.”

 “I'm not,  please, help me – ilabas mo na lang ako dito.”  Nakapikit ako pero parang mukha pa rin ni Chucky ang nakikita ko at nakatakip ang kamay ko sa tenga ko.

 Inalalayan niyang kong lumabas.  “Jem, you can open your eyes now.  We're outside.  Okay ka lang ba?”  Inalalayan niya ko hanggang sa kusina at bigyan ng tubig.

 Maya maya ay kasunod na namin si Jonnel.  “Sis, I'm sorry.  I forgot.  Okay ka na ba?”

 “I'm not.”  Pinaghahampas ko sa dibdib niya si Jonnell.  At di ko na mapigil ang umiyak ng umiyak.  Niyakap naman niya ko ng mahigpit.  “I'm sorry, sis, I'm sorry.”

 Binitiwan lang niya ko ng kumalma na ko sa pag-iyak.  “Sis, please forgive me, I'm really sorry.”

 “I will forgive you kung babantayan mo kong matulog mamaya.”

 “I guess I deserve your punishment – okay, I will!”

 “Care to share what's happening?  Nanginginig ka kanina, Jem?”  tanong ni Kuya Jomel na lipat tingin sa'min ni Jonnell.

 “May trauma sa horror movie si Jem.  When we we're ten, nag sleep over siya sa bahay ng isa sa mga kaibigan niya.  I think 5 girls siya.  Nanood sila ng horror movie at magha-holloween noon kaya napag-tripan din siya na takutin nung mga kaibigan niya using some scary masked.  She was still shocked nung sunduin namin siya.  Nagkasakit rin siya noon.  Kaya mula noon – hindi na siya nanonood ng mga horror movies at hindi rin siya nag-ti-trick or treat.”  paliwanag ni Jonnell kay Kuya Jomel.

 “Okay ka na ba, sis?  Please huwag mo akong isusumbong kay Tatay.  Basta sasamahan kitang matulog sa room mo mamaya.”

 “Okay na ko.  Sige, bumalik na kayo don.  Dito lang ako.”

 “Samahan na lang kita dito.”  sabi ni Kuya Jomel.  “Gusto mo bang kumain na lang ng dessert?  Ikukuha kita.”

 “Sige.”

 “Sige, Bro.  Ikaw muna bahala sa kapatid ko.”  Bumalik na si Jonnel sa theater room.  Nakabalik na rin si Kuya Jomel may dalang iba't ibang dessert.

 “Thank you kanina at sorry rin kasi ang higpit ng yakap ko.  Natakot kasi ko eh.”

 “Okay lang.  Akala ko tinatyansingan mo lang ako.” He smirked  at kinindatan pa ko.  Napangiti tuloy ako.  “Kaso naramdaman ko ang panginginig mo.  Kaya naisip ko something must be wrong.”

Jomel POV

 “Pasensiya na kung natiyansingan kita,  Kuya, hi hi hi.  Ayan sa'yo ko tuloy naibigay ang first hug ko.”  She blew air from her mouth upward to her bangs.  

 “First hug mo pala yon eh, suwerte ko pala.  Puede rin ako ang magbantay sa'yo mamaya.”  Her first hug for me.  One point – Jomel.

 “Ha ha ha!  Hindi puede yon, bawal pumasok ng room ko ang ibang boys.  Yung kambal ko lang at si Tatay ang puede.  Alam naman ni Jonnel kung paano ko patulugin, kakantahan lang niya ko.  Then, pagtulog na ko lilipat na rin yon sa silid nila ni Jomar.”  

 “Mahal na mahal ka ng mga kakambal mo, noh?  Spoiled ka sa kanila?”

 “Oo, ikaw ba mahal na mahal mo rin si Ate Marjorie, di ba?”

 “Oo naman.  Over protective din ako sa kanya.  Kaya ilag din manligaw ang mga lalaki sa kanya.  Lalo na kung hindi seryoso.”

 “Iyon ang sarap ng may kapatid na lalaki, they're always protecting me.  Kahit madalas akong asarin ni Jonnell alam kong loves na loves niya ko pero si Jomar, hindi naman gaano nang-aasar – he always act like my big brother.”

 “Ano gusto mong gawin – gusto mo bang kantahan kita?”  parang harana lang.  Gusto ko sana siyang haranahin pero hindi pa puede ngayon.

 “Marunong ka bang mag-gitara or magpiano?”  

 “Hindi - pero marunong lang akong kumanta.”

 “Sige, don tayo sa music room.”  Umupo siya sa harap ng grand piano.  

 “Ano gusto mong kantahin?”

 “Happy Birthday!”  Tinugtog nga ang happy birthday.  Kinanta ko naman.  “Advance happy birthday, ching!”  kinurot ko yung ilong niya.  Ang cute kasing kurutin.

 “Thank you, bat me kurot pa – ang sakit kaya!”  she did her mannerism agad,

 “Ching, alam mo bang tugtugin yung 'Sana Sa'yo na Lang Ako'?”  Gusto ko sanang kantahin sa kanya yon.  At literal ang meaning non para sakin. . . sana sa kanya na lang ako at siya sa kin.

 “Hmmm. . . hindi, eh.  Hanapan mo ko ng chord para ma-practice ko sa gitara.”  

 “Puede mo ba kong turuan mag-gitara?”

 “Sure.”  Kumuha siya ng isang gitara.  At iniabot sa akin.

 “You have to seat down comfortably here.”  Inayos pa niya sakin yung gitara kung paano hawakan.   Sinimulan niyang ituro ang mga chords.  Isa-isa.  Matiyaga siyang magturo.  

 “Kung kantahan mo na lang kaya ako?  Mukhang di naman agad ako matututo nito.”

 “Kailangan matiyaga ka, habang nandito ko sa Pinas, araw-araw kitang tuturuan.  Basta punta ka dito araw-araw after your class.”

 “Sure, that's a deal!” siguro hindi lang labi ko nakangiti baka pati mga mata ko nagniningning. Aaraw-arawin ko talaga ang pagpunta dito. 

 “Oo.  Sige, kantahan na lang kita.  Ano gusto mong kanta?”

 “Yung nasa album ng parents mo,  yung kinanta ni Ninang Joelle kay Ninong JX.  Dahil Minahal mo Ako.”

 “Sure – that's one of my favorite.  I would like to sing that to the man I will love. . . soon!  For now, sa'yo ko muna kantahin.”  Sana ako yung lalaking mamahalin mo. . . soon!  Sa ngayon, nanamnamin ko munang makantahan ng isang Jem Montecillo.

 Dahil Minahal Mo Ako

Langit ang nadarama

Pintig ng Puso ay Kakaiba

Basta't kasama ka

Wala akong mahihiling pa

Sa taglay na katangian at kabaitan mo

Nabihag at umibig sayo

Ang puso kong ito

 Sana, Jem, makita mo ang mga katangian ko at umibig ka rin sa akin.  Sa lambing ng boses ni Jem, parang lumilipad ako  at natutulala lang sa kanya.

 “Hoi, bat nagsosolo kayo dito?”  nagulat ako sa biglang paghataw ni Christian sa balikat ko.  “Jem, hinaharana mo ba si Jomel?  Kayo na bang dalawa?  Bakit di na kayo bumalik don?”  

 Loko talaga tong si Christian, binatukan ko nga.  “Anong pinagsasabi mo dyan?”  Baka mamaya magalit si Jem.

 “Kuya Christian,  di ako puede sa mga horror movies eh.  Nagpapaturo kasing maggitara si Kuya Jomel kanina, eh napagod na kaya nagkantahan na lang kami.”

 “Si Jomel, nagpapaturong maggitara?”  nakangisi pa ang loko na parang nang-aasar.

Binatukan ko nga ulit.  “Oo, nagpapaturo akong maggitara kay Jem.  Bakit may anggal ka?”

“Wala naman, sabi ko nga magpaturo ka kay Jem.  Magaling maggitara at kumanta si Jem eh.  Ako ba. Jem, puedeng magpaturo rin?”

 “Huwag kang epal – kay Jonnell ka na lang magpaturo.”  itinulak ko na palabas ng music room.  Tawa naman ng tawa si Jem sa amin.

 “Ang kulit nyong magpinsan.”

 23 July

 My Precious,

I'm a bit disappointed dahil hindi pumunta si JT sa dinner.  Siguro nalimutan na niya kami kaya balewala lang sa kanya na hindi kami magkita.  But who cares – kung ayaw niya kaming makita.  Sino ba siya para pag-aksayan ko pa ng oras.  

 I thought I already overcome my trauma sa horror movies.  Hindi pa rin pala.  Eto tuloy si Jonnell ngayon at tinutugtugan ako at sasamahan ako dito sa silid ko hanggang makatulog ako.

 Buti na lang at si Kuya Jomel ang katabi ko at yumakap sa kin nung natatakot ako kanina.  I feel safe in his embrace – he's so caring and sweet!  Sana tulad niya ang maging boyfriend ko in the future!

 Date Written:  November 27-28, 2014    Date Published on Wattpad: 8 January 2015

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top