Chapter 2: Reminiscing Childhood Moments

Chapter 2: Reminiscing Childhood Moments

Jomel POV

Ting --> tunog yan ng oven, luto na yung ginawa namin cookies. Ako na ang naghango sa oven. Nagtimpla na ng juice si Jem.

"Hey, guys, snacks are ready!" sigaw ko sa kaibigan namin.

"Oh, yeah! It's smell so good."

"I'm on the diet but its so tempting - it's smell so delicious!" Pati yung dalawang nasa library, lumabas rin.

"Ching! O, tikman tong gawa natin bago ka maubusan." sinubuan ko siya at kinagat niya. "Pasado ba?"

Nagthumbs-up siya dahil may laman yung bibig niya. Eh, sa puso mo pasado ba ko? Siya yung secret dream girl ko.

"Sarap naman ang gawa mo. Ikaw naman halos ang nag-prepare nito. Puede ka ng mag-asawa, Kuya!" sabi ni Jem. Ha ha ha, cookies pa lang tong itinuro niya.

"Precious Jem, di pa puede - alangan naman cookies lang ipakain niya sa'yo este sa magiging asawa niya." singit ni Christian. Loko talaga to - ibinubuko pa ko. Pero parang hindi naman napansin ni Jem.

"Jem, look what I found at the library." Iniabot ni Ate Chrissah kay Jem ang isang makapal na book at binuksan sa gitna na may nakaipit.

"Oh, I remember this. . ." she smile in amazement sa limang tuyong orchids na nasa tuyong stem pa rin nito.

Jem POV

"What is the name of that little boy that gave that to you?" tanong ni Ate Davimmy.

"Si JT po, Ate - anak ni Ninong Liam."

"Oh yeah, I remember that cute boy. I never see him for a long time. Binata na rin siguro siya ngayon, right?" sabi pa niya ulit.

"He's sixteen by now. Two years older kami sa kanya" sabi ko.

That was nine years ago when he gave that purple orchids. I think its Christmas gathering nina Nanay at ang mga kaibigan nila, dito sa bahay ginanap, it's a few days before ng school play yon.

Flashback

"1,2,3,4,5,6,7,8,9,10 Ready or not - here I come!" naglalaro kami ng taguan, ako ang taya. Nandito kami sa gilid ng bahay malapit sa pool.

"Bung Jonnel. Bung Kuya Christian. Bung Ate Danielle." sunod-sunod ka silang nakita kasi sa mga halaman lang naman sila nagtago.

"Hindi ako si Jonnel." sabi ng kambal ko.

"Hoi, maloloko mo ang iba - ako hindi!" ngiti pa lang kaya ng dalawa kong kakambal. Kilala ko na, although parehas sila ng boses. Basta kilala ko sila kahit hindi ko na tingnan ang nunal nila sa sentido.

"Bung Kuya Jomel. Bung Wilma."

"Save!" sigaw ni Jomar.

"Save!" sigaw rin ni Ate Marjorie.

"Teka, may kulang pa - asan si JT?" hinanap ko si JT sa mga puno sa likod at mga halaman. Wala. Pero napansin kong nakabukas yung green house ni Nanay. Pumasok ako. Nakita ko si JT pinitas yung bulaklak ng orchids ni Nanay. Lagot!

"JT!" sigaw ko. Nakangiti siyang lumapit sa akin habang hawak niya yung purple orchids.

"It's for you, Jem. Look it's so pretty, isn't it?" Wala akong masabi, kinuha niya itong orchids para sa'kin. Pero baka mapagalitan ako ni Nanay. Bawal kasing basta pitasin lang ang bulaklak ng orchids lalo na kung hindi nagpapaalam sa kanya.

"Thank you. Pero hindi ka dapat basta pumipitas ng bulaklak dyan. Baka magalit si Nanay."

"Ay, hindi ko naman alam. Di bale ipagpapaalam ko kay Tita."

Lumabas kami sa green house at lumapit kina Nanay, nasa tabi sila ng swimming pool.

"Nay, Tay, excuse me po." Ipinakita ko yung hawak kong orchids. Medyo nagulat si Nanay. Naglapitan din sa min yung ibang mga kalaro namin.

"Tita Joelle, sorry po. Ako po ang pumitas ng flower dahil gusto ko pong ibigay kay Jem." sabi ni JT kay Nanay.

"Nay, huwag nyo po papagalitan si JT kasi hindi naman po niya alam na bawal pitasin ang mga orchids eh." pagdepensa ko naman kay JT.

Ngumiti naman sina Tatay at Nanay. "JT, bakit mo naman binigyan ng bulaklak si Jem?" nakangiting tanong ni Tatay kay JT.

"Kasi po Tito JX, magtatago lang po sana ko. Kaso po nakita ko po yung bulaklak na kaparehas ng kulay na suot ni Jem at nagandahan po ako. Kakaiba po ang ganda nitong bulaklak na ito kaysa sa ibang bulaklak don, parang si Jem po." mahabang paliwanag ni JT.

Nagtawanan naman sila, ewan ko kung bakit - di naman nakakatawa ang sinabi ni JT.

"Pareng Liam, anak mo talaga to? Parang sa'kin nagmana eh." sabi ulit ni Tatay.

"Hindi kaya. Manang-mana nga sakin. Marunong maka-appreciate ng magaganda." sabi naman ni Ninong.

"Hoy Kuya JT, bakit Jem lang ang tawag mo kay Ate Jem. Di ba sabi nina Mama at Papa, ate Jem ang itawag natin sa kanya?" sabi ni Wilma at nakapa-maywang pa. She's five years old at that time.

"Ayoko nga siyang tawagin Ate. Paano ko siya magiging girlfriend kung ate ang tawag ko sa kanya?" Lalo naman nagtawanan sina Nanay.

"Nanay, hindi na po ba kayo galit sa'min ni JT? Puede na po ulit kami maglaro?"

"Hindi naman ako galit. Basta JT, Jem kung may gusto kayong bulaklak dito sa garden or don sa green house. Ipagpaalam nyo muna sa amin bago niyo pitasin, ha?"

"Opo." sabay namin sabi ni JT.

"Jem, nagustuhan mo ba tong bulaklak?"

"Oo, lagi ko kaya itong tinitingnan sa green house. Favorite colour ko yan eh. Purple."

"Itago mo ito ha. Paglaki natin lagi kitang bibigyan ng ganyan bulaklak."

"Itatago ko talaga ito. Ito kaya ang unang bulaklak na natanggap ko."

End of Flashback

"Hey Precious Jem!" Tinapik pa ko ni Ate Chrissah na nakapagbalik sa kin sa kasalukuyan panahon. Ang layo ng nilakbay ng utak ko.

"Huh, why?"

"I was asking nagkita na ba ulit kayo nung batang nagbigay nito sa'yo? I remember, he don't want to call you Ate because he wants you to be his girlfriend?" tukso pa nina Ate Chrissah at Ate Davimmy.

"Huh? He's only 7 and I'm 9 at that time. He don't even know what his talking about. Baka may napanood lang siya sa TV kaya niya sinabi yon." depensa ko.

"And why are you blushing? Is he gonna ba one of your 18th roses ba?" tanong naman ni Ate Marjorie.

"Yes, he is. At bakit naman ako magbi-blush?" inirapan ko sila. Pero pakiramdam ko nga mainit ang pisngi ko.

"Aren't you excited to see him again? Ligawan ka na kaya niya?" tanong naman ni Ate Danielle.

"Hep, hep, sino liligawan? Si Precious Jem? Hindi pa puede - wala pa siyang 18. At sino ang manliligaw?" sabat naman ni Jonnel may cookies pa sa bibig. Umiral na naman ang pagiging over protective.

"Eh, next month 18 na kayo. So puede na siyang ligawan." sabi ni Ate Davimmy.

"Itong unang nagbigay ng flower sa kanya." sabi naman ni Ate Marjorie.

"Sino ba unang nagbigay ng flower sa'yo - di ba si Austin?" sabat naman ni Jomar.

"Hindi ah, si JT unang nagbigay ng orchids sa kin." sabi ko.

"Ay, akala ko si Jomel ang manliligaw kay Jem." sabat din ni Kuya Christian na naubo dahil sa dami ng cookies sa bibig.

"Don't talk when your mouth is full." Inabutan ko siya ng tubig. Hindi ko pinansin yung sinabi niya. Bat naman kaya manliligaw sa'kin si Kuya Jomel, eh, younger sister niya ko. "At sino yung Austin na sinasabi mo Jomar?"

"Yung first crush mo! Ting tining ting ting. .." sabay na sabi ng kakambal ko. Ganyan sila laging sabay mang-alaska sa akin. "Remember the play when we we're grade 4?"

Jomel POV

Loko talaga tong si Christian, gusto kong ibuking kay Jem. Buti hindi ata nila naintindihan yung sinabi niya dahil puno ng cookies ang bibig. Pero hindi ko na naaalala yung batang si JT na una palang nagbigay ng bulaklak kay Jem.

Pero si Austin, kilala ko. First crush daw ni Jem yon. Ano kaya ang nakita ni Princess Jem sa lalaking yon?

Flashback

Audition sa drama club namin. Wala naman akong plano sumali dito kundi lang ako niyaya nina Christian.

"Cuz, mag-audition tayo sa drama club. Marami tayong makikilala chicks don." anyaya sa'kin ni Christian.

"Chicks? Kaya gusto mo ng sumali dahil sa chicks? Eleven years old pa lang tayo, puro chicks na nasa isip mo. Pinsan ba talaga kita?"

"Malamang - kambal ang Mommy ko at Daddy mo, di ba?" papilosong sabi pa nito. "At mag-au-audition din kaya yung triplets. Ngayon ang audition ng gaganap na Belle, at kasali don si Precious Jem. Lika baka maabutan pa natin."

Tinakbo na nga namin ang papunta sa gym. Just in time, si Precious Jem nga ang nasa stage at mqay sinabi siyang linya sa play habang kunwari ay nakaluhod siya at umiiyak.

"Perfect! Thank you Jem." sabi ni Mrs. Santos - drama teacher.

"Thank you din po, Ma'am!" sabi ni Jem habang pinupunasan ng panyo niya ang mga mata.

"May iba pa bang mag-au-audition for Belle?" tanong pa ni Mrs. Santos sa Assistant niya. Si Jem na nag huli.

"Bakit kaya nag-audition pa yon babae na yon? Ang chubby naman." sabi nung isang babae na nasa likod namin.

Tiningnan namin siya ni Christian, classmate ko pala si Mila. Na alam na ata ng buong school na may crush sakin pero todo pa-cute pa rin kahit hindi ko pinapansin.

"Kahit chubby si Jem, di hamak naman na ang laki ng ganda niya sa'yo at ang galing pang-umarte." sabi ni Christian kay Mila.

"Ay girl, si Jem pala yon. Kaibigan nina Jomel yon." sabi nung isa pa namin classmate na kaibigan ni Mila.

"Ang sabi ko nga hindi na kailangan mag-audition ni Jem kasi for sure siya ang makukuha dahil maganda nga at magaling kahit chubby!" sabay ngiti ng matamis ni Mila sa kin. Poker face lang ako.

"Paakyatin mo na sa stage yung gustong maging Handsome Prince. Mamimili na lang tayo - hindi na kailangan ang audition dahil maiksi lang naman ang role niya." sabi ni Mrs. Santos sa assistant niya.

May mga kalalakihan naman nag-akyatan sa stage from grade 4 to grade 7. Tiningnan niya yung mga lalaki.

"Wala na bang ibang?" bulong ni Mrs. Santos sa Assistant niya.

"Ma'am, excuse us po! Puede pa po ba kaming sumali ng pinsan ko?" sabat naman ni Christian. Dito kasi kami sa bandang likuran lang ni Mrs. Santos.

Humarap naman siya sa'min at tiningnan kaming dalawa. Balik tingin siya sa akin. "Si Jomel Valdez - he's perfect for the Handsome Prince. Mag-audition ka na lang sa ibang role, Christian." Kilala kami ni Mrs. Santos dahil teacher namin siya sa Music, Drama at PE mula pa noon grade 4 kami.

"Thank you po, Ma'am. May napili na po ba kayo kung sino ang gaganap na Belle?" tanong ko.

"Meron na. Ia-announce namin maya-maya pagkatapos mag-audition ng lahat. Pero ikaw ang gusto kong Handsome Prince." sabi ni Mrs. Santos ang ganda pa ng pagkangiti ni Ma'am.

"Congrats, Cuz!" nag-fist to fist kaming magpinsan.

"Mila, narinig mo si Jomel ang Prince. Dapat nag-audition ka bilang Belle?" sabi ng isang pang kasama ni Mila.

"Ma'am puede pa bang mag-audition as Belle?" tanong ni Mila kay Ma'am. Tiningnan naman siya ni Ma'am. "Beauty and the Beast kasi itong play natin. As Belle - kailangan yung namumukod tangi ang ganda ng gaganap. Puede kang mag-audition sa ibang role, Mila."

Napangiti ako ng lihim. Hindi naman kasi siya kagandahan. Nginisian naman siya ni Christian na nag-aasar.

Nang matapos na ang audition, ini-announce na nga ni Mrs. Santos ang magiging cast ng play. Si Jem ang napili as Belle. Kahit kasi chubby siya, siya talaga ang namumukod tangi ang ganda dito sa school. May talent pa talaga sa pag-arte at pagkanta. Eh, musical 'tong play namin. Puro pakanta ang script. Si Austin ang gaganap na Beast, si Jonnel as Maurice and mostly the story teller. Si Jomar, as Lumiere, the candelabra. Si Christian as Cogsworth the clock. Si Marjorie as Mrs. Potts, the tea pot.

Pagkatapos ng klase saka kami nagpi-practice. Maiksi lang ang role ko, pag-nagtransform ang beast at saka lang ako lalabas but it's worth it kasi ako yung kayakap ni Jem at magsasayaw kami. Kaya lang si Austin (Beast) yung sasabihan niya ng 'I love you' at iiyakan.

After ng performance, gusto ko sanang kunin yung mga roses na ginamit sa play para ibigay kay Jem kaso naunahan ako ni Austin at siya ang nagbigay kay Jem. Si Jem, namula ang mukha.

"Galing mo talagang umarte, Jem. Tutoong umiyak ka, ah. Nabasa ang balikat ko." sabi ko. Kasi humihikbi pa rin siya kaya alam kong tutoo yung luha niya. Kaya feel na feel ko pagyakap sa kanya. Nakangiti na siya ng sumasayaw na kami.

"Sorry, Kuya Jomel, nabasa ka ba? Syempre kailangan realistic ang drama ko." sabi ni Jem. Her smile is really sweet.

"Sabihin mo feel mo lang na talagang iiwan ka ng crush mo kaya ka tutoong umiyak." pang-iinis na naman ni JA.

"Crush mo si Austin, Jem?" nagulat ako sa sinabi ni JA.

"Shhh! Ang ingay nyo. Kuya Jomel, iniinis lang ako ng dalawang yan." Nag-pout si Jem ang cute-cute. Ang sarap kuritin ng pisngi.

"Nay, Tay, uwi na tayo." yaya ni Jem.

Sa van nina Tito JX kami sumabay. Iniinis pa rin ni JA si Jem. Pati si Tita Joelle ay hindi makapaniwala na si Austin ang crush ng Prinsesa nila.

"Precious Jem, yung gumanap na Beast ba talaga ang crush mo?" seryosong tanong ni Tita.

"Nanay! Ano naman po masama kung siya crush ko?"

"Malabo ba mata mo anak?" tanong ulit ni Tita. Tawanan naman kami. Kasi si Tita hindi makapaniwala sa itsura.

"Nay, exotic po ang pagka-handsome ni Austin. Si Tatay at ang mga kapatid ko, sobrang guapo. Ang dami ng nakikipagkaibigan sa'kin para lang mapalapit dyan sa dalawang mokong na yan dahil ang daming may crush sa kanila. Ang mga kaibigan namin na anak ng mga kaibigan nyo tulad nina Kuya Jomel, Kuya Aldrin, Kuya Christian. . . ang guguapo rin. Napapaligiran na ko ng guapo - nakakasawa na! Di ba mas exciting kung ang crush ko naman ay kamukha ni Ninong Edwin. Miss ko na kasi si Ninong Edwin eh!"

Mahirap palang maging guapo kasi ayaw ni Jem sa mga guapong tulad namin. Yung kamukha ni Ninong Edwin ang type niya. Buti na lang parehas babae ang anak ni Ninong - kung hindi baka - anak pa ni Ninong ang magustuhan niya. Sana mabago ang taste ni Jem paglaki namin.

End of Flashback

Jem POV

"Precious Jem, alam mo bang nalaman ni Austin na crush mo siya? Kaya sobrang yabang after nung play. Buti na lang hindi na kayo bumalik sa school noon." sabi ni Kuya Christian.

Hindi na nga kami bumalik noon sa school kasi may nakidnap na isang estudiante sa school at si Nanay ay ayaw nag pumayag na pumasok ulit kami. Nag migrate na kami sa Canada at don na nagpatuloy ng pag-aaral. Kauumpisa lang ng school don at halos patapos na kami ng grade 4 dito sa Pinas. Pinag-exam kami at matataas ang nakuha namin kaya sa grade 5 na kami inilagay. Yung French subject at History ng Canada lang medyo late kami kaya kumuha ng tutor si Nanay. Nung mag-grade 6 kami ay kami na naman tatlo ang nangunguna sa klase hanggang ngayon.

"Ang kulit kasi ng dalawang 'yan. Pinagkakalakasan crush ko si Austin." reklamo ko. Hindi ko naman talagang crush si Austin noh. Sinakyan ko lang ang pang-aasar nina JA at JR. At naniwala namna sila. Ha ha ha!

"Eh, bakit? Di ba tutoo naman, Sis! Lahat nga ng crush mo kahit nasa Canada na tayo, puro epic ang itsura! Ha ha ha!" pang aasar pa ulit ni Jonnel.

"Inggit ka lang, kasi mga unique ang itsura nila." binelat ko pa si Jonnel.

"Di bale na lang, Sis! May awa ako sa magiging mga anak ko! Kawawa naman ang magiging next generation ng lahi natin kung tutulad kami sa'yo ni Jomar!"

"Ewan ko sa'yo!" inirapanko ang makulit kong kakambal.

"Jem, tutoo bang tulad ni Austin ang type mong lalaki?" tanong naman ni Ate Davimmy.

Tinawanan ko lang sila. "Nothing wrong with that!"

"Say that again, when you see him now!" sabi ni Ate Marjorie. Sabay tawa pa.

"I think kasama nga siya sa 18th Roses ko. So, makikita ko siya ulit - I'm so excited!" Inilagay ko pa yung dalawang kamay ko sa dibdib ko at parang nangangarap. Magaling kaya akong umarte. Hahayaan ko silang mag-assume na ganong klase ng lalaki ang gusto ko.

May naging crush naman kaya ako. Pero baka hindi ko na ulit makita yon dahil sa Italy ko siya nakita last year pero alam kong Pinoy siya. Kahit may pagka antipatiko, he caught my attention. Ang dami kayang Pinoy all over the world - destiny na lang siguro kung magkita ulit kami.

Bago ko matulog, pagkatapos ng evening routine ko - hindi ko kinakalimutan ang magkuwento kay Precious. Umupo muna ko sa desk ko, ikinuha ang ballpen at binuklat ang mga pahina ni Precious.

3 July <Year>

My Precious,

It was a busy day today but a happy one! Being with our old friends feels me back home again. I missed them, it's been two years since we last saw them but we are still very close with each other. Reminiscing childhood is priceless. . . honestly, I already forgot about the first flower that I received - ngayon, naisip ko tuloy si JT. Kamusta na kaya siya? Na-excite tuloy akong makita ulit siya. My Precious, dito ko na lang sa'yo itatago itong pinatuyong orchids ko ha.

I'm very thankful for having a big brother like Kuya Jomel, buti pumayag siyang maging escort ko. He's so charming and sweet. Suwerte ang magiging girlfriend niya. Ooopppsss, I forgot to ask kung may girlfriend na siya? Sana tulad niya ang maging boyfriend ko!

Date Written: November 25-26, 2014 Date Published on Wattpad: 6 January 2015

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top