Two
Isang linggo matapos ang engkwentro sa labas ng building, naging usap-usapan ang lalaking nag-ngangalang, Vale.
Isang buwan na 'ko dito sa university na 'to pero ang seatmate ko pala ay Vale ang pangalan-- the badass
Hindi rin naman kasi ako interesado kahit kanino dito sa school. Kung mayro'n man, kay Prince lang. But anyway, hindi din naman kami madalas magkita dito sa school dahil iba ang schedule niya.
Naglalakad na 'ko palabas ng building nang tumunog ang phone kong nasa bulsa lang ng skirt ko. Oh, speaking of, it's him.
"Hm?"
"Hey, big sister! Pauwi ka na 'di ba? Could you buy me some apples sa market? Gagawa akong apple juice pag-uwi ko."
Huminto ako sa paglalakad. "Do it yourself,"
"Yeah, hindi ka naman marunong gumawa ng apple juice---"
"I mean you buy apple by yourself."
Narinig kong pumalatak ito, "Mean. Hindi ko ibabalik ang math book mo,"
Dahil sa sinabi niya, bigla kong naisip na kailangan kong idagdag sa aaralin ko ang math. Alam kong walang math subject ngayon semester pero gusto ko lang mag-advance bilang may solving problem na next sem.
"Fine,"
Wala akong choice kundi ang dumaan muna sa market place. Malayo-layo ito sa university, kaya namang lakarin kung hindi ka tamad kaya naman gano'n nalang ang ginawa ko tutal maaga pa.
Dahil alas singko na ng hapon, maraming tao ngayon sa market. Hindi na 'yun bago dito. Ang akin lang, masyadong magulo at maingay. Ito 'yung dahilan kung bakit ayoko rin sanang gawin ang inuutos ni Prince. Ayoko sa magulong lugar. Mas gusto ko pang tumambay sa library kahit buong magdamag pa ako doon.
Hanggang sa nakakita na ako ng mga nagtitinda ng prutas. Lumapit ako at kumuha ng limang apple saka binigay sa tindera. Iaabot ko na sana ang bayad ko nang may magsalita sa gilid ko.
"O, ate, 'wag mo na akong suklian."
Kusa akong napatingin sa gilid ko. Naaalala ko siya, siya 'yung lalaking usap-usapan dahil sa ginawa niya last time.
Siya rin ang seatmate ko na matagal nang hindi pumapasok.
Lumingon ito sa 'kin. Mula sa seryoso niyang mukha ay parang bahagya siyang nagulat sa akin.
Aalisin ko na sana ang mata ko sa kanya pero nakita kong tumingin siya sa uniform ko. Dahil do'n, umatras siya at bigla nalang nawala sa paningin ko.
What the hell...
"Haynako 'yong batang 'yon, iniwan pa 'yung binili niya." usal ng tindera na mukhang dismayado.
Aalis na sana ako nang bigla niyang inabot sa 'kin ang isang plastic ng pakwan. "Hija, pasensya na pero pwede mo bang ibigay 'to kay Vale? 'Yung lalaking umalis agad. Diretsuhin mo lang 'yan at sa unang kanto, may building ng apartment diyan, doon 'yon nakatira."
Namilog ang mata ko ng wala sa oras. Anong malay ko do'n?!
"P-Po...?"
Tumango ito at ngumiti, "Akyatin mo 'yung gaming zone sa apartment, ang alam ko nando'n 'yun lagi."
"Teka, hindi ko po siya kila---"
"Lucelle! Pabili naman ako nito, saka magbabayad na rin ako ng utang."
"O! O sige kumuha ka na diyan, kunin ko lang 'yung listahan."
Sa huli ay iniwan rin sa 'kin ang plastic na may lamang pakwan. Napapikit nalang ako sa inis. Ni hindi ko nga kilala 'yun kahit pa kaklase ko siya at seatmate. Ang alam ko lang, gangster siya at Vale ang pangalan niya.
Tss.
###
"Parang wala naman akong pinabili sa 'yong ganito? O baka naman trip mong kumain ng pakwan kasama ako?"
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Prince pagkauwi ko. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig dahil nauuhaw na 'ko sa layo ng nilakad ko. Ayoko naman ding sumakay ng bus, kaya ko naman lakarin.
"Tama! Pakwan juice nalang ang gagawin ko."
Kumuha ng malaking kutsilyo si Prince pero agad ko siyang tinawag. "Don't touch it, hindi sa atin 'yan."
"What do you mean?"
Huminga ako ng malalim saka kinuha ang pakwan na iyon at ibalik sa plastic, saka ko siya hinarap. Pakiramdam ko pag naaalala ko na ako ang magbibigay nito sa lalaking 'yun ay nasusura ako.
Mabuti nalang at medyo nababaitan ako sa tindera na 'yon.
"Ibibigay ko 'yan bukas sa kaklase ko. Naiwan lang sa 'kin 'yan," Pormal na tugon ko.
"Ga-Gano'n ba..."
Inilagay ko sa ref ang pakwan at nagsimula na ring maghiwa si Prince ng apple para sa gagawin daw niyang juice. Sakto naman at bumaba si Daddy sa hagdan na may kausap sa phone niya at mukha siyang problemado.
"Give me one month. Hihintayin ko lang ang padala ng asawa ko. Sa ngayon kasi ginamit ko 'yung pera para sa tuition ng mga anak ko..."
Napapansin ko na palaging may kausap si Daddy sa telepono at tungkol sa business ang pinag-uusapan, pero base sa mga narinig ko, puro problema ang mga 'yun kagaya ngayon.
Napatingin ako kay Prince nang bumuntong hininga siya habang naghihiwa pa rin.
"Hindi talaga ako sanay na nakikita si Daddy na ganyan. Malayo sa dati, nakikita ko na kung gaano siya ka-stress ngayon." Usal nito.
"Pansin ko din 'yun, pero bakit?" Curious na tanong ko.
Binaba ni Prince ang kutsilyo at tumingin sa kawalan. "Nalulugi na 'yung business natin na flower shop. Naiintindihan ko na hindi talaga mabenta ang bulaklak ngayong buwan pero... lugmok na sa utang si Daddy dahil sa mga deliver ng bulaklak. Hindi naman pwedeng hindi niya 'yun gawin, mawawalan ng porma ang shop kung makakalbo lang."
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko pansin na unti-unti na palang lumulubog ang negosyo nila Daddy.
"Pero 'wag ka mag-alala, ginagawan naman ng paraan ni Daddy 'yan para maging mabenta. Ma-diskarte kaya 'yang ama natin!" Peke itong natawa saka napailing. Binalik nalang niya ang sarili sa paghihiwa.
Hindi ko maiwasang malungkot. Nagbaba nalang ako ng tingin habang iniisip kung gaano na nahihirapan si Daddy. Samantalang alam ko naman na kumakayod din si Mommy sa ibang bansa para sa amin.
This is the reason why I want to strive hard in school.
Hindi ako tanga para malaman na hindi por que nasa rank 2 ako eh hindi na ako magkakaroon ng magandang buhay. Ang akin lang... ito lang ang maigaganti ko sa mga magulang ko.
Proud sila sa 'min ni Prince and we know that. Pero kung makakaabot ako sa rank 1, alam kong mas matutuwa sila. Isa pa, goal ko 'yun noon pa sa sarili ko.
Ito rin 'yung dahilan kung bakit wala akong kaibigan. Mas pinipili kong mapag-isa dahil ayoko ng istorbo. Ayoko ng may makulit. Ayoko ng may iniisip na ibang tao-- except sa pamilya ko.
Kung sinasabi ko sa sarili ko na focus lang ako sa pag-aaral, nando'n lang talaga ang atensyon ko.
After this, gusto kong magpatayo ng sarili kong business. Regalo ko 'yun sa mga magulang ko.
That's why I promised to myself that I can't let anyone interfere with my goal. Gusto kong grumaduate sa university na 'to na pangalan ko ang nasa rank number 1 at hindi nasa pangalawa.
Ayokong mawala sa matataas kong grades. Kaya naman ipagpapatuloy ko ang goal ko para sa pamilya ko, para sa satisfaction ko, at para sa future ko.
How I wish I would not meet that 'Huxley' this time and ruin my dream...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top