Twenty six
Isa't kalahating oras na akong nandito sa library at nagbabasa ng libro sa socsci pero... isa't kalahating oras na rin akong hindi nakakaalis sa iisang pahina nito. Hindi ko alam, hindi ako makapag-focus kahit na wala masyadong tao rito at wala akong kasama sa table.
Mayroon kaming long test mamaya, I should be studying hard para ma-maintain ko ang perfect score. Pero ayaw makisama ng sistema ko. I even had my coffee but still I'm out of my focus.
Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata. Kailangan ko ipahinga ng ilang saglit ang isip ko. Baka sakaling bumalik sa katinuan. Pero bigla nalang may pumasok sa isip ko...
"Just so you know, for us to be clear, I don't saved you just because I saw you or I like to." aniya, "It's Hershey's order. If she didn't ask me to, even if I saw that screwball doing dirty things to you, I wouldn't mind passing you by."
It's been three days since he said that straight to my face. Tumango nalang ako sa kan'ya noon at hindi na sumagot. Nakita n'yang lumuluha na 'ko no'n pero parang wala na 'yon sa kan'ya.
Mabuti nalang din at nanatiling lihim ang nangyari sa akin mula kina Prince at Papa. Napag-desisyunan naming tatlo na hindi 'yun babanggitin kahit kanino. Ayokong mag-alala ng husto sina Papa sa akin.
Hanggang ngayon, may nararamdaman akong sakit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung nasaktan lang ako dahil naging choice n'ya lang ang pagsagip sa 'kin or nasaktan ako dahil wala na siyang nararamdaman sa akin.
Ayoko siyang maging kaibigan dati kaya pinapalayo ko siya. Pero noong lumayo siya, hindi ko alam kung bakit parang nadidismaya ako.
Wala akong ideya kung ano ba talaga ang mayroon sa akin para maramdaman ko 'to. But one thing's for sure...
I'm fucking hurt.
Dumilat ako at pinunasan ang nakatakas na luha sa mata ko. Kumunot tuloy ang noo ko at nainis. Bakit ba ako umiiyak?! Sinasayang ko lang ang luha ko, e! Tapos na 'yon!
Dahil pakiramdam ko wala na ako sa mood mag-aral pa, pinasok ko ang mga gamit ko sa bag at tumayo. Babalik na 'ko sa room, baka ma-late pa ako at ayoko no'n.
Habang naglalakad ay pilit kong tinatanggal ang mga 'yon sa isip ko. Nag-iisip ng maganda, pero kusang sumisiksik iyon sa utak ko. 'Yung tibok ng puso ko? Tumitibok siya in a painful way.
Sakto no'n ay napahinto ako. Nakita ko na naman si Vale at Hershey na magkasama at naglalakad. Mukhang may masaya silang pinag-kwe-kwentuhan. I even think they looked like a couple. Kung hindi mo sila kilala personally, 'yun ang una mong iisipin.
Bigla na lamang lumingon si Vale sa direksyon ko kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin. Nagmadali akong lumakad. I'm sure of it, he saw me looking at them.
###
Suot ang olive tuxedo ramper suit na tinernuhan ko ng chunky heel brown ankle boots-- tumitig ako sa malaking salamin na nasa harapan ko. Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang mata kong pagod mula sa pag-aaral, at pagod dahil sa pag-iyak.
Ngayong gabi ay uuwi na si Mama galing ng ibang bansa. Sabi nila, isang linggo lang daw ang pananatili niya rito dahil sa trabaho niya sa ibang bansa. Hindi naman sa 'min big deal 'yon, ang importante naman ay makakasama namin siya ngayong gabi sa isang family dinner. Iyon ang dahilan kung bakit pinaghandaan ko rin itong gabi na 'to.
Ayon kay Hershey, bukas na ang flight ni Vale patungong hawaii.
Masyadong mabilis? Exactly. Ilang araw nang nagdaang araw simula noong insidente na nangyari sa 'kin. Dalawa? Tatlo? Hindi ko na maalala. Iyon 'yung sinasabi niya sa akin na aalis na siya-- and I consider that as saying goodbye.
Ilang araw rin kaming walang pansinan. Sobrang kaswal lang. Parang balik sa dati. Ang kaibahan lang, pakiramdam ko sarili ko na mismo ang gustong lumapit sa kan'ya. Pag lumapit naman ako, ano namang sasabihin ko? Hanggang ngayon kasi, hindi ko mapagtanto kung ano ang eksaktong nararamdaman ko sa kan'ya.
But one thing's for sure...
I'm sick and tired of being ignored by him-- the pain never gets out, and everytime I saw him, just the presence of him, makes my heart break and fall into pieces.
Dalang-dala ako sa nangyari sa akin noong nakaraan e. 'Yung time na nag-usap kami, parang sinaksak ako literally. Hindi ko alam kung bakit apektado ako masyado.
Maybe because he has finally moved on? Or the thought of falling apart on me that instant?
I heaved a deep sigh-- clearing out the thoughts. I can't let the sadness eat me this night. I'm gonna meet my mom.
Dahil aalis na siya bukas, I don't have any reason to talk to him. Pipilitin kong ibalik ang dating ako. 'Yung walang pakialam sa iba, walang interes sa ibang tao at puro pag-aaral lang ang gagawin. Anyway, I don't want any commitments. It's complicated.
Narinig ko ang tatlong magkakasunod na katok ni Prince sa pinto ng kwarto ko. "Ate, we're leaving. Are you done?"
Hinawi ko ang mahaba kong buhok at pilit ngumiti sa salamin. Forget him, Paige. Starting tomorrow, live as how you live before. Forget that dumb! Ani ng isip ko.
"Yeah," I nod to myself, "Goodbye, Vale."
###
"Wow. Just wow!" Bulalas ni Prince nang makapasok kami sa loob ng restaurant. "Dito talaga tayo kakain?!"
Hindi ko siya masisisi, sobrang ganda ng restaurant na maging ako ay ngayon lang nakakita ng ganito. I bet this is exclusively for high standard people especially elites.
We're here at Ministry of Crab, Manila, here in BGC in Taguig. Can't deny, sa labas palang ang dami nang magagandang restaurant ang makikita. Nagkalat ang mga mayayaman lalo na ang mga ibang lahi.
Sumunod kami kay Papa nang maglakad siya papuntang gitna. Doon namin namataan si Mama na nakaupo at nakangiting hinihintay kami.
Paglapit namin ay saka niya kami sinalubong ng yakap at halik. Noong maramdaman ko ang yakap niya, pakiramdam ko gusto kong umiyak sa hindi ko malamang kadahilanan. Hindi naman ako ganito kapag umuuwi siya dati.
"Hershey... Kamusta ka sa kanila?" Tanong niya rito nang makaupo kami.
Ngumiti naman ito. "Masaya po. Lalo kaming nagkasundo magpipinsan na hindi namin nagawa noon."
"I'm glad to hear that. That means sobrang close na kayo ni Paige?"
Tumingin sa 'kin si Hershey, na nasa mismong harapan niya. Katabi ko si Prince habang katabi ni Hershey si Mama. Si Papa ang nasa gitna.
"Yes, we're close naman po."
Ngumiti nalang ako ng sapilitan. As if naman close talaga kami.
Nag-order na ng pagkain si Mama para sa amin. Nagsimula na ring magkamustahan ang iba, kwentuhan at tawanan. Habang pinipilit ko talagang makipag-komunikasyon sa kanila kahit na tinatamad akong magsalita at gusto ko lang na kumain ng tahimik.
Maya-maya ay nakita kong tinapat ni Hershey ang phone niya sa kan'yang tenga. Bahagya niya pang hininaan ang boses pero hindi 'yun nakawala sa pandinig ko.
"Hey, Vale," aniya, "Oo. After nito makikipagkita ako sa 'yo. Nandito kami sa Ministry of crab, manila sa BGC. Puntahan mo 'ko, ah?"
And I was like... WHAT THE FUCK?!
I remember Vale told me that Hershey is just a friend. Pero bakit iba ang pumapasok sa isip ko? Is he just bluffing?!
"A-Ate, bakit ang sama ng tingin mo sa pagkain ni Hershey? Gusto mo ba 'yan?" Rinig ko ang mahinang saad ni Prince.
Tinapunan ko lang siya ng tingin saka umiling. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Wala ako sa mood para sagutin siya sa walang kwentang konklusyon niya.
Ilang minuto akong tumahimik at nakikinig lang sa pag-uusap ng pamilya ko. Minsan ay pilit akong ngumingiti kapag tumitingin si Mama. Kahit papaano, pinapakita ko sa kan'ya na masaya ako dahil nandito siya. Pero pilit akong kinakain ng inis dahil sa narinig kanina.
Biglang tumayo si Hershey at nakangiting nagsalita. "Tita, Tito, pwede po bang mauna na ako? Parating na 'yung kaibigan ko at may pupuntahan lang kami. Magpapahatid nalang po ako sa kan'ya."
"Gano'n ba? Baka gusto niyang kumain papasukin mo muna kaya dito?" Suhestiyon naman ni Mama.
"Naku, hindi na po."
"Sige, mag-iingat ka ha?"
"Opo, mauna na ako." Tinanguan niya ako at si Prince senyales ng pagpapaalam at pagkatapos ay tuluyan nang lumabas.
Napabuntong hininga ako. Si Vale ang kikitain niya.
"Siguro si Vale 'yun? Boyfriend niya na yata 'yon e." Anas ni Prince habang naghihiwa ng pagkain.
"Sinong Vale naman 'yun?" Tanong ni Mama.
"Mabait 'yun. 'Yun nga ang pumakyaw ng mga bulaklak natin e. Pero akala ko boyfriend ni Paige 'yun. 'Yun pala boyfriend ni Hershey," Litanya naman ni Papa.
"Pinakilala na ba sa 'yo?"
"Hindi pa. Pero hintayin lang natin. Napapansin ko naman 'yun lalo kapag nasa bahay si Vale."
"Ah, so sweet pala? Ikaw ha! Kontrolin mo 'yang si Hershey. Baka saktan lang siya no'n!"
"Love, hindi pa naman natin confirm. Hayaan muna natin sila at darating din na magpapakilala 'yon bilang nobyo n'ya."
Doon ko naibagsak ang kutsara't tinidor na hawak ko sa mismong plato ko dahilan para mapahinto sila sa pag-uusap at tumingin sa akin.
"Ate..."
"Paige, ano nangyari sa 'yo?"
Binuka ko ang bibig ko para sana magsalita, pero wala ding lumabas rito. Kaya naman umiling ako at pilit na ngumiti. "Naalala ko kasi, malapit na ang finals namin. Gusto kong mag-advance reading tungkol do'n."
"Ate, dalawang linggo pa. Ang oa mo naman," Kontra ni Prince.
Tumayo ako at nagpaalam. "Restroom lang ako,"
Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Umalis ako sa pwesto at dumiretso sa exit ng restaurant. Wala talaga akong balak mag-cr dahil ang hanap ko ay si Hershey.
Naglakad ako ng medyo malayo sa restaurant. Pilit siyang hinahanap. Hanggang sa matanaw ko siya sa tapat ng isa pang restaurant. Nag-ce-cellphone at mukhang may hinihintay.
Malamang ay si Vale.
Habang nakatingin ako sa kan'ya, doon ko lang napagtanto na kusa nang lumalakad ang mga paa ko palapit sa kan'ya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kan'ya kung ba't nandito ako pero may gusto akong ma-kumpirma.
Nang makatapat na ako sa kan'ya ay nagtataka siyang tumingin sa akin. Tila iniisip kung bakit ko siya sinundan gayong alam n'yang hindi ako ganitong tao.
"May kailangan ka, Ate Paige?" Tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Walang emosyon lang akong nakatitig sa mata niya.
"Ate... b-bakit?"
"I just want to confirm something," Mabilis na anas ko.
"Ano 'yun?"
Alam ko sa sarili kong hindi ako ganito. Wala nga akong pakialam sa iba e. Pero noon 'yon... ngayong nakatayo ako sa harapan n'ya, gusto kong sagutin n'ya ang tanong ko opposite from my thoughts.
"Ka-Kayo ba ni Vale?"
Nakagat ko ang dila ko. Bakit ba ako nautal doon?!
Kita ko ang gulat sa mata niya. Iniisip niya siguro kung bakit ko natatanong 'yon. Knowing my personality, for sure she's now wondering.
"Bilisan mong sumagot," Pilit kong tinatagan ang boses ko.
Napakurap-kurap siya at tila bumalik sa wisyo. "Anong klaseng tanong 'yan? Syempre hindi."
"Hindi?" Ulit ko.
"Hindi." saka siya umiling. "Alam natin parehas na ikaw ang mahal n'ya."
Dahil doon, bigla akong nakaramdam ng dagdag inis sa loob ko. Bakit niya sinasabi 'to? Hindi ba't may gusto siya ro'n?! Natatakot lang ba siya dahil kaharap n'ya ako?!
"Don't lie. It came from his mouth that he hadn't feel any love interest for me anymore. From the way you act together, I guess the answer to my question is yes. Why bothering to lie?" May halong inis na bulalas ko.
Nagulat siya. "I didn't!"
"Yes, you are!"
"Magkaibigan lang kami, Ate Paige. Saka, hindi 'yun sasabihin ni Vale dahil ikaw ang mahal n'ya. Sinabi ko na 'yun sa 'yo dati, hindi ba?"
"That was before!" Banat ko, "Hindi naman ako magagalit, ah? Bakit ba mahirap sabihin na kayo na? Kung gusto ka niya, then go! I won't stop you. Gusto ko lang naman malaman ang totoo para alam ko sa sarili ko na may pagbabasehan ako na kalimutan na siya at pigilan ang sarili kong mahulog sa kan'ya! Gusto ko lang naman itaga sa sarili ko na tama na, 'wag ka nang masaktan! Sila na! Magka-relasyon na sila! Gano'n lang, Hershey! Kasi ang hirap dito e," turo ko sa puso ko, "Sobrang hirap ng ganitong pakiramdam. Humihilab kasi 'yung puso ko..."
Doon ko lang napagtanto na kanina pa pala tumutulo ang luha ko. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan kami, hindi ko na kaya itago e. Ito pala talaga ang nararamdaman ko.
I'm falling for that kind of guy.
The shock was written in Hershey's face. Can't blame her, this is not the Paige she knows.
"Ilang beses kong tinanggi sa sarili ko 'to. Unang beses ko 'tong maramdaman sa isang tao at hindi ko alam kung bakit sa kan'ya pa. Kapag nakikita ko kayong magkasama at masaya, pinagsasa-walang bahala ko lang noong una. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ngayon nasasaktan na ako!" Naikuyom ko ang dalawang palad ko at pinatong sa dibdib ko. "A-Ayaw kasing tanggapin ng utak at puso ko kahit nakikita ko na e. Gusto ko kasing marinig mula sa 'yo, kasi sabi n'ya hindi na n'ya ako mahal. Gusto kong... patunayan na tama ako para tumigil na ako."
Hindi pa rin siya makapag-salita. Naiintindihan ko 'yon. Pero atleast, nailabas ko na ang saloobin ko-- masakit nga lang.
"We... we are---"
"So, you finally realized?"
Tila natigil ako sa paghikbi ng marinig ang tinig na 'yon. Nanggaling 'yun sa likuran ko, gayunpaman, pakiramdam ko kinakain ako ng hiya at ilang.
Does it mean he heard everything?
Nakita ko ang pag-kalma ng mukha ni Hershey. Saka n'ya ako hinawakan sa balikat. "Yes, I like him." saka siya ngumiti, "But I know my limits. He belongs to you since at the beginning. Pero ikaw lang 'tong matigas. Lahat ng sinabi n'ya sa 'yo no'ng time ng nasa kapahamakan ka, that was all a lie. And I can prove you that,"
"W-What...?"
Tumango siya sa 'kin, "The answer is right after you," saka siya tumingin kay Vale na nasa likuran ko lang. "Cancel muna, Vale. Take her somewhere and make her to stop crying. Heal her heart and make her smile before she go home. Tell her the truth and don't ever dare to act so cold on her!" Umatras siya at kumaway sa amin, "Oh! Take her home safely, too! Bye!"
Tumalikod siya at tuluyan nang umalis sa harapan namin.
Now it's just me and him in middle of the crowd.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top