Twenty seven
Kung kailang nasabi ko na ang totoong nararamdaman ko, saka ko naman gustong tumakas at lumayo. Pilit kong tinatanggi sa sarili ko noon ang nararamdaman ko para sa kan'ya dahil ayoko ng ganito-- ayokong magulo ako sa pag-aaral dahil gusto kong makuha ang matagal ko nang pangarap.
Ilang segundo na ang lumipas nang makaalis si Hershey sa harapan ko pero hindi ko pa rin nagagawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Para akong nanigas at parang naduduwag akong harapin ang taong nasa likuran ko. Ito 'yung taong pinapalayo ko... pero ngayon ay iniiyakan ko.
Mariin akong pumikit at naramdamang tumulo ang mga luha ko sa pisngi. Naikuyom ko rin ang kamao ko. Iyon lang ba ang sasabihin mo, Vale? Bakit ayaw mong magsalita?
Hanggang sa hindi ko na natiis. "Sinabi ko lang---"
"Don't say anything, just follow me." Maotoridad n'yang litanya nang putulin nito ang sinasabi ko.
Dumilat ako at liningon siya pero nakatalikod na ito at nakapamulsang naglalakad palayo sa 'kin. Wala akong nagawa kung 'di ang mapakagat nalang sa labi at sundan ang yapak n'ya.
Habang naglalakad ay iniisip ko ang sarili ko. Hindi ako ganito. Kahit kailan, hindi pa 'ko napapasunod ni Vale. Pero ngayon, isang sabi lang n'ya ay kusa na akong tumatango.
I'm not the old Paige Danielle anymore... this is something odd about me.
Makalipas ang ilang sandali ay napagtanto kong malayo na kami sa mga tao. Kakaunti nalang ang mga nag-dadaan at nasa tapat din kami ng isang kilalang brand store. Huminto siya at nanatiling nakatalikod sa 'kin. Hanggang sa marinig ko ang malakas na buntong hininga n'ya.
"Damn you, Paige..."
Mahina ngunit dinig kong aniya.
Hindi naman ako nagsalita. Bagkus ay napatitig nalang ako sa likuran n'ya.
I understand him... so it's okay.
"You're really a bitch. Damn it, woman!" Saka ko siya nakitang lumingon sa akin gamit ang matalas na tingin n'ya. "Fuck,"
Lumunok ako at inipon ang lakas ng loob para magsalita. "Whatever, Vale. Everything you heard was true."
"Bakit ngayon mo lang na-realize kung kailang aalis na 'ko? Gusto mo ba talaga akong sirain?!" Galit na aniya.
Bahagya akong nagulat doon. Hindi naman siya sumisigaw pero nasasaktan ako.
"I remember you told me that I'm a distraction. You even disclose me by saying I'm your enemy. Then suddenly you're confessing your feelings through me?!" He massage the bridge of his nose, making himself calm. "What the hell, Paige?! Just what the hell,"
Naiintindihan ko ang galit n'ya. Sino nga naman ba ang matutuwa sa gano'n, 'di ba? Pagkatapos kong saktan ang damdamin n'ya at palayuin siya, heto ako at umaamin ng nararamdaman.
"I'm... I'm sorry." 'Yun nalang ang nasabi ko. Nararamdaman ko kasing patulo na naman ang luha ko.
Tinignan ko siya sa mata. Salubong ang kilay n'ya habang nakahawak ang isang kamay sa bewang n'ya. Sa postura palang, makikita na ang galit sa kan'ya.
"Hindi ko naman alam e. I-I'm not even aware of this feelings. I just realized it the moment I heard Hershey's talking to you through phone. Hi-Hindi ko naman alam na sasabog ako do'n! So, I'm sorry! I really am." Doon na nagsimulang bumagsak ang mga luha ko.
Naiinis ako sa sarili ko. Hindi talaga ako 'to. But who cares? I can't control myself.
"Tell me... are... are you lovers?"
Mabigat para sa akin na tanungin 'yan. Sinabi na n'ya sa akin noon na magkaibigan lang sila. Gano'n din si Hershey. Pero para sa 'kin dahil sa mga nakikita ko, ang hirap kasing paniwalaan. Hindi naman malabong magkagustuhan sila, e. Baka kagaya ko, in denial pa sila.
Titig na titig ang mga mata ko sa kan'ya. Gusto kong malaman ang totoo kung may gusto na ba siya sa pinsan ko kahit narinig ko na mismo kay Hershey na ako ang mahal nito.
But I just wouldn't believe her until he tells me the truth.
"What if I say yes?" Aniya.
Tila tumigil ako sa pagluha. Tumigil ang buong sistema ko, pwera nalang sa lakas ng tibok ng puso ko dala ng kaba.
Pero ilang sandali lang ay nanlabo na naman ang mata ko, senyales na gusto na namang bumagsak ng mga luha ko.
Vale put his both hands inside his pocket and managed to calm down. His cold stare is making me fucking hurt.
"Supposedly, we we're going to have a date tonight before I leave tomorrow. But you came out of the picture."
Dahan-dahan kong naramdaman ang pagkunot ng noo ko. So, Hershey was lying.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga narinig mula sa bibig n'ya. Gusto kong magwala. Gusto kong lumuhod at makiusap na ako nalang, ako nalang ulit. Pero hindi pwede dahil... masyado nang nakakahiya ang gano'n.
Ayokong magmukhang kawawa. Pero ngayong wala pa akong ginagawa, mukha na akong kawawa.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at sobrang pinipilit ko ang sarili na humagulgol. Nagsisibagsakan na rin ang luha sa mata ko. Gayunpaman, sinikap kong makipagtitigan sa kan'ya habang lumuluha. Gusto kong ipamukha sa kan'ya na, "Nasasaktan ako, tama na..."
"In fact, I really treasure this..."
Tinaas n'ya ang kaliwang kamay, at nakita ko doon ang itim na bracelet na pinakita noon sa amin ni Hershey na gawa daw n'ya. Naaalala ko, sinabi n'ya ginawa n'ya 'yun para kay Vale.
"And I really care about her," Sabi pa nito. "She's kinda' sweet and I'm liking it. I swear I'm gonna miss her when I lea---"
"Stop," matigas kong saad.
Pero nagpatuloy pa siya. "Besides, she already confessed her feelings and I'm flattered upon---"
"Please stop,"
"I never thought somone like her would fall for someone as badass as me, and I love the way she---"
"I SAID STOP!" Naitakip ko ang dalawang kamay ko sa bibig at do'n humagulgol. Napayuko na rin ako at naging tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng luha ko.
Hindi n'ya man lang ba napapansin na nasasaktan na ako at salita pa rin siya ng salita? Pinupuri n'ya masyado ang babaeng pinagseselosan ko. Para n'ya akong sinasaksak ng harapan.
"Stop it, please..." Bulong ko sa kalagitnaan ng paghagulgol ko.
Halos gusto ko nang mapaluhod. Nanghihina ako. Hindi ko alam kung tama ba na nasabi ko ang nararamdaman ko dahil sa sitwasyon ngayon, nasasaktan ako ng sobra-- sobra sobra.
"But you know..."
Gusto ko siyang itulak nang magsimula na naman siyang magsalita pero maswerte siya at wala na 'kong lakas para gawin pa 'yon.
"The most surprising thing is... the moment you realized you love me. I was astound with what I've heard-- and I'm glad to know that." Pagtutuloy n'ya pa.
Tumigil ako at natulala sa sahig. Anong sabi n'ya?
Dahan-dahan lumapat ang mga mata ko papunta sa mukha n'ya at nakita kong sobrang kalmado nito at bahagyang nakangiti sa akin.
'Yun 'yong ngiti n'ya sa akin na ang tagal kong hindi nakita...
"W-What..." Sa sobrang kagulatan sa narinig, naiwang nakabukas ang bibig ko at hindi na nasabi ang dapat sabihin.
"I was waiting for that, Paige. Everything I said earlier, was just a lie." Mababang aniya.
Still, I can't believe it.
"Because the truth is... I'm restraining myself to do something against your will. I'm keeping myself away from you because that's what you want me to do, right? And it hurts me so much to see other people pestering and harassing you. But I had no choice but to keep it to myself and act cold."
That reminds me a lot of things. Acting cold, and pretending he doesn't care at all.
"Now say it again..." Bigkas nito habang naglalakad ng mabagal palapit sa 'kin. "Say you love me, Paige. Say it,"
Napalunok ako nang huminto na siya sa mismong harapan ko. Sobrang lapit n'ya sa akin. Ilang pulgada lang ang layo n'ya sa mukha ko at kinakabahan na ako. 'Yung puso kong matigas noon, biglang lumambot nang hindi ko man lang namamalayan.
"I..." Pinunasan ko ang basa kong pisngi, "I want you to ruin my life again... I want you to stay... because I love you, Vale."
Sa wakas, harap-harapan ko na ring nailabas sa kan'ya ang totoo kong nararamdaman. Diretso sa kan'ya, diretso sa puso n'ya.
His lips formed into a sweet smile. "I love you too," sagot n'ya.
Namulsa siya at dahan-dahan lumapit sa 'kin at ang akala ko ay hahalikan n'ya ako nang... iba ang maramdaman kong ginawa n'ya.
He sensuality licked the side of my neck.
Nang makalayo siya, nginisian ako nito. "How sweet of you," he huskily said.
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam ang dapat na reaksyon ko dahil una, akala ko ay hahalikan n'ya ako matapos ang aminan namin. Pero tignan mo, pinakitaan n'ya ako ng kakaiba.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at inis siyang tinulak. Agad naman siyang natawa na akala mo e nakakatuwa ang ginawa n'ya.
"Asshole!" Singhal ko.
"What?" Natatawang tanong nito.
"Aso ka ba?! Bakit mo 'ko dinilaan?!"
"Because you're the only one I want to lick, kiss and feel. No one else,"
Damn it! Sa kabila ng pag-iyak iyak ko, heto at natahimik ako sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung kinikilig na ba ako o naiinis ako sa sinasabi n'ya.
Magsasalita na sana ako nang hapitin ako nito sa bewang palapit sa kan'ya. Nagdikit ang katawan namin saka ko naramdaman ang mainit na yakap n'ya na ngayon ko lang naramdaman.
This... this feeling is so good.
"Do you want me to stay?" Bulong n'ya.
Tumango ako at napapikit. Hindi ko na rin napigilan ang mga kamay ko na kumapit sa kan'ya.
"Then let's meet tomorrow. Let's have a vacation somewhere far from here. Me and only you,"
Hindi na ako sumagot at napangiti nalang. Does this mean he's now gonna stay for me? Wala na yata akong pakialam kung hindi na 'ko maging rank 1. Ang importante, hindi ako aalis sa ranking, at nasa piling ko si Vale.
That's the most important thing right now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top